ATHENA POV...
"Mommy, mommy, I want to buy an ice cream." saad ng limang taong gulang na batang babae sa kanyang ina nang marinig nito ang tunog ng naglalako ng sorbetes.
"Dirty ice cream again Nat. Palagi na lang ba kapag nandito tayo sa park na ito, bibili ka ng ganyan." masungit na saad ng anim na taong gulang na batang lalaki.
"Aish! Sinungitan mo na naman si Nat-nat." saway ng mommy sa batang lalaki.
"Hay naku Sandra, di kana nasanay sa mga batang yan. Aso't pusa yan ehh. Di ko mahihinuha ang future ng dalawang ito." saad ng ina ng batang babae. "Baby, I'll buy you later. Let just fix our food for the picnic."
"But mommy, I want to buy that ice cream now. As in now." pagpupumilit ng batang babae.
"Tita said later. Di ka ba nakakaintindi?!" singhal ng batang lalaki.
"Ikaw ba ang mommy ko huh?! Sabat ka ng sabat?!"
"You know what Pangit if I'm your mom imumudmod na kita sa dirty ice cream na yan kapag nandito tayo sa park na ito puro laman ng utak mo ang ice cream na yan, di mo naman alam kung saan yan galing. Dirty nga diba? Tiyak marumi yan."
"Anong paki mong bakulaw ka! If you don't want me to buy that ice cream now. Ako na lang ang bibili."
Pagkasabi niyon tumakbo kaagad ang batang babae sa kabilang kalye kung saan nandoon ang mamang sorbetero. Hinabol naman ito ng batang lalaki. Nang papatawid na ang batang babae, di inaasahang may mabilis na sasakyang paparating.
"Nat!!!" sigaw ng batang lalaki.
Lumingon ang batang babae sa gawi ng lalaki habang namimilog ang mag mata sa gulat sa paparating na sasakyan.
"Nat!!!!"
"Ahhhhh!!!"
"Ahhhh!!!" sigaw ko at napabalikwas sa pagkahiga.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang bangungot na halos gabi-gabing dumadalaw sa aking malalim na pagkakatulog. Naligo ako ng pawis kahit naka-on ang air conditioner ng room ko. Binangungot na naman ako sa pangyayaring yon. Huminga ako ng malalim ng ilang minuto. Buti't sound proof din tong room ko kaya't walang nakakarinig na sumisigaw ako. Tiningnan ko ang wrist watch, quarter to four na pala. Alam kung di na ako makakabalik pa sa pagkakatulog kaya't pumunta na lang ko sa banyo, nagmumog at nagbihis ng black sleeveless sport skirt na nagbibigay ng hugis ng aking katawan na tinernuhan ko din ng black jogging pants. Kinuha ko sa shoe closet ang regalo na rubber shoes ni kuya noong nakaraang kaarawan ko, binili pa niya ito sa Europe. Matagal-tagal na din akong 'di nakapagjogging.
Pagkababa ko ay pumunta muna ako sa komedor para uminom ng gatas. Nadatnan ko si Butler Feng na umiinom ng hot chocolate, si Nanay Belle naman naghihiwa ng mga sahog para yata sa niluluto ni Chef Jean.
"Good morning, Nanay Belle, Chef Jean, Butler Feng."
"Good morning din young Lady."
Binuksan ko agad ang aming refrigerator para kumuha ng gatas.
"Himala't napaaga ka ata ng gising anak?" bulalas ni Nanay Belle.
"May masamang hangin lang po na dumalaw sa akin." sagot ko habang nagsasalin ng gatas sa baso.
"Mi-Lady?!" gulat na turan ni Butler Feng.
Natawa na lang ako sa reaction nito. Muntik na nga niyang maibuga ang kanyang iniinom. Napailing naman si Chef Jean. Si Nanay Belle naman pinaprocess pa ang sinabi ko.
"I'm okay. Bangungot lang naman. Walang masamang nangyari sa akin."saad ko at tinunga ang gatas. "Ahm, Butler Feng, pwede po bang ihanda n'yo si Atame."
"San ka pupu———?" di niya natuloy ang pagpatatanong ng mapansin niya ang suot ko. "I see. As you wish Mi-lady."
"Young lady, madilim pa po sa labas." saad ni Chef Jean.
"Oo nga anak." segunda ni Nanay Belle. "Gigisingin ko muna kuya mo para samahan ka."
"Hay naku Nanay, wala po dito si Kuya, nasa condo niya. Gumala na naman iyon kagabi kasama ng reapers/kaibigan niyang si Jonathan. And I can take care of myself. Sa kabilang village lang naman po ako, sa may park doon."
"But mi-lady,papasamahan na lang kita kay Stephen." suhesyon ni Butler Feng.
"Another reaper? Alam n'yo namang ayaw na ayaw ko ang magpasama sa mga yan, ehh."
"Kung andito lang ang dalawa mong kaibigan, tiyak sasamahan ka nila." saad ni Nanay Belle.
Miss ko na naman ang dalawang bitches na yon. Yes they're bitches but they're different from those so-called crowned queen sa AMA.
