JEWEL
The meeting ended. Umalis agad ako sa office ni Sir Yul kahit hindi pa nakakalabas ang kanyang mga bisita. Sa halip na pumasok ako sa opisina namin ay dumiretso ako sa elevator. Kanina pa ako nagpipigil ng sarili. Gustong sumabog ng dibdib ko sa galit. Kapag hindi ko ito mailabas ay baka mag collapse na lang ako bigla.
Nagtungo ako sa rooftop. Mabilisan kong tiningnan ang paligid at nang mapansing walang tao ay nagdire-diretso ako sa dulo. Gigil na gigil akong humawak sa harang na pader.
"JONJIE LEEE!!! HANGGANG NGAYON NAPAKABASTOS AT NAPAKAHAYUP MO PA RIN! MAY ARAW KA RIN SA AKING DEMONYO KA!!! HUMANDA KA! MAKAKAGANTI RIN AKO SAYO SA LAHAT NG MGA KAHAYUPAN MO AT SA LAHAT NG MGA KAWALANGHIYAANG GINAWA MO SA PAMILYA KO!!! TANDAAN MO ANG ARAW NA ITO! SIMULA NGAYON AY PAGSISISIHAN MO LAHAT NG MGA KASAMAANG GINAWA MO SA AMIN!!! DEMONYO! DIABLO! SATANAS KA!!!
"Lily may kaaway ka ba?"
Para akong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig matapos marinig na may nagsalita sa isang sulok. I quickly covered my mouth with hand. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Sir Luigi na nakatayo sa isang sulok. Ngingisi-ngising binitawan niya ang sigarilyo at inapakan ang upos nito. Kalmadong lumapit siya sa akin nang nakapamulsa.
"Sinong kaaway mo?" he said. Hindi maikakailang natatawa sa kanyang nasaksihan.
Yumukod ako. I recall the terrible words I said. Gusto kong pansamantalang lamunin ng gusali. "Sorry sir kung naistorbo ko yung break niyo. Akala ko po walang tao eh. Sige maiwan ko na po kayo. Pasensiya na po kayo," malumanay na sabi ko.
Humakbang ako pero bigla niyang pinigilan ang braso ko. "Oh teka saan ka pupunta? Mukhang hindi ka pa tapos sa pag lalabas ng sama mo ng loob. Ako na lang ang aalis. Take your time. Lakasan mo pa lalo para siguradong marinig ka ni Satanas." Ngingiti-ngiting tumalikod siya at kaswal na umalis.
Napapakagat ako sa labi nang nakangiwi habang pinapanood siya papalayo. Binatukan ko ang aking sarili. "Tatanga-tanga ka na naman Jewel! Hindi mo man lang muna siniguradong mabuti na walang tao bago ka nagngangawa!"
Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago bumaba. Yung siguradong hindi kami magkakasabay ni Sir Luigi sa elevator. Nang makampante ang aking kalooban ay bumaba na rin ako pero laking gulat ko paglabas ko sa aming palapag. Nakatayo at nakatambay si Jonjie Lee malapit sa elevator.
I ignored him at kunway walang nakitang naglakad patungo sa aming opisina. Nagulat ako nang bigla niyang pinigilan ang aking kamay. Gigil na tinanggal ko aking kamay sa pagkakahawak niya.
"Ano ba kanina ka pa sa pananantsing mo ha! Anong karapatan mong hawak-hawakan ako!" medyo napalakas ang boses ko. I can't hold my annoyance anymore.
"Jewel ang suplada mo naman. Hindi ka ba pwedeng makausap kahit sandali?"
"Bakit kita kakausapin? Wala naman tayong dapat pag-usapan."
"Hindi ka ba pwedeng kumustahin man lang?"
"Close ba tayo para magkumustahan?"
"Ang suplada mo pa rin hanggang ngayon. Akala ko pa namin ay bumait ka na dahil naghirap na ang pamilya mo. Pero balita ko wala ka pa ring asawa hanggang ngayon?"
Tumaas ang isa kong kilay. "And so?"
"Baka gusto mong ituloy yung naudlot nating kasal?"
Gusto kong humagalpak sa tawa. Ibang klase din ang tama nito sa utak. "So wala ka pa ring asawa hanggang ngayon? Wow I feel vindicated. Wala talagang gustong magpakasal sa isang demonyo."
