Nasa elevator pa lang si Flora Amor ay napansin na niya ang kakaibang titig ng mga empleyado sa kanya na tila ba isa siyang masamang tao. Napalingon siya sa nagbubulungan sa kanyang likuran. Ang sama ng tingin ng mga ito sa kanya. Bakit? Dahil ba sa ginawa niya kay Veron kahapon?
Seguro nga. Nagkibit-balikat na lang siya.
Subalit kahit habang naglalakad siya sa lobby papuntang opisina ni Dixal, kapansin-pansin ang masasamang tingin sa kanya ng mga nakakasalubong na para bang ipinagsisigawang isa siyang traydor.
Kunut-noong napapatitig siya sa mga ito.
Gano'n na ba kasama ang tingin ng lahat dahil lang sa ginawa niya kay Veron na kung tutuusin gumanti lang naman siya sa ginawa nito sa kanya?
Ang lungkot ng mukha niya habang papalapit sa pinto ng opisina ng asawa.
Kakatok na sana siya pagkatapat sa pinto ngunit awtomatiko iyong bumukas.
Nakayuko siyang pumasok sa loob ngunit nag-angat din agad ng mukha nang marinig ang sinabi ni Lemuel?
"Bakit ako malilipat sa finance department?" kunut-noong tanong niya.
Napaharap bigla sa kanya si Lemuel. Matapos mamilog ang mga mata nito sa gulat ay agad namang tumikom ang bibig nang makabawi at tumalikod sa kanya.
Naguguluhang bumaling siya kay Dixal na noo'y nakaupo sa gilid ng mesa.
"Dixal--" tawag niya, nanghihingi ng kasagutan ang mga mata ngunit nanatili lang itong nakatitig sa kanya hanggang sa makalapit na siya rito.
"Dixal---ano'ng sinasabi ni Lemuel na ililipat akong finance department?" muli niyang tanong.
Napabuntunghininga ito pagkuwa'y hinawakan ang kanyang mga kamay, pinisil ang mga 'yon.
"Amor, nagsumbong si Veron sa papa niya sa nangyari sa kamay niya kaya ikaw ang napagbuntunan ng galit at pinalabas niyang isa kang whistle-blower ng kompanya," sagot nito.
"Siaraulo pala sila eh! Pa'no akong magiging whistle-blower eh 'di ko nga alam ibang kalakaran pa rito?!" sambulat niya agad.
"Hey, relax sweetie. Let me think on what to do," saway ng asawa, halatang 'di rin makapag-isip kung ano'ng tamang gawin.
"Madam, napasubo lang si Dixal sa suhestiyon ng ama ni Veron para ipalabas na 'di siya concern sa'yo dahil 'pag nalaman ng lahat na Ikaw ang asawa niya, seguradong lalong 'di ka tatantanan ng mga 'yon," sabad ni Lemuel.
Magkahalong kaba at pag-aalala para kay Dixal ang agad niyang naramdaman nang marinig ang sinabi ni Lemuel. Nadagdagan na naman ang problema ng asawa dahil sa kanya.
Napangiti siya. Hanggat maaari ayaw niyang ipakita ritong kinakabahan siya.
Magkukunwari siyang 'di apektado sa nalaman.
Gumanti siya ng pisil sa mga palad nitong nakahawak sa kamay niya.
"Naku, ayos lang 'yon. Sa totoo lang ayuko rito, boring kasi. Mas maganda seguro kung pagaganahin ko naman ang utak ko kakatitig sa mga numero," nakangiti niyang saad.
"Amor--" tila naunawaan agad ni Dixal ang kanyang ibig sabihin.
"Kaya mo ba talaga?" tanong nito.
Tumango siya.
"Tsaka may dahilan na ako para tulungan ang assistant niya na mangalap ng info kung paanong nakakalusot sa finance department ang nawawalang pera ng kompanya. 'Di ba blessing in disguise 'yon?" pangungumbinsi niya sa lalaki.
Pumalantik naman si Lemuel bilang pagsang-ayon.
Bumaba si Dixal mula sa pagkakaupo sa gilid ng mesa saka siya kinabig palapit rito at niyakap nang mahigpit.
"You can't hide anything from me, Amor. Ayaw mo lang mag-alala ako kaya mo nasabi 'yan." anito.
Gumanti siya ng yakap at tinapik-tapik ang likod nito.
"Don't worry about me. Kaya kong i-handle si Veron. Kaya ko ring alagaan ang sarili ko," may katiyakang sambit niya.
Inilayo nito ang mukha sa kanya at direkta siyang tinitigan sa mga mata.
"Segurado ka?"
"Yup!" sagot niya, nakangiti. Iyon lang ang kaya niyang ipakita rito, ang ngumiti para mapanatag ang isip nito.
Sa wakas ay tumango ito't bumitaw mula sa pagkakayakap niya saka may kinuhang ballpen sa loob ng drawer at ibinigay iyon sa kanya.
"It's not just a ballpen. USB din 'yan, recorder at hidden cam." Ipinakita nito sa kanya pa'no gamitin ang ballpen bilang USB recorder at hidden cam.
"Wow! Galing naman pala nito!" bulalas niya sa pagkamangha.
