MAYMAY'S POV
Hindi ako nilulubayan ng tingin ng matanda. Mula pa ito kanina pag dating namin. Hindi ko alam kung bakit ganun sya makatingin sa akin.
Apo Ingka ang tawag nila sa kanya. 108 years old na daw sya. Sabi sa akin ni nanay Nenita, siya daw ang nag iisang manggagamot sa Barrio Pugut.
Naririnig ko ang usapan ni tatay Rosauro at ng matanda pero hindi ko ito maintindihan. Iba ang salita nila. Nagkakatinginan nalang kami ni Fenech at Iñigo. Mukhang hindi lang ako ang nakapansin ng weird na ikinikilos ng matanda at ang mayat mayat nyang pag sulyap sa akin.
Pagkatapos ng pag uusap nila ay hinarap na ako ng matanda. Tahimik nyang hinilot ang aking binti. Wala naman akong natamong sugat o galos pero dahil siguro sa ilang beses na tumama ang aking binti sa matigas na bagay habang nahuhulog ako kaya ako nagkaroon ng dalawang malaking pasa.
Pagkatapos akong hilutin ng matanda ay nakita kong kumuha siya ng ilang dahon. May ipinahid sya dito at pagkatapos ay itinapat nya ito sa ibabaw ng apoy ng kandilang kulay pula. Nung lumambot na ang dahon ay saka nya ito itinapal sa aking binti.
Tiniis ko ang init. Napapapikit nalang ako habang hawak ang kamay ni Fenech. Ilang beses ginawa ng matanda iyon at pagkatapos ay binalutan na nya ng puting tela ang binti ko na may dahon.
Maya maya ay sandali syang pumikit. Pakiwari ko ay nagdarasal sya o may orasyon syang binabanggit. Malamang kasama iyon sa panggagamot nya. Nakatingin lang ako sa matanda habang nakapikit sya.
Pagkaraan ng ilang saglit ay muli syang dumilat at nagsalita habang nakatingin sa akin. Ilang salita lang ang sinambit nya pero hindi ko iyon maintindihan. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nanayo ang mga balahibo ko. Napatingin ako kay tatay Rosauro.
"Ano daw po yun?" tanong ko.
"Ang sabi ni Apo, Ang nakatakda ay mangyayari na" sagot sa akin ni tatay Rosauro.
***
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Fen habang magkatabi kami na nakaupo sa bus.
May isang oras na kaming bumabyahe pabalik ng Maynila. Napansin nya ata ang pananahimik ko. Bigla kasing sumagi sa isip ko ang sinabi ni Apo Ingka. Ano kaya ang ibig nyang sabihin? Bakit kaya parang feeling ko, kilala nya ako.
"Yung paa mo, masakit pa ba?" tanong uli ni Fenech sa akin.
"Hindi na gaano. Ang galing nga ng manggagamot eh. Kaya wag ka nang mag alala. Okay na okay na ako" sagot ko sabay ngiti.
"Mag sabi ka agad kung anong nararamdaman mo ha. Teka, yung binti mo lang ba talaga ang tumama nung nahulog ka? Sa bandang ulo mo, hindi ba?" nag aalalang tanong ng matalik kong kaibigan.
"Binti ko lang talaga" sagot ko sa kanya.
"Naku, mabuti nalang at naabutan ka nanaman ni Edward. Jusko Maymay, naiimagine ko pa lang mahihimatay na ako sa takot. Ang kwento sa akin ni Liwayway, sobrang lalim daw ng bangin na iyon. At maraming buhay na daw na kinuha ang lugar na iyon. Ano ba kasing ginagawa mo at napadpad kayo dun?"
Hindi ako kumibo sa sinabi ni Fen. Totoong nakakatakot ang lugar na iyon. Sa kabila ng napaka gandang aakalain mo ay hardin na puno ng bulaklak, mayroon palang nagtatagong panganib.
"Bilib na talaga ako kay Edward. Biruin mo nahanap ka nya. At lagi syang on time para iligtas ka. Kaya lang, bakit kaya sya sinundo ng daddy nya? Alam mo ba?" tanong ni Fen sa akin.
"Ha? Hi--hinde. Diba ang sabi mo gising ka nung umalis sila?" sagot ko.
"Oo. Alam mo, mukhang pinagalitan sya. Kahit malayo sila sa akin, napansin ko nung nag uusap sila, parang galit ang daddy nya. Pati nga si Tanner seryoso ang mukha eh" kwento sa akin ni Fen.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Nag aalala na tuloy ako kay Edward. Baka ako ang dahilan kung bakit sya napagalitan. Hindi na kasi kami nakapag usap pa uli. Nung makaalis kami sa bangin, pagkarating namin sa itaas ay naroon na agad si Marco.
Pinilit ako ni Edward na sumama kay Marco pabalik ng bahay nila tatay Rosauro. Nung una ay ayaw ko syang iwan pero ang sabi ni Marco ay hindi daw pwede makita si Edward ng iba na ganoon ang itsura nya.
Wala na ang maliwanag na puting mist sa magkabila nyang balikat. Hindi ako maaring magkamali, sigurado ako na hugis pakpak iyon. Pero ang mga mata nya ay kulay ginto pa rin. Iyon marahil ang ibig sabihin ni Marco. Siguradong mapapansin iyon ng mga kasama namin kaya hindi na muna sumama sa amin si Edward.
Pagkahatid sa akin ni Marco ay umalis din sya agad para balikan si Edward. Pagkatapos nun, siguro dahil na rin sa sobrang takot at pagod na pinagdaanan ko, nakatulog ako agad. Pag gising ko, wala na si Marco at Edward.
