MAYMAY'S POV
"Anak magpahinga ka na. Alam kong pagod ka. Kaya ko na ito. Sige na, mauna kana matulog" utos sa akin ni mama.
"Hindi po ma. Okay lang po ako. Ako na po ang maglalabas nyan" sagot ko sabay kuha ng itim na plastic ng basura na hawak nya.
"O sige pagkatapos mo, dumiretso ka na sa kwarto. Matulog ka na"
"Opo" matipid kong sagot at pagkatapos nun ay dire diretso akong lumabas ng pintuan sa likod ng kusina.
Ilalagay lang naman ang itim na plastic sa may basurahan sa labas. May mangungulekta kasi ng basura bukas.
Dali dali akong lumabas. Sobrang dilim. Mabuti nalang at maliwanag ang buwan. Kahit wala akong dalang flash light ay nakikita ko pa rin ang dinadaanan ko. May maliit na gate sa likod ng bahay. Lumabas ako doon at lumapit sa dalawang malalaking trash bin. Isiniksik ko sa loob ang dala kong itim na plastic at pagkatapos ay tumalikod na ako pabalik ng bahay.
Pero... pag pasok ko sa maliit na gate ay bigla akong may naaninag na tao na nakatayo sa gilid ng puno ilang hakbang mula sa akin.
"Huh!" gulat na sabi ko pero pagkurap ko ay bigla namang nawala ang tao.
Imbes na matakot ay nanatili pa rin ako sa kintatayuan ko. Pinagmasdan kong maigi ang puno. Ilang beses pa akong pumikit at dumilat pero wala na ang taong nakita ko.
"Namamalikmata lang ba ako? May tao ba dito kanina?" bulong ko sa sarili ko.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa puno. Tumingin din ako sa itaas nito. Patingin tingin pa ako sa paligid. Pero wala talaga ang taong naaninag kong nakatayo dito kanina.
"Hindi... may tao talaga dito" sabi ko uli sa isip ko habang nakatitig sa puno.
"Maymay?" biglang may tumawag sa akin.
"Ay! Kabayo!" gulat ko. Si mama lang pala.
"Oh, bakit nanjan ka?" tanong nya sa akin.
"Ah... eh.... uhm... wa--wala po" sagot ko.
"Halika na. Pumasok ka na dito"
Hindi ako sumagot kay mama. Naglakad nalang ako papasok sa pinto pabalik ng kusina pero ang mga mata ko ay nakapako parin sa puno. Paglagpas ko ay nilingon ko pa uli ito.
"Baka naman wala talaga. Guni guni ko lang yun" sabi ko uli sa sarili ko.
Pagpasok ko sa loob ay pinauna na ako ni mama sa kwarto namin. Tutulung pa sana ako na magpunas ng mga bagong hugas na plato pero ayaw nya. Pagod na daw ako sa school.
Sandali lang akong naglinis ng katawan at nagpalit ng pangtulog. Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama ko. Mahigit sampung minuto na akong nakahiga ng pumasok si mama sa kwarto namin. Nagtulog tulugan nalang ako.
Pero makaraan ang ilang oras. Tulog na tulog na si mama samantalang ako ay hindi man lang dalawin ng antok. Pabaling baling ako sa higaan. Ewan ko ba kung bakit hindi mawala sa isip ko ang mga mata ng masungit na yun.
Bakit ba ganun sya makatingin sa akin? Inaano ko ba sya? Sabi ni Fenech mabait daw sya. Pero bakit pag ako ang nakikita nya, parang lagi syang galit?
Isang buwan na syang ganyan mula nung pumasok ako sa school. Nagtitimpi lang ako pero palagay ko konting konti nalang malapit ko na syang kausapin. Itatanong ko talaga sa kanya kung ano bang problema nya sa akin.
***
Kinabukasan, dahil napuyat ako kakaisip kay sungit ay antok na antok pa ako na pumasok sa klase.
"Maymay! Mabuti naman dumating ka na. Kanina pa kita inaantay" bungad sa akin ni Fenech.
"Bakit?"