"'Pag may nakita kang kahina-hina doon, i-record mo agad dito o i-video mo. Papupuntahin ko sa'yo si Lemuel araw-araw para tingnan ka kung okay ka lang do'n," anito.
Tumango siya at inilagay sa bulsa ang ballpen.
"Amor, mag-iingat ka," paalala nito.
Tumango uli siya saka tumalikod na rito upang sumama kay Lemuel palabas ng pinto ngunit nahawakan nito ang kanyang kamay at hinila siya palapit rito't siniil ng halik sa mga labi. Nagulat ma'y agad siyang gumanti ng halik sabay na ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito.
Kung 'di pa sadyang umubo si Lemuel ay 'di pa nila maaalalang naruon pala ang lalaki't kasama nila.
Agad niyang itinulak ang asawa at napahagikhik na nagpatiunang lumabas ng opisina.
"Be careful, Amor," narinig niyang bulong sa hangin ni Dixal.
Napangiti siya, this time, totoo na ang ngiting 'yon. Panatag na ang kanyang isip. Iisa lang ang plano niya ngayon, makuha lahat ng impormasyon sa nawawalang pera ng kompanya at kung sino ang salarin niyon.
"Lemuel, ibigay mo sa'kin 'yong files ng mga anay sa kompanya ni Dixal. Ilagay mo sa USB. Ibigay mo sa'kin bukas," utos niya sa lalaking nagulat sa sinabi niya.
"Are you serious?" 'di makapaniwalang tanong nito.
"Mukha ba akong nagbibiro?" salubong ang kilay na balik-tanong niya.
"Aherm! Okay, Madam. Bukas ibibigay ko sayo." Sumeryoso ito bigla.
-------
PAGKAPASOK PA LANG sa loob ng finance department ay tumambad na agad sa kanya ang maluwang na office cubicle at sa dulo niyon ay isang nakapinid na pinto at nakadikit duon ang malalaking letra ng office of the finance director.
Sa pinto pa lang amoy na amoy na niya ang mabangong air freshener, pinaghalong amoy ng lavender at beach blossom. Halatang maarte ang namamahala sa lugar na 'yon.
Nagtayuan ang mga empleyado sa kani-kanilang cubicle nang magsalita si Lemuel, lahat ay natuon ang pansin sa kanya.
"Listen everyone! This is Miss Salvador, the new PA of the finance director. Dito na siya magtatrabaho simula ngayon. Ipapaalala ko lang sa inyo, never mistreat her. Malalagot kayo sakin pag inaway niyo siya," paalala ng lalaki.
Iba-ibang emosyon ang rumihestro sa mukha ng mga nempleyado, merung nakangiti, merung ngising-aso, merung matatalim ang titig sa kanya, naroon ding irapan siya ng ilan.
Pero matamis lang na ngiti ang iginanti niya sa lahat.
Sakto namang paglabas ng reyna sa lungga.
At tulad ng nakagawian na nitong suot, naka office attire itong chiffon long sleeve blouse na tulad ng sa kanya, iba nga lang ang kulay at disenyo sa harapan.
Nagaya na rin nito ang lakad ni Shelda habang palapit sa kanila.
"So, this is really is it. Sinong mag-aakalang makikita ko uli 'yang mukha mo sa mismong department ko pa," nanunuyang sambit ng bababaeng abot hanggang tenga ang patuyang ngiti sa kanya.
Nakakalokang ngisi lang din ang kanyang isinagot.
"Be careful with your actions, Veron," babala ni Lemuel sa babae bago bumaling sa kanya.
"Miss Salvador, Miss Villaberde will be your new boss now. Ayusin mo ang trabaho mo rito nang 'di ka napapagalitan."Seryosong wika nito sa kanyang tango lang ang isinagot.
"Bilog talaga ang mundo. Kahapon lang nagkita tayo sa canteen, and now naging PA na kita." Tumawa nang malakas ang dalaga.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay iniikot niya ang tingin sa buong paligid, saka lang bumaling kay Veron.
"Saan ako magsisimula? tanong niya rito.
"Linisin mo ang CR dito," utos sa kanya't itinuro ang nakapinid na pinto sa may gilid ng office.
Nagbulungan agad ang mga empleyadong nakatunganga sa kanila.
Iniaasahan na niyang gagawin iyon ni Veron kaya hindi na siya umangal pa. Magtitiis na muna siya at magpapaalipin hanggang sa maseguro niyang kampante na itong lagi siyang sumusunod sa mga utos nito.
"Pagkatapos mo d'yan, pumasok ka sa office ko!" mataray nitong utos saka tumalikod na at bumalik sa office nito.
Ang mga empleyado nama'y nagsibalikan na sa pagkakaupo sa kani-kanilang cubicle subalit may isang lalaking lumapit sa kanya.
"Hi, I'm the assistant finance director here," pakilala nito habang nakangiti sa kanya.
"Good morning po," sagot niya.
"Huwag mong seryusuhin ang sinabi niya," payo ng lalaki.
Ngiti lang uli ang isinagot niya saka nagpaalam na pupuntang banyo.
Naiwan ang lalaking awang ang bibig, 'di marahil ito makapaniwalang susunod siya sa utos ng dalaga.