Download App
78.57% One-sided Love by pinkyjhewelii / Chapter 11: Chapter 11

Chapter 11: Chapter 11

NAKAUWI na kami sa Manila. Hanggang makauwi ako dito sa mansyon ay hindi pa rin ako maka move on sa ginawa ni Enzo kagabi. Kapag pumipikit ko, nai-imagine kong nakalapat pa rin sa labi ko ang labi niya. Gosh! Nakakaloka. Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari iyon.

Mas lalong nakakakilig kasi si Enzo lang naman ang first kiss ko!

"Ate, para kang timang. Kanina pa kita tinatawag."

Tinaasan ko ng kilay si Rance. "Oh, bakit ba?"

"May bisita ka sa baba."

Kumunot naman ang noo ko. "Bisita?"

"Oo, at ini-interrogate na siya nina Dad at Kuya Miko."

Nanlaki ang mga mata ko. Sino naman 'yon? Ini-interrogate nina Dad, so it means hindi ang triplets. Pero sino?!

Napabalikwas ako ng bangon. Sumunod ako kay Rance pababa sa salas and my eyes widened when I saw him.

"Yes, sir!"

"Do you know that she's our fucking princess?" Sabi ni Dad.

"Yes, sir!"

"Do you know that no one dares to mess up with the Abellano's?" Sabi naman ni Kuya Miko.

"Yes na yes, sir!"

Napailing ako saka mabilis na lumapit sa kanila. "Dad! Kuya! What's happening?"

Dinaig pa nila ang commander at itong si Dean ay sundalo na tuwid na tuwid ang pagkakatayo.

"Do you know him, Princess Reiko?"

Tumingin ako kay Dean. He smiled at me. Hindi man lang ba siya natatakot kay Dad?

"Yes, Dad." Sagot ko.

"So he asked us if he could court you."

Nanlaki ang mga mata ko. May ganoong factor agad?! Talagang pumunta siya dito para magsabi kina Dad? Gosh. Hindi niya kilala ang Dad ko! He's a satan!

Lumapit sa akin si Mom. "Reiko, anak, see? Ang Daddy at Kuya mo, kita mo, they are so protective to you kaya sana ay maintindihan mo. Do you love him?"

"Mom!"

Love agad? E iba nga kasi ang gusto ko.

Tumawa siya. "I'm just kidding. Anyway, I like the guts of this guy. Is he really courting you?"

Sumulyap muna ako kay Dean. Mas ngumiti siya. "He asked me, yes." Sagot ko.

"What's your name again?" Tanong ni Dad.

"Theo Dean Valdez, sir!"

"Are you fucking serious of courting my daughter?"

"Yes, sir! Hundred percent, sir!"

Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Halos mapanganga ako. Seryoso ba 'tong Dean na 'to?!

"Are you fucking single? There's a possibility that you're a fucking playboy." Sabi ni Kuya Miko.

"Yes, sir! I'm a hundred percent single! No flings, no girls, and no, I'm not a playboy, sir!"

Nasapo ko ang noo ko.

"Give me you---"

"Here's my birth certificate, sir! Also, my ID with my address! In case, I hurt your daughter you can arrest me!"

Mas nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dean kaya napatingin ako sa kaniya at pinanlakihan siya ng mata. Ngumiti lang siya.

Anong ginagawa niya?!

I never thought na makakakilala ako bigla ng ganyang klaseng lalaki like, hello! Bigla nalang siyang sumulpot sa buhay ko na parang mushroom at kabog ang mga linyahan niya kina Dad. Bumilib din naman ako sa tapang niyang harapin ang pamilya ko.

"Good, then, pwede mong ligawan si Reiko, but you can only do it here. Pupunta ka dito sa mansyon, I don't want you to ask her out. Maliwanag?"

"Clear, sir!"

Gosh! Hindi ako makapaniwala sa nangyayari!

"Princess Reiko, he's your suitor? Be a good girl. You know your limitation. I'll trust this guy." Sabi ni Dad saka hinila na si Mom paakyat sa taas.

Si Kuya Miko naman ay nakapamulsa habang nakaharap pa rin kay Dean.

"She's fucking ugly every morning and without make up. She snores. She eat like a pig. She's fucking lazy. She loves to fart in front of us---"

"Kuya!" Jusko, ano bang trip ni Kuya Miko! Nakakahiya!

"I don't mind, sir! I still like her." Sabi naman ni Dean.

Kuya Miko grins. "Make her cry once, you'll gonna be sent to hell." Sabi niya saka umalis na.

Naiwan kami ni Dean dito sa salas.

"Anong ginagawa mo? Saka ano iyong mga sinabi mo kina Dad?"

Nakahinga siya ng maluwag. "Damn, Princess Reiko, daig ko pa ang pumasok sa military. Your father and brother are both intimidating."

"Upo ka." Sabi ko. Umupo kami sa sofa. "Pero bakit ka nga narito saka paano mo nalaman na dito ang bahay namin?"

"I asked your bestfriend."

"Si Ciara? Paano mo siya nakilala?"

"Because I always see her with you?"

"So she gave it to you without hesitation?"