"Wala tayong klase this morning. May program kasi sa atrium. Tara manood tayo" aya nya sa akin sabay hila sa kamay ko.
"Teka. Pwede bang pass muna ako. Pasensya kana. Napuyat kasi ako kagabi. Hindi din ako nakapag review para sa long quiz natin mamaya sa Math" sagot ko.
Natigilan si Fenech sa paghila sa akin.
"Ha, ganun ba? Sige. Pero teka, saan ka magpapalipas ng oras?" tanong nya.
"Hahanap nalang ako ng lugar. Subukan ko umidlip sandali o kung hindi naman magrereview nalang ako. Itetext kita" sagot ko.
"Sige. Itext mo ako agad ha. Susunod ako. May titingnan lang kasi ako sa atrium" sabi nya.
"Sige" matipid kong sagot.
Pagkatapos nun ay naghiwalay na kami ni Fen. Papunta syang atrium habang ako naman ay papasok ng Senior High building.
Nakakapanibago ang tahimik na hallway.
Mukhang halos lahat ng estudyante ay nasa atrium. Ano kayang meron?
Naisip kong pumunta sa room namin pero naka lock ito.
"Inaantok na ako. Saan ako tatambay?" tanong ko sa sarili ko.
Tumingin tingin ako sa paligid. Napansin kong bukas ang pinto sa Fire Exit stairs. Lumapit ako doon.
"Dito nalang kaya" sabi ko habang sinusundan ng tingin ang paakyat na hagdan.
Pero naisip ko na madaling may makakakita sa akin dito. Baka paalisin pa ako. O di kaya ay baka papuntahin ako sa atrium para manuod ng program.
Nagpasya ako na umakyat nalang sa pinaka itaas. Nagmamadali ko itong tinakbo kaya naman sobrang hingal na hingal ako ng marating ko ang roof top. Sandali akong nagmasid sa paligid. Tahimik at walang katao tao.
"Wow, ang sarap naman pala dito. Makaka tulog na ako, makaka pag review pa ako ng tahimik" sabi ko sabay kuha sa reviewer ko at isang ballpen.
Ang ganda talaga ng view dito sa itaas. Habang patingin tingin ako sa paligid ay naisipan kong lumapit sa may railings. Nabaling ang atensyon ko sa ibaba. May nakikita akong mangilan ngilan na estudyante na naglalakad.
Biglang humangin ng malakas. Napatingin ako sa puno na halos abot kamay ko na sa lapit. Sumasayaw ang mga dahon sa bawat pag ihip ng hangin. Magkasing taas ang puno at ang dalawang palapag na building na ito.
At dahil walang humpay ang pag ihip ng hangin, para tuloy akong dinuduyan. Lalo tuloy akong nakaramdam ng antok. Halos babagsak na ang talukap ng mata ko nang bigla kong mabitawan ang hawak kong ballpen.
"Ay!" sigaw ko habang sinusundan ng tingin ang nahulog kong ballpen sa ibaba.
Pero agad akong may nakasalubungan na dalawang pares ng mga mata na nakatitig sa akin mula sa ibaba.
Si sungit.
Mag isa syang naglalakad. Malay ko ba kung saan sya papunta. Like usual, nakipag titigan ako sa kanya. Kung kay Hanna ay nakikipag sagutan ako. Dito naman kay sungit ay lumalaban ako ng titigan.
Hinding hindi ako magpapasindak no! Lalo na kapag alam kong wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Muling umihip ang hangin pero mas malakas ito kaysa kanina. Sa lakas nito ay lumipad tuloy ang isang page ng hawak kong reviewer. Agad kong sinundan ito at pinilit abutin. Pumatong pa ako sa zocalo ng railings para lang maabot ang lumilipad na papel.
Pero sa sobrang taranta ko, na out of balance ako at dire diretsong dumausdos ang kawatan ko paibaba.
"Ayyyyyy!!!!" sigaw ko.
Mahuhulog ako sa building!
Sinubukan kong kumapit pero sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawa. Napapikit nalang ako. Jusko katapusan ko na!
Pero...
Bigla nalang may humawak sa akin at hinugot ako pabalik. Pareho kaming napahiga sa sahig ng rooftop.
