He stared at her as if nasa sinabi niya ang ikaliliwanag ng mukha nito.
"Say it again, Amor," anitong atat na naghihintay ng kanyang sagot.
Kunut-noo siyang tumingin rito.
"Say what? May sinabi ba ako?" maang niyang balik-tanong, pilit ikinukubli ang nararamdaman.
Ikinumpas nito ang isang kamay at ibinuka ang bibig.
"You said, 'I think I'm already---" anitong di tinatanggal ang paningin sa kanyang lalong lumukot ang noo ngunit 'di maitatago ang pamumula ng pisngi.
"Wala akong sinabi ah. Baka guni-guni mo lang 'yun," pagsisinungaling niya sabay tanggal ng kamay sa hita nito.
Dismayado itong tumitig sa kanya, pagkuwa'y tila naguguluhang umayos ng upo at ideneretso ang tingin sa harap ng sasakyan.
"You really said nothing?" muli nitong baling sa kanya.
Umiling siya.
"Wala, wala akong sinabi. Baka 'pag nagsalita ako lalo kang magalit sa'kin," painosente niyang sagot nang 'di tumitingin sa lalaki.
"You're a perfect liar," inis nitong sambit saka aburidong pinaandar ang kotse.
Ibinaling niya ang mukha sa bintana at doon lihim na nagpakawala ng isang mahinang hagikhik. Sarap palang asarin ni Dixal. Subalit wala siyang balak na ulitin ang nasambit ng bibig kanina.
Hanggang sa dumating sila sa FOL BUILDERS at pumasok sa loob ng VIP's elevator ay hindi pa rin kumikibo ang lalaki.
"Dixal, palampasin mo muna ang ginawa ng finance director sakin kanina. Baka sa sobrang selos kaya niya ginawa 'yon," pakiusap niya sabay hawak sa kamay nito.
Hindi ito sumagot sa halip ay bigla siyang hinatak paharap rito sabay kabig ng kanyang beywang at madikit sa katawan nito.
"Say it again, Amor and I'll listen to your every word," seryoso nitong sambit nang hindi kumukurap.
"Alin?" kunut-noo niyang tanong habang kinokontrol ang sariling damdamin nang maramdaman ang init ng katawan ni Dixal sa kanyang balat. Sa simpleng gesture lang nilang 'yon, naninindig na agad ang kanyang mga balahibo sa antisipasyon kung anong sunod nitong gagawin.
"You know what I mean, Amor." Malagkit ang tinging ipinukol sa kanya.
"You're blackmailing me," an'yang tinapatan ang mga titig nito.
"I thought you want to bargain someone's fate today and it's a good thing that I still have a minute to listen to you."
"D-Dixal-- hindi mo naman siya kailangang parusahan. Balewala sa'kin 'yon, promise."
"Well, it's not to me!" Muling tumigas ang boses nito.
Ahhh, kahit ano pang nangyari sa kanya ngayon, ayaw niyang makitang maging marahas si Dixal sa ibang tao lalo na sa mga tauhan nito. Binigyan siya nito ng pagkakataong pakinggan siya, mag-uumarte pa ba siya?
Tumingkayad siya't binigyan ito ng smack kiss.
"I think I'm already fallin' for you," anas niya saka muli itong hinalikan sabay pulupot ng mga braso niya sa batok nito.
Gumanti ito ng halik katulad ng sa kanya, padampi lang, nananantya, hanggang sa isandal siya nito sa dingding at magpakawala ang isang ungol subalit agad rin itong natigilan.
"Amor..." anas nito nang sandaling pakawalan ang kanyang mga labi.
"Hm?"
"Bakit ayaw mong magalit kay Veron?" tanong nito.
"Babae din ako. Ramdam ko kung ano'ng nararamdaman niya. Pero ayuko ring agawin ka niya sa'kin. Gusto ko akin ka lang. But let me handle her myself," sagot niya saka ito niyakap nang mahigpit at isinandal ang ulo sa dibdib nito.