"Huy! Ayan ka nanaman sigurado ka bang okay ka lang? Ilang beses na kitang nakikita na tulala" sabi ni Fen.
Kinakausap nga pala nya ako. Okay naman talaga ako. Hindi lang talaga mawala sa isip ko ang mga nangyari. Ang sinabi ng matanda. At mas lalong hindi mawala sa isip ko si Edward at ang nalaman ko tungkol sa kanya.
"Okay lang ako. Inaantok kasi ako. Sorry ha. Itulog ko nalang muna ito" palusot ko.
"Sige. Gisingin nalang kita pag nasa school na tayo" sagot ni Fenech sa akin.
***
Makaraan ang mahigit tatlong oras ay nakarating na rin ang bus namin sa school. Pagbaba namin ng sasakyan ay naroon na ang mommy ni Fen para sunduin sya. Nagprisinta si Fen na ihatid ako. In fairness naman sa bestfriend ko, ramdam kong sobrang concern talaga sya sa akin.
Pagkarating namin sa bahay ay agad ding umalis sila Fen. Nag Hi lang sya kay mama at pagkatapos ay umuwi na rin sila.
"Kumusta ang outreach nyo? Maganda ba sa Baguio? Nag enjoy ka ba anak?" sunud sunod na tanong sa akin ni mama habang sinasandukan nya ako ng pagkain.
"Okay naman po ma. Masaya naman po. Napaka bait ng pamilyang tinuluyan namin. Naging close nga sa akin agad ang bunsong anak nila" sagot ko.
"Talaga? Naku ang saya nyo siguro ano?"
Ngumiti lang ako. Naisip kong baguhin nalang ang usapan. Baka kasi sa kaka usisa ni mama, mabanggit ko pa ang aksidenteng nangyari sa akin. Ayoko malaman nya. Ayoko mag alala sya.
"Kumain na po si Doña Pina?" tanong ko.
"Oo. Nagmadali nga eh. May biglaan syang lakad. Umalis sila ni kuya Nonong mo" sagot ni mama sa akin.
Si kuya Nonong ang driver at boy. Siya at si ate Alora lang ang mga kasama namin dito sa bahay.
"Gabi na po ah. Okay lang po ba sa kanya na umalis ng ganitong oras?" tanong ko.
"Baka importante. Nagmamadali eh" sagot ni mama sa akin.
"Aakyatin ko po sana sa kwarto nya para magmano" sagot ko.
"Naku, babanggitin ko nalang na dumating ka na. Panay nga ang tanong sa iyo kanina eh. Ang sabi ko pauwi ka na"
Sandali lang ako kumain. Nagutom ata ako sa mahabang byahe. Hindi ko pa naipapasok sa kwarto ko ang bag ko. Tinutulungan ko muna kasi si mama sa kusina.
Pagkatapos namin maghugas at magligpit ay nagkwentuhan pa kami ni mama sa dining table. Ang sabi ko kasi kay mama ay susubukan kong antayin si Doña Pina. Hanggang sa napasarap na ang kwentuhan namin. Dalawang araw lang ako nawala ay parang miss na miss namin ni mama ang isat isa.
Pero, sa kalagitnaan ng tawanan namin ay may bigla akong naramdaman na kakaiba.
"Oh, bakit?" tanong sa akin ni mama.
"Po? Ah... eh... wa--wala po" sagot ko.
Naisip ko na baka guni guni ko lang. Para kasing may mabilis na dumaan sa likuran ko. Naramdaman kong bahagyang humangin.
Nagpatuloy sa pagkwento si mama. Binaliwala ko naman ang naramdaman ko. Pero maya maya ay muli nanamang humangin sa may bandang likuran ko. Ramdam na ramdam ko ito kaya napalingon ako.
"Bakit? Ano yun?" si mama uli.
Napatingin ako kay mama.
"Wala po" sagot ko sabay hawak sa batok ko.
Sure ako ma may kakaiba. Parang hindi lang kami ni Mama ang naririto.
"May naalala lang po ako" palusot ko.
"Baka pagod ka na anak. Magpahinga ka na. Ako na lang ang mag aantay kay Doña Pina. May pasok ka bukas diba?" tanong nya.
"Opo pero 10 pa naman po iyon" sagot ko.
"Kahit na. Bukas na tayo magkwentuhan. Bukas ka na magmano kay Doña. Pagod ka" sabi ni mama sabay kuha ng bag ko.
Bigla ko nanamang naramdaman ang hangin. Parang may mabilis na dumaan nanaman. Pinakiramdaman ko kung saan patungo ang mabilis na hanging iyon. Hanggang sa nabaling ang atensyon ko sa kwarto ko.
Sigurado ako na sarado ang pinto nito kanina. Pero ngayon ay bahagya na itong nakabukas.
"Ah, ma! Ako nalang po magdadala ng bag ko. Mauna na po ako matulog" sabat ko kay mama sabay kuha sa bag ko na hawak na nya.
Pero hindi binitawan ni Mama ang bag ko.
"Ha? Hindi na. Ako na ang magbibitbit" giit nya sa akin.
"Ma hindi na po. Ako na" sagot ko habang nakatutok pa rin ang mga mata ko sa pintuan ng kwarto ko.
"Okay ka lang ba anak?"
Napatingin ako uli kay mama.
"Opo. Iniisip ko lang po kasi yung ano... uhm... yung... yung long quiz namin bukas. Bigla kong naalala na kailangan ko palang mag review muna" sagot ko.
