Download App
78.57% MY BODYGUARD [TAGALOG - COMPLETED] / Chapter 33: CHAPTER 32

Chapter 33: CHAPTER 32

SUMMER POV

ALAM kong aalis ngayon si Parker kaya alas kwatro palang ng madaling araw ay bumangon na ako ng maramdamang mag isa na ako sa sarili kong kama.

Hindi ko kase namalayan na umalis na pala siya sa tabi ko dahil nakatulog na ako kagabi.

Mabilis ang kilos kong nagtungo sa kwarto niya hoping na sana maabotan ko pa siya.

Nang akmang kakatok na ako ay siya ring pagbukas nito sa pinto nagulat pa ito ng makita akong nakatayo sa harap ng pintuan at nakabalot pa ng malaking kumot subrang ginaw kase.

Napatingin ako sa buhok niyang magulo at nakatopless lang bigla tuloy uminit ang paligid ng makita ko ang gabato niyang abs. Grabe talaga ang karisma nito sakin.

"Morning langga!!."masayang bati ko at nilaparan ko pa ng husto ang ngiti ko sa kanya.

"Bakit ang aga mo? At anong tawag mo sakin? langga? Ang dami mo naman yatang endearment sakin Day ."puna nito saka sumandal sa gilid ng pinto at pinatsadahan pa ako nito ng tingin saka humalukipkip.

"Ayaw mo non Langga? Ang sweet kaya , tsaka hindi kaba nilalamig? Ang ginaw ginaw kaya."lumapit ako sa kanya saka yumakap.

Nanunuot sa ilong ko ang panlalaki niyang pabango. Naramdaman ko nalang ang paghagod niya sa likod ko.

"Bakit ang aga mong gumising?"muling tanong nito.

"Naalala ko kase na aalis ka ng maaga ayaw kong aalis ka na hindi ka magpapaalam sa akin Doy"kunyari lungkot kong sabi.

"Magpapaalam naman ako kahit tulog ka pa, tatawag nga ako diba?"

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at isiniksik pa ng husto ang aking mukha sa dibdib niya.

Parang ayaw ko nang kumalas sa pagkayakap ramdam ko din ang lungkot dahil aalis siya at hindi ko siya makakasama.

"Mamimis kita Doy, hindi ka pa nga nakaalis ay namiss na kita agad."nanatili parin kami sa ganong pwesto.

"Mamiss din kita ng subra Day, ingatan mo ang sarili mo habang wala ako at wag kang magdadamit ng nakalantad ang balat mo nakikita kita palage dahil may cctv akong inilagay sa bawat sulok ng cabin at wag na wag kang kakausap ng kahit na sinong lalaki lalo na at hindi mo kakilala naintindhan mo ba ako?"tanong nito saka kumalas ako ng pagkayakap sa kanya saka tumingin sa mga mata niya at ngumiti.

"Bakit parang hindi halatang seloso ka Doy?"nakatawa kong tanong sa kanya.

Napatigil ako ng bumaba ang mukha niya at medyo yumuko ng konte para magpantay ang mukha namin ngumisi ito ng nakakaloko dahilan na napaatras ako.

Ano kayang binabalak ng isang to.

"Easy , wala naman akong gagawin sayo saka na pagkasal na tayo Day ,"mahina pa itong tumawa lumapit sa akin at hinuli ang beywang ko.

Napatili ako ng bigla-bigla nalang ako nitong binuhat at ipinasok muli sa sarili kong kwarto.

Kinunotan ko siya ng aking noo na siyang ikinangisi naman niya. Maingat niya akong inihiga sa kama ko at pumaibabaw sa akin.

"Masyado pang malamig sa labas kaya matulog kana lang ulit."aniya.

Itinataas ko ang dalawang braso ko at iniyakap iyon sa leeg niya.

"Wag ka nalang kaya umalis Doy? Dito ka nalang o di kaya isama mo nalang kaya ako."paglalambing ko.

"Fvck! Day Stop doing that baka makalimutan ko na ang pagpipigil at mabuntis kita, sege na don't be stubborn importante tong lalakarin ko para naman to sa atin."kumalas na ako sa pagkakayap sa kanya.

