"Ha.. mag pagaling ka na.. kailangan na nating makarating sa Ilog ng kadakilaan! Kagome! bantayan mo si Misaki, kukuha lang ako ng ilang herbs na makikita ko sa paligid" Sabi ni Hiroshi
Umalis sya at di kalaunan bumalik kaagad. May dala syang bag punong-puno ng kakaibang herbs na hindi ko nakita sa mundo namin! nag eenglish din naman sila dito at may alam sa lahat ng meron sa mundo ko!
May ginawang parang gamot si Hiroshi gamit ang mga herbs at pinainum saakin! haayyy ang sarap! sana lahat ng gamot kagaya ng ganito!
Hhm.. ang caring nya, sana meron akong naging kaibigang kagaya nya nung na sa katawan ko pa.. sana merong ganitong tao sa mundo ko. Yung tuany at hindi peke.. yung may pake talaga saiyo at hindi ka kayang makitang iniinsulto ng iba.
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagbagsak nang isa-isa kong naalala ang trato saakin ng mga tinuturing kong 'Friends' sa dati kong mundo.. para bang ginagamit lang nila ako! utos-utusan lang at paminsan parang manika kung saktan kapag galit sila.
Pinunasan kaagad ni Hiroshi ang mga luha ko at Nagsalita habang si Kagome naman nilapitan din ako at mukhang nagaalala.
"May masakit ba sayo? bakit ka umiiyak?" Tanong ni Hiroshi
Niyakap ko sina Hiroshi at Kagome!
"Wala.. hindi kasi ako nagkaroon ng kaibigang kagaya nyo! ang saya-saya ko lang na meron pang taong nagaalala saakin" Sabi ko
Niyakap din ako pabalik nina Hiroshi at Kagome
"A-Ako rin.. naranasan ko iyan Misaki! iyan din ang naramdaman ko nang alukin mo akong maging magkaibigan tayo.. ang saya hindi ba? yung malamang hindi ka na mag iisa at meron ng handang tulungan ka at handang makinig, alagaan ka at turuan ka ng tama! ang saya-sayang malaman na meron ng tao sa buong mundong ito na pwede mong pagkatiwalaan!" Sabi ni Kagome
"Hayy! kayo namang dalawa! baka pinaiiyak nyo akoo ahh.. kala nyo kayo lang? kada linggo or isang Buwan maraming nag pupunta sa bahay ko hindi para makipagkaibigan! hindi nga nila sinasabi manlang ang mga pangalan nila! nagpupunta lang sila saakin dahil kailangan nila ng tulong. Alam nyo bang masakit malaman kapag ginawa ka para labg magamit ng ibang tao? alam nyo ba ang sakit tuwing lumalapit saiyo ang isang tao para lang gamitin ang kaalaman mo? Misaki! alam mo ba kung bakit ang sungit ko saiyo nung una kang pumunta sa bahay ko? dahil ang akala ko ehh isa ka sa mga taong mangagamit! maraming tao na ang nangako saakin na bibigyan nila ako ng mga bagay na gusto ko.. ang akala ko kapag humingi ako saiyo ng itlog ng Eagle ay hindi mo talaga ito kukunin para saakin pero nagkamali ako! tinitigan ko ang mga mata mo at nakitang iba ka!" Sabi ni Hiroshi
"Ha? iba ako? anong ibig mong sabihin?"
"Alam kong mapagkakatiwalaan kita.. sa mata mo palang halata na ang potential mo at galing! sa mata mo palang sinasabi na ang katangian mo, at hindi ako nagkamali! hindi ka peke at marami ka ng naranasan na masasakit na pangyayari sa buhay.. naaalala mo yung isang batang kasama ng mga nakaaway natin kanina? mukhang naloloko sya! kitang-kita sa mukha nya na inocente at wala syang alam sa ginagawang panlilinlang sakanya ng mga kasama nya! tsk tsk tsk! nakakaawa naman, wala iyong sapat na karanasan" Sabi ni Hiroshi
"Oo alam ko yan.. nung una sinubukan kong sabihin sakanya ang tungkol doon sa mga babaeng yon pero hindi sya naniwala! ang sinabi nya ehh mababait ang mga iyon.. hay mag pasensyahan nalang kami kapag may mangyaring masama sakanya! sinubukan ko na ang makakaya kong gawin pero anong magagawa ko kung sya mismo ang ayaw?"
"Hay! humiga ka na nga at magpahinga! dapat bukas ehh magaling ka na okay? marami tayong makakasalubong nakaaway na grupo dyaan sa daan alam mo ba yun? hindi sa ilog ng kadakilaan mag sisimula ang laban! lalabanan natin ang mga grupo na nakaalis dyan sa Gubat!" Sabat ni Kagome
Humiga ako at nagtanong kay Kagome
"Kagome, Anong grupo ang una nating makakalaban?"
"Hhm.. kanina yung grupo na iniinsulto ka.. at may kasabay silang Fire type na grupo! siguro iyon ang makakalaban natin.. depende kasi yan"