Tumingin si mama sa orasan.
"Mejo maaga pa naman. Alas nuwebe lang. Maari ka pa siguro magreview kahit isang oras. Pero wag kang magpupuyat ha?" sabi nya.
"O--opo" mabilis kong sagot sabay kuha ng bag ko sa kanya.
Niyakap ko si mama at hinalikan at pagkatapos ay kabado akong naglakad papunta sa kwarto ko.
Ilang beses akong napalunok habang papalapit ako sa pinto. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking bag habang nasa harapan ko ito. Kung sakali mang may tao, ihahampas ko talaga sa kanya ng bonggang bongga ang hawak ko.
Para akong ewan sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Pinakikinggan ko kung may kakaibang kumikilos ba sa loob pero parang wala naman. Tahimik kasi.
Maingat akong humakbang papasok ng kwarto ko at pagkatapos ay agad ko ding binuksan ang ilaw.
Iginala ko ang aking paningin habang nakatayo sa may pintuan. Mukha namang okay. Wala namang nagulo sa gamit ko. Walang sign na may nang loob.
Ano kaya yun naramdaman ko?? Guni guni ko lang ba yun?
Nang makasiguro akong wala talagang tao ay tuluyan na akong pumasok ng kwarto at pagkatapos ay agad ko ring isinara ang pinto.
Pero pagkasara na pagkasara ko ng pintuan at pagharap ko sa may higaan ay...
Halos mapatalon ako sa gulat!
Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. Nakatayo sya sa harapan ko. At bago pa man ako makapagsalita ay agad syang lumapit at yumakap sa akin.
"Im so sorry I left you" bulong nya.
Hindi ako agad nakasagot. Mahigpit ang yakap nya sa akin. Pero sa kabila ng pagkagulat ko ay agad din namang nawala ang kabog sa dibdib ko. Napapikit nalang ako at para bang nakaramdam ng seguridad sa mga bisig nya.
"Are you okay? Hows your leg? Does it still hurt?" tanong nya sabay tingin sa akin.
Hindi pa rin ako nakasagot. Bukod kasi sa nagulat ako, hindi ako makapaniwala na nandito sya sa loob ng kwarto ko. Na nandito sya ngayon sa harapan ko.
"Please, say something" bulong nya.
"A--anong gina--gawa mo di--dito??" tanong ko habang diretsong nakatingin sa mga mata nya.
Normal na uli ang kulay nito.
"I came here to see you" sagot ni Edward sa akin.
"Saan ka dumaan? Paano ka nakapasok??" tanong ko.
Hindi sya agad nakasagot. Nakatitig lang sya sa akin.
"Ilang gabi na kitang nakikita dito sa loob ng kwarto ko. Sabihin mo nga sakin, totoong ikaw yun at hindi ako nag hahallucinate, tama ba?" tanong ko uli.
Hindi pa rin sumagot si Edward.
Napa atras ako pero humakbang naman sya palapit sa akin. Umatras ako uli, pero humakbang nanaman sya. Ilang beses pa akong umatras hanggang sa napasandal na ako sa pintuan. Pero si Edward ay patuloy parin sa paghakbang papalapit sa akin hanggang sa sobrang lapit na nya.
Hindi pa sya nakuntento. Mas lalo pa nyang inilapit ang kanyang mukha at pagkatapos ay itinukod pa nya ang dalawa nyang kamay sa magkabila kong gilid. Wala akong kawala.
"Are you scared?" bulong nya sa akin.
Napalunok ako ng ilang beses bago nakasagot sa kanya.
"Hindi. Alam ko naman na hindi mo ako sasaktan" matapang na sagot ko sa kanya.
Ngumiti si Edward.
"Ngayong alam mona na hindi ako natatakot sayo. Aaminin mo na ba sa akin ang tungkol sa pagkatao mo?" tanong ko.
Sandaling natahimik si Edward habang pinagmamasdan ang aking mukha.
"What do you think?" tanong nya sa akin.
"Ha? Aba eh, hindi ko alam. Ang alam ko lang, kaya mong makapunta mula sa isang lugar papunta sa isang lugar ng sooobrang bilis. Hindi ordinaryo ang lakas mo. Naririnig mo ang sinasabi ko kahit malayo ka sa akin at itong huli, kaya mong lumipad. Nakita ko kung ano ang lumabas jan sa likod mo" sagot ko.
Hindi kumibo si Edward. Napayuko sya.
"Ikaw ba ang guardian angel ko?" tanong ko sa kanya.
Agad syang nag angat ng tingin at pagkatapos ay ngumiti sya sa akin.
"Id like to think of it that way" sagot nya.
"Bakit, hindi ba?" naguguluhan na tanong ko.
Hindi nanaman sya sumagot.
"Kung hindi ka anghel, ano ka?" tanong ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa bigla kong naisip. "Huwag mong sabihing aswang ka" sabi ko.
Kumunot ang noo ni Edward at pagkatapos ay inalis nya ang dalawa nyang kamay sa magkabila kong gilid.
"Aswang? Monster? Im not a monster. And I will never be a monster" sagot nya.
"So ano ka nga?" giit ko.
"Its hard to explain but youre right, Im different. Im not ordinary. Not like you" pagtatapat nya.
May na sense ako agad ng lungkot sa tono ng kanyang pananalita. Lungkot na may halong pangamba.
"Kung ano ka man. Hindi importante sa akin yun kasi alam kong may mabuti kang kalooban. Hindi ka masama" sabi ko.
"I hope so" sagot ni Edward sa akin.
