Download App
65.71% Forget me Not / Chapter 23: Last Dance - 2

Chapter 23: Last Dance - 2

February 2015

"Here comes the Elites." Bulungan ng ilang estudyante na umagaw sa pansin ko mula sa pakikipagusap sa mga kasamahan ko sa council na maghahandle ng event ngayong gabi.

Tila ko kinapos ng hininga ng makita sya. She's wearing a deep V-neck noir high slit long dress. She looked stunning even with her light make up and newly-highlighted bob hair which became her signature. Mula pa noon ay laging ganun na ang hairstyle nya na madalas nya lang pakulayan ng iba't ibang kulay depende sa trip nya. But if there is one thing that worry me, it is that high slit on her long dress. For someone who's going to play the drums, that dress is not appropriate.

"Dude, stop it. You're drooling." Natatawang kantiyaw ni Zachary kasabay ng isang mahinang pagsiko na hindi nakatinag sa akin sa pagtitig sa bagong dating na dalaga.

"Alam namin na in love ka, pero wag mo naman ipahalata kung kanino talaga." Segunda pa ng isa din sa kasamahan namin sa council na si Axel na walang kasing lapad ang ngisi.

"Shut up. I just know how to appreciate beauty." Sagot ko bago piniling iiwas ang tingin sa dalagang kung nakakatunaw lamang ang tingin ay baka kanina pa natunaw sa dami ng kalalakihang nakatingin sa kanya.

Cielle only dress up when she is needed to, she is more comfortable with the street style outfit and yet when we have occasions like tonight, she dresses to kill. Although, last year she wears a black short sleeve, skater cocktail swing dress and it doesn't reveal much of her skin unlike this one.

Pinilit kong kinakalma ang puso na walang kasing bilis ang tibok habang nagbibigay ng huling instructions sa mga kasamahan ko sa council. To tell the truth, my eyes keeps following her every movement from the moment I saw her entering the hall. Kaya di na rin kataka-taka ang mapang-asar na tinginan ng mga kasamahan ko. They knew my feelings for her cause I've been obvious to it and very vocal about it but the only person who don't get it is that woman.

"We know what to do, Your Highness so please wrap it up quick. Alam naman namin kanina mo pa gustong bakuran si Chean." Natatawang sabi ni Margaux, ang isa sa masters of ceremony ngayong gabi.

Naiiling na ngumit ako bago muling tinapunan ng tingin ang dalagang masayang nakikipag-batian sa mga kakilala nito sa di kalayuan kasama ang mga kabanda nya. Kung ako nga lang ang masusunod ay baka kanina pa ako lumapit para bakuran sya. Pero alam kong wala pa akong karapatan gawin iyon, lalo pa't alam kong hindi nya pa kinikilala ang nararamdaman ko sa kanya kahit na anong pagpaparamdam pa ang gawin ko.

"Alright! Let's make this night awesome!" Huling bilin ko sa mga kasamahan bago sila dinismiss.

"Hiro..." My heart automatically beats erratically upon hearing Cielle's voice behind me. Agad kong hinanda ang isang napakatamis na ngiti nang humarap ako sa kanya.

"Wow! You looked... Good I guess." May pang-aasar sa tinig na bati ko sa dalaga kahit pa nga ang totoo ay tila nagririgodon ang puso ko habang pinagmamasdan sya.

Inirapan nya lang ako bago ngumuso na tila batang may tantrums. "You're so rude! I'd rather hear you say, I looked stunning." Nakasimangot nyang sabi na ikinatawa ko lang.

"Okay, okay! Ang ganda ganda mo ngayong gabi Cielle." Pabiro kong sabi na agad naman nyang ikinangiti na nagpalabas sa dalawang malalim na biloy sa magkabila nyang pisngi.

"Kung hindi dahil sa pagkuha mo sa banda ko edi sana mas nakapagpaganda pa ako lalo!" Maktol nya bago ako pabirong inirapan.

Oh my god! Stop acting so cute damn it!

Malakas na halakhak na lang ang pinakawalan ko dahil sa hindi sadyang pagpapa-cute sa harap ko at para na din pigilan ang sariling hagkan ang mga labi nyang iyon. My world seems slowly revolving just having her in front of me. And just by the mere look of her, I can't stop being out of breath every single time.

Kailan pa ba ako nagsimulang makaramdam ng ganito sa kanya? Hindi ko alam kung mula pa noong unang beses na makausap ko sya, o kung noong una at huling beses kong makita ang totoong damdamin nya mula sa loob ng music room nagsimula ang lahat. Isa lang kasi ang tanging sigurado ako, iyon ay ang simula na naman ng pantitrip sakin ni kupido dahil sa pagkakataong ito, ubod naman ng manhid ang may-ari ng kabilang duno ng palasong nakatarak sa puso ko.

