Pagkapasok lang sa building ng FOL BUILDERS ay dumiretso siya sa elevator subalit napahinto rin nang maalala ang kanyang smartphone kaya kinapa niya sa tagiliran ang bag na akala niya'y dala ngunit saka niya lang naalalang kagabi pa siya walang dalang bag. Baka nakalimutan niya kina Mariel kahapon, o nasa loob ng kotseng gamit ni Dixal sa pagsundo sa kanya kagabi.
Nagpatuloy siya sa paglalakad, nang makitang papasara na ang pinto ng elevator ay tumakbo na siya at mabilis na pumasok sa loob.
"Nakakamiss ang Executive director natin. Halos isang linggo na siyang nakaleave ah,"
narinig niyang wika ng isang babae sa tabi niya.
"Oo nga. Sabagay, 'pag andito 'yon, 'di ko malaman kung sino sa kanila ang chairman at sino ang executive director. Halos kasi magkatulad lahat pati ang pananamit nila,"
anang katabi nito.
"Hindi ah! Ang layo kaya ng mukha ng director kay D--- sa chairman," hindi niya napigilan ang sarili at agad sumabad.
Nagkatinginan ang dalawa, sabay na napabaling sa kanya.
"Si sir Dixal, green ang mga mata samantalang brown naman ang mga mata ng executive director. Tsaka mahilig ang chairman sa plain na kulay ng damit at mahilig magsuot ng blazer at coat. Si executive director eh mahilig sa stripe at long-sleeved shirt," paliwanag niya habang sabay na ikinukumpas ang mga kamay sa pagsasalita.
"Ahhh, buti miss nakikita mo ang pagkakaiba nila," puna ng katabi niyang babae.
"Syempre, eh lagi ko kasama ang chairman sa office kaya alam ko ano suot niya't kulay ng mga mata," an'yang may halong pagyayabang sa sinabi na nakapagpanganga sa dalawang babae, dahilan para mapako ang lahat ng tingin ng mga naroon sa kanya.
"Ikaw pala ang PA ng chairman?" anang katabi.
"Yup." Ang tamis ng ngiti niya habang sumasagot subalit napawi agad nang maalalang galit pala siya sa hinayupak na lalaking 'yon. Bakit ba niya kailangang ipagmalaking PA siya ng siraulong Dixal na 'yon?
"Totoo bang cold-hearted ang chairman? usisa ng nasa kanyang likuran.
"Ayy Oo, tama cold-hearted nga 'yon, sama ng ugali tsaka walang galang sa babae 'yon. Lagi nga akong sinisigawan kahit ala naman akong ginagawang masama tsaka 'di ako pinag aalmusal man lang, gusto niya puro trabaho lang ginagawa ko. Super sama talaga ng ugali niya." Dinagdagan pa niya ng paggaralgal ang boses sa isinagot para lang mapapaniwala ang mga tong masama nga ang ugali ng lalaki.
"Sayang siya pa naman ang dream boy ko," anang nasa kanyang likuran.
Nilingon niya ito't 'di pansin kung ga'no kasama ang tinging ipinukol niya rito na nang makita nito'y agad na tumahimik at nahihiyang ngumiti sa kanya.
'Tanga naman ng babaeng 'to. Sa dinami-dami ng lalaking kay gagwapo, ba't do'n pa sa psycho na 'yon nagkagusto?' hiyaw ng kanyang isip.
Mangani-nganing sabunutan niya ito sa inis subalit nabago din ang ekspresyon ng mukha nang bumukas ang pinto ng elevator, nagulat pa siya nang pumasok ang fiancee ng chairman na kapansin-pansin lagi ang suot na mini-dress at ang natatanging kagandahang kahit siya'y napapatitig sa paghanga dito, kasama ang isang maganda at sophisticated na ginang na nang matitigan niya'y nakapagtatakang biglang pumintig nang mabilis ang kanyang puso.
Pagkapasok lang ng dalawa'y hindi na sumara ang pinto.
Siniko siya ng mapapangasawa ng chairman para lumabas ng elevator.
"Get out," utos nito.
