[LOUISE'S POV]
Nandito ako ngayon sa sementeryo para dalawin siya.
Nami-miss ko na siya.
Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita.
Ang aking ina.
"Ma, nalaman ko ring ama ko pala si Mr. De Guzman. Noon, ang hirap niyang patawarin dahil sa pag-iwan niya sa atin. Pero hindi naglaon ay pinatawad ko na siya dahil alam ko namang may dahilan siya kung bakit niya tayo iniwan. At isa pa, nakikita kong bumabawi talaga siya sa akin. Ma, isa na akong De Guzman ngayon."
Kinukuwento ko kay Mama ang buhay ko ngayon simula noong huli ko siyang dinalaw.
"Mama, engage na rin ako. Nahanap ko na rin ang forever ko. Sana..."
*kriiiiiiinnnnnngggg!*
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako sa pagsalita.
Kinuha ko ito mula sa bag ko at chineck kung sino ang tumatawag.
***
Hubby ko
calling...
***
Si hubby ko pala ang tumatawag.
Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello hubby ko. Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.
("Wifey ko, umuwi ka na. Nami-miss ka na ni hubby mo.") sagot niya sa 'kin na ikinatawa ko.
"Hahaha! Hubby ko, kararating ko pa lang sa sementeryo. Papauwiin mo agad ako. O siya, uuwi na ako." sabi ko sa kanya.
Ang kulit niya kasi eh. Daig pa niya ang bata.
("Yehey! Gawa tayo ng baby ha.") sabi sa 'kin ni Billy at alam kong nakangisi siya.
"Baby mo mukha mo. Hoy hubby ko, hindi pa tayo kasal. Saka na yan after wedding." inis na tugon ko kay Billy.
("Aasahan ko yan.") - Billy
"Hoy! Alam kong nakangisi ka." sabi ko.
("Hindi ah") depensa niya.
"O siya, papunta na ako diyan." sabi ko kay Billy.
("I love you wifey ko.") - Billy
"I love you too hubby ko." sabi ko at binaba ko na ang cellphone ko.
A/N: Salamat sa lahat ng nagbasa. Book 2 will be also published here in the next volume.