"Bakit? Dati ka bang masama?" tanong ko uli.
"No. But Dr. Laurenti said my kind is different. Im like a combination of half good and pure---"
Natigilan sya.
"Pure ano?" sabat ko.
Yumuko si Edward at sandali nanamang natahimik.
"Pure evil" bulong nya.
Napalunok ako kasabay ng muling pagkabog ng dibdib ko.
"Jo--joke ba yan?" nauutal na tanong ko sa kanya.
Bahagya syang ngumiti.
"How I wish everything about me is a joke" sagot nya.
"Hindi kita maintindihan" sabi ko.
"I dont understand either. I want to tell you everything but how can I do that if I dont remember who or what I am?" sabi nya sabay angat uli ng mukha at diretso nanaman syang tumingin sa akin.
"Ha? Bakit?" tanong ko.
"I dont know. All I know is that Dr. Laurenti adopted me when I was 10. I was in an orphanage in Germany. Thats all I can remember from my childhood. No matter how hard I try, hindi ko talaga maalala yung iba. I dont even know that I can do extraordinary things. I thought Im just an ordinary guy... until you came" paliwanag nya.
Ako naman ang kumunot ang noo sa narinig ko. Lumapit ako sa higaan at naupo sa gilid nito.
"A--ako? Bakit? Anong kinalaman ko sa mga powers mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Lumapit si Edward sa akin at naupo sa tabi ko.
"I didnt know that I can go from one place to another in just a snap. What happened at the roof top, its the first time that I found out about it. Believe me, I was more shocked than you" sabi nya.
"Yung nangyari sa bangin. Hindi mo rin yun alam??" tanong ko.
Umiling si Edward habang nakatingin sa akin.
"I think because of you, one by one, Im finding out the things that I dont know about myself" sagot nya.
"Alam na ba sa inyo ang tungkol sa mga powers mo?" tanong ko.
"Yes. But dad gets mad everytime I use it"
"Bakit? Nakakatulong ka kaya. Nakakasagip ka ng buhay. Kung hindi dahil sa iyo, baka wala na ako. Diba dapat maging proud sya sayo?"
"I dont want to scare you but dad said that theres someone after me. And it will be easy for him to find me everytime I use my powers. Its like a GPS that he'll know where to find me"
"Sino naman yun??" tanong ko.
"I still dont know. Dad said that the less I know, the better. And Ill be safe if I dont use my power" sabi nya.
"Ang weird... sobrang weird" sabi ko.
"I know. And you know whats more weird? When I came here in the Philippines. Ive been having visions of a girl. I see her everywhere. And even in my dreams. As I got older. Her face became clearer and clearer. And the visions and dreams became more often" kwento ni Edward habang diretsong nakatangin sa mga mata ko.
Ewan ko ha pero mejo nag iba ang naramdaman ko sa binanggit nya. Hindi ko na naiwasan. Umikot ng 360 degrees ang mga mata ko at napansin nya agad yun. Natigilan kasi sya.
"Why are you rolling your eyes on me?"
"Ah wala" inis kong sagot.
"Wait, may nasabi ba ako? Are you mad?"
"Hinde" matipid kong sagot.
"I thought you want to---"
"Inaantok na ako" sabat ko.
"What? Uhm... can you please listen to me first?"
"Bukas nalang natin ituloy to. Umuwi ka na" sabi ko.
"You said you want to know everything I know about my---"
"Oo nga pero yung tungkol jan sa babaeng chuva mo, wala akong paki alam" sabi ko sabay irap sa kanya.
"Im not yet done with----"
"Alam mo, sa iba mo nalang i-share yang kwento mo tungkol sa girl in your dreams. Inaantok na ko!" sabi ko sabay tayo.
Pero agad naman nya akong hinawakan sa kamay at pilit na pinauupo sa tabi nya.
"Sit. Let me finish" utos nya.
"Ayoko. Umuwi ka na" sagot ko sabay tayo uli.
"I said sit" giit nya sabay hila uli sa akin.
Napaupo na ako ng tuluyan.
"Tama ba naman na i-share pa sa akin yan??? May pa I like I like you ka pang nalalaman tapos may ibang babae ka naman palang napapaginipan. Pwede ba. Bumenta na yan. Magsama kayo ni Marco" sabi ko sabay irap uli sa kanya.
Tumayo ako at agad naglakad palayo. Naka tayo ako sa harapan nya malapit sa pinto.
Okay na kasi yung moment eh. Bigla nya kong sisingitan ng babae. Lakas maka inis.
"Hey, hold on. Im no way near Marco. Im not like him" sabat nya.
Tumayo rin sya sabay lapit sa akin.
"Talaga ba?" sagot ko sabay ngiting inis.
At mas lalo pa akong nainis ng mapansin kong napapangiti sya.
"When I said I like you, I mean it. I do like you. It was you who didnt say you like me back" sumbat nya sa akin.
"Hala sya. So kailangan mo agad ng sagot? Di ba pwedeng maghirap ka muna bago ako mag I like you too?" sabi ko habang pinandidilatan sya.
"What? I saved you three times and it almost caused my life. Now youre saying maghirap muna ako?" di makapaniwala nyang sagot sa akin.
"Luh! Nanunumbat ka ba?" di rin makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"No! What Im saying here is that... I like you. I really do and Ive never been like this before. I like you Maymay and youre the girl that Im talking about. You are the girl in my dreams. Can you please let me finish first??" sabi nya.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Natahimik ako. Natameme in other words. Ikaw ba naman masoplak. Rereak reak kasi agad. Ayan tuloy.