And he lean a quick kiss on my lips hinalikan ako sa noo at umalis na siya sa ibabaw ko. The last thing i knew naiwan akong mag isa sa malaking kwarto.

PASADO alas Otso na ng ako ay magising. At ramdam ko ang katahimikan sa buong cabin at wala ng bakas ni Parker.

Sinuot ko ang roba saka lumabas sa kwarto. Naglakad lakad palabas ng dalampasigan.

Natanaw ko si Lixxie at Lera na naghahanda sa cottage napangiti nalang ako ng kumaway si Lixx ng makita ako.

Naglakad ako palapit sa cottage at nakiusyuso sa hinanda nilang pagkain.

"Tita , Umalis ba si Parker? Hindi ko kase siya napansin nitong umaga." Tanong nito sakin sabay kuha ng apple saka kinagat iyon.

"Oo bhe, may importante daw siyang aasikasuhin, Lera si Anton umalis din?"baling ko kay Lera.

"Oo pero naunang umalis si Anton nagtaka nga ako kong bakit nauna yung umalis e ang sabi ni Parker sabay sila ." Tugon nito saka umupo na.

"May telepono ba dito Lera? Gusto ko sanang tawagan yung P. A ko makikibalita ."

"Nasa security Office Summer samahan ka namin mamaya as of now kain ka muna tayo."

Tahimik lang kaming tatlong nag agahan.

Matapos naming mailigpit ang aming pinagkainan ay nagtungo na kami sa security office. Nagulat ako ng makita ang pasilidad.

Malaki ang iyon at kulay puti lahat ang pintura. May mga maraming monitor at kong ano ano pang kable sa bawat sulok at dingding nito. May mga cctv din.

Sinalubong kami ng Tatlong lalaki naka suot ito ng tuxedo at formal na formal. Napagawi ako kay Lera walang gulat sa mga mukha niya.

"Flavio, Si Summer alam kong kilala niyo na siya makigamit sana siya ng telepono paki assist sa kanya." Ngumiti lang si Lera saka nagpaalam sakin.

"This way Ma'am," anas ng tinatawag ni Lera na Flavio sumunod naman ako dito diko namalayan na nakabuntot pa pala si Lixx sa akin.

"Pwede na kayong tumawag Mam kailangan din kase naming iparating kay Boss na gagamit ka ng Landline." Kunot noo lang akong nakatitig sa telepono.

Bakit may ganitong Opisina si Parker? At ano daw ? Boss? Naguguluhan man ay nagsimula na akong magdial. Nang magring na.

"Hello who's this?"

"Laura, si Summer to "

"Oh my God Ms. S? Kumusta kayo? Teka totoo ba yung balita na itinanan ka ng Bodyguard mo na may Sabit?"

Nagpagtig ang teynga ko sa narinig kay Laura. San galing ang issue na to?

"Kanino galing ang tsismis na yan Laura? At yan talaga ang ibinungad mo sa akin?"naiinis kong tanong dito.

"Eh kalat na kalat kaya napapabalita nga yun Ms. S teka san ka ba? Ang dami mong ganap ah lalo na yung eksina na nabaril ka at dumating yung knight in shining armor mo anong nangyari? Akala ko ba makakabalik kana ngayong nakulong na si Thana oh may gez kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ko sa babaeng yun dahil may nakatagong kadiliman sa pagkatao niya at yung jowa mo jusko Ms. S kakalibing lang hinintay ka ng kamag anak pero hindi ka dumati-"pinutol ko na ang tawag at wala sa mood naibinalik iyon sa lalagyan.

Hindi naman iyon ang itinawag ko subrang daldal talaga ng baklang yun. Pero sino ang nagkalat ng issue na yun? Paano naman nila nalalaman na May asawa na si Parker?

Walang salita akong luambas sa Security room. Alam kong nakatingin sila sakin bago ako umalis nawala ako sa magandang mood dahil sa nabalitaan. Paano na ang carrier ko nito?

