Download App
96.89% FLOWER OF LOVE / Chapter 125: CASE SOLVED

Chapter 125: CASE SOLVED

Nagbago ang isip ni Dixal. Sa halip na magpunta sa kulungan para makipag-usap sa lolo ay sumama ito kay Flora Amor na magpunta sa school ni Devon para sunduin ang anak.

"Dixal, malapit na ang pasko. Hindi ka ba talaga makikipag-usap sa lolo mo?" untag niya sa katahimikan habang nasa parking area sila ng eskwelahan ni Devon at inaantay ang batang lumabas mula sa room nito.

"Ano pang dahilan para kausapin ko siya? Lalo lang akong namuhi sa natuklasan ngayon. Pakiramdam ko hindi ko kaanu-ano at hindi siya ang ama ng Papa ko. Magpapasalamat pa nga seguro ako kung sasabihin sakin ni Mama na hindi siya ang ama ng Papa ko." malungkot na wika nito habang nakatingin nang deretso sa labas ng sasakyan.

Hinawakan niya ang braso nito.

"Matuto kang magpatawad kahit na mahirap lalo na't pamilya mo siya. Ang mahalaga ay nasa kulungan na ang lolo mo at di namakakagawa ng kasamaan." Payo niya rito.

Bumaling ito sa kanya.

"Amor, bakit ba ang bait mo sa tao?"

Napangiti siya.

"Ayuko lang magtanim ng galit sa kapwa ko. Yun ang sabi ni Mama sakin." sagot niya.

Kinabig siya nito at hinalikan sa noo.

"Kaya seguro mahal na mahal kita. Pinalambot mo ang matigas kong puso." usal nito.

"Asus, di naman matigas ang puso mo. Mas malambot pa nga ang puso mo sakin. Ayaw mo lang aminin." biro niya rito.

Marahan itong tumawa.

"Oh, si Devon. Lumabas na sa room nila." Anya at agad na binuksan ang pinto saka lumabas ng sasakyan at sinalubong ang anak na agad naman siyang nakita.

"Mommy!" tawag nito at patakbong lumapit sa kanya.

Natatawa siya habang pinagmamasdan ang papalapit na anak. Halos lahat ata ng mga kaklase nito sa grade six ay matatangkad, o sadyang maliit lang ang kanyang anak sa edad nito.

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mapupunta sa grade six ang batang to pagkatapos lang ng second sem sa grade two.

Kakargahin niya sana ito nang makalapit na sa kanya nang lumingon ito sa paligid.

"Mom, i'm not a kid now. Ilang months lang from now, i'm gonna be a kuya na. I'm already a big boy Ma." anito sa kanya.

Natatawang ginulo na lang niya ang huhok nito saka hinawakan ang maliit nitong kamay at ipinasok sa loob ng sasakyan sa tabi ng ama. Siya nama'y sa likuran na ng mga ito naupo.

"How's today's lesson kiddo?" tanong agad ng ama nang makapasok ang bata at kinakabitan ng seatbelt.

"Fine po Daddy. I missed you." sagot ng bata saka humalik sa noo nito.

Gumanti din ang ama't ganun din ang ginawa.

"May pasalubong na uli akong shrimps at books sayo." anito.

Napapalakpak ang bata sa tuwa.

"Yehey!"

Natatawang ginulo ni Dixal ang buhok ng anak at hinintay ang kanyang mga kapatid at isinabay na ang mga ito sa pagsundo na duon din nag-aaral sa school ni Devon ngunit sa ibang building naman ang mga to medyo malayo sa building ng bata.

Nagulat pa ang dalawang magkasamang naglalakad sa oval nang makita siyang lumabas sa sasakyan at kumaway sa mga ito.

Nagtakbuhan na rin ang mga itong lumapit sa kanya.

"Ang ganda naman ng kotseng to." bulalas ni Pearly sabay pagpag sa malambot na upuan ng kotse.

"Ang yaman ng Papa mo, Devon. Pabili nga din ako kay Kuya Dixal ng kotse para may naghahatid-sundo samin." dugtong nito habang nakipagsiksikan sa hulihan katabi niya at ni Precious na bunso nilang kapatid.

