Download App
69.23% Heal My Wounds Once Again / Chapter 18: Salamat, Tito at Tita

Chapter 18: Salamat, Tito at Tita

Ezekiel's POV

Habang nakahiga kaming dalawa ni tita sa kama at naglalaro ng x-box ay bigla niya akong tinanong kung ano pa ang ibang ginawa sakin ni mama't papa.

"Isang beses po, umuwi po si papa ng lasing, tsaka galit siya nung araw na 'yun kase natalo natanggal siya sa trabaho. Sa'kin niya po binuhos yung galit niya."

*******

"Sel!" sigaw ni papa nung nasa loob na siya ng bahay.

"Papa, wala po si mama" mahinahong pagkasabi ko pero bigla akong sinampal ni papa kaya napaluha ako.

"Anong wala?! Hinde pwedeng wala ang mama mo dito sa bahay! Ikuha mo ako ng tubig!" pasigaw na sinabi sakin ni papa at inutusan niya rin ako.

"Heto na po, pa" mahinahong pagkasabi at pag-abot ko ng tubig sa kanya.

"...Haaa, OH!" binibigay ni papa sa'kin yung baso pero 'di ko napansin kaya binato niya sakin yung baso, mabuti nalang at plastic lang yung basong binigay ko sa kanya kaya 'di ako nadisgrasya.

"Aray, pa—" sigaw ko. Lumingon ako kay papa at nadatnan kong nakatulog na siya sa upuan. Kumuha ako ng kumot at kinumutan ko si papa kahit na sinaktan niya ako nung gabing 'yun.

"Eh, nasa'n ba yung mama mo nung araw na 'yun?" tanong pa ni tita sakin

"Si mama.. Nakikipag-inuman siya nung araw na 'yun. Umaga na po siya umuwi nung araw na 'yun ehh." sagot ko sa kanya at may naalala nanaman ako nung araw na 'yun kay mama.

*******

Nang makatulog na si papa nung gabing 'yun, tinawag ko si mama kahit may hulihan na. Habang papunta ako sa kabilang kanto ay nakita ko si mama na may kasamang ibang lalaki, sa totoo lang iniisip ko nung araw na 'yun na naglalaro lang sila pero..

May ginagawa silang kakaiba, hindi ko maipaliwanag, siguro bata pa ako.

Habang nandon ako sa lugar na 'yun, natahimik lang ako, 'di ko tinawag si mama, tinitigan ko lang siya. Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago ako umalis. Bumalik nalang ako sa kwarto ko at natulog.

"Ezekiel, ba't natahimik ka?" tanong ni tita sakin at nagulat ako sa kanya.

"Ah, wala po, nagko-concentrate po kase ako sa nilalaro natin" sagot ko pa sa kanya at tinitigan niya ako, nakita ko lang na tinitingan niya pala ako nung nilingon ko yung mata ko sa kanya.

"Simula talaga nung umalis kami, dun ka na lagi pinapalo?" dagdag tanong pa niya.

"Opo, tita, 'wag mo pong sasabihin kay mama at papa ahh, bubugbugin po nila ako, sigurado." pakiusap ko pa sa kanila at tumango nalang si tita.

Makalipas ang ilang minutong paglalaro ay dumating na sina tito at mama, kasama nila si papa na may dalang maramin pagkain. Lagi naman silang ganito, galante sila sa bisita, pero sakin, kabaliktaran. Pero ok lang sa ganitong sitwasyon kase kundi dahil sa kanila, napalo' nanaman ako, haha 'di ko masabi sa kanila 'to. Pero, salamat tito at tita, kundi dahil sa inyo ay napalo nanaman ako ngayon.

"Kain na" pamungkahi pa ni papa at kumain na kaming lahat. Kapag may bisita syempre 'di maiiwasan ang kwentuhan kaya nagkwentuhan sila, at nagkayayaan rin mag-inuman kasama ang kapitbahay.

Habang ako naman nasa kwarto lang at naglalaro ng video games, pampaantok lang.

Pumasok si tita sa kwarto ko, bilga siyang may sinabi sakin na iminatuwa ko. "Dun ka na raw titira kay lola mo" magandang balita na sinabi na sakin, sa wakas makakaalis na ako dito. Limang taon pa lang ako pero nakakatanggap na ako ng masasakit na salita, at sa sarili ko pang magulang nagmumula ang mga salitang 'yun, wala silang pakialam sakin kaya gustong gusto ko nang umalis dito at dun nalang tumira sa bahay ni lola.

"Haha, salamat po tita, kailan po ba?" pasasalamat at tanong ko sa kanya at sinagot niya ako agad.

"Sa susunod na linggo, hintayin mo nalang kami dito, pupunta kami dito kasama si lola mo" sagot niya at mas natuwa ako dahil malapit lapit na rin.

Sana hindi maudlot, kase natupad na rin yung hinihiling ko. Sa gabi-gabing matutulog ako, lagi kong pinagdarasal na sana makaalis na ako sa bahay na ito at dumating na nga yung panahon na 'yun ngayon.

"Tita, sinabi mo po ba kay lola yung nangyayari sakin dito sa bahay?" tanong ko sa kanya.

"Oo ehh, pero sinabi na 'wag sabihin sa mama't papa mo. 'Yun." sagot pa niya sakin.

"Ahhh, haha" ilang araw nalang at aalis na ko dito, excited na talaga ako.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C18
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login