'Ba't ako eh pwede naman kayo sa VIPS' elevator,' gusto niyang isagot ngunit nagpigil siya't kusa na lang lumabas kasama ang nagkusa na ring katabi kanina.
"Ba't nakisiksik sa elevator 'yong fiancee ng chairman eh pwede naman siya sa pang VIP?" inis na sambit niya't hinitay na uling bumukas ang pangalawang elevator.
"Hindi mo ba alam na bawal siyang gumamit doon mula nang magkasabay sila ng finance director sa loob at nagkasabunutan? 'Di nga namin alam bakit kinampihan ng chairman 'yong finance director imbes na ang mapapangasawa niya," kwento ng babae.
"Ows gano'n ba?" anya't biglang napaisip.
Playboy talaga ang lalaking 'yon, di makuntento sa isang babae lang. Pwede naman nitong ibreak ang isa at ipaglaban 'yong pangalawa subalit 'di nito ginagawa tapos isasabay pa siya sa mga 'to, sarap talaga pukpukin ng martilyo ang ulo.
-------
"DIXAL, hindi pa ba tayo kikilos para hadlangan ang ama ni Shelda sa ginagawa niya sa kompanya?" tanong ni Lemuel sa kabilang linya.
"'Wag kang magmadali Lemuel, hindi pa sapat ang mga ebidensya natin para maipakulong siya," sagot ni Dixal habang nagmamaneho ng sasakyan at kausap ang kaibigan sa phone gamit ang wireless earphone.
"Ang sabi ng informant natin, may spy na namang inilagay ang may-ari ng kabilang kompanya, nasa research department daw, isang babae."
Nagsalubong ang kanyang kilay, so tama pala ang hula niyang may spy talaga sa research department. Kailangan niyang pagplanuhang mabuti ang gagawin. Hindi siya papayag na bumagsak ang pinaghirapan niyang itayong kompanya tulad ng nangyari sa Amorillo Construction Company. Pababagsakin niya ang mga Randall nang walang kamalay-malay ang mga ito. Pero sa ngayon ay kailangan niyang mag-ingat sa lahat ng kanyang mga galaw at ipalabas na wala pa siyang nalalamang kahit ano para maging panatag ang mga kalaban. Makikipagkita siya kay Mr. Matthew de Ocampo at ipapasa ang planong nagawa niya para sa gagawin nilang hotel gamit ang concept ng batang si Devon.
Speaking of that kid, bakit parang nakita niya itong naglalakad sa gilid ng kalsada kanina at may hawak na papel? Pero imposible. Hindi 'yon makakatakas sa ama nito at mga kapatid.
Isa pa'y naroon ang bodyguard ni Amor, imposibleng makawala ang maliit na batang 'yon sa paningin ng mga 'to.
"Dixal, nasa Cavite ka na ba?" usisa ni Lemuel.
"Yup, sa Bacoor pa lang. Bakit?"
"Nikita ko sa elevator si Shelda kasama ang tita nitong kabit ng ama ni Flor."
Bigla niyang naapakan ang preno ng kotse sa narinig.
"What? Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan d'yan?" aburido niyang tanong sa kaibigan.
"Hindi ko alam, nagtaka nga ako nang makita ko, nasa loob pa man din ng elevator si Flora Amor pero lumabas nang pumasok ang dalawa," patuloy nito sa pagbabalita.
"Good. Check on that childish wife of mine, Lemuel. Make sure hindi na sila magtatagpo uli ng landas ng babeng 'yon at baka makilala na niya si Amor," mahigpit niyang bilin sa lalaki.
Hanggang ngayon, wala talaga siyang tiwala sa tita ni Shelda mula nang malaman niyang may kinalaman ito sa pagkamatay ng ama ng asawa. Hindi niya alam kung anong kaya nitong gawin 'pag nalamang nasa paligid lang si Amor. Hindi siya makapapayag na may mangyari uling masama sa huli.
Nasa gano'n kalalim ang kanyang iniisip nang marinig ang tunog ng isang phone sa likurang upuan at nang lingunin niya'y naroon ang bag na gamit ni Amor kahapon. Doon pala niya 'yon nailagay pagkabigay ni Anton nang nasa loob na sila ng sasakyan.
