Download App
70.53% The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame) / Chapter 76: Kabanata 3

Chapter 76: Kabanata 3

[LOUISE'S POV]

Nagising ako nang may naamoy akong mabango.

Hmmmm! Parang pagkain yata ang naaamoy ko.

Bumangon ako mula kama at sinundan ang mabangong amoy. Yung parang lumulutang ka para sundan ang mabangong amoy na 'yon. Nangyayari ito sa mga cartoons lalo na sa Tom and Jerry. Hehe!

Nakarating ako sa kusina na kung saan ay doon nanggagaling ang amoy.

At nakita ko si Billy na nagluluto.

He's only wearing apron at wala siyang suot na damit. Ang sexy niyang tignan habang nagluluto.

Gosh! Sa tuwing nakikita ko ang asawa ko ay pinagnanasaan ko siya.

Dahan-dahan akong lumapit kay Billy and I gave him a backhug.

Wala ng hiya-hiya pa dahil asawa ko naman 'to. Gosh! Na-fi-feel ko ang balat niya sa likod! Kyaaaaaaa!

"Ang ganda naman ng salubong ng wifey ko." narinig kong sabi ni Billy at humarap siya sa 'kin para yakapin ako pabalik.

"Good morning hubby ko." masayang bati ko sa kanya.

"Good morning too my naughty wife." nakangiting bati naman niya sa 'kin.

"Huh? Anong naughty ka diyan?" kunot kong tanong sa kanya.

"Kung makayakap ka kasi ay parang fini-feel mo ang katawan ko." sabi sa 'kin ni Billy.

"Feeler ka rin hubby ko at niyayakap ko lang naman ang asawa ko eh." sabi ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Ikaw talaga wifey ko. Kaya talaga kita minahal dahil napakalambing mo at mapagmahal." nakangiting sabi niya sa 'kin.

"Yung niluluto mo baka masunog." paalala ko sa kanya.

"Ikaw na lang ang breakfast ko wifey ko." sabi niya sa 'kin na ikinalaki ng mga mata ko.

"Bastos ka talaga hubby ko." tugon ko sa kanya.

Tumawa lang si Billy at bumalik na siya sa pagluluto.

Ako naman ay naka-backhug lang sa kanya. Sa totoo lang ay pinapakiramdam ko talaga ang katawan niya. Hehehe! Asawa ko na 'to kaya pwede ko nang gawin ang ganitong gawain.

[SAMANTHA'S POV]

"AAAAHHHHHH!" sigaw ko nang masunog ang niluluto kong breakfast.

Kainis! Bakit nasunog ang prinito kong itlog?

I was taking some selfie pictures in the living room but when I came back to the kitchen, this is what happened.

Nakakalungkot mang isipin pero hindi talaga ako marunong magluto. Kumakain lang ako sa labas kapag nagluluto ako. Syempre sa mamahaling restaurant ako kumakain kahit gipit ako sa pera.

Ngayon lang akong nag-try magluto para sa future namin ni Billy. Siguro siya na lang ang magluluto palagi kapag ikinasal na kaming dalawa.

Magbubuhay reyna na lang ako sa palasyo namin while he's giving some pleasure.

*kriiiiinnnnnngggg*

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Istorbo naman 'to.

"Hello." sagot ko sa tawag.

Hindi ko tinignan ang pangalan ng caller sa screen dahil tinatamad ako.

("Kailan ka magbabayad ng utang mong tatlong milyon sexy?") tanong sa 'kin ng isang pamilyar na lalaki na ikinalaki ng mga mata ko.

"G-george. I-ikaw pala. Ahhh! K-kasi. W-wala pa akong p-pera. P-pwedeng sa ibang araw na lang?" kinakabahang sabi ko sa kanya.

Si George ang lalaking kinakatakutan ko dahil malaki ang utang ko sa kanya.

Umutang ako sa kanya ng tatlong milyon six months ago pero hindi ko pa ito nababayaran. Galit na galit na nga siya sa akin dahil hindi ako nakakabayad sa kanya. Pero napapakalma ko naman siya sa tuwing inaakit ko siya.

May gusto sa akin si George but I don't like him. Bukod sa may iba akong gusto ay masyado siyang matanda para sa akin. He's 46 years old for pete sake kahit may itsura pa rin siya. But still ayoko sa kanya because Billy is better than him.

