Download App
89.28% The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame) / Chapter 97: Kabanata 24

Chapter 97: Kabanata 24

[LOUISE'S POV]

Minsan, akala mo ay masaya na life natin dahil natapos mo na ang problema mo, pero hindi pa pala. May mga problema pa ring dumarating sa buhay natin. Hindi sila basta-basta nauubos na parang pagkain lang.

Sa ngayon ay na-solved ko na ang scandal ko. Nalaman na rin ng mga tao na si Samantha ang may pakana no'n para siraan ako. Halos lahat ay nagalit sa kanya dahil sa nangyari. Pati rin yung mga humahanga sa kanya ay na-disappoint din sa ginawa niya. Buti naman at natauhan sila. SamLy pa more.

Magiging masaya na sana ako, pero dahil sa nangyari ay na-cancel din ang movie nila ni Billy. Ang pinaghirapan ng asawa ko. Pati mga staffs, producer at director ay nagalit sa akin. Si Billy ay nadamay din. Kailangan naming bayaran ang mga damage na nagawa namin sa kanila kung ayaw naming humantong ito sa korte.

"Pasensiya na kung sinira ko yung movie mo." malungkot kong sabi kay Billy.

"Ayos lang yun Wifey ko. Mas mahalaga ka sa'kin kaysa sa movie na yan, kaya wala ka dapat ikalungkot." tugon niya na nagpangiti sa 'kin.

"Ang swerte ko talaga dahil nagkaroon ako ng sweet at understanding na asawa." sabi ko sa kanya.

"Mas ma-swerte ako wifey ko dahil nagkaroon ako ng mapagmahal at pinakadabest na asawa sa buong mundo." sabi niya sabay pisil sa magkabilang pisngi ko.

Kahit kailan ay palagi niya akong pinapakilig. He never failed me to make me smile.

[SAMANTHA'S POV]

"Ateeeeee! Gumising kaaaa! Wag mo akong iiwan please!" naiiyak kong sabi habang yakap ko ang Ate Nikki ko.

Nandito ako ngayon sa hospital dahil naaksidente si Ate Nikki.

Pero wala na siya.

Wala na ang nag-iisa kong kapatid. Ang nag-iisa kong kakampi.

Car accident ang naging dahilan kung bakit siya namatay.

Hindi ko mapigilang mapakuyom sa galit. Maliban sa namatay ang kapatid ko ay nasira na rin ang image ko sa ibang tao. Kasalanan lahat nito ng babaeng 'yon. Ginawa niyang miserable ang buhay ko.

Humanda silang lahat sa akin lalo na sina Billy at Louise. Sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay nila.

Kung dati ay gustong-gusto ko si Billy. Ngayon ay galit na ang nararamdaman ko sa kanya. Gusto kong maghiganti sa kanya at sa asawa niya.

Na-realize ko na mas mahalaga pala ang taong nagmamahal sa 'yo kaysa sa lalaking gusto mo.

Hindi ko hahayaang maging masaya sila habang ako ay talunan.

Para na rin 'to kay Ate Nikki.

- FAST FORWARD -

[LOUISE'S POV]

Ilang linggo na ang nakalipas at going strong ang relasyon namin ni Billy. Kahit may mga pagsubok na dumaraan sa amin ay kasama namin itong haharapin. At medyo lumalaki na rin ang tiyan ko.

Hindi na rin nagparamdam sa amin si Samantha. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Pero sana ay hindi na niya kami guluhin ng asawa ko.

Hindi na rin artista ang asawa ko dahil sa pagtulong niya sa akin na linisin ang pangalan ko tungkol sa scandal. Na-terminate ang kontrata niya sa talent agency na pinasukan niya. Maraming ibang agency na nag-o-offer sa kanya na mag-artista ulit pero tinanggihan lang niya ito. Gusto raw niya ng normal na buhay kasama ako. Kinikilig nga ako eh.

Nandito kami ngayon ni Billy sa OBgyne para tignan ang gender ng anak naming dalawa. Excited na nga ang asawa ko eh.

"Kumusta naman po ang baby namin sa tiyan ng asawa ko?" tanong ni Billy sa OBgyne ko.

"Congratulations to both of you. It's a baby girl. And she so strong." sabi ng OBgyne ko na ikinatuwa namin ni Billy.

"Our first princess." sabi ni Billy habang hinahaplos niya ang tiyan ko.

Ako naman ay hindi mapigilang mapaluha sa saya. I feel complete now.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C97
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login