Download App

Chapter 4: Chapter 2

Nagising si Nica na nananakit ang buong katawan. Napakagat labi sya. Pakiramdam nya ay tumakbo sya mula edsa hanggang bulacan. Nananakit ang kaibuturan nya at nahihirapan syang kumilos. She is sore all over. Pakiramdam nya ay parang binugbog ang katawan nya at pamiramdam nya at napunit ang kaibuturan nya sa kirot na nadarama.

Mabilis nyang tiningnan ang wall clock sa kwarto ng lalake. Alas singko pa lang pala. She wrapped her naked body with the blanket at sumilip sa bintana ng kwarto ng lalake. Wala ng mga bisita.

Nilingon nya ang lalakeng nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog. She smiled. She can still remember what they did last night. Hinaplos nya ang labi at ang leeg nya. She could still feel the sensation of his kisses on her lips and skin. Bigla syang namula nang ma-realize na naka-tatlong rounds sila kagabi. Napukpok nya ang ulo.

"Ano ba kasing pumasok sa isip ko!?" Bulong nya sa sarili. She let a man do things with her body multiple times! Ano na lang sasabihin ng mama nya? Na isa syang pariwarang babae?

But on the other hand, she felt happiness. Unang beses nyang naramdaman na isa syang ganap na babae, na masaya palang maging isang babae. He made her feel that.

Inilapit nya ng mukha sa lalake at hinalikan ang labi nito. Nakaramdam sya ng kilig.

"Thanks for making me happy last night." She smiled. Nawala ang ngiting iyon nang may na-realize sya. Kailangan na nyang kalimutan ang estrangherong lalake dahil alam naman nya sa sarili na one-night stand lang iyon para dito. The way he made sex with her made her realize na sanay na ito sa pakikipagtalik. Sanay na ito sa mga one night stands. Bigla syang nakaramdam ng lungkot. Hinalikan nya ito sa noo at nagmamadaling nyang isinuot ang longsleeves nito. Nagdesisyon syang pumasok sa walk-in closet nito at nanghiram ng disenteng shorts. Hirap mang maglakad dahil sa sakit ng katawan ay nagawa nya paring pumasok sa walk-in closet nito. Mabilis nyang hinanap ang mga pambahay nitong damit at pinili nya ang basketball shorts nito.

"Ang yaman talaga ng lalakeng to." She said unconsciously . Nanlaki ng mga mata nya nang makita ang mga awards at diploma na naka-display sa malaking walk-in closet nito. Naka-print din sa mga certificates ang pangalan nito.

Leonardo Villaruiz

Naestatwa sya sa kinatatayuan. Pakiramdam nya ay binuhusan sya ng malamig na tubig dahil sa nalaman.

She had sex with the one and only Leonardo Villaruiz!!! Kung minamalas ba naman sya! Nakipag- one night stand sya sa boss ng boss nya!

"Ano ba tong pinasok ko?!" Inis na tanong nya sa sarili. Bakit hindi man lang pumasok sa isip nya na nasa mansyon nga pala sya ng mga Villaruiz! Bakit hindi nya naisip na baka nga boss ng boss nya ang nakita nyang naka-tuxedo kagabi?

Nagmamadali syang nagsuot ng shorts at pinulot ang mga saplot nya sa sahig at lumabas na ng kwarto nito. Nakahanap naman sya ng exit route na madaling ma-access. Nang makarating na sya sa guardhouse ay bigla syang kinabahan. Paano sya makakauwi? Tiyak na haharangan sya ng mga gwardya dahil maliban na lang sa buhok nyang sabog dahil sa mga pinaggagagawa nila ng lalakeng yun kagabi ay hindi pa presentable ang mukha nya! Eksaktong may isang taxi na walang pasahero ang papalapit sa direksyon nya. Mabilis nyang pinara ito at sumakay dito hanggang sa makarating sya ng bahay nila. Nakahinga sya ng maluwag nang makitang mahimbing na natutulog ang nanay nya sa kwarto nito. Tinungo na nya ang kanyang kwarto at mabilis na nag-shower.

****

"Sorry po sir, wala po talaga kaming nakitang babae na lumabas kaninang madaling araw."

Leonardo heaved a sigh as he looked at the guards. Naiirita sya dahil tinakbuhan sya ng babaeng yun.

Nagising sya ng alas siete ng umaga ngunit nabigla sya nang maramdaman na wala na syang katabi. Napabalikwas kaagad sya ng bangon at hinanap ang misteryosong dalaga.