"Arrghhh!"
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako nahulog. May nagligtas sa akin. Agad kong iminulat ang aking mga mata. Pero hindi ko inaasahan ang aking nakita.
Si sungit.
Nakakulong ako sa mga bisig nya. Magkaharap kami habang parehong nakahiga sa sahig. Nakatitig sya ng diretso sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad nagawang kumalas sa mga bisig nya.
Parang may kakaiba akong naramdaman. Ngayon ko lang napagmasdan ang kanyang mukha ng ganito kalapit.
Ang mga mata nya. Golden brown pala ang kulay nito. Makapal, mahaba at itim na itim ang kanyang eyelashes. Napaka tangos ng kanyang ilong, sobrang kinis ng kanyang mukha at mapula ang kanyang mga labi.
Napansin kong napalunok sya habang nakatitig sa akin. Kasunod nun ay bigla nya akong binitawan. Tumayo sya agad. Hindi man lang ako tinulungang bumangon ng antipatikong ito.
"Are trying to kill yourself?!" sigaw nya sa akin.
Hindi ako agad nakasagot. Nakatingin lang ako sa galit nyang mukha. Iniisip ko kasi kung paano sya agad nakapunta dito sa rooftop. Kitang kita ko na nasa ibaba sya kanina.
"What are you staring at?!" sigaw nya uli.
"P--p--paano ka... nakapunta dito?" nauutal na tanong ko.
"The same way how you got here!" pabalang na sagot nya.
"Ganun kabilis?" sabat ko habang nakatingin sa kanya.
Napansin kong bigla syang umiwas ng tingin sa akin.
"I dont know what youre talking about" sagot nya.
"Anong hindi mo alam. Kitang kita ng dalawang mata ko. Nasa ibaba ka kanina. Paanong nangyari na biglang nandito ka sa rooftop?"
"Kanina pa ako nandito" sagot nya.
"Hindi. Sigurado ako na ako lang ang tao dito kanina---"
"I came here first!" sigaw nya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.
Natulala ako sa isang pares ng golden brown eyes na nakatitig sa akin.
"I came here first. I came here first.." narinig kong sabi nya habang nakatingin pa rin ng diretso sa aking mga mata.
Ewan ko ba kung bakit hindi na ako nakasagot. Tumango nalang ako sa sinabi nya. Pagkatapos nun ay tumalikod na sya at naglakad pabalik ng hagdanan.
Nang mawala na sya sa aking paningin ay parang bigla akong nahimasmasan.
"Anong nangyari? Baka nga namalikmata lang ako kanina. Baka nga nandito talaga sya, hindi ko lang napansin" bulong ko sa aking sarili.
***
Akala ko ay magbabago kahit papaano ang pakikitungo sa akin ni sungit ilang araw matapos ang nangyari sa rooftop. Actually nagbago naman, mas lalo syang naging ilag at masungit sa akin. Naisip ko nga sana na mag thank you sa ginawa nya kaya lang baka ma misinterpret nya. Baka isipin niya porket niligtas nya ako ay feeling close na ako gaya ni Hanna. Kaya since super iwas naman sa akin si sungit, umiiwas nalang din ako sa kanya.
Maliban nalang tuwing Friday. Classmate ko kasi sya sa literature. At dahil ayaw ko sya makasalamuha, sa pinaka likod at pinaka sulok ako nauupo. Malayo sa kanya. Malayo sa mga mata nya na hindi talaga pumapalyang badtripin ako sa tuwing magkukrus ang landas namin.
Pero... kung nitong mga nakaraang linggo ay matiwasay ko namang nalalagpasan ang isang oras at kalahating literature class ko, ngayong araw ay hinde.
May activity kasi kami at bumunot ng groupings ang prof namin. Minalas na ako ng tuluyan. Si sungit at ako ang magkagrupo.
Ang activity namin ay irere enact ang ilan sa mga piling scenes ng classic romance novels. At ang nabunot ni prof na gagawin naming dalawa ay ang "Romeo and Juliet"
Hindi ako makapaniwala. Napahawak nalang ako sa ulo ko habang umiiling iling. Lalo na ng sabihin ng prof namin na magtabi daw sa upuan ang magka grupo at magsimula nang mag rehearse ng lines.