Pero sa kalagitnaan ng pag uusap namin ay biglang...
"Maymay? Anak? May kausap ka ba jan?" tawag ni mama sa akin.
Napalingon ako agad sa pinto. Juskolord. Hindi ko ito nalock. Kumakatok si mama. At mukhang papasok sya. Panic mode ako agad nang lingunin ko si Edward.
"Alis ka na. Bilis" bulong ko.
"Im not leaving until you say you like me too" sagot nya.
Napanganga ako sa sinabi nya habang nanlalaki ang aking mga mata.
"Say it" giit nya.
"Anak---"
Ayan na si mama!! Narinig ko ang tunog ng pag ikot ng doorknob.
"I like you too!" bulalas ko.
Kasunod nun ay bumukas ang pinto ng kwarto ko. Agad akong tumalikod kay Edward para harapin si mama. Napalunok ako ng makita ko si mama na nanlalaki din ang mga mata.
"M--ma?" sabi ko.
Nakatingin lang sa akin si mama. Parang gulat sya. Juskolord. Paano ko ipapaliwanag na may lalaki sa kwarto ko????
"Anak?"
"Ma? Ano... eh... kasi..." nauutal kong sabi. Grabe ang kabog ng dibdib ko.
Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na reaksyon ng mama ko sa akin.
"Anong nangyari sayo? Bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong sa akin ni mama.
"Po?" sabi ko.
"Bakit hindi ka pa nagbibihis? Kanina ka pa pumasok ng kwarto mo. Diba ang sabi ko wag kang magpupuyat? Mag rereview ka pa. Anong oras na"
Lumingon ako agad sa likuran ko. Nakahinga ako ng sooobrang luwag ng makita ko na wala na si Edward. Hindi sya nakita ni Mama. Napahawak ako sa aking dibdib. Hay salamat buti nalang.
"Bakit? Anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ng Mama ko sa akin.
"Ah.. wala po. Inaantok na kasi ako" palusot ko sabay hikab kunwari.
"Sino ba kasing kausap mo?" tanong ni mama sabay tingin sa cellphone ko na nasa ibabaw ng kama.
"Ho?"
"Sabihin mo kay Fen bukas na kayo magchikahan. Sige na. Magbihis ka na at matulog ka na. Tingnan mo itong gamit mo hindi mo pa nailigpit. Ang bintana mo bukas pa. Sus maryosep na bata ka. Sige na. Magbihis ka na at ako na ang maglalagay sa labahan ng marumi mong damit" utos ni mama.
"O... opo ma" sagot ko.
Habang papunta ako sa tukador ko ay iginala gala ko pa ang aking paningin. Baka kasi nasa kung saang sulok lang ang lalaking yun.
"Ano pang inaantay mo. Ito talagang batang ito. Magbihis na Maymay at huwag kang magpuyat" si mama uli.
"Opo ma" sagot ko sabay kuha agad ng damit at nagmadali na akong pumasok sa banyo.
Pagpasok ko sa loob ay napasandal ako sa pinto. Iniisip ko ang lahat ng sinabi ni Edward sa akin lalung lalo na yung huli. Ewan ko ba kung bakit hindi ko mapigil ang aking ngiti habang nakatingala ako sa kisame.
"Teka nga, official na ba yun? Sapilitan akong nag I like you too?" bulong ko sa aking sarili.
Napabuntung hininga nalang ako.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magbihis ay agad akong nahiga na sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko para mag set ng alarm nang may mapansin akong text mula sa di ko kilalang number.
Fr: Unknown
Yes. Its official and theres no taking back.
Kahit hindi naka save sa phone ko ang number, alam ko na kung sino ito. Agad akong nag angat ng tingin. Pero wala sya. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Wala din akong makita na gwapong stalker.
Nireplyan ko ang text.
To: Unknown
Umuwi ka na. Matutulog na ako. Bukas nalang tayo uli mag usap.
Napatingin ako sa salamin pagkatapos ko isend ang reply sa kanya. Huling huli ko ang sarili ko na nakangiti.
Sa loob loob ko. Ang kire kire mo Maymay.
***
"Fen okay lang ako. Ginagawa mo naman akong lola eh" biro ko sa kaibigan ko habang inaakay nya ako papunta sa bench.
Wala kaming Prof. This week kasi ay halos walang regular class dahil bukod sa kakatapos lang ng mid term exam namin ay busy na ang ibat ibang departments para sa nalalapit na foundation day celebration.
"Masakit pa ba yung paa mo?" tanong sa akin ni Fen habang inaabutan nya ako ng sandwich.
"Hindi na. Okay nga lang ako. Okay na okay. As in suuuuper okay. Ikaw lang itong OA" biro ko habang nakangiti.
"Oo na. At ikaw naman itong inspired. Nagkita na ba kayo?" tanong nya.
"Ha? Nino?" tanong ko.
"Sus. Wag ako. Alam kong alam mo kung sino tinutukoy ko" sabi nya.
"Ikaw. Nagkita naba kayo?" biro ko uli sa kanya.
Ngumiti sya at halatang kinikilig nanaman.
"Alam ko na. Wag ka na sumagot. Halata naman sa itsura mo na nagkita na kayo" tukso ko sa kanya.
Ngumiti uli si Fen.
Iginala ko ang aking paningin. Mejo marami nang estudyante sa paligid ng football field.
"Nakita mo naba yung poster sa Bulletin board kanina? Next week na pala yung ball" sabi ni Fen sa akin.