He liked her last night. He wanted to get to know her better pero ni pangalan nito ay hindi nya nakuha.

"Its okay, Mang Ben. But next time maging mahigpit na kayo sa mga papasok at lalabas ng Mansyon."

"Opo bossing. Pasensya na po talaga. "

Mabilis syang sumakay sa kotse nya at pumunta sa Lawfirm na pag-aari nya. Pilit nyang iwinaksi sa isip ang mukha ng babae kagabi. He always do one night stands, pero hindi nya maintindihan kung bakit parang nagi-guilty sya sa ginawa nya sa babae kagabi.

"Maybe because she's a virgin? " Napailing sya.

"Or maybe you wanted her again... " Bulong ng isip nya. Napailing sya. She's just a plain Jane. Nothing is special about her except when it comes to bed. She can wake up the beast----no, scratch that-----the demon inside him in just one stare. She could please him and she knows where his pleasure spots are. Napailing sya. Why is he affected? He could hook up another woman whenever and wherever he please.

And then it hit him.

"Oh! Mr Attorney! Bakit ka nandito? Makiki-CR lang ako." Naalala nyang tanong ng babae sa kanya kagabi.

"Right! I saw her in the elevator! Sya yung babaeng tabingi ang pagkaka-butones sa polo shirt nya!" He smiled and dialled his Secretary 's number. There's a big possibility that the woman he shared his bed with last night is working inside his lawfirm.

"Hello, Harvey. Hiramin mo sa HR Department lahat ng bio-data ng mga babaeng employees natin. Put it on top of my office desk. Ill be there in 20 minutes. "

"Yes boss."

****

"Bakit hindi ka na naman papasok Nica? Kaka- Dayoff mo pa lang nung nakaraan ah! " Tanong ng pinsan nyang si sa kabilang linya ng telepono.

"Sorry insan. Masama kasi pakiramdam ko eh. Nananakit buong katawan ko. May hangover pa ako dahil sa wine na ininom ko kagabi. Sige na. BAbay. babawi ako sayo pramis. "

"Ganun ba? Sige magpahinga ka muna."

"Huwag kang mag-alala. Ipapadala ko si Rina para i-assist ka sa mga schedules mo. Tut al ay may gusto ka din naman sa kaibigan ko ay pagbibigyan na kita. Konsensya ko pa kung matatalo ang case na hawak mo dahil sakin. "

"N-no thanks. I can handle my sched. Huwag mo na sya istorbohin. Napagod yun kagabi dahil sakin-----" bigla itong natigilan sa pagsasalita.

"Hala! May nangyari sa inyo kagabi no? Kayo ha! Nagkikita pala kayo ng palihim!" Panunukso nya sa pinsan.

" I-i- i mean, kasi... ano.... Tsss... Fine! We're dating already! Ano? Tutuksuhin mo na naman ako? Go ahead! "

Napangiti sya. Natutuwa sya para sa pinsan at sa matalik na kaibigan. "Im happy for the both of you."

" Hehe. Thanks. Im ridiculously in love with her. "

"Alam ko."

"Wait -what??! Paano mo nalaman? "

"You taught me a lot about body language right? Tssss.."

"Lagi talaga akong talo pagdating sa pakikipag-debate sayo. " Pag-amin nito. She smiled. Kahit parang aso't pusa sila ng pinsan kung mag-banghayan ay maha l na mahal nya ang pinsan. Para na nya itong totoong kuya.

"Sige na! Magpahinga ka na. See you tomorrow insan."

" Sige. kitakits. "In-end na nya ang tawag. Mahigpit nyang niyakap ang unan nya at pinikit ang mga mata. Ano kaya ang mangyayari kapag nagkita ulit sila ni Leonardo Villaruiz? Matutuwa kaya ito? O maiinis dahil baka mapagkamalan syang stalker nito. Paano ba naman kasi eh sa pagkalawak-lawak ng mundo eh sa iisang building pa sila nagtatrabaho! Boss pa ito ng boss nya!

"Waaaahhh! Magre-resign na lang ako!" Sigaw nya. Ang gulo talaga ng sitwasyong pinasok nya. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nya kapag nagkita ulit silang dalawa ng lalakeng yun?

