Download App
71.42% The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame) / Chapter 77: Kabanata 4

Chapter 77: Kabanata 4

[BILLY'S POV]

"Pasensiya na talaga Billy kung naabala ko kayo ng asawa mo. Alam kong may honeymoon kayong dalawa. Pero may mga responsibilidad ka dapat unahin." sabi sa 'kin ng manager ko.

"It's okay. Naintindihan naman kita. At saka isang taon na lang kontrata ko rito kaya lulubusin ko na 'to bago ako magpaalam sa showbiz." sabi ko sa manager ko.

"Sigurado ka ba talagang hindi ka na pipirma ng kontrata?" - Manager

"Hindi na siguro. Gusto kong magkaroon ng simpleng buhay kasama ang asawa ko." sagot ko kay manager.

"Nirerespeto ko ang desisyon mo." - Manager

"Alam kong malungkot ka sa naging desisyon ko. Pero naniniwala akong makakahanap ka ng kapalit ko. Ikaw pa na pinakadabest na manager na nakilala ko."

Nakita ko namang naiiyak na ang manager ko.

"Aww! Mukhang ikaw yata ang sobra kong mami-miss sa mga talents ko."

Bigla akong niyakap ng manager ko. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Ehem!"

Napatingin naman kami ng manager ko sa umubo.

And I was surprised nang may nakita akong isang pamilyar na mukha.

"Sam?" gulat kong tawag sa kanya.

"Magkakilala kayong dalawa?" biglang tanong ni manager habang nakatingin kay Sam.

"Yes, he's my ahhm old friend." nakangiting sagot ko sabay tingin sa kanya.

"Old friend huh? Long time no see, Billy." - Sam

"Long time no see." tugon ko kay Sam at pinagmasdan ko siya.

She changed a lot at masasabi kong hindi na siya ang Sam na minahal ko noon.

Parang hindi ako apektado sa presence niya ngayon at sa pagbabalik niya.

"Great kung magkakilala kayo. Walang awkward na magaganap at mukhang ready na kayo sa press conference." sabi ng isang lalaking kasama ni Sam.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa lalaki.

"Miss Samantha Moore is your new loveteam at siya rin ang makakatambal mo sa upcoming projects mo." sagot sa 'kin ng lalaki.

"WHAT?" bigla kong sigaw.

Hindi ako makapaniwalang si Samantha ang magiging bagong loveteam ko sa showbiz.

Paano siya nakapasok sa mundo ng showbiz? At marunong ba siyang umarte?

[LOUISE'S POV]

"Ang tagal namang magsimula." naiinip na sabi ko.

"Parang ang excited mo yata Bes. Dapat mainip ka dahil makikilala mo na sa TV ang partner ng asawa mo sa showbiz." sabi sa 'kin ni Kate.

"True girl." pagsang-ayon ni Ate Kathleen.

"Wag nga kayong ganyan. Hindi pa nga natin nakikilala ang ka-loveteam niya ganyan na kayo. Malay natin mabait pala siya." sabi ko kina Kate.

"Sabi mo eh." - Kate

"Magsisimula na guys." - James

Agad naming tinuon ang pansin namin sa TV.

("Wazzup Pilipinas! Wazzup world! Ngayon ay ang very first press conference ng isa sa mga hinahangaan nating hunk na si Billy Williams with her new loveteam. Ang inaabangan ngayon ng mga netizens ay kung sino nga ba ang bagong ka-loveteam ni Billy Williams? At kanya-kanya sila ng hula. Marami ang nagsasabing ang asawa ni Billy Williams ang bago niyang ka-loveteam. Marami ring nagsasabing si Princess Sy pa rin. At ang iba naman ay clueless.") - Reporter

"Nakaka-curious naman 'yan." bigla kong sabi.

"Sinabi mo pa." - Kate

("This is it guys. Malalaman na natin kung sino ang bagong ka-loveteam ni Billy Williams. Ito na sila.") - Reporter

Lumabas mula sa backstage si Billy Williams kasama ang isang napakagandang babae.

"No way." biglang react ni Fredison at napatayo siya sa kinauupuan niya.

"Okay ka lang bro?" tanong ni James sa kanya.