"Dadalhin ko naman po si Yuki. And don't worry, di ako mapapahamak."
Napailing na lang silang tatlo. Alam nilang wala silang panama sa akin. If tatanungin ninyo kung sino si Yuki? Yuki is my pet dog. Regalo din siya ni kuya.
...........
KENNETH POV...
Hi, I'm Kenneth Aizer Smith. Anak ng pangalawa sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa business world. I know that I am a cold-hearted and a total jerk, as what most people say. Wala na tayong magagawa diyan, sadyang sinilang ako na may ganyang katangian. I am like my father noong kabataan years niya. Ewan ko ba bakit nagustuhan ni Mom si Dad. Para sa akin na kay mom na ata ang katangian ng isang perfect wife and a mother.
Nandito nga pala ako ngayon sa park, malapit lang sa village namin. Nagyaya kasi ang tatlong kumag kong mga kaibigan na magjogging, para daw marelax ang aming katawan at isipan sa nangyari noong nakaraang gabi. At ang kapal pa ng mga mukha ng mga g*go, sa bahay pa talaga namin nakitulog parang mga walang sariling bahay. Hindi naman ako papayag sa mga kalokohan nila ng walang pusta, kaya't nag iba-iba kami ng daan patungo dito sa park. As usual, ako na naman ang nanalo.
Habang naghihintay sa tatlong kumag, humiga ako sa damuhan at tinanaw ang pagsikat ng araw.
"Kumusta na kaya ang pangit na iyon? Naalala pa kaya niya ako? Arghhh, I miss her so badly." Bulong ko sa aking sarili.
"Roo...roo..roo.."
*//Author: Guys, kayo na po bahala magjudge sa tunog ng isang aso, basta ganyan yata lengwahe ng aso namin dito, hakhakhak*//
"What the fuck?!" Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga. Di ko namalayan may aso na pala sa tabi ko at dinilaan ang gwapo't pawisan kong mukha. Kung di ako nagkamali, it's an Eskimo Dog.
Di ko inasahan na tatalon ito sa aking hita pagkaupong pagkaupo ko kaya nawalan ako ng balanse at napahiga ulit.
"Roo..roo..roo." tahol nito at dumidila parin sa akin. Nilayo ko ito sa aking mukha.
"Hey, who owns you?"
"Roo..roo..roo."
"What did you say?"
Tsk. I can't believe this ,nakipag -usap ako sa aso as if this thing could understand me.
Nasisiraan na ata ako ng bait. I hate dogs but this dog, ewan ang gaan ng loob ko.
"Yuki, nandito ka lang pala. Why did you leave me out there?"
nagtatampong boses ng isang babae na biglang sumulpot sa harapan ko.
Binitawan ko ang aso at napabalikwas ng bangon. Pumunta naman ang aso sa babae at dumila dito. Napaluhod nalang ito at sinalubong ang aso sabay kinarga at hinapuhap ang makakapal nitong balahibo.
"Stop it Yuki." utos nito sa aso na siyang sinunod naman nito.
Tumayo ito at tumingin sa akin.
What duh! She's damn hot and sexy with her black sleeveless sport shirt. Kahit pawisan ito, lumilitaw parin ang maladiyosang-ganda nito. I think if nandito si Cindel, tumutulo na ang laway niya ngayon. Oh God, she's perfect to be a model.
"I know that I'm beautiful mister. So, please stop looking at me like that. Parang hinuhubaran mo na ako sa isipan mo."
Shit! Bat ba ako nakatitig sa kanya? Nahawa na ata ako kay Cindel. Napakamot ako ng batok at tumayo ng matuwid at sinuksok ang aking mga kamay sa bulsa ng jogging pants ko.
"It's your honor miss that you're the only girl that I gave a gazed in that way." I said and smirked at her.
She smiled for a second, later on nakataas na ang kilay nito at nakakunot ang noo. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"I admit that you are a good looking guy" she said and she smirked.
What duh hell!
"But it doesn't mean na hahayaan kong tingnan mo ako ng ganoon. At isa pa sayang ang mukha mo kung di mo iniingatan. If I were you, in terms of fight di ko ipapasalo ang kamao ng kalaban sa mukha ko."
Napatulala ako.
"I said, I didn't need your help. Yan tuloy ang napapala mo"
"Sesermunan mo ba ako or ipagpatuloy mo ang panggagamot mo sa akin. Dapat nga magpasalamat ka dahil tinulungan kita."
"Sinabi ko bang tulungan mo ako? I can handle myself. And if I were you, di ko isasangga ang mukha ko sa kamao ng kalaban!"
Hindi kaya siya si.......
Mabilis kong pinigil ang braso ng babae, tumalikod na kasi ito at halatang aalis na. Kung gaano kabilis ang pagpigil ko sa kanya iyon din kabilis ang pagbalibag niya sa akin pero bago ako bumagsak sa damuhan I managed to grab her arm at nahila ko siya kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa damuhan. Nakapatong tuloy siya sa akin.
————————————————————————————————————————————