Juskolord. Good luck talaga sa akin.
"Edward and Marydale. You are going to do the Balcony scene. These are your costumes. Im giving your 35 minutes to rehearse" sabi ni Mrs. Quintos.
"Po? Balcony scene?" sagot ko habang nanlalaki ang mga mata.
"Yes. Im expecting you'll do good. Both of you are one of my best students. Your recitation for this week will depend on your performance, okay? Now go and rehearse" sabi nya at pagkatapos ay sa iba namang grupo sya nagpunta.
Natulala nalang ako sa script na ibinigay ni Prof.
"Juskolord" bulong ko.
"We better start rehearsing now" sabi ni sungit.
"Oo nga. Minememorize ko na nga ang lines ko. Kabisaduhin mo na rin yang sayo" sagot ko pero nanatili akong nakatingin sa hawak kong papel.
"I cant memorize my lines here. Its too noisy. Lets go somewhere" sabi nya sabay hila sa kamay ko.
Malamig ang kanyang kamay pero binaliwala ko nalang iyon.
"Ha? T-- teka... san tayo pupunta??" tanong ko habang hila hila nya ako.
Hindi sya sumagot. Dire diretso syang naglakad papasok ng Fire Exit stairs. Hindi na rin ako nagtanong pa uli. Sumunod nalang ako sa kanya. Saka nya lang binitawan ang aking kamay nang makarating na kami sa rooftop. Pagkatapos ay naupo na sya sa gilid ng isang poste at nagsimulang magmemorize.
Naupo nalang din ako sa kabilang poste, may limang hakbang siguro ang layo sa kanya at nagsimula na rin akong magmemorize ng linya ko. In fairness, tama naman sya. Madali nga namang magsaulo kapag ganito katahimik.
Makalipas ang sampung minuto ay kabisado na namin pareho ang mga linya namin. Isinuot na rin namin ang costume na ibinigay ni Mrs. Quintos. May maliit na utility room sa gilid. Doon ako nagbihis. Isang simpleng long white dress ang costume ko. Inilugay ko nalang ang aking nakataling buhok at pagkatapos nun ay lumabas na ako ng pinto.
Naupo ako uli sa gilid ng poste. Paglingon ko sa gawi ni sungit ay agad na nagsalubong ang mga mata namin.
Susme. Lalo syang gumwapo sa suot nya. Nagulat ako ng bigla syang lumapit at naupo sa harapan ko.
"Are you done? Lets rehearse the lines together now" sabi nya habang nakatingin ng diretso sa akin.
Hindi ako agad nakasagot sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, natulala nanaman ako habang nakatingin sa mga mata nya. Napansin ko agad na hindi na ito golden brown. Ordinaryo nalang ang kulay nito.
"Hey!" sigaw nya.
Bigla akong nahimasmasan. Ano bang meron sa mga matang yan at parang lagi akong nahyhypnotize kapag nakatitig sa malapitan.
"S--s--sorry" sabi ko.
"I said, lets rehearse the lines now" utos nya.
Tumango nalang ako. At pagkatapos ay nagsimula na syang magsalita. Diretso nanaman syang nakatingin sa aking mga mata at ganun din ako sa kanya.
EDWARD (ROMEO)
Lady, I swear by the sacred moon, which outlines in silver the tops of these fruit trees.
MAYMAY (JULIET)
Please don't swear by the moon, the unreliable moon, which changes its position in the sky each month. I do not want your love to end up being similarly variable.
EDWARD (ROMEO)
What should I swear by?
MAYMAY (JULIET)
Don't swear at all. Or, if you must swear, swear by your magnificent self, which is the god I worship like an idol, and I'll believe you.
EDWARD (ROMEO)
If my heart's dear love
MAYMAY (JULIET)
Well, don't swear. Although you bring me joy, I can't take joy in this exchange of promises tonight. It's too wild, thoughtless, sudden. It's too much like lightning, which disappears before you can even say, "it's lightning." My love, good night. Our love, which now is like a flower bud, may blossom in the summer air into a beautiful flower by the next time we meet. Good night! I hope you fell in your heart the same sweet calm and rest that I feel in mine.