Napalakas ang tawa ni Dixal sa sinabi ni Pearly, saka pinaandar na ang sasakyan at umalis na duon.

Ang saya ng mga batang nagkukwentuhan habang nasa loob ng kotse na parang magbabarkada lang, di tulad ng ibang magkakapatid na nag-aaway-away.

Napapahagikhik na lang siya habang nakikinig sa Harutan ng mga ito, naaalala ang kabataan nila ni Harold at Hanna.

Hindi nila naranasan noon ang gantong buhay na tulad ng nararanasan ng mga kapatid ngayon.

Dati, tsinelas lang ang suot nila ni Harold sa pagpasok sa eskwelahan. Tsinelas na nga, butas pa yung pwetan. Wala silang bag noon, bitbit lang nila ang kanilang mga kwaderno. Pagkatapos sa eskwelahan ay diretso na sila sa kanilang bahay, mag-iigib ng tubig sa balon na sampung metro pa ang layo sa kanilang bahay pero matyaga lang talaga sila sa pag-iigib ng kapatid. Si Hanna pa ang tagabantay noon kina Maureen at Lizzy habang ang ina nila ay gabi na umuuwi ng bahay pagkatapos sa palengke at ang ama noo'y kada sabado't linggo lang umuuwi galing sa trabaho sa manila na akala niya'y totoo yun pala may kinakasama na itong iba duon.

Kay sarap balikan ng alaala ng kanilang kabataan habang nasa Bicol pa sila. Duon simple lang ang buhay, wala silang problema kahit simple lang ang kanilang pagkain noon, laging talong ang ulam, kundiman ay itlog o di kaya'y tuyo. Kasi minsan lang silang mag-ulam ng noodles at mahal na yun para sa ina.

Ngayon, natatawa na lang siya pag naaalala ang kanyang mga kamangmangan at kainosentehan noon.

Tinatawanan na lang din niya ang hirap ng buhay na pinagdaanan niya bago narating ang buhay na merun siya ngayon.

"Mommy, ano pong iniisip niyo, bakit humahagikhik kayong mag-isa?" usisa ng anak na nakatitig pala sa kanya sa rearview mirror.

"Wala anak. Naaalala ko lang ang buhay namin noon. Pumapasok kami sa paaralan na kamote lang ang baon tapos tig-isa kaming tuyo ni Pappy mo at ni Tita Hanna mo." kwento niya sa bata.

"Nakakaawa naman kayo ate. Kami nga, kaldereta ulam namin kanina ni ate Pearly." ani

Precious.

"Kaya dapat magsikap kayong mag-aral ngayon kasi kami noon mas mahirap ang buhay na pinagdaanan namin pero nagsikap kami sa pag-aaral ni Kuya Harold niyo." payo niya sa mga to.

Nagsitango naman ang mga to. Sa totoo lang wala namang matalino sa kanilang magkakapatid maliban kay Harold. Nadadaan lang talaga nila sa sipag sa pag-aaral kaya hindi sila nakukulilat sa mga grades nila lalo na ang mga nakababata niyang kapatid. May oras ang panonood ng mga to ng tv, may oras din sa paggamit ng lappy at phone. Hanggang alas otso lang ang itinutulot ng ina nila sa paggamit ng mga gadgets. After 8, dapat nakalagay na sa isang basket ang phone ng mga to at ibibigay na sa kanilang Mama maliban na lang kina Maureen at Hanna dahil ginagamit ng mga to ang phone sa pag-aaral at pagreresearch. Sa umaga lang ibabalik ng ina ang mga gadgets nito para madala sa paaralan.

Kaya nga hangang-hanga siya sa ina. Sa pito nilang magkakapatid, walang naging blacksheep sa kanila, kung merun man, siya yun.

Napangiti siya sa naisip.

Pagkahinto lang ng sasakyan sa tapat ng bahay nila'y nag-unahan nang lumabas ang dalawa at nagtakbuhan na uling pumasok sa loob ng bahay, ang ina agad ang tinawag.

