Download App
93.75% The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame) / Chapter 102: Kabanata 29

Chapter 102: Kabanata 29

[LOUISE'S POV]

Medyo naging malayo yung biyahe namin. Saan kaya nila ako dadalhin?

Tumigil ang van na sinasakyan namin sa isang gubat. Hindi ko alam kung saan ito.

Hinila ako ng mga kidnapper palabas ng van.

Pagkalabas ko ay may nakita akong isang lumang bahay ba 'yan or hide out nila. Hindi ko alam kung ano, basta dinala nila ako papasok do'n.

Pagkadala nila sa akin do'n ay hinarap nila ako sa isang babaeng nakatalikod. Parang alam ko na kung sino siya.

Humarap sa akin yung babae.

Si Samantha nga.

"Hi Louise. Long time no see. Did you miss me?" nakangiting tanong niya, pero isang masamang ngiti ito.

"Napakademonyo mo talagang babae ka! Bakit mo 'to ginagawa sa akin? Noong una, yung article. Pangalawa, sinunog mo ang boarding house namin. At ngayon naman ay binaril mo ang Papa ko. Ano bang nagawa kong kasalanan sa 'yo ha at ginawa mo 'to?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Kasalanan ba kamo? Masyado ka kasing epal. Ano bang meron sa 'yo at nagustuhan ka ng lalaking gusto ko? Mas maganda at sexy naman ako sa 'yo, tapos ikaw ang pangit mo. Siguro ginayuma mo siya kaya nagkagusto siya sa 'yo." sagot sa 'kin ni Samantha.

At siya pa talaga ang nagsabi no'n.

"Wow Samantha! Coming for you. Dapat ako ang magsabi niyan sa 'yo. Ikaw ang epal sa ating dalawa. Kami ang nagmamahalan ni Billy pero dumating ka para sirain ang relasyon namin. Mas maganda at sexy ako kaysa sa 'yo. Maganda ang kalooban at sexy sa paningin ng asawa ko. At anong sabi mo? Ginayuma ko ang asawa ko? Nauntog ba ang ulo mo kaya hindi mo maalala ang ginawa mong panggagayuma sa asawa ko noon para agawin mo siya sa akin?"

Nakita ko namang nainis siya sa pambabasag ko sa kanya. Burn bitch burn.

*pak*

Pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong sampalin. Tapos bigla na lang siya tumawa na parang baliw. Nasisiraan na yata ng utak ang babaeng 'to.

"Ngayon ay tatapusin ko na ang buhay mo. Wag kang mag-alala dahil makakasama mo naman si George sa langit. At ako na ang bahala sa asawa mo. Hahahaha!" sabi niya sa 'kin sabay halakhak na parang demonyo.

May sira nga ang utak niya. Nagbanggit pa talaga siya ng pangalang hindi ko naman kilala. Sino ba yang George na 'yan? Siguro lalaki niya.

Akala ko ba kidnapping 'to? Mukhang nasa mental yata ako at binibisita ko si Samantha na baliw.

Tinutukan naman ako ni Samantha ng baril. This time ay hindi ko na napigilang matakot pa.

"Any last message before you die?" tanong niya sa 'kin.

Napapikit na lang ako at hinintay ko ang pagputok ng baril sa akin.

*bang*

*bang*

Narinig ko ang tunog ng baril. Pero bakit wala akong maramdamang sakit o tama man lang? Tapos ay naramdaman kong wala nang humahawak sa akin. Nakapagtataka naman.

"Billy." narinig kong sabi ni Samantha.

Minulat ko ang mga mata ko.

At halos magulat ako nang makita kong nakabulagta na sa sahig ang mga lalaking kumidnap sa akin. May tama sila ng bala.

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang makita ko ang asawa ko na may hawak na baril at nakatutok ito sa gawi ni Samantha. Pati nga si Samantha ay nagulat din. Paano siya nagkaroon niyan?

"Ibaba mo ang baril mo kung ayaw mong ipaputok ko 'tong baril ko." galit na sabi ni Billy kay Samantha.

Pero hindi sumunod si Samantha. Bagkus ay pumunta siya sa likod ko, pagkatapos ay pinalibot niya ang isang braso niya sa leeg ko at tinutok ang baril sa sentido ko.

"Sige, iputok mo ang baril mo! Papatayin ko 'tong asawa mo!" galit na sabi ni Samantha kay Billy.

Nakita kong nanginginig ang kamay ng asawa ko. Kailangan may gawin ako para makatakas kay Samantha.

Ang ginawa ko ay kinagat ko ang braso ni Samantha na nakapalibot sa leeg ko.

"AAAAHHHHH!" narinig kong sigaw ni Samantha nang kagatin ko siya.

Agad naman akong nakatakas sa kanya at tumakbo ako papalapit kay Billy.

"WAGGGGGGG!" sigaw ni Billy.

Ha? Bakit naman...

*bang*

Napatigil ako bigla nang marinig ko ang tunog ng baril. Unti-unting lumalabo ang paningin ko at namamanhid ang katawan ko.

"Wifey ko!" narinig kong sigaw ni Billy at lumapit siya sa 'kin.

May narinig naman akong tunog. Basta wang wang siya.

"Lumaban ka wifey ko. Lumaban kayo ng baby natin." sabi niya sa 'kin.

Ngumiti lang ako kay Billy.

At unti-unti kong pinikit ang mga mata ko.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C102
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login