EDWARD (ROMEO)
Are you going to leave me so unsatisfied?
MAYMAY (JULIET)
What satisfaction could you have tonight?
EDWARD (ROMEO)
If we exchanged vows of love.
MAYMAY (JULIET)
I pledged my love before you even requested it. But now I wish I could take that promise back to give again.
EDWARD (ROMEO)
You'd take back your vow? Why, my love?
MAYMAY (JULIET)
In order to generously give it to you again. But I'm wishing for something I have already. My generosity to you is as endless as the sea, my love as deep as the sea. The more love I give you, the more I have. Both are infinite.
Tapos na ang lines namin pero pareho pa rin kaming tahimik na nakatitig sa isat isa. Maya maya ay kinuha nya ang aking kamay at dahan dahan nya iyong inilapit sa kanyang mga labi...
At pagkatapos ay hinalikan nya ito.
Napalunok ako. Bigla nalang akong may kakaibang naramdaman.
"I guess we're okay now" sabi nya.
Sa unang pagkakataon ay malumanay ang pagkakasabi nya. Ngayon nya lang ako kinausap ng hindi pasigaw at ngayon ko lang din nakita ang mukha nya na ganito ka kalmado. Hindi na naka kunot ang kanyang mga kilay.
"Lets go back" sabi nya at pagkatapos ay tumayo sya.
Nagulat ako ng makita kong inabot nya ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo.
Pagkatapos ng pagsusungit nya sa akin, hindi ko alam kung bakit hindi ako nag alangan. Iniabot ko rin kasi agad ang aking kamay.
"Salamat" sabi ko.
Pagkatapos ay nauna na syang maglakad pababa ng hagdanan.
***
[Clap!clap!clap!]
Naputol ang titigan namin ni sungit ng pareho naming marinig ang pagpalakpak ni Mrs. Quintos.
"Very good! Edward and Marydale. Well done. You delivered your lines very very well. And I like the adlib that you did Edward. When you kissed her hand. Its not part of the script but it was perfect! You may now take your seat" sabi nya sa amin.
Sabay kaming naupo ni sungit. Mejo ikinagulat ko nang maupo pa rin sya sa tabi ko. Nagkatinginan pa kami pero agad nyang ibinaling ang kanyang atensyon sa grupo na kasalukuyang nag peperform.
Pareho kaming tahimik na nanonood. Halos lahat ng nagtanghal na grupo ay pare parehong magagaling. Siguradong mataas ang recitation grade naming lahat. Obvious naman sa reaksyon ni Mrs. Quintos. Natuwa sya sa amin.
Pero akala namin ay para lang sa recitation ang pagtatanghal na ginawa namin. Nang matapos na lahat ng grupo ay sinurpresa kami ni Mrs. Quintos ng isang malaking announcement.
Pipili daw sya ng isa sa lahat ng grupo na nag-perform para mag audition mamaya sa drama club. Next month ay naatasan daw ang drama club na mag organisa ng isang pagtatanghal para sa nalalapit na ika-24th Foundation Day ng British School of Manila.
Bumalik na ako sa upuan ko sa likuran para mag ayos ng gamit. Kasalukuyang nagsasalita sa harapan si Mrs. Quintos nang mapansin kong nagtext pala sa akin si mama. Binasa ko muna ito at pagkatapos ay ibinalik ko na ang phone ko sa aking bulsa.
Isinuot ko na ang backpack ko pero pag angat ko ng tingin... lahat ng classmate ko ay nakatingin sa akin.
"Bakit?" tanong ko sa kanila.
"Di mo ba narinig?" tanong sa akin ng isa sa kanila.
Napatingin ako sa harapan. Wala na roon si prof.
"Ang alin?" tanong ko uli.
"Kayo ni Edward ang napili ni Mrs. Quintos.
Bilisan mo. Sumunod ka na agad sa kanya sa auditorium" sabi naman ng isa.