"Hindi naman siguro kami magkikita! Nasa 25th floor sya at nasa 10th floor naman ang opisina ni insan. Tama! Dapat hindi ako magpa-apekto! Dapat umarte akong wala lang sakin yung mga nangyari kagabi! At kapag magkikita man kami ulit, dapat umakto akong pormal! Proffesional ako! Professional ako! Dapat hiwalay ang trabaho sa personal life! " Wika nya sa sarili.

Kinabukasan ay masigla syang pumasok sa opisina. Kahit medyo nanakit pa ang katawan ay pinilit nya ang sarili na magtrabaho. Simpleng Black long sleeves at slacks ang suot nya na naging madalas na nyang suot sa opisina. Napagkakamalan na nga iyong uniform dahil iyon lagi ang porma nya.

Pumasok na sya ng opisina ng pinsan nya at naupo sa desk na nasa bandang kanan kung nasaan ang desk ng pinsan. Naging normal naman ang takbo ng umaga nya. Parang dati lang rin---nakaka stress pa rin ang trabaho nya pero worth it naman dahil natutulungan nilang mag-pinsan ang mga taong na ngangailangan ng human rights protection.

"Blooming ka ata, Maam Nica!" Bati sa kanya ng mailman nilang si Dennis. Nginitian nya ito. Bagito pa kasi ito at working student. Mailman sa umaga, college student sa gabi. Kaya hanga sya dito. Isa ito sa mga ka-close nya sa building. Ito din ang nagchi-chismis sa kanya ng mga kaganapan sa buong lawfirm. Sinusumbon g din nito sa kanya yung mga ka-opisina nyang insecure sa kanya at mahihilig magkalat ng mga fa ke news tungkol sa kanya. Bilang kapalit, pinapahiram nya ito ng mga libro tungkol sa human rights na galing pa sa pinsan nya. Future Attorney kasi ito. Kaya ang simpleng bagay na iyon ang napagka-kasunduan nilang dalawa.

"Thank you Dennis! Ikaw rin. Nadadagdagan ang eyebags mo. Huwag mo masyadong i-pressure ang sarili mo sa studies mo. Bisita ka ulit sa bahay. Hinahanap ka ni Nanay. " Alok nya dito. Bukod kasi sa mag bestfr iends sila ay ka-tropa nito ang nanay nya. Kaya hindi na nya ito tinuturing na ibang tao.

"Sige po Maam Nica." Nginitian din sya nito at inabot ang mga liham na para sa kanyang pinsan at umalis na tulak-tulak ang mail cart nito.

Nagpatuloy sya sa pagta-trabaho. Lumipas ang ilang oras at nakaramdam na sya ng gutom. Nagdesisyon syang hanapin si Dennis para sabay na silang kumain sa cafeteria ngunit hindi nya ito matawagan.

Mag-isa nyang tinungo ang elevator at pinindot ang down button. Napabuga sya ng hangin sa sobrang inip. Napakabagal kasing gumalaw ng elevator papunta sa floor nya. Yumuko sya at ginalaw-galaw ang mga paa sa sahig para may mapag-libangan sya habang naghihintay.

Nang bumukas ang elevator ay nag-angat sya ng tingin. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ang lalakeng pinaka-ayaw nyang makita. He stared at her with his grey, emotionless eyes. Bumilis ang tibok ng puso nya at na-estatwa sya sa kinatatayuan.

Nang mahimasmasan ay mabilis syang tumakbo paalis at bumalik sa opisina ng pinsan nya. Nagtago sya sa loob ng CR at ni-lock ang pinto. Napahawak sya sa dibdib sa sobrang kaba at nerbyos. Maaga syang aatakihin sa puso kung palaging ganun ang tagpo nya sa opisina. Kailangan nyang harapin ang lalaking yun at sabihin na dahil sa wine kaya nya isinuko ang sarili rito kagabi. At gusto din nyang huwag nitong i-big deal kung birhen pa sya nang makuha sya nito. Wala naman kasi syang pinagsisisihan kung isinuko nya ang sarili dito. Thankful pa nga sya dito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naiparamdam nito sa kanya ang mga sensasyong hinding-hindi nya malilimutan.

Pero kinakabahan pa rin sya. Paano kung magalit ito kasi nag-tresspass sya sa kwarto nito? O di kaya'y baka kasuhan sya nito dahil sa pagnanakaw nya ng basketball shorts at white longsleeves nito.

Imposible! Ang yaman kaya ng lalakeng yu n para magdemanda sa isang ninakaw ng damit! Bulong ng isip nya.

Dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan ng CR at sinilip kung may tao sa loob ng opisina ng pinsan nya. Nakahinga sya ng maluwag nang makitang walang tao roon. Nakahinga sya ng maluwag.

Lumipas ang dalawang linggo at magmula ng makita nya ito sa elevator ay hindi na nya ito nakita muli. Naging mapayapa ang mga lumipas na araw. Tuluyan ng nawala ang lahat ng takot at kaba nya sa tuwing maiisip na baka magkasalubong o makita nya ulit si Leonardo Villaruiz.

Napalingon si Nica sa pintuan ng opisina ng pinsan nya nang makarinig ng katok mula sa pinto. Nang bumukas ito ay bumungad sa kanya ang mukha ni Harvey, sekretarya ni Leonardo Villaruiz for almost 8 years at ang kauna-unahang empleyado na pinagkakatiwalaan daw sa lahat ng bagay o transaksyon ni Mr. Leonardo Villaruiz. Naging kaibigan nya ito simula ng maging sekretarya sya ng pinsan. Gwapo din ito at nakapagpakasal na nung nakaraang taon. Mukha itong nerdy kaya hindi mo aakalaing nasa mid-30's ito.

"Hi po Mr. Harvey. May kailangan po ba kayo?" Pormal na tanong ni Nica kay Harvey.

" oh please! Drop the formalities, Nica. Nandito ako para sa librong hiniram mo. Hindi mo pa nasasauli sakin. "

"Ay oo nga! Hehehe sorry ha? Busy kasi ako niton g mga nakaraang araw. Thank you nga pala sa pagpapahiram mo ng mga Romance Pocketbooks ha? Grabe! Andami mong mga pocketbooks! Ni hindi halatang fanatic ka ng Romance stories kasi ang sungit mong tingnan dati. Hehehe! " Inaot nya dito ang librong hiniram nya.

"Whatever. Anyways, may meeting ang lahat ng mga Attorney for human rights bukas. Kasama din tayong mga secretary nila sa loob ng conference room kasi marami-rami ang ipapa-schedule ni boss na mga kasong iha-handle nila. Goodluck sa ating mga dakilang secretary! " Wika nito at lumabas na ng opisina.

Literal syang napanganga. Pinaglalaruan ba sya ng tadhana?! Bakit kailangan pang isama ang lahat ng secretary sa conference room!? Bakit sa lahat ng pwedeng mangyaring kamalasan sa kanya ay iyon pa ang nai-tadhana ng lintik na kapalaran nya?

Naibagsak nya ang ulo sa desk nya. Goodluck talaga para bukas! Sana ay hindi sya pansinin o makilala ng boss ng boss nya.

Kinabukasan ay dumating na ang oras ng conference meeting para sa lahat ng mga abugado para sa human rights. Nagsuot sya ng naka-gawiang itim na longsleeves at slacks. Ang karaniwang naka-bun na buhok ay inilugay nya para maipantakip sa mukha nya kung sakaling tumingin sa kanya si Mr. Villaruiz. Nagmukha na syang bruha dahil halos natakpan na ng buhok nya ang buong mukha nya. Nagmukha tuliy syang modern-day black lady.

Nasa conference room na ang lahat ng attorney at secretary at nagdesisisyong sya na umupo sa pinaka-dulo ng conference table. Pinilit nya ang pinsan na tumabi sa kanya sa pinaka-dulo at napa-payag naman nya ito. Tinakpan nya ng buhok ang magkabilang gilid ng mukha nya upang hindi sya makilala nito.

"Good Morning Sir!" Bati ng lahat sa lalakeng pumasok sa conference room . Napasinghap sya nang makita itong naglakad papalapit sa unahang upuan. Inilibot nito ang paningin sa paligid na animo'y may hinahanap. Nakahinga sya ng maluwag nang hindi sya nito nakita. Tumikhim ito ng makahulugan at kapagkuwa'y umupo na sa swivel chair nito. Nag-umpisa na ang discussion at napag desisyunan ng lahat na ang pinsan nya ang magha-handle ng case ng anak ng isang bilyonaryong negosyante. Nagpatuloy lang ang smooth na pag-uusap ng mga attorney hanggang sa matapos ang meeting. Nakahinga sya ng maluwag. Nag-umpisa ng lumabas ang lahat palabas ngconference room. Nagmamadali nyang kinuha ang laptop nya at pa-yukong lumabas ng conference room. Nabigla sya dahil may biglang humatak sa kamay nya papasok sa loob ng room. Mabilis nya itong nilingon at napasinghap sya nang makitang si Mr. Villaruiz ang humatak ng kamay nya.