Nabasag ako sa malalim kong iniisip ng biglang magsalita si Lixx na kasunod ko pa pala.

"Your worrying about your carrier?"Natigilan ako sa biglang tanong ni Lixx pano niya nalalaman ang iniisip ko?

Tumigil ako at naupo sa isang bench sa lilim ng malaking mangga tumabi din ito sa akin.

"Pano mo nalalaman ang iniisip ko?"tanong ko sa kanya habang binaling ko sa dagat ang paningin ko at hinayaang ipadpad ng malakas na hangin ang aking buhok.

"We heard him talking, ang daldal niya"komento niya.

Napatingin ako sa kanya halata sa mukha ko ang subrang pagkagulat.

"You heard?,"pagkaklaro ko.

"Actually. We heard naka loudspeaker kase lahat ng telepono doon ,"natampal ko ang aking noo. Goodness nakakahiya.

"Nakakahiya wala talagang preno ang bibig ng baklang yun, and Yes bhe worried ako sa carrier ko."

Pagsasambulat ko sa tunay kong saluobin.

"Pagbalik ni Parker kausapin mo siyang babalik kana sa maynila para linisin yung Pangalan mo at Pangalan narin ni Parker, I will be honest with you Tita Summer gustong gusto kita para kay Parker i saw him very much Happy ng makasama ka niya. Wala akong ibang hinangad kundi ang may mahanap siyang babaeng makakapagpangiti sa kanya and you did it, Please take good care of my Parker I love my Father so much." Seryusong saad nito napatitig ako sa inosenting mukh ni Lixx puno ng senseridad ang mga binitawang salita at hindi ko napigilan ang pag ngiti sa tinuran niya.

"Don't beg my Baby Lixxie i love your Dady too you don't need to worry okay?"

"What if you have to choose between Parker and your Carrier? Which one you've gonna give up ?"natigilan ako sa tanong ni Lixxie.

Napaisip rin ako, sympre mahal ko si Parker at mahal ko rin ang carrier ko hindi ko naman kailangan pumili dahil pareho ko silang mahal.

"Wala akong igigive up baby kase pareho ko silang mahal, pero kong darating man ang araw na kinakailangan konang pipili ng isa i would give up my carrier to be with your Dad."seryuso kong tugon sa kanya na ikinalapad ng ngiti niya.

"Your the best Tita Summer,"napangiti pa ako ng bigla itong yumakap sa akin.

"Halikana, tulungan mo akong mag ayos sa cabin ko baby."aya ko dito tumango naman ito tumayo narin ako naglakad na pabalik sa sa cabin natigilan kami pareho ni Lixxie ng mamataan namin si Lera na may kausap na babae.

Nagtama ang mga mata namin ni Lixiie ng makilala namin kong sino iyon.

"What is she doing in here? Pano niya nalaman na andito tayo?"

Nagkibit balikat ako dahil wala naman talaga akong idea kong pano nakarating dito ang asawa ni Parker. Parang kinakalampag ang dibdib ko sa subrang kaba.

Nanlamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan. Nagulat nalang ako ng ipinagsiklop ni Lixxie ang kamay niya sa kamay ko.

"Relax Tita Summer, and smile."nagpapasalamat talaga ako at may isang katulad ni Lixx na kasama ko.

Nanghihina ang tuhod kong humakbang palapit sa cabin. At natigilan si Lera at ang Asawa ni Parker ng makita kami ni Lixx.

Ang sama ng titig sa akin ng Asawa ni Parker parang pinatay na niya ako sa isip niya.

Subrang nakakatense ang buong atmosphere hindi ko to inaasahan kinakabahan ako lalo na at wala dito si Parker.

"What are you doing here mom?."pagbasag ng katahimikan na tanong ni Lixx

"Im bringing you back to manila where's your Dad?"mataray na tanong nito.

"Were not leaving, this is my home"sagot ni Naman ni Lixxie.

"Lixxie baby sa loob ka muna mag uusap muna kami ng Momy mo ha, pakipasok narin si Tita Summer mo,"anang ni Lera.