"Dixal, gusto ko akin ka lang. Ayuko nang may kaagaw," pag-uulit niya kasabay ng pagbukas ng pinto ng elevator.
"Ahem!"
Bahagya pa siyang nagulat nang makita ang vice-chairman na pumasok sa loob at 'di man lang nailang nang makita silang magkayakap ni Dixal.
Pilit siyang kumawala sa mga bisig ng lalaki at bahagya itong itinulak saka umayos ng tayo, subalit 'di pumayag ang huli na 'di siya akbayan habang pinandidilatan ang kaibigang patay-malisya lang sa nangyari, mas tama pa ngang sabihing 'di sila nag-eexist sa paningin nito kaya sa inis ni Dixal, pasimple itong binatukan at sinenyasang lumabas.
"Ano ba? May mahalaga akong irereport sa'yo. Mas makapaghihintay 'yang lampungan niyo kesa sa report ko!" angal nito.
Mangani-nganing sipain ito ng lalaki sa inis ngunit nangingiti niyang pinigilan si Dixal at pasimpleng humakbang palapit sa pinto ng elevator upang hayaan ang dalawang mag-usap, saka lang binawi ng lalaki ang kamay mula sa pagkakaakbay sa kanya.
"You're rude, dude. Tama bang batukan ako sa harap ng PA mo?" angal na uli ni Lemuel.
"Damn--wrong timing ka lagi," inis na sagot ng isa.
Nangingiti na lang siya habang pinapakinggan ang usapan ng mga 'to.
"WHAT IS IT THIS TIME?" aburido na namang untag ni Dixal nang makapasok na sila sa loob ng opisina nito't makaupo na ito sa sariling swivel chair.
Siya nama'y inilapag ang bag sa ibabaw ng kanyang mesa at sinalat iyon kung may alikabok ba pero wala.
"It's about Randall's family background and the surname Montenegro," sagot ng lalaki.
Sa narinig ay tila lumapad ang tenga niya at awtomatikong napatingin sa vice-chairman.
'Montenegro.' Middle name niya 'yon. Pa'no 'yong napasali sa usapan ng dalawa? Pero syempre hindi lang naman seguro mama niya ang may apelyidong ganun kaya ipinagkibit lang niya ng balikat ang narinig subalit kapansin-pansin ang tinging ipinukol ng vice-chairman sa kanya.
Why? Napaka-confidential ba ng sasabihin nito na kahit siya'y 'di pwedeng makarinig? Na-curious tuloy siya.
"Ahm, Amor. Could you please make us a hot spresso, two cups please," baling ni Dixal sa kanya.
Tama nga ang hula niya. Very confidential nga ang pag-uusapan ng dalawa kaya kahit siya'y 'di pwedeng makarinig no'n.
"Okay," saad niya saka nagsimulang maglakad papunta sa kusina at hinanap ang iba't ibang klase ng kapeng nakalagay sa isa sa mga kabinet doon.
'Di mawala sa isipan niya ang binanggit na apelyido ng vice-chairman. Bakit ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib pagkarinig sa apelyido ng mama niya?
Ang mama niya, napakamalihim nito. Mula nang magkaisip siya'y 'di man lang niya nakita ang mga magulang ng ina. Ni 'di bumisita sa kanila ang kahit isa sa mga kamag-anak nito, kahit kapatid man lang kung may kapatid man ito. Siya nama'y 'di kailanman nagtanong kung nasaan ang mga magulang nito, kung anong klaseng pamilya ang pingmulan nito. Sabagay, ang papa niya'y 'di rin naman niya nakita ang mga magulang niyon. Kumbaga, nagsariling sikap ang kanyang mga magulang at 'di umasa sa tulong ng kahit kanino o sa kamag-anak ng mga 'to.
"There you are, slut!"