Tumango siya. "I just asked her and told her that I like you. That's it."

Ang gagang 'yon! Lagot siya sa akin. Wala man lang pasabi na may binigyan siya ng address ko!

"Pero bakit ka nga narito?"

"Like what your brother and father said, nanliligaw ako. Ayoko namang sa 'yo lang ako magpapaalam. I also wanted to ask permission to your family. Gusto ko kasing patunayan agad sa 'yo na seryoso ako."

Is he being real? Seryoso ba talaga siya? Bihira na sa lalaki ang ganito! Saka bigla bigla nalang lumilitaw 'tonf si Theo Dean. Ginulat niya ako no'n sa ginawa niya sa campus pero mas nakakagulat iyong ginawa niya ngayon!

Ibig sabihin ba, seryoso talaga siya sa panliligaw sa akin? I mean, why?

"Pero..."

"I don't want to court you behind your family. Mas gusto kong kilala nila ako."

Hindi kinakaya ng brain cells ko ang ginagawa ni Dean. "Seryoso ka ba talaga?"

"Do you think I'll talk to your family if not? Mukha ba akong gago na nanti-trip lang?"

"But how come?"

"What do you mean?"

"I mean, alam natin pareho na bigla ka nalang sumulpot out of no where tapos narito ka nanliligaw for real with permission from my family."

He chuckles. "Sabi ko naman sa 'yo, hindi ba? Grade school palang tayo, crush na crush na kita pero dahil chubby ako noon, hindi ako naglakas ng loob na lapitan ka hanggang lumago ang nararamdaman ko sa 'yo. You were my motivation, Reiko. Noong mga panahong naging eager akong pumayat. Hindi ako kumakain ng kahit anong pagkain na pwedeng maging dahilan ng pagtaba ko until I achieved this body. Kaya nga may lakas na ako ng loob na lapitan ka. Nagkaroon na ako ng confidence na ligawan ka."

Napalunok ako. Kakaiba siya. He's handsome and his eyes are pretty. He has kissable lips and... bakit ko ba pinagpapantasyahan ang lalaking 'to?! Pero kasi, hindi ko akalaing may katulad niya na lihim na may gusto sa akin.

Feeling ko tuloy, ang ganda ganda ko.

"As in... seryoso? Walang atrasan? Hundred percent? Kahit may iba akong gusto?"

"Hindi ko naman hawak ang puso mo, Princess Reiko e. Wala akong magagawa kung may iba kang gusto pero liligawan pa rin kita. Gusto kong mapakita sa iyo na karapat dapat din naman ako sa 'yo."

Ano ba! Nakakaloka. I can't believe this.

"A-ah, sige?"

"Thank you, Princess Reiko. Thank you rin sa family mo. Ngayon, wala akong ipapangako sa 'yo pero sasabihin ko sa 'yo na ikaw lang ang babae sa buhay ko. Ikaw lang."

Kikiligin na ba ako? Hindi ko masabi kung sinong mas gwapo sa kanila ni Enzo. Pareho lang naman kasi sila. May kanya kanya lang silang difference pero kung sa mukha, parang pantay lang.

Sa gwapong 'to ni Dean, hindi ko man lang siya napapansin sa campus. O dahil masyado akong busy kay Enzo? Kasi siya lang lagi ang hinahanap hanap ng mga mata ko.

Giidluck naman sa akin dahil officially, may manliligaw na ako. Take note that he got permission from my satan dad.

*

Shinwoo University

SINAMAAN ko agad ng tingin si Reiko pagkararing niya rito sa room namin. Akala niya ba, wala siyang kasalanan sa akin?

"O ang aga aga, nakabusangot ang mukha mo, besty?"

"At ikaw, wala ka bang naaalala na kasalanan mo sa akin?"

Kumunot ang noo niya. "Ang tanging kasalanan lang na nagawa ko ay nag edit ako ng picture namin ni Kenzo at pinagmamalaki ko sa mga pinsan ko na boyfriend ko siya."

Nasapo ko ang noo ko. "May kasalanan ka sa akin."

"What? Ano 'yon, besty? Hindi ko naman inagaw si Enzo sa 'yo ah?"

"Hello, may pinagbigyan ka ng address ko! Without asking me. Paano mo nagawa sa akin 'yon?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Omg, you mean, nagpunta siya sa inyo?! Iyong si pogi na bagong suitor mo? Seryoso, besty? Kwento mo naman!"

"Wow ha, porke pogi, basta mo nalang ibinigay ang address ko?"

"Keshe nemen, besty! Sabi niya kasi sa akin, miss beautiful, pwede bang favor. Ganern! E'di siyempre bumigay ako! Ang honest niya masyado e."

I rolled my eyes. "Ewan ko sa 'yo. Marupok ka talaga s amga pogi e."

"Coming from you, besty?"

"Bakit, kay Enzo lang naman ako marupok, ah!"

"Tingnan lang natin kung hindi ka maging marupok kay pogi ha! Baka nga kapag nakita mo siya, matanggal ang strap ng bra mo."

Hinampas ko siya sa braso. "Ang bastos mo!"

Tumawa lang siya saka may inilabas ng libro.