"Where do you think you're going?" Tanong nito sa kanya. Hinila nya ang kamay mula rito ngunit mas malakas ito kesa sa kanya kaya wala ring nangyari. Nagmukha pa syang mahina dahil sa lakas nito.

"B-b-bitawan mo ako!" Galit nyang utos dito. He smirked. Mabilis nitong isinara ang pinto ng conference room at isinandal sya sa pintuan. Napayakap sya sa laptop nya.

"Ano ba'ng kailangan mo sa'kin? Damit mo? Dont worry kasi ibabalik ko 'yun bukas! O baka naman naku-kulangan ka pa sa ginawa natin more than two weeks ago?! Siguro naman makakahanap ka rin ng panibagong babaeng isisiping mo kaya pwede ba Mr. Villaruiz? Huwag mo na ako guluhin. What happened between us was just an accident... Or should I say, epekto ng wine na ininom ko sa party ng mama mo. Kaya please, palabasin mo na ako kasi tambak pa ang trabahong gagawin ko. " Pagsisinungaling nya at nag-iwas ng tingin.

"Do you think im too shallow to believe your lies? What happened between us is not an accident... Or an effect of some shitty wine. We enjoyed that and you know it. We both enjoyed the rhythm of our naked bodies together, didnt we Ms.Veronica Manalo? " Nanunukso nitong sabi. He moved closer to her ear, which sent a million voltage through her system. Nanlaki ang mga mata nya nang hapitin sya nito papalapit sa katawan nito. Napalunok sya. Tanging ang laptop na lang na yakap-yakap nya ang distansya sa pagitan ng mga katawan nila.

"You said you wanted me, right?" He whispered, and then he smirked. Namula ang magkabilang pisngi nya. Itinulak nya ito ng malakas. Mabilis nyang inilapag ang laptop sa swivel chair na malapit sa kanya at hinarap ito ng maayos.

"A-ano ba ang kailangan mo sa'kin? Sex lang naman yun ah! Maghanap ka na lang ng babaeng ika-kama mo kung kulang pa yun sayo. Pwede bang tantanan mo na ako?" Iritado nyang tanong at itinulak ito. Ngunit nagmukha lang syang mahina dahil ni hindi man lang ito natinag.

"Ever since i took you to that paradise, There's no turning back. Starting from today ay hinding-hindi na kita titigilan until you will say that you want me again. Akin ka lang. Sisiguraduhin kong hahanap-hanapin mo ang mga halik ko." He caressed her face with tha back of his hands at inipit sa likod ng tenga nya ang mga buhok na nakatakip sa mukha nya. "You made me crazy these past few weeks. Naging stalker mo ako. I even hired someone to investigate your whereabouts. Curse you and your damn, sexy body, Veronica Manalo."

Napasinghap sya at sinalubong ang mga titig nito. Lust and desire were evident in his eyes.

"And besides, everybody around me knows me well, Nica. Once i crave for something, im going to get it whatever it takes. I'll do everything just to make sure that you will never go to any other man's bed except mine."

Nanlaki ang mga mata nya sa mga sinabi nito. "Baliw ka!" She shouted in anger. "Kakakilala mo pa lang sakin tapos kung maka-angkin ka ay akala mong binayaran mo ang buong pagkatao ko!"

He smiled playfully at pinasadahan ng tingin ang labi nya. "Yeah, im crazy. That's why im going to make you crazy too." Nagulat sya nang bigla sya nitong siilin ng halik. His hands gently wandered around her waist, up to her breasts.

Pinilit nya itong itulak. Ngunit di hamak na mas malakas ito kesa sa kanya. Kagaya ng dati ay wala syang nagawa. His lips goes down to her neck as he began to unbutton her longsleeve top. Napakagat-labi sya. Bakit kaya nitong pa-amuhin ang galit na nararamdaman nya. Earlier, she's angry... but now, she couldn't feel anything except lust and desire.

"Stop!" She protested. But her protest sounded like she's begging for more. Napasinghap sya at hindi na sya nag-protesta nang buhatin sya nito at inihiga sa mahabang table ng conference room. He continued his job. Tuluyan na syang nadarang sa apoy na nagliliyab sa buong sistema nya at hinayaan itong gawin ang gusto nito. Taksil ang katawan nya sa sinisigaw ng isip!