Agad akong tumayo. Tumingin ako sa upuan ni Edward. Wala na sya doon.
"Ang antipatikong sungit na yun, hindi man lang ako inantay" bulong ko sa sarili ko habang inis na naglalakad papunta sa pinto.
Pero paglabas ko ng pinto ay naroon pala si sungit sa gilid at agad nanamang nagsalubong ang aming mga mata. And for the very first time. Ngumiti sya sa akin.
"Lets go?" sabi nya.
Sa loob loob ko. Grabe. Ang gwapo nya lalo pag nakangiti.
"Ta...tara" sagot ko at pagkatapos nun ay sabay na kaming naglakad palabas ng SH Building.
Tahimik kami pareho. Parang walang gustong mauna na magsalita. Mejo naging awkward pa ang pakiramdam ko nang pagtinginan kami ng halos lahat ng makakasalubong namin.
Ngayon lang kasi nagkaroon ng ibang kasabay sa paglalakad si sungit. Ang madalas nya kasing kasama ay sina Tanner at Marco.
Ilang saglit pa ay narating na namin ang auditorium. Kakaunti lang ang tao sa loob. Kasalukuyang may umaarte na sa stage. Sa bandang ibaba ay napansin kong may apat na taong nag jujudge.
"Are you... okay?" tanong sa akin ni sungit.
"Ah... eh... kinakabahan ako" sagot ko.
"Dont worry. We are just going to say our lines again and do exactly what we did earlier. It should be easy... I guess" sabi nya.
Napangiti ako sa mga sinabi nya. Habang papalapit kami sa stage ay sumalubong sa amin si Mrs. Quintos. Nagbigay lang sya ng kaunting instruction at pagkatapos ay pinaupo na nya kami sa pinaka unang row.
Habang may umaarte sa stage ay kasalukuyan namang may kinakabit na malaking LED wall. Hindi ko alam kung para saan ito pero malamang ay may magaganap na program within this week dito sa auditorium. Tahimik lang kami na nanonood ni sungit. Pero sa tuwing magkakatinginan kami ay ngumingiti sya sa akin. Napapangiti na rin ako.
Maya maya ay biglang nag ring ang phone ko. Nagtinginan tuloy sa akin bigla ang lahat ng tao. Nakakahiya tuloy. Naistorbo ng ringtone ko ang kasalukuyang umaarte sa stage at ang mga judges.
"So..sorry po" sabi ko.
"Miss kung hindi mo iooff yang phone mo. Umalis ka dito" sabi ng isa sa kanila.
Agad akong tumayo.
"Sandali lang ha" bulong ko kay Edward.
Tumango naman sya sa akin. Pagkatapos nun ay nagtatakbo na ako palabas ng auditorium.
Si Fenech ang tumatawag. Paglabas ko ay nasa may gilid lang pala sya.
"Naloka naman ako sayo" bungad ko.
"Bakit? Nakaistorbo ba ako?" tanong nya.
"Hindi mo naman kasalanan eh.. hindi ko kasi na set ng silent ang phone ko. Mejo nasita lang ako. Pero okay lang" sagot ko.
Inabot ni Fenech ang libro na hinihiram ko.
"Ano bang ginagawa mo sa loob?" tanong nya.
"Hay naku... mahabang kwento. Pinag audition kami ni Mrs. Quintos sa play na ipapalabas next month" sagot ko.
"Play?? Wow!" gulat na sagot ni Fen sa akin.
"Akala ko nga ordinary activity lang namin yun. Ang sabi kasi ni Mrs. Quintos yung makukuha naming score, yun ang magiging grade namin sa recitation for this week. Kaya ginalingan namin ng partner ko. Pero after naming magperform lahat ay bigla nalang sya pumili ng representative daw ng class namin para dito sa audition na to" paliwanag ko.
"Sinong kasama mo?" tanong ni Fen sa akin.
"Si.... Edward" sagot ko.
Nanlaki ang mga mata ni Fenech.
"Seryoso??"
"Oo. Si Mrs. Quintos ang bumunot kaya naging magka grupo kami" sagot ko.
"Uuyy.... okay na kayo no?" tukso nya.
