"Hey! Misaki! sandali.." Sigaw ng isang lalaki
Hhm? ahh.. si Takumi! anong ginagawanya dito? akala ko ba mamayang gabi sila aalis?
"Oh.. Takumi! ano yun?"
"ahh.. sasama ako sayo!"
Ano daw? sasama saakin? anong sinasabi nya? umalis na sya sa grupo nina Karina?
"Ha? Hindi ka ba sasabay kina Karina at sa iba pa?"
"Ahh.. tungkol don, hindi ko alam pero bigla nalang nila ako pinaalis! sabi nila hindi nila kailangan ng mahinang kagaya ko sa grupo nila. Narinig ko rin sakanilang umalis ka.. bakit?"
"Balak nila akong iwan sa gitna ng paglalakbay! at ganon din ang gagawin nila sayo"
"ah.. a-ano? mababait sila! im-"
"Totoo! si Karina at Shion pa mismo ang nagsabi non!"
"Hindi totoo ang sinasabi mo! mababait sila! ang baitbait nila saiyo tapos ganito ang sinasabi mo sakanila!? anong iiwan sa gitna ng paglalakbay!? hindi sila ganon! kung ganyan ang pagtingin mo sa mga taong mababait sayo.. hindi na ako sasama saiyo! wala kang puso"
"Pakielam ko? matagal na ba kayong magkasama? kilalang-kilala mo na ba sila? palibhasa masyado lang uto-uto! hindi mo mga makita kung peke sila o hindi.. mamamatay ka ng maaga sa ginagawa mo! masyado ka pang bata at kulang pa ang naranasan mo sa buhay.. pasensyahan nalang tayo! huwag mo akong sisisihin kung may nangyari saiyo.. huwag mo rin akong multuhin kapag namatay ka"
Nakakainis sya! Hindi nagiisip!
Lumabas na ako ng city papunta sa Forest sa South.. siguro marami ring beast sa forest! magagamit ko iyon! Hhm.. Wait? mga faries ba iyon!? lumalapit saakin!
"Ha? sino ang batang to? bumalik ka na! maliligaw ka sa gubat ma ito! baka makasalubong mo pa ang Tagabantay ng Gubat na ito! tiyak masasaktan ka lang" Sabi ng isang fairy
Nakakainis na talaga!! hindi ako bataaa!!
"Hindi ako bata! 17 taong gulang na ako!"
"Ay.. bata parin iyon no! at malalakas lang ang nakakaalis dito at nagtatagumpay makarating sa Ilog ng Kadakilaan!" Sigaw ng isang Fairy
"Ilog ng kadakilaan?"
"Ahh.. iyon ang pangalawang pagsubok para makapunta ka sa city ng South kung saan maraming level 30 pataas na mga beast! lulunurin ka ng tubig na iyon! hindi ka makakatawid kung wala kang sasakyan pang himpapawid! dapat mataas talaga ang dadaanan mo para makatawid. Kaya kang abutin ng tubig non kapag malapit sa tubig ang sasakyang pang himpapawid! nakakalason din ang tubig doon.. merong sirena doon na may Level 60 Jelly fish!" Paliwanag ng isang Fairy
Level 60!? impossible! paano ko matatalo ang isang iyon!?
"Pwede bang iwanan nyo na ako? ahh.. bago kayo umalis! saan ba ang daan para diretsyo na ako sa ilog na iyon?"
"Hhm.. sundan mo lang ang mga alitaptap mamayang gabi! parati silang pumupunta sa isang bahay dito sa gubat! ang alam ko.. may taong nakatira roon na grabe ang talino pagdating sa mga direction! kaya nga hindi sya naligaw dito ehh.. alam ko magaling din syang support! may healing magic din kasi sya" Sabi ng isnag Fairy
"Ah.. salamat "
Hapon palang naman kaya umupo muna ako sa damo at tinignan ang kalangitan. mukha ba talaga akong bata? hay.. ang liit kasi ng katawan nito! gusto kong lumakiiii.. kahit ilang inches lang pwede na!
'Bakit hindi nyo try kumain ng prutas at uminom ng Gatas?'
"ha!?"
Ahh.. yung doll
"Tutulungan ba ako non?"
'Syempre! buong buhay nyo hindi kayo kumakain ng gulay at prutas kaya talagang hindi kayo lalaki! dahil lang malakas kayo wala kayong paki sa kalusugan niyo!.. kapangyarihan nyo lang ang malakas! paano kung mawala ito? manghihina kayo! kung habang naglalakad ka kaya sa gubat na ito ay mag exercise ka?'
"Eh? bakit mo ako pinagsasabihan parang nanay kita?"
'Hhmp! hindi mo kasi inaalagan ang sarili mo! kapag namatay ka.. mawawala rin ako!'
"Ehh.. yun lang? akala ko naman nagaalala ka saakin.. yun pala nagaalala ka baka mawala ka"
'Hhm! sige na magpahinga ka muna.. gigisingin kita kapag may mga alitaptap na'
"Talaga? salamat.. inaantok din talaga ako.. parang pagod na pagod ang katawan ko"
'Ganyan talaga kapag gamit ka ng gamit ng magic pero mahina ang katawan mo!'
"Ahh.. sandali! bakit nga pala kaya mong makipagusap saakin wala naman ang wand ko?"
'Well kasi partner mo na ako mula ngayon! at hindi ko kailangan ng magic mo para mabuhay ano! malakas talaga ako bago ako talunin at patayin ng isang lalaking hindi ko maintindihan!'
"Lalaking hindi mo maintindihan?"
'Sobra kasi ang lakas nya! parang max level na sya.. tama! max level na nga sya! hindi ko makita kung anong klaseng beast ang ginamit nya dahil isang pikit ko palang.. nakuha na nya ang buhay ko'
"Sana hindi ko makita ang lalaking sinasabi mo.. wala akong chance manalo sa isang max level! hindi ko nga alam kung anong level ko"
'Ah? Level 120 po kayo! kalahati ng max level'
"Kalahati? ibig sabihin 240 ang max level?"
"Ahh sige na matutulog na ako!"