"I'm sorry okay?" Masuyo kong wika bago saglit na hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa maamo nyang mukha para mas lalo ko syang mapagmasdan. "Hindi mo naman na kasi kailangan pang magpaganda. Isn't it better if people will like you just the way you are? And besides, you already claimed something you're just not aware of." Pagpapahiwatig ko ng nararamdaman na ikinatawa lang ng palihim ng mga kaibigan nya na kanina pa tahimik na nakikinig lang sa aming dalawa.

"Claimed what?" Tanong nya na hindi ko na lamang sinagot.

Hindi ko alam kung nung nagpasabog ba ng kamanhidan ang diyos ay gising na gising sya dahil sa kamanhidan nya o nagmamanhid-manhidan lang talaga sya para walang magbago sa kung anong meron samin dalawa. But honestly, I'm on my limit. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang sakyan ang pagiging manhid nya.

"Dun muna ako sa mga chics ko." Malapad ang ngising sabi na lang ni Jupiter bago ako pasimpleng tinapik sa balikat at lumapit sa grupo ng mga babae mula sa Broadcasting department.

"Condolence dude." Pang-aasar naman nina Kristine at Rei bago pumunta sa pwestong nakalaan para sa grupo nila.

"You have my sympathy, bro." Seryoso ngunit may bakas naman ng kaaliwan ang mga matang sabi ni Shiro bago ako iniwanan ng isang tapik sa balikat at sumunod sa dalawa.

"What? Did I ask anything wrong? I was just asking." Cielle asked dumbfoundedly.

Naiiling na pinisil ko na lamang ang ilong nya upang kahit papano ay mabawasan ang inis na nararamdaman dahil sa kamanhidan nya. I'm taking everything slowly in showing her my heart. Dahil ayoko din naman na basta na lang aminin ang nararamdaman ko na hindi man lang pinaghahandaan. She's the second woman I fell in love with after my first heart break and I could tell that if this one's fail, I wouldn't know how to pull up myself after. And I don't even know if I can love again like how I do right now.

"So? Honest opinion, how do I look?" Kagat ang ibabang labing tanong nya. Uncertainty is written in her eyes, not really aware of the eyes that's been following her since she entered the hall.

"Honest opinion you say?" She nods.

I put my hands on my chin while looking at her as if examining her but to be honest, binubusog ko lamang ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya. I do sounds like a perv but damn... I've been wanting to wrap my arms around her and pull her closer to me so that every guy in this room knows that she's off-limits.

"Your dress' slit is too high. Pano ka tutugtog ng drums kung ganyan ang suot mo?" Di ko na napigilang komento na ikinangiti nya ng matamis bago lumapit ng bahagya sakin.

I swallowed hard when I smell a sweet scent coming from her when she leaned on me that almost made me wanted to close the small distance of our lips.

Damn. God help me. I prayed in mind.

"You're checking me out too much huh." A playful smile pasted on her lips while saying those words. And I found myself enchanted to it.

Naiiling na umatras ng bahagya at inayos ang kwelyo ng suot kong tux. "Kristine's not feeling well. She wants me to sing instead so I'm not playing the drums tonight." Paliwanag nya.

"Cielle..." Masuyo kong tawag sa pangalan nya.

"What? Damn you Hiro. I know I'm gorgeous but don't stare at me like that." Natatawa nyang sabi na tila ba walang epekto ang paraan ng pagtitig ko sa kanya. But I can't help but smile when I saw how red her ears are. It's only means that I'm making her a little bit conscious.

"Can I be your date tonight?" Tanong ko na hindi nya na nakuhang sagutin ng tumunog ang cellphone kong hawak.

I almost cursed when I saw the evil emperor of the school calling me. I excused myself and answered our school president's call.

"Come in my office ASAP." He said and hung up to my annoyance.

"Let's continue this talk later. I've been called out." May inis sa boses na sabi ko sa dalaga. She just smiled understandably. Hindi ko na napigilan ang sariling hawakan ang malambot nyang kamay at masuyo iyong hagkan.

"You're stunningly beautiful tonight Cielle... I really wanted you to be my Queen not only tonight but for the rest of my life." I said in a serious tone while looking at her eyes before I left her astounded.

Hoping that those words are enough for her to realize what I really feel about her. I'm really on my limit. I wanted to take it slowly but I'm running out of time. This is my last chance. And I want her to be my last dance...

My last love...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C23
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login