"Sinong kasama mo?" seryosong tanong nito.
I looked at Alexus. "Just a friend, dad," mahinang sagot ko. I saw sadness crossed Alexus eyes kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng guilt. He doesn't deserve to be treated like this. Gusto kong maging proud sa kanya. Hindi yung itinatago ko siya sa lahat.
"Kailan ka pa natutong magsinungaling sa akin? I know you're with someone and he's not just a friend, Eevie," mariing anito.
"How did you know? Pinapasundan mo pa rin ba ako, dad?" inis kong tanong. That's too much. Wala ba silang tiwala man lang?
"I was at the vicinity and I saw you with him. Akala ko nasa Batangas ka and for goodness sake, magugulat na lang akong nasa Manila ka na? Lalabas ka ba diyan o ako na mismo ang hihila sa iyo palabas diyan?"
Alam kong nagtitimpi lang ng galit si daddy. Mabait si dad ngunit nakita ko rin kung paano ito magalit. Nang makita ni dad kung sino ang may-ari ng truck na nakabangga sa aking kotse ay muntik na itong makapatay. "Okay, dad. Lalabas na po."
I ended the call and frustratedly looked at him. "Dad is outside. He saw us," imporma ko sa kanya.
"Anong sabi niya?" nananantiyang usisa niya sa akin.
"I need to go home na raw," nakalabing sumbong ko at saka yumakap dito. "Gusto mo ba siyang makilala? Baka ma-bad shot ka sa kanya kapag hindi ka nagpakita."
"Can you wait here? I'll just talk to your dad. I will explain everything. Wag na wag kang lalabas, okay?"
Akmang magrereklamo pa ako ngunit bigla niya akong hinalikan sa labi. Nabitin pa ako nang lumayo na siya sa akin. "Mabilis lang ito. Just trust me on this, hmmn?"
Tumango na lang ako.
I watched his back until he's out of my sight already. Hindi ko alam kung ano ang magiging resulta ng pag-uusap ni Alexus at ni dad. Pero alam kong hindi ganon kaayos ang magiging kanilang pag-uusap. I know dad. Pagdating sa akin ay protective ito. But Alexus will manage. I trust his words. At sa bawat araw na lumilipas ay lalo akong nahuhulog sa kanya at wala ng pag-asang makawala pa ako because he already imprinted himself on my heart. He owns Eevie Del Fuente and that I agreed.
***
Mahigit sampung minuto na ang nakakalipas mula nang kinausap ni Alexus si dad. Something is not right. My subconscious kept on telling me to check on him kaya hindi na ako nakapagpigil kaya sinundan ko na siya. Nagmamadaling tinakbo ko ang nakaawang na gate at saka lumabas mula roon. I was taken aback when I saw how my father's bodyguard punched Alexus straight to his jaw. He wasn't fighting back kaya mas lalo akong nainis. Kung ganun naman na inaagrabyado na siya ay dapat lumaban na siya. And how dare that man punch him like that. I will remember that face and will fire him for sure.
"Damn it! Stop that!" sigaw ko at saka niyakap si Alexus para tumigil na ang bodyguard sa pagsuntok dito. I grimaced when I saw his bloodied lips. Alexus just smiled at me kaya hindi ko mapigilang mapaiyak. Wala naman siyang ginawang masama para gawin sa kanya ang bagay na ito. Mabuti pa nga at nilabas niya si dad at kinausap. Because Alexus respects him so he showed his face. Tapos ganito lang ang maaabutan ko?
He wiped my tears with his knuckles at saka hinaplos ang aking pisngi. "Bakit ka umiiyak? Hindi naman ako nasaktan, eh," mayabang pa niyang sabi kaya hinampas ko siya. This is not the right time to joke around. Nasaktan na nga siya.
"May iba pang masakit sayo?" tanong ko and checked him.
Nang umiling siya ay marahas akong lumingon sa kinatatayuan ni dad. "Ano po bang problema niyo kay Alexus, dad? First, si Marcus. Then, you? Wala naman siyang ginagawang masama, eh!"
Alexus held my hand to stop me from talking ngunit sumabog na ako. I've been bottling this simula nang ipakita ni Marcus ang disgusto nito kay Alexus. "Ngayon lang po kayo nagkita pero ganito na ang naging reaksyon mo, dad? Ang unfair mo naman. Hindi ba kayo masaya dahil sa wakas ay nakahanap na ako ng lalaking magmamahal at magpapasaya sa akin?" puno ng hinanakit na sabi ko.
My father clenched his jaw. "Hinding-hindi ko matatanggap ang lalaking iyan!" mariing anito. His face was starting to get red kaya alam kong galit na ito..
"Then tell me why?!" naguguluhan ko ng tanong. Bakit ganito na lang sila magreact kung si Alexus ang pinag-uusapan? Bakit parang kating-kati silang paglayuin kami? Ano ba talagang problema? Can someone enlighten me about this because I never saw dad act this way lalo na kapag sa isang estranghero na wala namang ginawang masama.
"Sa tingin mo ginagawa ko ito kahit wala siyang kasalanan?! You know me," galit nitong ani.
"Yun nga ang hindi ko maintindihan, dad. Why are you acting this way? Kung sinabi mo na po ang dahilan, eh di hindi na hahaba ang diskusyong ito." Nakakainis kasi na hindi ko sila maintindihan. Like I was left out. Ako lang ba ang hindi nakakaalam sa nangyayari?
"Ask him," dad dared me while looking at Alexus. Nagtatanong na tumingin ako sa kanya but he only shrugged. His face was blank like he's afraid that I could read him.
Akmang tatnungin ko siya nang biglang sumakit ang aking ulo. "Ahhhh!" sigaw ko habang sapo-sapo ko ang aking ulo. Agad na umalalay si Alexus sa akin. Blurry memories started to play in head. Memories that still kept on haunting me. Memories that are so fucking painful.