"Ball? Naku, out na ako jan" sagot ko.
"Anong out? Di pwede. Minsan lang yun in a year" sabat agad ni Fenech.
"Kahit nung highschool ako, hindi din ako sumali sa prom. Dahil bukod sa hindi ko hilig. Wala akong isusuot" sagot ko.
"Pwede naman natin gawan ng paraan yan" giit nya.
"Ah basta. Hindi ako sasali jan. Sa bahay nalang ako" sabi ko.
Sasagot sana si Fen nang biglang may tumawag sa akin.
"Marydale?"
Agad akong lumingon.
Nagulat ako. Hindi ko kasi inaasahan na makikita ko sya uli.
"Daniella!" sabi ko.
Nagmadali akong tumayo at lumapit sa kanya. Muntik pa akong madapa kaya bahagya akong napadantay sa braso nya.
Natigilan ako.
Napatingin si Daniella sa akin. Kasunod nun ay napansin kong ibinaba nya ang nakalislis nyang long sleeve. Sobrang lamig ng balat nya. Parang yelo sa lamig.
"How arre you?!" tanong nya sa akin.
"Im okay. You?" sagot ko.
"Im good. Do you study here?"
"Yes!" sagot ko habang nakangiti.
"Ow, wow. I am too. Im so glad youre herre" sagot nya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Really?! What a surprise! I think I know now how to make it up to you for helping me. I will be your campus tour guide. I can show you around" sabi ko habang nakangiti.
"Ahem" narinig kong nagpapansin si Fen.
Napalingon ako sa kanya.
"Oh, by the way. This is Fenech. My bestfriend" sabi ko sabay turo sa gawi ni Fenech.
"Hello" bati ni Daniella sa kanya.
"Hi" matipid na sagot ni Fen sa kanya.
"Are you free now? I can show you around" sabi ko.
Bahagyang lumapit si Fen sa akin at pasimpleng bumulong.
"Anong show you around??? Yung paa mo. Iika-ika ka pa nga eh" bulong nya.
Napangiti lang ako habang nakaharap kay Daniella.
"No. Ill stay here with you. I dont want to botherr your meal" sagot ni Daniella.
"Its okay. Its the least I can do. I told you I want to return the favor for helping me" giit ko habang nakangiti ng bongga sa kanya.
Ngumiti lang din si Daniella sa akin. Aalukin ko sana sya ng sandwich na hawak ko ng biglang dumating si Marco at Edward.
Ang malaking ngiti ko kanina ay agad nawala habang papalit palit ang tingin ko kay Edward at kay Daniella na magkatapat at nagtitigan.
Ang sarap batukan ng lalaking to. Na love at first sight ata.
Umikot nanaman ang mata ko ng 360 degrees pero sure ako hindi napansin ni Edward yun dahil tulala sya. Hindi man lang ako binati ng loko.
Sa loob loob ko, I like you pala ha. Ewan ko sayo! Agad kong kinuha ang gamit ko at naglakad na ako palayo.
"Maymay! Teka!" narinig kong tawag ni Fen sa akin.
Lumingon ako. Mas lalo akong nainis kasi on going pa rin ang titigan session ng dalawa.
"CR lang ako. Magkita nalang tayo sa room" sabi ko kay Fen at pagkatapos ay tuluyan na akong umalis.
***
"Huy.. kanina ka pa tahimik. Galit ka ba sakin?" pangungulit ni Fen.
Umiling iling lang ako. Wala pa rin kaming prof kaya dito nalang kami sa library nag stay.
"Eh bakit hindi ka nagsasalita? Badtrip ka? Kasi hindi ko masyado chinika si Daniella?" tanong uli ni Fen.
Ngumiti lang ako pero hindi pa rin ako nagsalita. Naramdaman kong may humangin sa likuran ko. Pero walang electric fan sa pwesto namin. Parang alam ko na agad kung ano ang hangin na yun.
Bumulong ako.
"Huwag na huwag kang lalapit sa akin. Wala ako sa mood" bulong ko.
"Ha? May sinasabi ka?" tanong ni Fen sa akin.
Umiling ako uli. Ayoko kasing magsalita. Baka kasi hindi ko mapigilan at masabi ko na inis na inis ako. Siguradong maririnig ni Edward ang sasabihin ko.
Mabuti nga siguro na ma love at first sight sya kay Daniella. Tutal naman naipagkasundo na ako ni mama sa iba. Tama lang yun. At para hindi na rin matuloy ang nararamdaman ko para sa kanya. Ako lang ang mahihirapan. Kaya hanggat maaga. Itigil ko na.
Sa loob loob ko, Ilang araw lang pala ako kikiligin ng bongga at magiging masaya.
"Huyyy! Bestfriend! Talk to me naman... chichikhin ko na rin si Daniella. Mejo iba lang kasi talaga ang feeling ko about her pero kung talagang sa tingin mo mabait sya, o di sige. Kakaibiganin ko na rin sya" sabi ni Fen.
"Pasensya ka na Fen. Wala lang talaga ako sa mood. Uuwi nalang siguro ako" sagot ko.
"Wala sa mood? Eh halos mapunit yang mukha mo kanina sa laki ng ngiti mo. Tapos ngayon wala ka sa mood?"
Sandaling natigilan si Fen. Maya maya ay ngumiti sya.
"Ay sus. Parang alam ko na. May nag jejelli de belen dito" sabi nya.
Kumunot ang noo ko.
"Ito naman. Baka naka appreciate lang ng ganda si Edward. O baka naman magkakilala sila" sabi ni Fen.