Si Devon naman ay di humiwalay sa ama. Di tulad sa ibang batang lalaking mas malapit sa ina, si Devon, mas malapit ito sa ama, seguro'y dahil kelan lang nagkita ang dalawa.

Di maalis ang mga ngiti niya sa labi kahit nung makalabas na ng sasakyan nang pagbuksan ni Dixal habang karga ang anak.

Ayaw nito magpakarga sa kanya kasi daw big kuya na ito pag lumabas ang kapatid nito. Pero sa ama naman nagpakarga. Alam niyang alam nitong buntis siya at bawal na sa kanya magbuhat ng mabibigat. Seguro'y nagbasa na ito ng mga libro tungkol sa pregnancy. Hindi na siya magtataka pa kung gawin nga ito ng anak. Sana lang walang maging masamang epekto ang sobrang katalinuhan nito pagdating ng panahon.

Hinawakan siya sa kamay ni Dixal at inalalayang pumasok sa bahay ngunit pagpasok pa lang ay mukha ng ama ni Anton ang agad niyang nasilayang nakatayo sa may sala kaharap ang ina at si Ricky.

"Ma, anong ginagawa niyan dito?" matigas niyang tanong sa inang di agad nakapagsalita.

"Anak, may ibabalita lang sila sa inyo ni Dixal." ilang segundo ang dumaan bago ito nakasagot.

"Ma, ang lalaking yan ang pumatay kay Papa. Bakit mo siya hinahayaang makaapak sa pamamahay na to? Ginamit niya ang pagkakabaril kay Papa para umangat ang kanyang posisyon sa NBI." panghuhusga niya sa director.

Lumapit na ang ina sa kanya at kinausap siya nang sarilinan sa isang tabi habang si Dixal ay lumapit sa dalawa at nakipagkamay sa mga ito pagkatapos ay bunalik na uli sa labas karga pa rin ang anak at pagbalik sa loob ay may bitbit nang supot saka dumiretso sa kusina. Ilang minuto ang dumaan bago ito bumalik sa sala para kausapin ang mga bisita habang karga pa rin si Devon.

"Anak, mali ka ng pagkakakilala sa kanya. Hindi siya ganung klaseng tao." katwiran ng ina sa kanya.

"Ma, nakalimutan mo na ata ang nangyari kay Papa. Siya ang dahilan kung bakit namatay si Papa." matigas niya pa ring sagot dito.

"Anak, hindi niya yun sinadya. Kung hindi niya yun ginawa, baka wala na ang Mama mo ngayon, baka matagal na akong patay kasi kakagatin na ni Fernan ang leeg ko nun para sisipsipin ang dugo ko kung di dumating si Paul. Hindi mo nakita kung panong naging ala zumbie ang Papa mo dahil sa ipinainom na druga ng magkapatid na Randall sa kanya. Walang may gusto sa nangyari anak." paliwanag ni Aling Nancy.

"Ma, makinig ka. Masama ang ugali ng lalaking yan. Mapagsamantala siya sa kabaitan ng mga tao sa kanya, hindi mo siya dapat pagka---"

"Siya ang matagal ko na ring bodyguard, Flor. Obligasyon niyang iligtas ako mula sa kapahamakan. Yun ang utos sa kanya ni Papa. Lahat ng ari-arian ko nakatago sa pangalan niya." pag-amin nito sa kanya.

Awang ang mga labing napatitig siya sa ina.

"Bodyguard? W-wala kayong relasyon na dalawa?" bulalas niya.

Hinampas siy nito sa braso.

"Sira ka! Ba't ganyan ang iniisip mo sakin?" nagtatampong sambit ng ina.

"Ipinagkatiwala ako ni Papa noon sa kanya. Obligasyon niyang iligtas ang buhay ko kapag nalagay ako sa panganib. Tsaka anjan sa kanya ang lahat ng mga yaman ko. Gusto na niyang ibigay ang mga yun sakin. Ngayong napasok na nila at naraid ang laboratory ng crystal ecstacy nina Donald Randall at lolo ni Dixal."

