Download App
34.1% FLOWER OF LOVE / Chapter 44: THAT JEALOUS GUY

Chapter 44: THAT JEALOUS GUY

"Devon! Hinampak kang bata ka. Ano na namang ginawa mo sa lappy ko!" Umaga pa lang ay hiyaw na niya nang makita ang kanyang laptop na naiba ang features, nabago pati ang favorite niyang wallpaper.

"Hinampak talagang batang 'to. Lahat na lang pinapakialaman."

"Ano na naman 'yan? Ikaw talagang nanay ka, ang ingay ng bibig mo!" sita ng ina sa kanya nang makalabas na siya sa kwarto.

Kagagaling lang nito sa loob ng tindahan habang ang anak ay nakita niyang naglalaro ng puzzle sa sala.

"Papalitan ko 'yong password na 'yan mamaya 'pag 'di natigil kakapindot ang batang 'yan, Ma."

banta niya sabay sulyap sa anak na napatingin din sa kanya.

"Amor, 'yong books ko ha?" sa halip na humingi ng tawad ay paalala pa nito.

"Tingnan mo, Ma. Hindi niya alam kung ano'ng ginawa niyang kasalanan bakit ako galit. Kasi kinukonsenti niyo." Ayan na naman. Nanenermon na naman siya.

"Kuuu, ganyan ka rin no'ng bata ka. Mas malala pa nga d'yan ginawa mo eh," pambabara ng ina sabay talikod at nagtungo sa kusina.

Umusok lalo ang kanyang bumbunan sa inis at 'di napansin ang busina ng motor sa labas ng bahay.

"Ma, tamad lang ako sa gawaing bahay, pero hindi ako ganyan kapasaway," pagtatanggol niya sa sarili saka muling bumalik sa loob ng kwarto nang makitang 'di hawak ang kanyang hand bag na regalo ni Harold no'ng birthday niya.

"Naku, mana lang sayo 'yang anak mo. Ikaw nga eh umaga mo lang nakita ang tatay niyan eh nagpahalik ka na agad kinahapunan. Tapos magtataka ka kung kanino nagmana ang anak mo!"

mula sa loob ng kwarto'y dinig niyang wika ng ina.

Ano daw? Nagpahalik siya agad sa tatay ni Devon? Kilala ng ina ang ama ng bata?

Mabilis siyang nakalabas ng kwarto hawak ang hand bag na gustong dalhin sa trabaho.

"Ano'ng sinabi niyo, Ma?" maang niyang tanong.

"Ang sabi ko, kanina pa panay busina si Ricky sa labas. Umalis ka na't baka ma-late na kayo pareho sa trabaho," sagot nitong bitbit na ang pagkain ni Devon sa plato.

"Pero hindi 'yon ang sinabi niyo kanina." anyang napasulyap sa batang awang din ang bibig na napatitig sa kanya.

"Naku, nabingi ka na naman. Umalis ka na't anong oras na," pagtataboy nito.

Nang muling bumusina ang nasa labas ay napilitan na siyang lumabas ng bahay pagkatapos pandilatan ang anak.

"'Pag ginalaw mo pang lappy ko, hindi kita ibibili ng books!" warning niya pero nanatili lang itong nakatingin sa kanya hanggang makalabas siya ng bahay.

"Kuya, sensya ka na ha? Late na naman ako. Sa sunod 'di na talaga ako magpapahatid." anya sa lalaki bago umangkas sa motor nito.

"Okey lang 'yon, maaga pa naman eh. Mamaya sunduin kita. Magpapasama akong magpabili ng regalo ko para sa ate mo. Birthday niya kasi bukas," sagot nitong pinatakbo na ang sasakyan.

"Ayy, oo nga 'noh? Sige bibili din akong regalo. Sunduin mo akong 4PM, kuya," susog niyang napahawak sa balikat nito nang mabilis nitong patakbuhin ang motor.

Sanay na siya sa gano'ng bilis nito magpatakbo at ang paghawak ng isang kamay niya sa balikat nito'y nagbibigay sa kanya ng assurance na hindi siya masasaktan. Ewan ba pero pakiramdam niya, safe siya lagi 'pag ito ang kasama.

Wala pang thirty minutes ay nasa tapat na siya ng building ng FOL BUILDERS. Mabilis siyang bumaba at malapad ang ngiting ibinigay sa lalaking itinuring na niyang tunay na kapatid.

"Antayin kita rito kuya nang 4PM. Bibili din kasi akong libro para kay Devon."

"O sige, wala pang 4 andito na ako."

"Okay, bye." Kumaway muna siya rito bago tuluyang tumalikod at nakangiting pumasok sa loob ng building kasabay ng iba pang empleyado ng kumpanya.

This time, itinatak na niya sa isip na 'di na muling magkakamali ng pasok ng elevator at sumunod sa mga kasabayang ordinaryong mga empleyado ngunit anong gulat niya nang biglang may humawak sa maliit niyang beywang at iginiya siya papunta sa VIPs elevator.

Awang ang bibig na napatitig siya sa gumawa no'n kasabay ng pamumula ng pisngi. Ano'ng ginagawa ng chairman sa kanya?

"S-sir, ano po'ng ginagawa niyo?" 'di niya mapigil ang mag-usisa ngunit 'di ito nagsalita't pinindot ang up button ng elevator at nang bumukas iyo'y agad siya nitong ipinasok sa loob at isinandal sa dingding katulad ng ginawa nito kahapon.

Ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib habang nakadukwang ang lalaki at salubong ang mga kilay na nakatitig sa kanya, halatang galit na naman.

"I asked myself many times kung bakit gan'to ang ipinapakita mo sakin ngayon, Amor. Are you trying to rebel dahil hindi kita natagpuan sa loob ng pitong taon?" paasik nitong wika na lalong nagpabilis ng tibok ng kanyang dibdib and at the same time, made her more confused than yesterday.