"Sinong may sabi wala akong asawa? May asawa na ako. Pitong taon na akong kasal."
"Kung ganun ba't ang kapal pa rin ng mukha mong mag-alok sa akin ng kasal?"
"I'm chinese. Pwede akong mag-asawa nang marami hangga't kaya kung buhayin."
Naningkit ang aking mga mata. Natutukso akong sipain siya sa gitna ng kanyang mga hita para naman matauhan sa kabastusan niya. "Ang baba din naman ng tingin mo sa akin no? Hoy pangit at matabang instik noon na mas lalong tumaba at pumangit ngayon, di baleng sunugin mo na ako ng buhay kesa makasama sa impyernong buhay ang isang demonyong katulad mo!"
"Wow ang tapang mo na ngayon ah? Ano? Pinagmamalaki mo sa akin na secretary ka ni Sir Yul. Akala mo mas malakas ka sa kanya kesa sa akin? Di hamak na sekretarya ka lang!"
"Wala akong pinagmamalaki at kung nayayabangan ka sa akin pwes tantanan mo ako! At utang na loob ilayo mo sa akin yang nakakasukang mukha mo!"
"Tingnan ko kung makapagyabang ka pa rin sa ipapakita ko sayo!" May dinukot siyang papel sa panloob na bulsa ng kanyang suit at binigay sa ito sa akin. "Sadyang hinanap ko yan dahil alam kong magkikita tayo rito."
"Ano to?" unti-unting umusbong ang kaba sa aking dibdib.
"Utang yan ng tatay mo na hanggang ngayon ay hindi pa rin bayad. Sampung milyon yan at nakalagay diyan sa promisory niya na kapag hindi niya nagawang bayaran ay ipapasa yang utang na yan sa ibang miyembro ng kanyang pamilya!"
Binasa ko ang papel at biglang gumuho ang iniipon-ipon kong tapang nang malamang totoo nga ang sinabi niya. Nanuyo ang aking lalamunan nang makita ang pirma at finger print ng aking tatay.
"Paano ako nakakasiguradong hindi pa to bayad? Naubos na lahat ng ari-arian namin dahil pinambayad yun sa mga utang ni Daddy?" wika ko nang hindi pinapahalata ang unti-unti kong panghihina."
"Hindi kami kasama sa mga kumuha ng properties niyo kahit halungkatin mo pa ang mga dokumento ng mga ibinayad niyo. Kung ako sayo pumayag ka nang maging pangalawang asawa ko bukod sa mawawalan na kayo nang utang, magbubuhay reyna ka ulit," may ngiting-asong wika niya.
Walang pag-aalinlangang pinunit ko ang papel. "Nakakita ka na naman ng ipambablack-mail mo kunyari! Hanggang ngayon ba naman ay ayaw mo pa rin akong patahimikin!"
"Kilala mo ako Jewel. Hindi ako marunong tumigil hangga't hindi nakukuha ang gusto ko. Ikaw ang pinakagusto ko sa lahat kaya sa palagay mo tatantanan kita?"
"What's going on here?" Parehas kaming nagulat nang biglang sumulpot si Sir Yul sa aking likuran. I instantly closed my mouth and bit my lip. Nag-alalang baka narinig niya ang mga pinag-usapan namin. Bagama't pagkakataon na ito na manghingi ako ng tulong pero mas pinipili ko pa ring maging pribado ang pangit na bahaging ito ng aking buhay. Sinulyapan ko siya. Wala namang kakaibang reaksiyon ang mukha niya.
"Are you harassing my staff?" diretsong tanong niya kay Jonjie Lee nang nakapamulsa.
"H-Hindi po Sir Yul. May pinag-uusapan lang kaming personal matter," daig pa ang maamong tupang paliwanag niya.
Sir Yul clenches his jaws. "Who said you're allowed to talk to my staff about private matters during working hours?"
"Sorry sir. Nagkataon lang na nakasalubong ko siya. Aalis na rin ho ako."
Galit na tumingin sa akin si Sir Yul. "Go back to your desk. Ang dami mo pang trabaho."