Muntik na niyang matapik ang tasa ng tinitimplang spresso sa gulat nang marinig ang boses ng finance director sa kanyang likuran.
Sa biglang pagharap niya sa babae'y kitang-kita niya ang tila umaapoy nitong mga mata sa sobrang galit seguro na hindi ito nagtagumpay sa gusto nitong mangyari kanina at sa halip ay naging dahilan pa ng pagtatapat niya ng pag-ibig kay Dixal.
"Hey, you bitch! Get out of here or else I'll cut you into pieces!" pigil ang hiyaw nito habang dinuduro siya, marahil ay takot itong marinig ni Dixal kung sakaling sisigaw ito sa kanya.
"Bakit po ma'am? May problema po ba kayo sa'kin?" pasimple niyang tanong, kunwa'y 'di alam kung anong ikinagagalit nito.
Lalo lang itong nagpuyos sa galit at nahuli niya kung paano nitong ikuyom ang mga kamay.
"Oh, sensya na po pala. 'Di ako nakagawa ng financial report. Pinabalik kasi ako agad ni sir sa opisina," pakli niya, 'di man sadya'y lalo pa niyang nainis ang babae sa sinabi niya.
Nang humakbang ito palapit sa kanya'y alam niyang sasampalin siya kaya nang biglang tumaas ang isa nitong kamay ay agad niyang iniiwas ang katawan at dahil hindi nito inaasahan ang kanyang ginawa'y muntik na itong mapasubsob sa countertop ng kusina kung hindi nga lang napahawak sa gilid niyon. Sa malas ay dumulas ang kamay nito sa tinitimpla niya at nang tumilapon ang mainit na spresso sa kamay nito'y nagpakawala ito ng nakabibinging tili na halos mabasag ang mga pintong salamin ng mga kabinet doon.
Siya man ay nagulat din sa nangyari at agad itong sinaklolohan ngunit mabilis siya nitong itinulak. Sa lakas niyo'y napaupo siya sa tiles na sahig.
Iyon ang tagpong naratnan ng dalawang lalaki.
Natural lang na siya ang unang saklolohan ni Dixal at itayo agad. Subalit nang makita nito ang nagba-violet nang kamay ni Veron sa pagkapaso'y agad itong lumapit sa babae at inutusan si Lemuel na kumuha ng tube ice at plangganita saka inilublob duon ang kamay ng panay ang iyak na si Veron.
"Dixal, hinila niya ako at ibinuhos sa kamay ko ang tinitimpla niyang kape," sumbong ng babae sa pagitan ng ngawa saka isinubsob ang mukha sa dibdib ng lalaki habang panay ang sigaw ng-- "Ang sakit Dixal!"
Hindi siya nagsalita. Ni hindi siya sumagot nang sumulyap si Dixal sa kanya, nagtatanong ang mga mata.
Si Lemuel nama'y nang-aakusa ang mga titig sa kanya ngunit agad ding binawi iyon nang sulyapan niya ito, saka siya napayuko.
Ayaw niyang ipagtanggol ang sarili hindi dahil takot siyang magsalita o dahil inaamin niyang kasalanan niya, kundi dahil ayaw niyang mas lumalim pa ang galit na nararamdaman ni Veron sa kanya. Hahayaan niyang mapunta dito ang simpatya ng dalawang lalaki kung iyon ang makakapagpalubag ng kalooban nito.
"Lemuel, dalhin mo siya sa ospital," utos ni Dixal sa kaibigan nang mapansing bumabalik na sa normal ang kulay ng kamay ng dalaga. Tumalima naman ang inutusan at agad hinawakan ang magkabilang balikat ni Veron saka iginiya palabas ng kusina.
"Amor--" tawag ng lalaki sa kanyang agad nag-angat ng mukha at bumaling rito.
"What happened?" usisa nito saka siya nilapitan at hinawakan ang isang kamay.