Ngumiti ako. Sinadya kong lakihan kunwari ang fake na ngiti ko.
"Jusko ha. Im happy for them. Bagay sila. Magsama silang dalawa. Mabait si Daniella. Hinding hindi magsisisi si Edward sa kanya. Di hamak namang mas gusto ko sya para sa kanya kaysa kay bulling Hanna" sagot ko.
Pero sa loob loob ko.... Nakakainissss!!!! As in!!!
Hindi na kami nagtagal ni Fen sa library. Naisip kong dumaan sa office ng prof namin para sana mag paalam na uuwi nalang.
Pumayag naman sya pero sinabihan nya kami na mag meeting with our group mates para sa group activity namin. Binigyan nya kami ng 3 days para gawin ang book report. Wala na daw extension.
Agad tinext ni Fen ang mga ka grupo namin. Nagreply naman daw agad si Iñigo. Sa auditorium daw wala masyadong tao. Doon nalang daw kami mag meeting.
Papunta na kami ni Fen doon. Okay na sana. Mejo nakakalimot na ako sa inis ko kaya lang sadya atang malas ako ngayong araw.
Habang naglalakad kasi kami ni Fen sa hallway ay nakasalubong namin si Marco. Kasama niya si Tanner, Edward at si...
Daniella.
"Hi Marydale. Where are you going?" tanong nya.
"Ha?... just over there. Fen and I will have a group meeting with our classmate. See you" paalam ko agad.
Hindi ko na tiningnan pa si Edward.
"Ow... I was hoping you could come with us. Edward is touring me around" sabi nya.
Sa loob loob ko. Easyhan mo lang Maymay. Kalma.
"Im really sorry, we need to finalize a book report. Maybe next time. Ill see you around. Ba-bye" sabi ko sabay hila kay Fen.
Ilang hakbang na ang layo namin nang sumenyas nalang ako kay Fen ng ssshhh (as in wag maingay). Ayoko nga kasi magsalita or bumulong. Maririnig ako ni palikerong Edward.
"Teka naman. Ang bilis mong maglakad. Wala namang humahabol sa atin" reklamo ni Fen.
"Ay sorry. Baka kasi nandun na sila Iñigo. At saka uwing uwi na kasi ako" palusot ko pero ang totoo asar na asar na ako.
Ilang saglit pa ay narating na rin namin ang auditorium.
Natanaw agad namin ang mga classmate namin sa bandang unahan malapit sa stage.
Agad kumaway sa amin si Iñigo.
"Hows your leg?" bungad nya sa akin paglapit ko.
"Okay lang" sabi ko.
"Masakit pa? Patingin nga" sabi nya sabay upo sa paanan ko.
Inangat nya ang pantalon ko.
"May pasa pa rin" sabi nya sa akin.
"Oo nga eh pero hindi naman na masyado masakit. Keri lang" sagot ko.
Inakay ako Iñigo papunta sa upuan. Nagkatinginan kami ni Fen. Napansin kong napapangiti sya. Alam kong may halong panunukso ang ngiti nyang yun.
Pagkaupo ko ay nagsimula na kaming mag meeting. Dahil likas na kay Iñigo ang pagiging leader, sya ang nanguna sa pag aassign ng gagawin. Mejo nalibang ako habang nag memeeting kami. May 30 minutes din siguro kaming nag usap. After nun ay nagkanya kanya na ng uwi ang iba. Tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext.
Fr: Daniella
Hi Marydale. It was nice seeing you again. I think Im going to like the school and the friends I found. I wanted to talk to you about something earlier but you seem to be in a hurry. I was going to say that you mentioned about returning me a favor. I learned that you are close with Edward. Do you mind spending a few minutes? I just want to know more about him. I think I like him.
Natulala ako sa text. Kamag anak ba ni The Flash itong si Daniella? Ang bilis eh.
Imbyerna is real. Nagpasya ako na mamaya nalang mag reply. Ibinulsa ko na ang phone ko at akmang tatayo na ako ng biglang hawakan ako ni Iñigo sa kamay.
"Alalayan na kita" sabi nya.
Napatingin ako sa kanya. Pero bago ako makasagot ay....
Napansin ko si Edward na nakatayo sa gilid namin. At seryoso syang nakatingin kay Iñigo habang hawak nito ang kamay ko.
Kinuha ko agad ang kamay ko at agad akong tumayo.
"Ah eh.. hindi na. Kaya ko naman talaga maglakad" sabi ko.
Dededmahin ko nalang sana uli si Edward pero nakikipag titigan naman sya ngayon kay Iñigo.
Bigla namang nag ring ang phone ko. May tumatawag. Agad kong chineck kung sino ito. Bago ko ito sagutin ay napatingin muna ako kay Edward.
Tumingin din sya sa akin.
"He.. hello.. Daniella?" bungad ko pagkasagot ko ng tawag.
"Hi. Did I disturb you?" tanong nya.
"No. Its okay" sagot ko.
"Im right here at the bench where you were sitting earlier. Do you know where Edward is? He promised to meet me here" sabi nya.
Para akong kinurot kurot sa narinig ko. May usapan agad sila. At sa favorite tambayan ko pa. Husay!
"Ha... eh... yes.. hes inside the auditorium. Come over here. Ill tell him to wait for you" sagot ko habang nakatingin kay Edward.
"Okay. Tell him Im coming overr. Thank you" sagot nya sabay baba ng tawag.
"Uhm... hintayin mo daw sya" sabi ko kay Edward sabay alis.
Pero hinawakan ako sa kamay ni Edward.