"Y-Yes sir. Sorry po." Nakayukong dumaan ako sa harapan niya hawak ang pinunit kong papel.
"Saan ka galing?" bungad agad sa akin ni Lorraine.
"May binili lang sa ground floor," pagsisinungaling ko. Dumiretso ako sa water dispenser at umubos ng dalawang basong tubig.
"Kanina ka pa namin hinihintay dahil may dadalhing documents kay Sir Luigi. Ayun si Joanna na ang nagdala. Sana tanggapin, " tuloy na sabi ni Lorraine.
Naupo ako sa aking mesa. Binitawan ko ang punit na papel. Nagliliyab ulit sa galit ang aking dibdib habang nakikita to. Tahimik ngunit gigil na gigil na pinunit ko pa ito sa maliliit na piraso at saka itinapon sa basurahan.
"Jewel nasan ang notes mo ng meeting?" Natauhan ako sa tanong ni Ma'am Nora. Naiwan ko nga pala sa office ni Sir Yul.
Maingat akong pumasok sa office ni sir. Nakaupo na siya sa kanyang mesa at tahimik na nagbabasa.
"S-Sir kunin ko lang po yung naiwan kong notebook."
Tumango lang siya at tuloy sa pagbabasa.
Walang ingay akong humakbang patungo sa upuan kong saan ko naiwan ang aking notebook. Kinakabahan ako na baka may sabihin siya. Hindi pa rin ako lubusang nakasisigurado na wala nga siyang narinig tungkol sa pag-uusap namin ni Jonjie Lee. Natatakot akong baka bigla niya akong sisantihen dahil dito. Ayaw na ayaw pa man din niya may distraction sa trabaho ang kanyang mga staff. Buti na lang nakalabas ako nang opisina niya nang wala pa rin siyang imik.
"Ma'am eto na po yung notes ko," I told Ma'am Nora while showing her my notebook.
"Gawin mo na ang minutes of the meeting habang sariwa pa sa isip mo ang mga pinag-usapan," utos niya.
"Yes Ma'am."
Pagbalik ko sa table ko ay siya namang dating ni Joanna. Hinihingal siya at tila nagmamadali. "OMG! Nagkakagulo sa baba!"
Napatayo si Lorraine. "Bakit anong nangyari?!"
"Nagwawala sa galit si Mr. Lee. Basag-basag lahat ng salamin ng kotse niya na nakapark sa basement! Naghihisterya siya sa galit sa mga guwardiya lalo't paborito niya palang sasakyan yun!"
"Ha?! Paanong nangyari yun? Sino naman ang gagawa nun dito?" ani Ma'am Nora.
"Hindi nga ho alam dahil nagkataon namang hindi gumagana ang CCTV sa area na yun!"
Nagulat din ako sa aking narinig subalit di ko mapapigilang huwag matuwa sa aking kaloob-looban. Kita mo nga naman ang bilis ng karma. Marahil ay may lihim din siyang kaaway dito dahil sa sama ng ugali niya.
"Ma'am hindi ba natin sasabihin kay sir?" ani Lorraine.
"May inaaral na proposal si Sir Yul. Hayaan mo nang ang security ang umayos niyan," simpleng tugon ni Ma'am Nora.
When I reach the 5th floor, employees are also busy murmuring about the incident. Everyone is energetic except for Sir Luigi who seems to be napping on his chair.
Kumatok ako nang mahina sa nakabukas niyang pinto. He slowly opened his eyes.
"You're here," mahinang sambit niya at pagkuway unti-unti ring sumigla ang mukha.
"Kumusta ang lalamunan mo? Hindi ba nagkagasgas sa kakasigaw kay diyablo?" ngisi niya.
Napapahiya na naman ako pero ayaw ko nang pag-usapan ito kaya walang imik na binigay ko sa kanya ang folder. Pagkuha niya ay may napansin ako sa kanyang kamay. Kumunot ang aking noo. There are small fresh wounds. Mukhang dumudugo pa yung iba.
"Sir anong nangyari sa kamay mo?" I said with bigger eyes.
Tiningnan niya ang kamay. Nagulat din siya sa nakita. Mukhang ngayon niya rin lang nalaman na may sugat siya. Mabilis niyang ibinaba ang kamay at itinago sa ilalim ng mesa. "Nabasag yung hawak kong baso kanina baka tinamaan," simpleng paliwanag niya. "You can leave now," ngiti niya.