"Umilag kasi ako nang mahulaan kong sasampalin ako eh 'di naman niya alam na nagtitimpla pala akong spresso. Sa halip sa pisngi ko ang tamaan, ayon natumba niya 'yong tasang may lamang spresso," paliwanag niya sa mahinahong salita.
Niyakap siya ng asawa.
"Amor, did I drag you into this?" anang lalaki.
Gumanti siya ng yakap.
"It's alright. 'Wag mo na lang akong ipagtatanggol sa harap nila para 'di sila lalo manggigil sakin," tugon niya.
Maya-maya'y siya na ang kusang kumawala rito.
"Ano nga pala ang napag-usapan niyo ng vice-chairman?" usisa niya.
"Call him Lemuel. He's my bestfriend," anito saka muling hinawakan ang kanyang kamay at iginiya siya palabas sa kusina, nakalimutan na ang hinihingi nitong spresso.
"Amor, what's your mother's real name?" pakli nito nang mapatapat sila sa mesa niya't iupo siya sa swivel chair saka hinilot nang marahan ang magkabila niyang balikat.
Kunut-noo niya itong tiningala.
"Why? Bakit napasama sa usapan ang mama ko?" balik-tanong niya.
"Mula kasi noon, wala kang sinasabi tungkol sa family mo. Malibang nalaman kong mayor ang papa mo, wala na akong alam pa lalo na tungkol sa mama mo," paliwanag nito.
"May kinalaman ba 'yon sa sinabi ni Lemuel kanina?"
Hindi ito sumagot, sa halip ay patuloy ito sa marahang pagmasahe sa kanyang mga balikat hanggang pababa sa mga braso niya.
"Masakit pa ba ang balakang mo?" tanong nito pagkuwan.
"Hindi. Okay lang ako," sagot niya.
Tumahimik na ito.
"Malihim si mama. Mula nang magkaisip ako, 'di ko man lang nakitang bumisita sa'min ang mga magulang niya, kahit kapatid man lang." Siya na ang kusang nagkwento.
Lumayo ito't hinila ang swivel chair nito saka bumalik at umupo paharap sa kanya.
"Kahit si papa, 'di ko rin nakita ang mga magulang niya," dugtong niya.
Mataman lang itong nakikinig.
"Hindi rin naman ako nagtatanong kung nasaan ang mga mama't papa nila pero Nancy Montalban Montenegro ang full name ng mama ko," patuloy niya.
Umawang ang labi ng lalaki ngunit nang makabawi'y tumango ito.
"Bakit, Dixal? May lihim ba ang mama ko na kailangan mong malaman?" usisa niya.
Umiling ito.
"I was just curious kung bakit malapit siya kay Director Diaz samantalang tindera lang siya sa palengke noon. Pa'no sila nagkakilala at ano'ng relasyon nila sa isa't isa? " sagot nitong nagpalito sa kanya.
"Sinong director Diaz, Dixal?" halata sa lalim ng pagkakalukot ng kanyang noo ang curiousity niyang malaman kung sinong director ang tinutukoy nito.
Mariin siyang tinitigan ng lalaki, inalam kung anong mga bagay ang kanyang nalalaman at nang mahalatang wala pala siyang matandaan sa nangyari ay umiling ito.
"Forget it, Amor," anito saka tumayo na't muling hinila ang swivel chair pabalik sa mesa nito.
Nanatili siyang nakatitig rito, nalilito sa mga bagay na sinabi nito sa kanya.
Sino ang director na sinasabi nito? Iyon ba 'yong sinasabi ng kapitbahay nilang pumatay sa papa niya? Kung iyon nga, hindi pwedeng hindi niya alamin ang lahat. Anong lihim ng mama niya at naging curious si Dixal dito? At ano'ng kinalaman ng apelyido ng mama niya sa binanggit ni Lemuel na Randall's family background?
Nalilito siya, sobrang nalilito.