"No! Uuwi tayo sa bahay Lixxie, Halikana." At lumapit ito samin saka marahas na hinila ang pulsuhan ni Lixxie.

"Stop mom! Your hurting me ouch!."reklamo ni Lixx nagigting ang panga ko sa inasal ng babae kaya sumabad na ako ng hindi niya parin tinigilan sa paghila si Lixxie.

"Your hurting her Mrs."mahina kong saad

"At sino ka para makialam? Anak ko to! Kaya karapatan kong kaladkarin siya!."nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sakin. Saka bumaling kay Lixx at hinila muli.

Nainis ako sa ginawa niya kaya marahahas kong hinila sa gawi ko ang pinagsiklop naming kamay ni Lixxie na kamuntikan niya pang ikabuwal.

"Bwesit kang babae ka! Kanina pa ako nagtitimpi sayo pakialamera ka! Sino ka ba sa akala mo? Maka asta ka parang anak mo to!"galit niyang sigaw sakin.

"Salvie enough! Wag kang magscandalo dito pinagtitinginan na tayo ng mga tao."saka ko pa napansin ang maraming tao na nanunuod samin.

Napayuko ako grabe subrang nakakahiya to.

"Sino ba ang babaeng yan Lera ? At anong kabaliwan ang ginawa niyan para magkanganyan ang anak ko ?."

"Stop it mom will you? Umuwi kana your stressing yourself for nonsense things."

Buti pa tong anak niya may utak siya parang ewan. Inis na inis itong tumingin sa gawi ko.

"Akala ko ba matino ka? May pinag aralan? Mukha yatang wala dahil pumatol ka sa may Asawa na! Wala ka bang kahihiyang natira jan sa pagkatao mo at pati pamilyadong tao ay pinapatulan mo? Wala kang nahanap ng matinong lalaki o di kayay single na lalaki? Bakit sa may pamilya na?."para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinasabi ni Salvie.

Subrang nahihiya ako sa sinasabi niya at hindi ko alam kong ano ang isasagot ko. Nawala lahat ng tapang ko sa sinabi niya.

Napakasakit nga talaga pag sa iba manggaling ang katagang iyon.

"Salvie ! Ano ba halikana sa loob "awat ni Lera.

"Your disgusting mom! I really really hate you! Sana hindi nalang ikaw ang momy ko."isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Lixxie bagay na ikinaalarma ko. Mabilis ko siyang hinarap at itinago si Lixxie sa likod ko.

"Alam mo , hinayaan kitang yurakan ang pagkababae ko pero ang saktan mo ng ganon ang bata ay diko mapapalampas anong klaseng ina ka?."galit kong tanong sa kanya.

"Stop Questioning me for being a mother Slut! Wala kang alam non dahil hindi ikaw ang nailagay sa posiyon ko! Layuan mo ang anak ko at mas lalong layuan mo si Parker !."singhal niya sakin.

"Hindi suitable sa pagkakababae ko ang tawagin mo akong pokpok Salvie! Dahil kong meron mang mas bagay na tawaging ganon hindi yun ako kundi ikaw! Kita mo nga may ebidensya pa."akmang sasampalin niya ako ng pigilan ko ang pulsuhan niya at mahigpit na hinawakan iyon.

Lumapit ako sa kanya sa bumulong sa teynga niya.

"Hindi ako nananampal pabalik Salvie pero kaya kitang balian ng buto hanggang sa mangisay ka! Ilagay mo sa lugar ang basura mong ugali kong ayaw mong pagsisihan sa huli ang mga ginagawa mo sakin."pagkasabi kong yun ay marahas ko siyang binitawan at dumistansya sa kanya

Hinila kona si Lixxie papasok sa cabin. Hindi ko alam kong san ko kinuha ang lakas ng loob kong kalabanin ng ganon ang Ex- wife ng taong pinakamamahal ko.

'Parker, umuwi kana kailangan kita dito baka masaktan ko siya at madamay ang batang nasa sinapupunan niya ayaw kong maging kriminal come back home Doy,'


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C33
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login