"Luh? Anong okay? Para lang sa grade yun no. Malay ko bang biglang may ganito" sagot ko.
"Uyyy.... bati na sila" tukso uli ni Fen sa akin.
"Tigilan mo nga ako. Wala naman akong ibang choice" palusot ko.
Pero ang totoo, deep inside... hindi ko alam kung bakit may konting kilig akong nararamdaman.
Napansin kong natahimik bigla si Fen pero ako naman ay patuloy pa rin sa pagsasalita. Hindi ko alam kung napansin nyang mejo naging defensive ako bigla. Ayoko lang kasi ng tinutukso nya ako. Lalo na kay sungit.
"Kung pwede lang mamili ng partner, hindi sya ang pipiliin ko. Ang gusto ko yung kumportable akong kasama" dire diretso kong sabi.
Nanlaki ang mga mata ni Fenech. Napansin kong nakahawak sya sa kanyang bibig.
"Bakit? Napano ka?" tanong ko.
Hindi sya sumagot. Sumenyas lang sya. May itinuro sya sa likuran ko. Lumingon naman ako agad. Nanlaki rin ang mata ko ng makita ko si sungit na nakatayo sa aking likuran. Hinarap ko sya agad.
"Ay.. sorry. Malapit naba tayo?" tanong ko.
Hindi sumagot si sungit. Juskolord. Kumunot nanaman ang noo nya. Nakangiti na sya kanina ah.
"Ah... eh... Fenech... sige ha. Pasok na kami uli sa loob. Thank you sa libro" sabi ko.
Dire diretso akong pumasok sa auditorium. Nakakailang hakbang na ako ng lingunin ko si sungit. Nakatayo lang sya sa pinto habang nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya.
"Halika na" aya ko.
Salubong ang kanyang kilay habang nakatingin pa rin sa akin.
"If you dont want to do this with me. Then so am I" galit nyang sabi.
"H..ha?"
"I heard what you said. Go find a new partner. Good luck with the audition!" sabi nya sabay talikod at pagkatapos ay naglakad sya palabas ng pinto. Naiwan akong nakatulala.
"Narinig pala nya. Ikaw kasi Maymay eh" bulong ko habang nagkakamot ng ulo.
Napansin ko si Mrs. Quintos na papalapit sa akin.
"Marydale, what are you doing here? Wheres Edward?" tanong nya.
"Uhm... lumabas po" sagot ko.
Ngayon ay may dahilan na talaga si sungit para magalit sa akin. Naguiguilty tuloy ako.
"What? Go back to your seat. Susundan ko sya. Malapit na kayo" sabi sa akin ni Mrs. Quintos.
Napalunok nalang ako. Sasabihin ko ba kay prof na nabadtrip ko si sungit at ayaw na nyang mag audition??
"Go now" sabi uli ni prof sa akin. Kasunod nun ay naglakad na sya papalayo.
Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa upuan ko. Namamawis na ang palad ko sa kaba. Paano kung hindi bumalik si sungit? Magpeperform akong mag isa??
Habang nag aantay akong tawagin ang pangalan ko ay pinilit kong libangin ang aking sarili. Ibinaling ko ang atensyon ko sa mga taong nagkakabit ng malaking LED wall sa stage. Napansin ko na mejo natataranta sila. Mukha atang may problema. May tatlong tao ako na nakitang nagtakbuhan paakyat ng stage pero hindi ito napansin ng mga judges.
Hanggang sa marinig kong tinawag na ang pangalan namin ni sungit.
"Marydale and Edward"
Nag aalangan pa akong nagtaas ng kamay.
"Wheres your partner, hija?" tanong sa akin ng isang judge.
"Uhm.. lumabas po sandali" sagot ko.
"What? He should be here. Sige umakyat ka na. You can audition for a different role naman. Lets see what you can do muna" sabat ng isa.
Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan ko habang naglalakad paakyat ng stage.
Alam kong mapapahiya ako. Hindi ako handa. Wala akong partner. Kinakabahan pa ako.
"Jusko. Edward. Balik ka na please" sabi ko sa sarili ko.