He was about to remove her bra nang pigilan nya ito. Pinilit nyang umupo ng maayos nang makitang may CCTV camera sa loob ng conference room.

"M-may CCTV." She said in a low tone. Mabilis nyang ibinutones muli ang kanyang damit at inayos ang pagkaka-lugay ng buhok. He stared at the CCTV, and then he smiled back at her.

"Don't worry, dummy CCTV yan. Nasira yan more than a month ago. We could still continue." He kissed her once again. Nahirapan man ay nagawa nyang iharang ang mga braso sa pagitan nila at tinulak ito para putulin ang halik. Hinarap nya ito ng maayos.

"Kailangan ko ng umalis." Nahihiya nyang paalam dito. Inayos nya ang sarili at naglakad patungong pintuan. Nabigla sya nang bigla ulit syang hinablot pabalik sa table. He stared at her.

"We could be lovers in bed and you know it, Veronica. Gusto kong pag-isipan mong mabuti ang alok ko." Inilapit muli nito ang mukha sa tenga nya. "I want you in my bed. I know i sound so stupid but i dont care because i know you want me too. Gusto kong akin ka lang." He whispered.

Kinagat nya ang pang-ibabang labi. Tama ito. Kahit anong pigil nya sa sarili ay hinahanap-hanap ito ng katawan nya. His scent, his moan, his lips, his thrusts. Lahat yun hinahanap ng katawan nya. Napabuntong hininga sya.

"Mr. Villaruiz, aaminin kong tama ka. Eversince you had sex with me------"

"Wait.." Pinigilan nito ang pagsasalita nya. "Ang pagkaka-alala kong sinabi ko sayo ay 'Im going to make love to you' "

Napakunot-noo sya. "What difference does it make?"

"You could just have sex with anyone... no strings attached. And besides, if what we did was purely just 'sex', sana'y hindi kita pinaligaya. I could satisfy myself without considering anything from yours, knowing that you're chastise the night I took you. We made love, and you know it. We did. Because you surrendered everything to me that night!"

Pinamulahan sya ng mukha sa mga sinabi nito. Sa hindi malamang dahilan ay itinulak nya ang lalake palayo sa kanya. Ngumisi lang ito sa ginawa nya.

"Sana pag-isipan mo ang alok ko, Nica. If youre worrying about your future with me, then i can marry you anytime. I can take care of you and your mother. All you have to do is to be in my bed every night."

Nanlaki ang mga mata nya. "Bakit mo ako papakasalan eh hindi mo naman ako mahal? Papayag ka bang makulong habangbuhay sa taong hindi mo naman mahal? At isa pa, hindi ako bobo para magpakasal na lang ng ganun-ganun! Hindi rin ako tanga para pumayag sa gusto mo!" She answered in an angry tone. Nabigla sya sa mga inalok nito sa kanya.

"Kung makukulong ako sa mga yakap at halik mo, I won't mind." He smiled.

Bumilis ang tibok ng puso nya. Nakadama sya ng kilig sa mga sinabi nito sa kanya ngunit hindi sya nagpahalata at mas lalo syang kumunot-noo para ipakita dito ang disgusto.

"I have other matters to attend to. Ihahatid na kita sa opisina ng pinsan mo."

Hindi na sya nagtaka kung bakit alam nito ang mga taong nakapaligid sa kanya. Ipina-imbestigahan ba naman sya eh.

"Huwag na. Maglalakad lang naman ako papuntang elevator eh. Mauna ka ng lumabas. Baka mamaya kung ano na naman ang iisipin ng mga empleyado mo. Baka isipin nilang magkasintahan tayo."

He planted a kiss on her lips. Nagulat man ay hindi nya ito pinahalata. "Pumunta ka sa opisina ko kung sakaling pumayag ka sa alok ko. Mauna na ako." He smiled at nauna ng lumabas ng conference room. Napa-tulala sya. Mas lalo pa nyang pinalala ang sitwasyon. Umaasa na ito ngayon na pakakasalan nya ito para lang sa sex!

Natampal nya ang noo. "Gaga ka talaga kahit kailan, Nica! Ang landi ng katawan mo! Hinalikan ka lang sa labi, handa ng bumukaka! Ibang klase!" Hindi makapaniwalang usal nya sa sarili at maya-maya'y lumabas na ng conference room.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login