I ignored what he said. Sa halip ay pinuntahan ko ang mesa ng isa sa mga secretaries niya. "Gina meron ba kayong medicine kit dito?"
"Yes why are you looking for it?"
"May sugat si Sir Luigi."
Gina volunteered to mend his wounds pero sa pinto pa lang ay pinalabas niya ang kanyang sekretarya. "Jewel ikaw ang maglagay ng gamot," utos niya.
Nag-alinlangan ako. Bakit ako na naman eh ang dami-dami niya namang sekretarya. Baka hanapin na ako sa office.
"Kung ayaw mo e di hahayan ko na lang tong mga sugat na kusang gumaling," kibit balikat na sabi niya nang maramdaman ang pag-aalinglangan ko.
Kinuha ko kay Gina ang medicine kit. "Sige ako na po."
Naupo kami sa mahabang couch. He removed his coat and rolled up his long sleeve. Ngingiti-ngiti lang siya habang pinapanood akong nagpapahid ng betadine sa sugat niya. Napansin kong ilan sa mga sugat ay mayroong nakabaong maliliit na bubog. I managed to find a tiny eyebrow puller in one of the secretaries beauty kit. Ibinabad ko muna yun sa mainit na tubig.
"Huwag kayong malikot sir. Tatanggalin ko lang ang bubog."
"Aray!" he cried while I pull the tiniest shard.
Hinihipan ko ang sugat sa tuwing napapaaray siya. What a weak guy! Para ito lang, dumadaing na.
"Paano po bang pagkakabasag nung baso at umabot dito sa kamay niyo ang mga bubog?" taka ko.
Hindi siya sumagot sa halip ay dumaing na naman. Nataranta ako kaya hinipan ko ulit ang kamay niya... not until I realized something. Tama ba ang iniisip ko?
Nag-angat ako ng mga paningin at tiningnan ko siya sa mga mata. "S-Sir ikaw ba ang nagbasag ng sasakyan ni Mr. Lee?"
He avoided my stares.
"Sir I'am asking you. Did you do it?"
Tumingin na siya sa akin. "Yes," wala nang pagdadalawang-isip na sagot niya. Medyo may tono pa ng pagmamalaki.
"K-Kaaway niyo ho ba siya?" nanlalaki ang mga matang anas ko. Hininaan ko ang aking boses baka may makarinig.
"Kaaway mo siya di ba? Kaya kaaway ko na rin siya. No one is allowed to mess with my Lily."
Nabitawan ko ang kanyang kamay? "Paano niyo nalamang kaaway ko siya?"
"You screamed his name with so much hatred."
I grimaced. Nabanggit ko nga pala sa rooftop ang ng taong yun. "Sir ba't niyo naman yun ginawa?" napapadyak ako. Gustuhin ko mang maantig ay hindi ko magawa dahil hindi ako natutuwa na maging dahilan para makagawa ng mali ang isang tao.
"Bakit naman hindi? Pasalamat nga siya sasakyan niya lang ang binasag ko hindi ang mukha niya," bigla siyang naging seryoso at naging galit ang boses.
"Ano ba naman kayo sir. Padalos-dalos naman kayo. Paano kung nagpang-abot kayo ni Mr. Lee at nagkaroon ng mas malaking gulo? Sa tingin niyo ba matatahimik ako pag napahamak kayo nang dahil sa akin?"
"I can handle myself. Kaya kung lusutan anumang gulo ang pasukin ko. Pero ang hindi ko kayang tanggapin ay malaman kong binabastos ka ng taong yun."
His eyes are furious and his face is raging red. Napalunok ako. Seryoso ba to sa mga pinagsasabi niya? Sino ba ako para magalit siya sa kaaway ko? Isa lang naman akong hamak na pansamantalang nakukursunadahan niya. Pag lumipas ang attraction niya sa akin, tiyak na pagsisisihan niya rin ang ginawa niya ngayon. Kinuha ko ulit ang kamay niya at pinahiran ng gamot. This time medyo diniinan ko. He is really the opposite of his cousin. Sige lang ng sige for the sake of ego. Hindi man lang muna mag-isip!