May lalaking naka hood.. kulay itim lahat ng suot nya.. may hawak syang maganda at may malakas na aurang scythe! kulay pula ito pero halata parin ang dugo ng gorilla! may something sakanya na tinatakot ako.. ang mata nya.
Kahit naka hood at hindi makita ang mukha nya.. umiilaw ang kanyang mata! kulay crimson red.. at merong mga shadow sa likod nya!
sa isang iglap na sa tapat ko na sya!! kahit medyo maliwanag.. hindi ko parin maaninag ang itsura nya! at paano sya nakapunta dito ng ganon ka bilis? at.. ang mata nya..
"Magkikita ulit tayo... pancake~" Sabi ng lalaking na ka hood
Biglang parang.. may masakit sa katawan ko! napatumba ako at hindi ko maigalaw ang katawan ko! naramdaman ko si Hiroshi na may sinasabi pero hindi ko maintindihan kung ano ito.. naririnig ko rin ang sigaw at ungol ni Hyosuke! nagaalala siguro sya... may pumapasok din sa utak kong waves galing sa doll pero.. hindi ko magawang maintindihan!
Nakatulog ako
Pagising ko.. nakita ko si Hiroshing na tutulog! si Hyosuke naman naging maliit sya at nakahiga sa hita ko... ano bang nangyari?
'Misaki!'
Ahh.. yung doll na to
"Misaki!! haaaaa uwaaaaaa'
"Ha? bakit ka umiiyak?"
'Akala ko patay ka na!!'
"Eh.. patay na ako? grabe ka! ano bang nangyari?"
'Hindi mo matandaan? yung lalaki?'
"La..laki? ahh..."
Biglang sumakit ang dibdib ko nang malala ko ang lalaking iyon! tumayo ako at nakakita ako ng malinis na tubig! tutal tulog naman si Hiroshi at medyo malayo ito.. naghubad ako at nakita ko ang reflection ko sa tubig!
Bakit.. meron akong marka ng ahas? malaking ahas na nakapalibot sa katawan ko.. ano to? hindi ko nalang pinansin at lumubog na ako sa tubig! nilinis ko ang katawan ko at nag enjoy..
Agad kong tinignan si Hiroshi nang makaramdam ako na may nakatingin saakin. pero.. tulog na tulog sya! naging wierd na ang atmosphere kaya agad akong nagbihis. tumingin-tingin ako sa paligid! wala namang ibang tao..pakiramdam ko talagang merong nakatingin saakin!
Nang magising si Hiroshi
"Aahhhhhh!!! ano bang nangyari saiyo!? alam mo bang muntik na kaong kainin ng lion mo!? at sino yung lalaking yon? bakit parang kilalang-kilala ka?"
"Saringin ko.. masama sya at sya ang makakalaban ko sa paglalakbay na ito"
"Hhm.. pero dahil nakatulog ka... sayang hindi mo nagamit ang gorilla! malakas pa naman yon"
"Ha!? hinding-hindi ko gagamitin yon!"
"Hay.. kung magpahinga ka muna? kumain ka rin ng gulay at prutas! umuwi muna tayo sa bahay ko.. mukha kang pagod! hindi ka ba kumakain ng masustansyang pagkain? hay.. huwag ka ngang makampanti dahil malakas ang kapangyarihan mo! tignan mo nga.. ang hina ng katawan mo! kaya mong talunin ang gorilla na iyon pero dahil ang hina ng katawan mo... hindi mo na pigilan ang kapangyarihan ng gorilla!"
"Ahh.. bakit parang naging mabait at kalmado ang tono ng boses mo? at huwag na tayobg bumalik! kunin muna natin ang itlog ng eagle na ito! sayang naman ohh.. ang layo na natin"
"ahh.. sige-sige! kung mag summon nalang ako ng kabayo? mababawasan kasi ang mana mo kapag ginagamit mo nag lion na iyan na sasakyan"
"Pero hindi ba mababawasan din ang sayo?"
"Ang katawan ko kasi para talaga sa support! marami akong mana at kaunti lang ang bawas kapag nag su-summon ako ng ganito.. at ang kabayo namang isusummon ko ay na sa level 10 lang! malakas din ang katawan ko.. hindi kagaya ng katawan mo!"
"Hhm.. hindi mo naman kailangang ulit-ulitin na mahina ang katawan ko!"
"Hindi ka lang mukhang bata! talagang isa kang bata!"
"Hindi ako bata! Hindi akooo bata!"
Hhm? ngumiti sya.. haa... zzzzzzzzZZzz
"Hoi! na summon ko na yung kabayo! sabi naman sayong umuwi munaa ehhh.. tignan mo? pagod ka nga!"
"Ahh! ugh.. kaya ko naman.... halika na"
Sumakay ako sa isang kabayo at nag start nanaman kaming mag lakbay. ilang oras kaming naglalakbay sa madilim at tahimik na kagubatan..
"Ang tagal! ilang oras pa bago tayo makarating?"
"Ahh.. mga isang araw na lang naman"
"Ha!? isang araw lang naman!? lang!? ang tagal non! kailangan mabilis akong maging malakas!"
"Huwag kang magalala! walang makakaalis sa gubat na ito ng walang tulong ko!.. "
"So hindi dapat akong matakot na maraming tao ang magiging mas malakas saakin?"
"At para naman kasing makakalagpas sila sa ilog ng kagitingan! kahit ako hindi ko kaya.. "
Habang naglalakbay kami.. may malaking bato sa daanan.. at parang may taong kinokontrol ang lupa! gumalaw ang lupa at na trap kami! pinalibutan kami ng malalaking bato