Download App
87.5% The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame) / Chapter 95: Kabanata 22

Chapter 95: Kabanata 22

[LOUISE'S POV]

Paggising ko ay bumungad agad sa akin ang mukha ni Billy na natutulog. Nakayakap ako sa kanya habang nakahubad kami pareho.

Kahit buntis na ako ay nagawa pa rin namin 'yon dalawa.

Babangon na sana ako sa kama ngunit mas hinigpitan ni Billy ang yakap niya sa akin.

"Dito ka lang Wifey ko." sabi niya sa 'kin habang nakapikit. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya.

Natulog ulit kaming dalawa.

- FAST FORWARD -

Kinuwento ko kay Kate ang nangyari kagabi sa ball.

"Siya ang naging partner mo sa ball? Wow! Kayo pa rin talaga ang destiny." kinikilig na reaksyon ni Kate.

"Oo nga. Akala ko nga maghihiwalay na kaming dalawa. Salamat talaga sa ball na 'yon at kami pa rin hanggang ngayon." ang sabi ko.

Akala ko nga magiging boring 'yon but it turns out to be the best ball ever.

"Pero ang nakapagtataka lang ay kung bakit gustong makipaghiwalay sa 'yo ni Billy for the past few days? I know na si Samantha yung reason, pero bakit parang biglaan yata?" tanong sa 'kin ni Kate.

"Siguro ginayuma siya ng Samanthang 'yon kaya na-inlove ang asawa ko sa kanya. Hahaha!" natatawa kong sabi

Syempre joke lang 'yon. Imposible namang mangyari yang kulam na 'yan.

"Yes wifey ko. Ginayuma niya ako." - Billy

Napatingin kami ni Kate kay Billy na nagsalita.

"Ha? Ginayuma ka niya?" nagtataka kong tanong.

"Yeah. Naalala ko bigla na binigyan niya ako ng isang lata ng softdrink. Nang ininom ko 'yon ay parang nag-iba ang pakiramdam ko. Parang nakikita ko ang mukha mo sa kanya. That's why I fell in love with her pero hindi ko 'yon ginusto." sagot ni Billy.

So totoo nga. But I don't get it. Paano siya nagkaroon ng gayuma? Siguro may lahi silang mangkukulam.

[SAMANTHA'S POV]

Nandito ako ngayon sa isang publishing company na kung saan ay gagawin ko ang susunod kong plano.

Ipapamukha ko sa maraming tao kung gaano kalandi 'yang Louise na 'yan.

"Hello Jin." salubong ko sa isa sa mga writer ng publishing company. Syempre kailangan kong gamitin ang flirting powers ko to convince him.

"H-hi Samantha." nahihiya niyang bati.

Pogi rin naman si Jin at bata pa siya pero hindi ko siya type dahil mahirap lang siya.

"May favor sana ako sa 'yo. Sana gawin mo." sabi ko sa kanya.

"Sure, para sa 'yo lahat gagawin ko." - Jin

"Can you make an article about this." sabi ko sabay bigay kay Jin ang mga pictures ni Louise na may kasamang iba't ibang celebrity na lalaki. Yung iba ay edited lang at yung iba naman ay tunay lalo na yung kasama niya sina Fredison, James and especially Jameshin.

"A-anong klaseng article?" tanong niya.

"Ipamukha mo sa mga tao kung gaano siya kalandi. Para sa gano'n ay maging masaya ako." sagot ko sa kanya. Syempre hindi ko sinabi na gusto kong maghiwalay sila ni Billy. Baka umayaw si Jin lalo na't may gusto siya sa akin.

"P-pero ikakasira 'to ng kumpanya namin." sabi niya na ikinainis ko. Pero hindi ko ito ipinahalata.

"You can have my body all night for return kung magagawa mo ang iniuutos ko." sabi ko kay Jin.

Nakita ko namang nagdadalawang-isip siya. Alam kong hindi niya matatanggihan ang sexy kong katawan.

"Sige deal." sabi niya na ikinangiti ko.

Ready na ako makitang bumagsak ang Chakang Louise na 'yon. Ewan ko na lang kung hindi pa siya hiwalayan ni Billy my loves.

- FAST FORWARD -

[LOUISE'S POV]

Dalawang linggo ang nakalipas ay naging maayos na ang relasyon namin ni Billy. Mukhang hindi na rin kami inaabala ng Samanthang 'yon. Buti naman at tumigil na siya.

"OMG! Bes, basahin mo 'to." sabi ni Kate at may pinakita siya sa akin sa phone niya.