"Believe me, I really don't know what you're talking about." Sa kabila ng nararamdaman ay pinagsikapan pa rin niyang kampantihin ang sarili at mahinahong magsalita upang maniwala itong wala talaga siyang alam sa mga sinasabi nito.

"Dammit, Amor! You don't know what I'm talking about and yet you're flirting with that bodyguard of yours?" nanlilitid ang mga ugat sa leeg na sambit nito sa matigas na boses, halata ang pigil na galit.

"Anong bodyguard?" lalo lang siyang naguluhan at confused na napatitig dito.

Ramdam niya ang pagtaasan ng kanyang mga balahibo nang maamoy ang mabangong hininga nito at ang gamit na perfume na humahalo sa amoy ng aftershave na ginamit nito sa halos magkadikit na nilang mukha.

"Amor, Amor, why are you doing this to me, huh?"

"Why don't you believe me? I really don't know you!" giit niya.

"And that guy is our family's---" natigilan siya at lalong nangunot ang noong tumitig dito.

Wait. Bakit ba niya kailangang ipaliwanag ang tungkol sa kanyang kuya Ricky? Hindi naman niya kaanu-ano ang lalaking ito para magdemand sa kanya ng paliwanag. Tsaka pa'no nito nalamang may kasama siyang lalaki kanina? Sinusundan ba siya ng chairman? Why? At bakit pakiramdam niya, galit ito dahil nagseselos?No! Imposible 'yon.

He suddenly hugged her that made her more nervous at naramdaman niya agad ang pangangatog ng mga tuhod kaya siya napakapit sa batok nito, but promise, pinagsisihan niya ang ginawa dahil 'yon ang naging dahilan para maging mapangahas ito't halikan siya sa likod ng tenga.

"Amor..."

Agad niya itong itinulak sa sobrang gulat at nagtatanong ang mga matang tumitig sa mga mata nitong iisa na lang ang nakarehistro duon. Was it lust?

"Amor, let me kiss you," nag-iba na ang boses nito, tila na nakikiusap sa kanya.

"No! I'm already engaged to be married!" maagap niyang sagot na kahit siya'y nagulat sa sinabi ng sariling bibig.

Ngunit agad din siyang nagsisi nang bumalik ang galit nito.

"Engaged, my ass! You can only be married once! And you can only have one husband and that's me!"

Napakapit siya sa dingding ng elevator at ilang beses na lumunok sa takot nang maramdamang galit na nga ito. Ano'ng gagawin niya?

'Gosh! Ba't ba hindi bumubukas ang hinampak na pintong 'yan?' sigaw ng kanyang isip.

Isang tili na lang ang umalingawngaw sa loob ng elevator nang bigla siya nitong kabigin at pagalit na lamukusin ng halik ang kanyang mga labi. Nagpumiglas siya ngunit sobrang lakas nito na 'di man lang natinag sa ginagawa niya.

'Walanghiya ka! I can't breath!' gusto niyang isigaw ngunit hindi 'yun makalabas sa kanyang bibig na sakop ng bibig nito.

But then, biglang umalingawngaw ang isang boses sa kanyang pandinig, kasabay ng malinaw na video sa kanyang utak.

"Amor, I'll never kiss any woman's lips but yours alone."

Natigilan siya.He just saw this man kissing him intimately, while whispering her name and giving promises.

Inilayo nito ang mukha nang maramdamang 'di na siya nagpupumiglas.

"Amor, you're only mine, mine alone! Remember that," mariin nitong sambit habang habol ang paghinga at 'di tinatanggal ang pagkakahawak sa kanyang beywang.

Hindi niya maunawaan kung anong nararamdaman ng mga sandaling 'yun. She wanted to kiss him back pero sobra ang pagpipigil niya sa sarili.

"Let me go," sa halip ay usal niya.

Humigpit ang hawak nito sa kanyang beywang and gave her that glare.

"You're originally mine, Amor. Hindi ko ipinamimigay ang kahit ano'ng pagmamay-ari ko!" Tumatagos ang mga salitang 'yon sa kailaliman ng kanyang dibdib na ewan niya kung bakit subalit ramdam niya ang paglukso ng kanyang puso dahil doon.

Muli nitong inilapit ang mukha sa kanya dahilan upang mapapikit siya. This time, she just wanted to take that kiss. Bahala na, magpapatianod na lang siya kahit walang nauunwaan sa mga sinasabi nito, kung kasama man ito sa nawala niyang memorya, malalaman din niya ang lahat.

Pero tila siya nanghinayang nang bitawan nito. Why?

When she opened her eyes, wala na ang lalaki, nakita na lang niyang nakabukas ang pinto ng elevator.

Natitigilan siyang napasandig sa dingding niyon habang pinapakalma ang sariling damdamin.

Sino ang lalaking iyon? Ano ang koneksyon nila sa isa't isa? Bakit ipinagdidiinan nitong ito ang nagmamay-ari sa kanya? Naguguluhan siya. Wala siyang maunawaan. Noon lang nakaraang araw ay ang executive director ang nangungulit sa kanya. Ngayon nama'y ang chairman na. Ano ba? Sino ba talaga ang ex niya sa dalawa? Napamulagat siya nang may biglang pumasok sa isip. Could it be na isa sa mga ito ang totoong ama ni Devon? Pero bakit wala siyang maalala?

Kailangan na kaya niyang magpatingin uli sa doctor para malaman niya kung ano 'yong part ng past niya ang nawala sa kanya? She could sense na 'yon ang pinakamahalagang nangyari sa kanyang buhay. And those twins were part of those memories?

Ahh, kailangan na nga niyang kumunsulta ng isang neurologist.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C44
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login