Para akong nanliliit habang nakatayo mag isa sa gitna ng stage.
"You can start anytime" narinig kong sabi ng isang judge.
Ilang beses akong huminga ng malalim at sunud sunod na napalunok. Pinilit kong paglabanan ang kaba ko.
"Ready?" tanong ng isang judge sa akin.
Marahan akong tumango habang nakatingin sa kanila sa ibaba ng stage.
Magsasalita na sana ako pero bigla nalang nagsigawan ang mga tao. Nakita ko ang mga taong nakaupo sa ibaba ng stage na nagtayuan. Ang iba ay mabilis na nagtakbuhan. Lahat sila ay nakatingin sa likuran ko. Mabilis ang pangyayari. Paglingon ko ay nakita ko nalang ang buong LED wall na babagsak papunta sa akin.
Natumba ako sa sobrang takot. Wala na akong kawala. Tinakpan ko nalang ng dalawa kong kamay ang aking mukha. Nakarinig ako ng malakas na pagbagsak at kasabay nun ay malakas na sigawan ng mga tao.
Bigla nalang may kakaiba akong naramdaman. May nakadagan sa akin pero hindi ako nakaramdam ng kahit anong sakit. Nanginginig ang buo kong katawan. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Pero... imbes na LED wall ang nakita ko, bumungad sa akin ang isang pares ng golden brown eyes.
Nasa magkabilang gilid ko ang kanyang braso. Nakatukod ang mga kamay nya sa sahig. Bahagyang naka angat ang buo nyang katawan na nakaharang sa akin.
Hindi ako makapaniwala. Paano nangyari na biglang narito si Edward. Humarang sya para hindi ako mabagsakan ng malaking LED wall.
Hindi sya nagsasalita. Nakatitig lang sya ng diretso sa aking mga mata.
***
"Maymay??!" narinig ko agad ang boses ni mama.
Nakita ko syang tumatakbo papalapit sa akin.
"Ma---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Niyakap kasi ako agad ni mama habang umiiyak.
"Ma... okay lang po ako. Tahan na po" sabi ko.
"Anak... may masakit ba sayo?"natatarantang tanong nya sa akin.
"Wala po. Okay lang po ako"
Magsasalita pa sana ako para pakalmahin si mama nang biglang dumating si Edward. Kasunod nya si Marco, Tanner at isa pang lalaki. Marahil sya ang daddy nila.
"Are you okay?" nag aalala nyang tanong sa akin.
Tumango lang ako.
Napansin kong natigilan bigla si mama pagkakita nya kay Edward. Hindi ko alam kung bakit parang nagulat sya.
"Lets go Edward" narinig kong sabi ng lalaki sa likuran niya.
Hindi sumagot si Edward. Nakatingin lang sya sa akin.
"Edward... dad said lets go" sabi ni Marco.
Nakita kong bumuntunghininga lang si Edward at pagkatapos nun ay tumalikod na sya at naglakad palabas ng pinto.
"Ma? Okay lang po kayo?" tanong ko.
"Sino ang lalaking yun?" tanong nya sa akin.
"Sya po yung tumulong sa akin. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nabagsakan na ako ng LED wall" sagot ko.
Natahimik si mama sa sinabi ko. Pero hindi na uli sya nagtanong. Hinarap niya ang doctor na tumingin sa akin. Narinig kong masinsinan silang nag uusap tungkol sa nangyari. Pero wala sa kanila ang atensyon ko.
Si Edward kasi ang laman ng isip ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ang labis kong pag aalala sa kanya. At nung makita ko sya ay parang nabunutan ako ng tinik. Ang dami ko sanang tanong sa kanya pero umalis sya agad. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari.
Paano napunta si Edward sa stage? Bakit parang wala syang sugat? Bakit parang hindi sya nasaktan?
Hindi ito ang unang pagkakataon. Yung unang beses na iniligtas nya ako sa roof top ay pinalagpas ko dahil hindi ako sigurado nun. Pero ibang usapan na ngayon.
Dahil nasisiguro ko na may kakaiba sa kanya. Hindi ordinaryong tao si Edward.
>> End of Chapter 2 <<