***

Dyosa's Article: Look, ang asawa ni Billy Williams na si Louise De Guzman-Williams. Isang palang ahas. Sabay-sabay niyang tinuhog ang iba't ibang celebrities habang kasal pa siya sa asawa niyang celebrity din.

***

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga pictures na may kasama akong iba't ibang celebrities. Yung iba ay editied. Yung iba ay tunay talaga pero walang ibig sabihin 'yon.

"Dinamay pa talaga nila ang asawa ko." naiinis na sabi ni Kate.

Binasa ko ang mga comments at halos lahat ay puro negative tungkol sa akin. Kesyo malandi raw ako. Hindi pa ako nakuntento sa isang lalaki. Sana hiwalayan daw ako ni Billy. Mostly galing sa SamLy fans ang mga negatibong komento. 'Yan ba talaga ang tingin nila sa akin?

"Huwag mong pansinin ang mga netizens na 'yan. They don't know the whole story. Basta ako ay naniniwala akong hindi mo 'yon ginawa." sabi ni Kate na ikinangiti ko.

"Salamat. Pero nasaan nga pala ang asawa ko?" tanong ko kay Kate.

"Pinuntahan niya ang publishing company na nag-post ng article tungkol sa 'yo. Kasama niya sina James at Fredison na galit na galit din." sagot sa 'kin ni Kate. "Pero sino kaya ang nag-post no'n? Mukhang malaki ang galit niya sa 'yo." dagdag pa niya.

"Hindi ko alam kung sino. Si Samantha lang naman ang may matinding galit sa akin." sabi ko.

"Baka siya nga." - Kate

Hindi ko mapigilang mainis kay Samantha.

"Akala ko tumigil na siya. Hindi pa pala. Ang sama talaga niya." sabi ko.

Kailangan ko siyang harapin ngayon. Alam ko kung saan siya nakatira.

[SAMANTHA'S POV]

"Thank you Jin dahil ginawa mo ang favor ko." sabi ko habang nakayakap ako sa kanya. Binigay ko lang naman ang prize niya kagabi sa aking kwarto. Mga 12 noon na rin kami nagising dahil masyado niya akong pinagod.

"Anything for you my queen." tugon niya sabay halik sa labi ko.

*ding dong*

"Teka lang may bisita. Baka si Ate Nikki yan. Diyan ka lang at huwag kang lalabas ng kwarto." sabi ko at bumangon ako mula sa kama. Nagsuot muna ako ng bathrobe bago ako pumunta sa sala.

Pagkarating ko sa may pintuan ay binuksan ko ito.

At nagulat ako nang makita ko ang babaeng kinakainisan ko.

"Why are you here?" mataray kong tanong sa kanya.

"Alam kong ikaw ang gumawa ng article tungkol sa akin." seryoso niyang sabi na ikinatawa ko.

"At paano mo naman nasabi 'yon? May ebidensiya ka ba na ako ang gumawa no'n?" panghahamon ko sa kanya.

"Wala pero ikaw lang naman ang may matinding galit sa akin dahil masyado kang insecure sa kung ano ang meron ako." sabi niya na ikinainis ko bigla.

"Hindi ako insecure. Ikaw siguro ang insecure dahil alam mong maaagaw ko sa 'yo si Billy." sabi ko sa kanya.

"Kahit kailan ay hindi magiging sa 'yo si Billy. Hanggang gayuma ka lang Samantha." sabi niya na ikinatigil ko bigla.

Paano niya nalaman na pina-inom ko si Billy ng gayuma?

"Akala mo siguro hindi ko alam ang tungkol do'n. Kahit anong gawin mo ay pagmamahal pa rin ang mananaig." sabi niya sa 'kin.

"Hindi! Mapapasakin si Billy at sisiguraduhin ko 'yan!" sigaw ko dahil inis na inis na ako sa kanya. Hindi ko hahayaang matalo ako ng babaeng 'to.

"Talagang lang ha. At sino naman ang lalaking 'yan?" - Louise

May tinuro siya mula sa likod ko.

Napatingin naman ako sa tinuro niya at nagulat ako nang makita ko si Jin. Nakatapis lang siya habang nakatingin siya sa akin.

"Ang bagal mo kasing bumalik sa kwarto. Gusto ko pa ng Round 12." sabi sa 'kin ni Jin.

"At sino ngayon ang totoong ahas?" - Louise

Pagkatapos no'n ay umalis na siya. Hindi ko mapigilang maikuyom ang kamao ko. Mali ang binangga mo chakang babae ka. Humanda ka sa akin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C95
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login