"O, ano naman 'yan?"

"Baka libro 'to, besty?"

"I mean, hello! Hindi ka naman mahilig magbasa ng english novels, ah!"

"Besty naman, huwag kang maingay. Binabasa ko nga kasi nabanggit ko kay Kenzo na nagbabasa ako ng mga english novels. Tapos naniwala soya tapos sabi ba naman niya,i-kwento ko saw sa kaniya mamaya sa library 'yong plot ng novel na binabasa ko kaya here I am! Magbabasa muna ako, huwag kang istorbo."

Naoailing nalang ako. "Hay naku, basta mapalapit lang kay Kenzo, talaga e 'no?"

"Parang ikaw kay Enzo. Huwag kang magmalinis diyan, besty."

Tumawa lang ako pero nabitin ang tawa ko dahil nakita ko sa may pinto si Dean. What the...

Bigla siyang kumaway sa akin. Napalunok ako. Bakit ang gwapo niya ngayon? Ang gwapo niya sa suot niyang uniform!

Maingat akong tumayo habang seryosong seryoso si Ciara sa pagbabasa. Nilapitan ko si Dean saka hinila palabas ng room namin. Nasa may pinto kasi siya at kitang kita ko na kinikilig iyong mga classmate kong babae.

"You touched me."

Napabitaw ako bigla. "E kasi, ano, bakit ka narito?"

"Here."

I tilted my head when he gave me a paperbag. "Ano 'to?"

"Sabay tayo mag-lunch mamaya. Is it okay?"

Hala... kasi, ano, hala talaga, anong isasagot ko? Para namang hindi ko siya matanggihan.

"Reiko!"

Nilingon ko iyong tumawag sa akin. Ang Shinwoo triplets. Biglang kumabog ang dibdib ko. Nakatingin rin sa akin si Enzo. Jusme!

"Uh, hi!" Bati ko sa kanila.

Lumapit sila sa akin. Why? Why, wait, bakit?

"Theo Dean Valdez." Sambit ni Kenzo.

Magkakilala sila?

"Jiro Kenzo Shinwoo."

"Uh, magkakilala kayo?"

"Top one siya sa klase namin, saka sino bang hindi makakakilala sa kanila?" Tumawa pa si Dean.

"He's top 2 in our class. He's a genius." Sabi naman ni Kenzo.

Seryoso?! E, wala sa itsura ni Dean na mahilig siyang mag-aral? Or parang nerd, ganoon! Mukha nga lang siyang happy-go-lucky e.

"Paano kayo nagkakilala, Reiko?" Tanong ni Renzo.

Omo! Paano ko sasabihin? E si Enzo, tahimik na nakamasid sa amin. Nafe-feel ko talaga na sasabog na siya sa selos. Enebe!

"Ano, kasi..."

"I'm courting her." Sagot ni Dean.

Mukha namang nagulat si Renzo. "We? Totoo? Bawal ligawan si Reiko. Mahigpit ang dad---"

"I got permission from her family, actually." Putol ni Dean sa sinabi ni Renzo.

"You're the man, Dean." Sabi ni Kenzo. "Si Reiko na pala ang weakness mo."

Tumawa lang si Dean. Hindi ko alam na marunong palang magbiro ang isang Jiro Kenzo. Pero as usual, nagbibiro siya habang seryoso ang mukha niya. Paano niya nagagawa iyon?

"Bakla naman 'yang si Dean." Biglang sabat ni Enzo.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Naka-pout pa siya.

"Mas bakla ka sa akin, Enzo." Tumawa si Dean.

Magkakakilala talaga pala sila?

"Huwag kang magpapaligaw d'yan, Reiko." Sabi ni Renzo. "Babaero 'yan! Madami 'yang nililigawan."

"Hey, huwag niyo akong siraan kay Reiko." Sabi ni Dean.

"Too obvious." Sambit ni Kenzo pero ang mata ay nakatutok sa loob ng room namin. Hinahanap ba niya si Ciara?

Tumingin sa akin si Dean. "See you at lunch, Reiko." Aniya.

Awtomatiko akong napatango sa kaniya. He smiled at me bago siya umalis. Ang good boy lang ng dating niya.

"Reiko, gusto mo ba si Dean?" Tanong ni Renzo.

"Uh, ano, hindi ko alam?" Alangan namang sabihin ko na hindi kasi si Enzo ang gusto ko?

Napansin kong natanong 'tong si Renzo.

"Huwag kang magpapaligaw, Reiko." Sabi ni Enzo.

This time, kumabog naman iyong dibdib ko. Hala ang landi ng inner self ko! Kasi naman 'yong sinabi niya!

"Ah, bakit?"

"Ayoko ng may kahati sa oras mo. Saka..."

Ang dibdib ko! Bakit ganito, bakit?

Nakaabang ako sasabihin niya. Tapos para pang nakatigil ang paghinga ko.

"Saka akin ka lang e. Akin kalang, Reiko."

At tumigil ang mundo... sa sinabi niya. Nag-loading ang isip ko. Napanganga ako at natulala ako sa sinabi niyang iyon.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C11
    Fail to post. Please try again
    • Writing Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login