Natigilan siya, sandaling ini-absorb ang mga sinabi ng ina sa kanyang utak.

So, parang ang amo ng director eh ang Mama niya? Parang siya at si Ricky? Kaya pala inutusan nito si Ricky na bantayan siya dahil iyon din ang trabaho nito sa kanyang Mama?

So ang yaman nina Anton ay nangggagaling sa kanila? O sahod lang nito yun mula sa Mama niya? Ganu pala kayaman ang huli? Mas mayaman pa sa presidente ng bansa? Mas mayaman pa sa mga negosyante sa pinas?

"Ganu pala kayo kayaman, Ma? Bakit hinayaan mong maghirap tayo noon?" biglang lumabas sa kanyang bibig ang laman ng isip.

Napabuntunghininga ang ina.

"Kung hindi dahil sa inyong mga anak ko, hindi ko babawiin ang mga kayamanang yun kay Paul. Mananatiling nakatago ang mga yun hanggang mamatay ako. Pero dahil sa inyo kaya ko yun kinukuha nang mabigyan ko kayong lahat ng magandang kinabukasan bago ako pumanaw sa mundo." seryosong sambit nito.

Saka lang siya tila natauhan sa sinabi ng ina at napatingin sa director na seryosong nakikipag-usap kay Dixal kasama si Ricky.

Hinawakan niya ang kamay ng ina palapit sa tatlo.

Saka lang din ibinaba ng asawa si Devon at hinayaang makipaglaro kay Precious sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naruon ang kwarto ng mga bata.

"Anong kailangan niyo bakit kayo narito?" di pa rin nawawala ang inis niya sa director.

" Flor, pasensya na kung ngayon lang ako nakapunta rito. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na napasok na namin ang malawak na laboratoryo ni Donald Randall sa dating gusali ng Amorillo Construction Company. Nasakin na rin ang notebook na kinuha nila mula sa Papa mo noon. Kaya mapaparusahan na namin ang mga taong dapat managot sa nangyari sa ama mo."pagbabalita nito.

Naalala niya ang sinasabi nitong notebook. Nakita niya yun noon sa pinaglalagyan ng mga mahahalagang gamit ng mga magulang sa inuupahan nilang bahay kina Mamay Elsa. Di naman niya alam ganu kahalaga yun sa kanyang ama kaya ibinalik niya yun sa pinaglagyan nito.

Natahimik siya at sumulyap kay Ricky na tahimik lang ng mga sandaling yun, pagkuwa'y napatingin rin kay Dixal bago bumaling sa director.

"Sabi ni Mama ibinabalik mo na ang yaman niya." prangkahan niyang wika rito.

Tumango ito.

"Matagal nang nakatago ang mga yaman ni Madam. Ngayong nakakulong na ang mga kapatid niya, panahon na seguro para ibalik ko ang lahat ng mga yun sa kanya." anito.

Nagulat na naman siya sa nalaman at kunut-noong bumaling sa asawa.

"Nakakulong na si Donald Randall? Kelan?Pano siyang naipakulong? Sinong matapang na taong nagpakulong sa kanya?" sunud-sunod niyang tanong.

Biglang inubo si Aling Nancy.

"Ang dami mong tanong. Paupuin mo nga muna ang mga bisita natin at maghahanda ako ng pagkain para makakain na tayo nang maaga at alas singko na." anito saka nagmamadaling nagpunta sa kusina ngunit bumalik din maya-maya.

"Oy, Paul! Ricky. Dito na kayo maghapunan at marami itong pagkaing niluto ko dahil alam kong darating kayong dalawa. Lalo na yang si Dixal, maganang kumain yan rito. Sabay-sabay na tayong kumain ha?"

"Yes Madam." sagot agad ng director.

"Opo Nanay." sagot naman ni Ricky.

Nang bumalik na ang ginang sa kusina ay namayani ang matagal na katahimikan sa kanila at wala halos magsalita habang nakaupo sa magkatapat na mahahabang sofa. Sila ni Dixal sa isang sofa, ang dalawa naman ay sa tapat niyon.

