"Ha!? ikaw ba yan ms Necromancer Misaki?" Tanong ni Shion
Alam kong nang aasar sya... sa tono ng boses nya ay parang minamaliit at grabe ang pang huhusga nya saakin. Talagang sumama sakanila si Takumi! hindi ko maintindihan ang lalaking iyon, wala ba talaga syang 'common sense?' ahh
Lumingon si Hiroshi sa direction nina Shion at Takumi.. hindi ko alam kung anong plinaplano nya pero nag liliyab sya. Kahit pang support lang ang katawan at kapangyarihan ni Hiroshi grabe ang lakas nya! Light at Air mage ba sya?
"Pwede ba.. nakikita nyo namang may pinaguusapan kami dito hindi ba? ang babastos nyo naman!" Sabi ni Hiroshi
Ngayon ko lang napansin.. ang height ko pala ay hindi pa tatangkad sa balikat ni Hiroshi! ang liit ko. sinubukan kong hilain ang braso ni Hiroshi pero ang lakas nya! hindi ko nga yata nagalaw ang katawan nya kahit isang inch!.. ngayon naman ang damit nya ang pinag tri-tripan ko.
"Hhm? Ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Hiroshi
"Umalis nalang tayooo! sige naaa~" Bulong ko
"Ano-ano? aalis nalang kayo? ganon ka ba kaduwag Misaki? ahaha! naging mabait kami saiyo pero nagsabi ka ng masasama saamin! kasalanan mo ito ngayon! bakit hindi mo kami harapin? para makita ng lahat ng tao dito kung gaano ka kaduwag at walanghiya!" Sigaw ni Karina
Tumingin ako kay Hiroshing parang batang may hinihiling! para bang sinasabi kong iligtas nya ako sa mga hayop mga iyon
"Hoi.. sino ba ang walang hiya dito? ganyan bang atittude ang sinasabi mong mabait? sino ang totoong duwag? ehh mas malala pa kayo sa hayop.. mga peke kayo at nililinlang nyo ang mga tao! sino saating lahat ang peke at nang wawalanghiya dito?" Sabi ni Hiroshi
Nakuuu grabe talaga ang dila nitong Hiroshi na to!
"A-ano? sino ka ba satingin mo!? ahh tignan mo yang marka sa dibdib mo! isa ka lang support pero ang pananalita mo ay grabe! mahina ka lang naman pala.. ahahah! kaya pala kasama mo yang Misaki na iyan.. pareho kayong mahihina!" Sigaw ni Shion
Naku.. lagot! nagliliyab na talaga si Hiroshi ohh ang ikli ng patience nya!
"Hhm! ginagalit nyo talaga ako ah.. 'Jail'" sabi ni Hiroshi
Ahh yung parang kulungan nanaman.. nagkaroon nanaman ng Kulungan.. may kadena rin sa mga kamay nina Takumi,Shion,Gabiru,Eren at Karina. Ano kaya ang susunod nyang gagawin? nakuu masasayahan siguro sya dito
"Sinasabi nyo kaninang mahihina ang support diba? edi papakitaan kita ng 'Mahina'" Sabi ni Hiroshi
"Hoi! ano to?! bakit hindi gumagana ang magic ko!?" Sigaw ni Shion
"Ha.. anti magic ang kadena at kail na iyan! ang tunay lang na malakas ang nakakaalis. mukhang hindi kayo tunay na malalakas! hindi ba kayo nahihiya? natatalo kayo ng support? ahaha.. kung gusto nyo ng kalaban.. doon kayo sa mga batang kagaya nyo! masyadong immature"
"Hindi naman ikaw ang kailangan namin! iyang babaeng iyan sa likod mo! yan ang gusto naming labanan!" Sigaw ni Karina
"Ehh? hindi nyo nga ako matalong level 90 tapos gusto nyong kalabanin si Misaki na Level 120? alam nyo naman siguro na sobra ang lakas ng mga na sa hundred na ang level.. "
Hhm.. parang nanhihina nanaman ang katawan ko! hinawakan ko sa braso si Hiroshi at nagsalita
"Hiroshi.. umalis na tayo! sige na.."
"Hhm? bakit? ganon ka ba nag mamadali? sandali nalang to" Sabi ni Hiroshi
"Huwag.. nanghihina na ako! sige na.. gusto ko munang mag pahinga"
"Sigh.. sige sige! maghahanap ako ng mweba kung saan pwede kang manatili at magpahinga.. hindi naman kami makakaalis kung masama ang pakiramdam mo"
Nod-Nod
"Salamat!.. " Sabi ko
Sunod, nilisan nanamin ang malawak na lugar na iyon habang buhat ako ni Hiroshi sa likod.. nagsisigaw sina Karina at Shion na pakawalan sila. Ang sabi ni Hiroshi mga dalawang araw ang itatagal non bilang parusa sa pang mamaliit nila. Pagkatapos ng ilang oras, nakahanap kami ng malaking puno! ine-expect ko talaga makakahanap kami ng kweba! malaki ang puno! para ngang kasya na ang isang bahay sa mga sanga nito! umakyat kami at nalamang dati pala yong pugad ng ibon.. may malambot na dry leaves! humiga ako doon at ang temperature~ tama lang ang init at tama lang din ang lamig.. as in Perfect!
Hinaos ni Hiroshi ang Noo ko at nagsalita
"Ahh may Fever ka.. may sipon ka ba at masakit ba ang katawan mo or lalamunan?"
"Ahh.. medyo masakit ang lalamunan ko at masakit ang katawan ko.. wala naman akong sipon or ubo" Sabi ko