Download App
73.91% Trying Again (Tagalog) / Chapter 51: Tulong (2)

Chapter 51: Tulong (2)

"Alam niyo?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

Si Mia ang sumagot. "Hindi eksakto pero nakutoban na namin na tungkol yun doon dahil pagkatapos mong hanapin si Keith, kinabukasan, may kakaiba na din sa kanilang dalawa."

"At tsaka, hindi mo kasi alam na nagsuntukan sina Stan at Keith noong nalaman niya dati na nakipagbreak si Keith sayo," dagdag ni Aya.

Napatigil ako. Tama si Aya, hindi ko nga alam yun. At habang pinaprocess pa ng utak ko ang bagong impormasyon, si Mia naman ang nagreact. "Ibig sabihin totoo pala yung tsismis ni Dan."

"Yep. Sinabi lang ni Stan na bawal makarating kay Risa," paliwanag ni Aya. "Pero hindi namin alam na yun pala yung dahilan. Hindi din samin nabanggit ni Stan. So anong sinabi mo kay Keith?"

"Huy! Anong pinag-uusapan niyo dyan?"

Kung may hawak siguro ako, nalaglag na iyon kasama ng puso ko. Sa sobrang seryoso namin sa pag-uusap, hindi namin napansin na nasa harap na pala namin si Dan. Hindi lang ako ang nagulat dahil inabot ng palo si Dan kay Mia. Bibili pala siya ng inumin kaya napagdesisyunan na namin na antayin si Dan.

Tumigil kami sa tapat ng bulletin board malapit sa faculty room. Mayroon ng poster tungkol sa graduation ball sa ikatlong araw ng Abril. Ang graduation ball o grad ball sa Gregorian High School ay parang JS Prom. Ang kinaibahan ay pagkatapos ito ng mismong graduation, makalipas ng dalawa o tatlong araw. Ang preparasyon ay pinaghahatian ng ilang fourth year, karamihan ng third years at mga piling second at first years. Sa madaling salita, tribute to senior part two dahil mahal na mahal ng school namin ang mga seniors.

"Hindi mo pa sinasagot si Keith nu?" tanong ulit ni Aya habang nakatingin kaming tatlo sa bulletin board.

"May susuot ka na sa grad ball?" pabalik na tanong ko sa kanya.

"Oo. May itim pa akong gown na hindi nasusuot dito sa school," sagot niya pero ihinabol kaagad niya ang, "Teka, wag mo nga baguhin yung usapan."

"Ikaw, Mia?" tanong ko. Sa bulletin board pa din kaming tatlo nakatingin at si Aya ang nasa gitna.

"Wala pa. Gusto mong magtingin sa Friday?" sagot ni Mia.

"Hindi niyo ako isasama?" sa pagkakataong iyon, sabay na namin tiningnan si Aya.

May nakakalokong ngiti sa labi naming dalawa. Ako ang unang nagsalita. "Eh diba may date kayo ni Andy sa Friday?"

"At tsaka may isusuot ka na sa grad ball," panggagatong pa ni Mia.

Lalong lumaki ang ngiti ko nang nagsimulang magpapadyak si Aya at nakasimangot na siya. "Hindi na tuloy yung date namin ni Andy. May gagawin daw sila sa basketball club."

"Aw," sabi ko sa kanya saka ko siya inakbayan. "Siya, sumama ka na lang samin. Hayaan mo ng mabulok yang boyfriend mo kasama ang mga team mates niya."

Nag-aasaran at mas lalo pa namin nilait ang mga basketball members nang sumingit si Mia. "So alam mo na ngayon na mahal mo pala ang bagong ace ng basketball team natin?"

Napatigil kaming dalawa ni Aya. Masyadong direkta ang pagkakatanong ni Mia na halos mamula ako ng todo dahil sa kakaubo at nasamid ako. Habang pinapakalma ko ang sarili ko, narinig kong pinagsabihan ni Aya si Mia sa sobrang pagiging blunt niya. Buti na lang at wala ng mga estudyante dahil half day lang naman talaga. Kami lang ang naiwan para sa practice ng play at ang mga fourth year naman ay nasa gym para sa practice ng graduation nila.

"Pero hindi pa din ako boto kay Stan," wika ni Mia. "Baka nalilito ka lang Risa."

"Mia!" halos pasigaw na tawag ni Aya sa kanya.

"Hindi ko naman sinasabi na mas boto ako kay Keith. Alam ko naman iniwan niya na lang sa ere si Risa tapos babalik siya ngayon na parang walang nangyari pero." Tumigil si Mia at tumingin ng diretso sa akin.

"May posibilidad pa din," pagpapatuloy niya, "na hindi talaga ganun ang nararamdaman mo para kay Stan. Nalilito ka lang kasi biglang sinabi sayo ni Keith at matagal mo ng kilala-"

"Teka, teka," pagpigil ko sa kanya dahil naguguluhan na ako. "Wala pa akong sinasabi ah. Hinay hinay lang."

"Oo nga, Mia. 'Wag mo ng takutin 'tong si Risa at tsaka hindi na kaya ng capacity ng utak niya yang sinasabi mo."


CREATORS' THOUGHTS
wickedwinter wickedwinter

Thanks for reading! As always, I'm promoting my other story, Ugly Little Feelings. Check it out if you like Japanese, smut, and university life.

Keep safe everyone!

Twitter: wickedwinter3

Like my writing? Support me: www.ko-fi.com/wickedwinter

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C51
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login