"'Di ba yan yung ex ni Billy?" biglang tanong ni Fredison.

Napatingin naman si James sa babaeng ka-loveteam ng asawa ko sa TV.

Noong una ay naningkit ang mga mata niya, pero bigla itong nanlaki.

"No way. Siya nga." hindi mapakaniwalang sabi ni James.

"Oh my god! Ang bagong ka-loveteam ni Billy ay ang ex niya?" tanong ni Kate na gulat na gulat sa pangyayari.

Ako naman ay naguguluhan.

"Teka teka, anong ibig niyong sabihin?" tanong ko kina James at Fredison.

"Siya si Sam. Ang ex ni Billy. Siya ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ni Billy noon. Hindi pa namin siya nakikilala personally dahil noong nagsisimula pa lang sa showbiz si Billy ay hiwalay na sila." - Fredison

"Pero nakikita namin si Billy na yakap ang picture ni Sam sa tuwing natutulog siya at binabanggit pa niya ang pangalan ng ex niya. Si Sam din ang first love ni Billy kaya nahihirapan siyang makapag-move on." - James

"Tinulungan namin si Billy na mag-move on and we succeeded. Pero hindi na naging masaya pa si Billy. Yung mga ngiti niya noon on-cam ay hindi totoo." - Fredison

"Hanggang sa dumating ka sa buhay niya. Naging masaya muli si Billy dahil sa 'yo. Pero natatakot pa rin kami dahil baka magkita sila balang araw. At ito na nga ang araw na 'yon." - James

Sa kinuwento pa lang nina Fredison at James ay nakaramdam ako bigla ng kaba.

I'm aware naman na may ex-girlfriend ang asawa ko dahil ikinuwento niya ito sa akin noon.

Pero hindi ko inexpect na ganito pala siya kaganda. Sa totoo lang ay wala akong panama sa kanya.

Napatingin naman ako sa TV at nakita kong masaya sina Billy at ang Sam na 'yon. Hindi ko maipagkakaila na bagay talaga sila.

"Wag mag-alala Louise dahil kahit anong mangyari ay ikaw pa rin ang mahal ni Billy." sabi sa 'kin ni James.

"At kung lokohin ka man niya ay nandito lang kami para damayan ka. At bibigyan ko rin siya ng suntok dahil sa panloloko niya sa 'yo kung sakali." sabi naman sa 'kin ni Fredison.

"Thanks guys." sabi ko na lang sa kanila.

"Bukas ay sasamahan natin si Billy sa taping niya. Ipagluto mo siya ng pagkain." - Fredison

Tumango lang ako at pinanood pa namin ang press conference ni Billy kasama ang bago niyang loveteam.

("Last question is for you Billy, kung hindi mo nakilala ang asawa mo hanggang ngayon. May chance ba na magkatuluyan kayo ni Samantha in the future.") - Reporter

Napatayo ako bigla sa tinanong ng reporter kay Billy.

Bakit nila tinanong 'yan? Parang hindi nila iniisip na may asawa ang tao. Tapos nagtitilian pa talaga sila.

("Why not?") sagot ni Billy at mas lumakas pa ang tilian ng mga tao sa TV.

Ako naman ay parang nanghina sa narinig ko mula kay Billy.

"Gosh! Bakit ganyan ang sagot niya? Gago ba siya? Alam naman niyang nanonood ang asawa niya." biglang react ni Kate.

"Wag kang mag-alala Louise, sa tingin ko ay labag sa kalooban ni Billy ang sagot niya." sabi sa 'kin ni Fredison.

"Paano mo nasabi yan Fredison?" tanong ko sa kanya.

"Sa mundo ng showbiz. Hindi lahat ng naririnig mo sa TV ay totoo. Kaming mga artista ay kailangan ding magsinungaling para sa career namin. At sa tingin ko ay sinagot niya lang 'yon para sa fans nila." sagot sa 'kin ni Fredison.

"Tama si Fredison. Mahal na mahal ka ni Billy at pagkatiwalaan mo siya." sabi naman sa 'kin ni James.

Tama sila, mahal na mahal ako ni Billy at naniniwala ako sa kanya. At isa pa, kasal kami at walang sinuman ang makakahadlang pa sa pagmamahalan namin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C77
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login