"Maymay---"
"Hintayin mo sya dito" sabi ko sabay bitaw ko sa kamay nya.
Hinila ko na si Fen at naglakad na palayo sa kanya.
"Huwag kang susunod" bulong ko.
***
Sa bahay nagpalipas ng oras si Fen. Nakapagtataka na wala doon si mama. Sabi ni Kuya Nonong ay may sumundo daw sa kanya. Pero wala namang nabanggit sa akin si mama na may lakad sya.
Habang nasa kwarto ko si Fen at gumagawa ng book report namin, ako naman ay nagluto na ng ulam. Baka kasi biglang magutom si Doña Pina. Wala si mama kaya ako nalang ang gumawa ng gawain nya.
After ko sa kusina ay pinagmeryenda ko sandali si Fen. Saktong 6pm na sya umuwi.
Kasalukuyan akong nagliligpit sa kwarto ko nang biglang makaramdam nanaman ako ng hangin.
Dinedma ko yun. Pinagpatuloy ko ang pagliligpit.
Humangin uli.
Imbes na isara ko ang pinto ng kwarto ko ay mas lalo ko itong binuksan. Alam kong hindi sya magpapakita kapag naka bukas ang pinto. Takot lang nyang may makahuli sa kanya.
Halos patapos na ako sa pagliligpit. Pag baling ko sa study table ko ay may nakita akong isang tangkay ng kulay puting rose. Sumimangot ako. Dinedma ko uli yun. Pero pagbaling ko sa kabila ay may puting rose nanaman.
"Tigilan mo ko. Umuwi ka na" sabi ko habang inaayos ko ang unan sa kama ko.
Maya maya ay narinig kong biglang sumara mag isa ang pinto.
Nagulat pa ako. Pag harap ko sa pinto ay naroon na si Edward. Nakatayo. At may hawak syang isang tangkay ng puting rose.
Sinimangutan ko lang sya. Lumapit sya sa akin.
"Im sorry. Can you please let me explain?" bulong nya.
"Hindi mo ako madadaan sa pabulaklak mo" sabi ko.
"Its not what you think" sagot nya.
"Pwede ba? Alam mo, mas mabuti pa, balikan mo nalang si Daniella. Nag text sya sa akin. Gusto ka daw nya. Gusto mo rin sya diba? Natulala ka nga kanina eh---"
"Maymay---"
"Please lang wag mo na akong guluhin. Wala akong balak makipag love triangle sa inyo" sabat ko.
Ayaw ko na rin marinig palusot nya. Kitang kita ko naman na nabighani sya tapos biglang nandito nanaman sya.
"Maymay---"
"Umuwi ka na sabi eh" sabat ko uli sabay talikod sa kanya.
Pero bigla nya akong hinila at isinandal sa pinto. Sabay tukod ng dalawa nyang kamay sa magkabila kong gilid.
"Its you that I like and no one else" bulong nya.
Inirapan ko sya sabay baling ng tingin ko sa iba.
Napalunok ako ng unti unting lumapit ang mukha nya sa akin. Pero dinedma ko iyon.
"I know you feel the same" bulong nya uli.
"Yun ang akala mo---" sabat ko.
Pero natigilan ako kasi mas lalong nya pang inilapit ang mukha nya sa akin. Halos ibaon ko na ang ulo ko sa pinto.
"We'll see" bulong nya.
Papalapit ng papalapit ang mukha nya sa akin.
"Anong ginagawa mo?!" tanong ko sabay baling ng tingin sa kanya.
Diretsong nakatingin sa akin ang kanyang mapupungay na mata.
"I tried to stop myself from doing this. But I cant help it anymore. I'm gonna kiss you in about 10 seconds. And if you don't want me to kiss you... well, if you don't want me to, I guess then you're just gonna have to stop me" bulong nya.
Bago pa ako makasagot ay lumapat na ang kanyang labi sa aking labi.
Imbes na mag react ako o gaya ng sabi nya na pigilan ko sya, ewan ko ba kung bakit hindi ko nagawa.
Pumikit nalang ako at hinayaan ko ang paulit ulit na pagdampi ng malambot nyang labi sa aking labi.
Sa unang pagkakataon, may kung anong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Kakaiba ang pakiramdam. Para akong nakalutang sa hangin. Ganito pala ang feeling. Dati sa movie ko lang ito napapanood pero ngayon...
May first kiss na ako!
Naramdaman ko nalang na hinawakan ng dalawang kamay ni Edward ang magkabila kong pisngi habang patuloy sya sa paghalik sa akin.
Hindi ko na alam kung ilang segundo na ang lumipas. Malamang lagpas ng 10 pero patuloy pa rin si Edward sa marahan at paulit ulit nyang paghalik sa akin.
Hanggang sa tumigil sya. Kasunod nun ay dumilat ako at agad nagtagpo ang aming mga mata.
"Now tell me you dont feel the same" bulong nya sa akin.
Napalunok ako. Hindi ako nakasagot agad. Literal na natameme ako sa ginawa nya.
"Ive been there. I also tried to deny what I feel. Until one day I just cant help it any longer. You are so irresistable Maymay. I just found myself falling for you real hard" bulong nya.
Hindi ako makasagot. Tulala ako talaga pramis. Totoo ba ang mga naririnig ko?
"If you still cant figure it out. Ill help you. Maymay, I like you and I think I have fallen for you. I know you feel the same coz we wouldnt be standing here, having this kind of conversation after sharing the best first kiss Ive ever had.. If you dont feel... even one shred... of what I feel for you"
***