Saka lang tila natauhan ang lahat nang ubuhin si Dixal.

"Inuman mo na ng gamot yan Dixal nang di na lumala pa. Ang balita ko, kumikirot pa rin ang opera mo sa ulo." untag ng director sa katahimikan at tila amang nagpayo sa lalaki.

"Oo nga eh. Minsan sumasakit pa rin. Sariwa pa seguro sa loob." anang lalaki.

"Alam mo, di ka na rin iba sakin. Sa totoo lang, magkaibigan kami ng Papa mo noon kaso nga lang, sobrang talino niya at di sanay makipaghalubilo sa tao, aral lang ng aral kaya walang masyadong naging kaibigan, ako lang marahil. Pero nagkahiwalay din kami ng landas nang magtrabaho ako sa Papa ni Madam." kwento nitong parang nakasanayan nang gawin sa mga kaharap. Feeling he's just at home, ika nga.

Ganun din naman si Anton noon. Natural lang ito kung umakbay sa kanya.

Tipid na ngiti lang ang itinugon ni Dixal.

"Pasensya na kayo kung wala akong panahong bumisita rito. Hindi ko kasi tinantanan ang gusaling kinaruruunan ng laboratory ni Donald Randall sa loob ng pitong taon. Mabuti nga sa wakas ay napasok na namin yun at nasabat ang lahat ng mga kagamitin duon at mga ecstacy. Naaawa ako sa mga taong nabiktima ng ecstasy na yun lalo na ang mga kabataan na syang madalas na target ng mga kriminal." Kwento na naman nito. dugtong na uli nito.

Tahimik lang silang nakikinig.

"Pasensya na rin kayo kung anuman ang nagawa kong kasalanan sa inyo lalo na sayo, Flor. Totoong ako ang bumaril sa Papa mo. Pero hindi ako ang pumatay sa kanya kundi ang ecstasy na itinurok sa kanya bago siya makauwi sa inyo ng araw na yun." baling nito sa kanya.

"Kalimutan na ho natin yun." sabad niya agad. Ngayong alam na niya kung anong totoong pagkatao nito, na ginawa lang nito yun para iligtas ang Mama niya, wala nang dahilan para ibalik pa niya ang nakaraan, lalo na't di naman na maibabalik ang buhay ng kanyang ama.

"Salamat. Salamat." tangi nitong nasambit bago tumahimik bigla.

Siya naman ang tila naasiwa sa pagiging tahimik nito kaya gumawa siya nang mapag-uusapan.

"Pwede ko po ba kayong kunin na ninong ng magiging anak ko?" hirit niya bigla.

"Wrong sweetie, Siya magiging ninong natin." pagtatama ni Dixal sa sinabi niya.

"Ninong saan? Bakit satin?" maang niyang tanong sa asawa.

Bago pa ito nakasagot ay nakalabas na uli mula sa kusina ang ina.

"Kianan na. Kainan na. Halinakayo't magsikain na tayo!" tawag nito sa lahat.

"Ma, ambilis mo naman nakapaghain ng hapunan." pansin ni Dixal saka tumayo na at nagpatiunan sa pagpasok sa kusina.

Naiwang nakakunut-noo pa rin ang babae, di magets ang sinabi nito.

Siya namang pagdating ng ina ni Dixal.

"Aba'y balae, andami mo palang bisita." bungad nito pagkapasok.

Kasunod nito ang driver na nagbitbit sa mga pasalubong nito at dumiretso sa kusina ng bahay.

Napatayo siya't humahagikhik itong sinalubong.

"Mama, mabuti dumating kayo." salubong niya.

"Panong di ako pupunta eh kanina pa ako sinabihan ni Balae na dito maghapunan." natatawang sagot nito bago yumakap sa kanya.

"Kumusta ang maganda kong manugang?" usisa nito.

"Okay lang po. Lika po kain muna tayo." anya.

Huli silang pumasok sa loob ng kusina.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C125
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login