"Bye na Lemuel, nagmamaneho pa ako," an'ya sa kausap at pinatay na ang phone saka kinuha ang bag ng asawa, hinanap ang tumutunog na smartphone nito.
"Hello, Flor! Pambihira kang babae ka, kagabi pa ako tumatawag sayo't may lagnat ang anak mo't ayaw kumain at ayaw uminom ng gamot. Ngayon naman eh nawawala at 'di namin mahanap sa paligid. Sa'n ka ba natulog kagabi? Ba't ngayon ka lang sumagot? Ipapa-blotter na namin si Devon at baka kung mapa'no na ang batang 'yun, may lagnat pa naman." Garalgal na ang boses ng ginang habang nagsasalita ngunit nasa tono pa rin ang panenermon sa anak sa pag-aakalang ito nga ang nakasagot sa tawag.
Agad tumibok nang mabilis ang kanyang dibdib pagkarinig lang sa pangalan ng bata. Malamang ito nga 'yong nakita niya kanina sa gilid ng kalsada, may hawak na bond paper.
"Mama, I'm sorry pero nakalimutan ni Amor ang phone niya sa kotse ko. I think nakita ko si Devon sa gilid ng kalsada kanina," sagot niya sa byenang babae pagkatapos mabilis na paandarin ang sasakyan at mag u-turn pabalik sa dinaanan kanina.
"Mama?! Aba'y sino pala 'to?" gulat na usisa nito.
"Si Dixal po, Ma. Nasa opisina ko si Amor, sa'kin siya nagtatrabaho," tugon niya.
'Di agad itonakapagsalita, marahil ay nagulat sa sinabi niya.
"Pa-no mong nakilala ang anak---si Devon? Nakita mo na ba siya?"
"Sorry po, Ma pero kailangan kong hanapin ang bata. Tatawag ako mamaya 'pag nakita ko na siya," wika niya saka tinanggal ang suot na earphone at halos paliparin ang sasakyan pabalik sa kung saan niya nakita ang bata.
Pagkatapos ng sampung minuto, sa wakas ay natagpuan niya itong hawak sa kamay ng isang traffic enforcer.
"Oh thanks God! He's here," nasambit niya sa sobrang pag-aalala sa bata, mabilis na nakapagreno sa mismong tapat ng dalawa saka agad lumabas ng sasakyan.
"Daddy!" Nagliwanag bigla ang mukha ni Devon pagkakita sa kanya, agad tumakbo palapit saka siya mahigpit na niyakap sabay iyak sa balikat niya.
"Daddy, I missed you. I want to go with you," anito sa pagitan ng pag-iyak.
"Hey kiddo, I'm already here, so stop crying now."
Gusto niyang murahin ang sarili kung bakit kay gaan ng pakiramdam niya sa batang ito, ngayon nga'y pinipigilan ang mga luhang pumatak sa harap ng kasama nitong traffic enforcer. Kailangan pa niyang huminga nang ilang beses para magawa ang bagay na 'yon at bumaling sa huli.
"Maraming salamat sir at kayo ang nakakita sa bata," isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya.
"Ikaw pala ang ama niya. Dadalhin ko na sana siya sa presento. Pero sana sir hindi niyo siya hinahayaang makalabas ng bahay. Ang sabi niya galing daw siyang Imus at hinahanap ka, andito pa nga ang drawing ng mukha mo sa papel, ipinapakita niya sa mga nakakasalubong at tinatanong kung kilala ka. Payo ko lang sayo sir, Kung mag-aaway kayo ng asawa mo, 'wag niyo ipapakita sa bata kasi siya ang unang apektado. Buti na lang at ako ang nakakita, pa'no kung mga masasamang loob pala? Nasa huli ang pagsisisi, sir," sermon ng traffic enforcer sa kanya.
Wala siyang magawa kundi mataman lang makinig. May point din naman kasi ito.
"Thanks for the concern, Sir. Salamat po," sagot niya't tinanguan ito bago tumalikod at pumasok sa loob ng kotse habang karga ang batang mahigpit ang pagkakapulupot sa kanyang leeg. Pasalamat siya't tumigil na ito sa pag-iyak.