"Samantha, I need that money. I will just give you 30 days para magbayad. Kung hindi ka pa makapagbayad ay ipapakulong na kita." sabi niya sa 'kin na mas ikinabahala ko.

"No, wag mo akong ipakulong. Give me some time to find money." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi kita ipapakulong kung makakapagbayad ka on time. But there is another way para mabayaran mo ang utang mo without using money." sabi sa 'kin ni George na ikinabuhay ko bigla.

"Really? What is it?" masayang tanong ko sa kanya.

"Marry me." sagot niya sa 'kin.

Nawala bigla ang ngiti ko sa sinagot niya.

"No way. Ayokong magpakasal sa 'yo." bigla kong sabi sa kanya.

"Then bayaran mo ang utang mo." sabi niya at biglang namatay ang tawag.

"Hello! George!" sigaw ko pero hindi na siya sumagot pa.

"Bwisit!" inis na sabi ko sabay bato ng cellphone ko.

Thirty days na lang ang natitira kong oras para bayaran ang utang ko. Kailangan kong maghanap ng tatlong milyong piso as soon as possible.

Isang paraan lang para mabayaran ko ang utang ko.

Iyon ay mapasaakin ulit si Billy.

Kapag maging boyfriend ko na ulit si Billy ay hihingi ako sa kanya ng pera o di kaya'y kukupit ako sa bank account niya at ibabayad ko ito kay George. Iyon lang ang paraan.

[LOUISE'S POV]

"Kumusta ang honeymoon niyo ng asawa mo? May nangyari ba? Nag-wrestling na ba kayo sa kama?" tanong sa 'kin ni Kate.

Ang ganda ng pambungad niya.

"Kakauwi pa lang namin, yan na agad ang tanong mo sa akin? Hindi mo man lang ako kinamusta." sabi ko kay Kate.

"Syempre, excited na akong malaman mula sa 'yo ang tungkol sa honeymoon niyo. Anong experience? Masarap ba?" - Kate

By the way, simula nang ikasal sina Kate at Ate Kathleen kina James at Fredison ay dito na sila nakatira sa boarding house. Ang saya ko nga eh dahil may makakasama na ako ritong babae.

"Anong masarap ka diyan? Walang nangyari sa amin ni Billy. Yang mga bagay na yan ay hindi minamadali. Nag-roadtrip lang kami sa honeymoon namin." sagot ko kay Kate.

May tamang panahon pa para gumawa ng baby. At isa pa, napaaga ang uwi namin ngayon ng asawa ko dahil tinawagan siya ng manager niya na may upcoming project siya kasama ang bago niyang leading lady. Usap-usapan nga sa social media kung sino ang bago niyang leading lady. Ako nga rin na-curious.

"Ha? Wala pang nangyari sa inyo. Ang bagal niyo naman." biglang singit ni Ate Kathleen.

"True, ang bagal niyo. Kami nga ni James, pagkatapos ng wedding reception namin ay bigla niya akong dinala sa isang mamahaling hotel at agad niya ako sinunggaban sa kama." pagkukuwento sa 'kin ni Kate.

"Syempre, sex monster 'yon eh." react ko.

"Pero mag-iingat ka pa rin sa mga babaeng umaaligid kay Billy. Porke't mag-asawa na kayo ay wala ng mga lintang umaaligid sa kanya. Bakod-bakod din pag may time gaya ng ginagawa ko kay Fredison." babala sa 'kin ni Ate Kathleen.

"Trulaley lalo na sa bagong leading lady ng asawa mo. Baka may lahing ahas yan." - Kate

"Don't worry girls. Kung may mga ahas mang umaaligid sa asawa ko ay hindi ko sila uurungan. At isa pa, I trust him. Alam kong hindi siya magpapadala sa mga seksing babaeng lalapit sa kanya dahil mahal niya ako." sabi ko sa kanila.

"Sa bagay, alam kong hindi ka lolokohin ni Billy. Ang mga taong masusungit katulad niya ay seryosong magmahal." sabi sa 'kin ni Ate Kathleen.

True, pero hindi naman lahat ganyan. Meron din namang masusungit na babaero.

At hindi 'yon ang asawa ko.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C76
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login