Download App
77.67% The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame) / Chapter 84: Kabanata 11

Chapter 84: Kabanata 11

[LOUISE'S POV]

Kanina ko pa hinihintay ang tawag ni Billy pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumatawag. Nangako siya sa akin na tatawagan niya ako pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tinatawagan.

"Alas onse na ng gabi Louise. Hindi ka pa ba matutulog?" tanong sa 'kin ni Fredison.

"Saglit lang Fredison. Baka tumawag ang asawa ko." sagot ko sa kanya.

"Baka natutulog na yun, o baka busy. Ikaw na lang kasi ang tumawag sa asawa mo para mapanatag ka na." - Fredison

"Wala akong load."

"Ito, gamitin mo ang phone ko." sabay abot sa akin ni Fredison ang phone niya.

Kinuha ko naman ito sa kanya. "Password?"

Naka-screenlock kasi ang phone niya.

"FREDILEEN4EVER" sagot niya.

"Ang corny naman ng password mo." sabi ko habang tinatype ko ang password ng phone niya.

Nang ma-unlock ko na ang phone niya ay bumungad sa akin ang logo ng gang na sinalihan niya. May picture

BLACK INFINITY

With matching blood effect pa. Nakakatakot nga eh.

Pumunta ako sa contacts niya at hinanap ang number ni Billy.

And I dialed him with smile.

("Hello Fredison.")

Pero nawala ang ngiti ko sa narinig ko.

"Ano Louise? Ano ang sinabi niya?" - Fredison

Hindi si Billy ang narinig ko.

Boses ng isang babae.

Boses ng isang napakapamilyar na babae.

Boses ni Samantha.

("Lasing ngayon si Billy kaya ako na ang sumagot sa phone niya. But you have nothing to worry about dahil kasama ko siya ngayon sa kama.") - Samantha

Sa kama?

Bakit kasama niya si Billy sa kama?

("Hello Fredison? Bakit hindi ka nagsasalita? Ano ba Billy you're so naughty!")

*toot toot toot*

Biglang namatay ang tawag.

"Anong sabi niya?" tanong sa 'kin ni Fredison.

"Fredison, sa tingin mo ba? Hindi ako lolokohin ni Billy patalikod?" bigla kong tanong sa kanya.

"Ba't mo naman natanong 'yan?" - Fredison

Hindi naman ako makasagot.

"Si Samantha ba ang kasama niya ngayon?" - Fredison

Tahimik lang ako. Pakiramdam ko tutulo na ang luha sa mga mata ko.

"Wag kang mag-isip ng ganyan Louise. Hindi ka lolokohin ni Billy. Alam nating may nakaraan sila ni Samantha, pero matagal na 'yon at ikaw na ang mahal niya ngayon." - Fredison

Tama si Fredison. Ako ang mahal ni Billy at sumumpa kaming pagkatiwalaan namin ang isa't isa. Hindi niya ako lolokohin.

I trust him kahit anong mangyari.

[SAMANTHA'S POV]

"Cheers guys. Sana maging successful ang movie natin." sabi ng isa sa mga cast ng movie namin ni Billy na sobrang pangit.

Nag-toast naman kaming lahat.

Nandito kami ngayon ni Billy sa isang bar kasama ang cast ng movie namin para mag-celebrate.

Hindi namin kasama ang mga crew at pati na rin si Direk dahil may iba silang lakad. Buti na lang at humiwalay sila sa amin dahil ngayon ko na sisimulan ang evil plan ko.

"Guys, maglaro tayo ng image game. Alam niyo naman siguro ang mechanics. Pero iinom ng isang shot ng alak ang may pinakamaraming turo. Game ba kayo?"

Sisiguraduhin kong malalasing siya ngayon.

"Game." pagsang-ayon nila maliban kay Billy dahil kanina pa siya nakatuon sa telepono niya.

"Kasali ka rin sa game Billy at wag kang tumanggi." sabi ko sa kanya.

"Ayoko." tugon ni Billy habang nakatingin pa rin sa phone niya.

Inagaw ko sa kanya ang phone niya.

"Fuck!" - Billy

"Ibabalik ko lang 'to kapag sumali ka." sabi ko sa kanya.

"Tsk! Fine." - Billy

"Pero mamaya ko na ibabalik sa 'yo ang phone mo."

At inilagay ko sa loob ng bag ko ang phone niya.

Nagsimula na ang laro.

"Sino sa tingin niyo ang may masayang lovelife?"

Iyan talaga ang tinanong dahil alam kong ituturo nila si Billy.

At hindi nga ako nagkamali. Tinuro nila si Billy. Kasama na rin ako sa nagturo sa kanya.

"Ba't ako?" - Billy

"Syempre, ikaw ang may asawa kaya masaya ang lovelife mo. Dapat inumin mo 'yan. Kapag hindi mo yan ininom, iisipin naming nagsisi kang nagpakasal ka sa asawa mo."

"I know right."

"Tch." - Billy

Wala naman siyang magawa at uminom siya ng isang shot ng alak.

Nagtuloy-tuloy ang laro namin at napansin kong lasing na lasing na si Billy dahil lagi siya ang natuturo namin. Naka-isang inom pa lang ako dahil isang beses pa lang ako naturo nila.

"Guys, magpahinga na tayo. Maaga pa ang flight natin bukas." sabi ko sa kanila.

"Sige pero sino ang maghahatid kay Billy?"

"Ako na ang bahala sa kanya." sabi ko sa kanila.

"Gee."

I grinned widely.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C84
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login