Download App
46.37% Trying Again (Tagalog) / Chapter 32: Sa Ilalim ng Itim na Payong (5)

Chapter 32: Sa Ilalim ng Itim na Payong (5)

Ngumiti si Keith bago siya nagsalita, "Come on, Risa. Basa yang medyas mo at wala naman masama kung tatanggapin mo yan."

Hindi ko na inantay na pilitin niya ako. Hinubad ko na agad ang aking basang medyas at pinagmasdan ang kulay dilaw na may drawing ng stars pero tiningnan ko muna uli si Keith. Buti na lang at pinapanood niya ako. Lumaki ng konti ang ngiti niya. "Ano? Wala naman ibang pamimilian."

Sabihin na lang natin na hindi ako yellow person. Si Lance lang alam kong ganun. Isinuot ko na lang yung medyas at wala naman akong magagawa. Mas okay na ito kesa sa basa. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya yun dahil narinig ko ang mahina niyang tawa pero hindi ko na lang pinansin. Pagkalagay ko dun sa puting medyas ko sa plastic, inilagay ko na ito sa bag.

"Magkano?" tanong ko sa kanya.

"'Wag na," sagot niya kaagad.

"Pero¬‒" bago ko pa matapos ang aking sasabihin, inunahan na niya ako, "Ano ka ba, Risa? Mura lang naman yan kaya 'wag na."

Gusto ko pa sanang sabihin sa kanya na 'Anong mura? Kailan pa nagkaroon ng mura dito sa 7/11?' pero hindi ko na sinabi at tumahimik na lang ako. Hindi pa nakakalipas ang isang minuto hindi ko na napigilan ang bibig ko. "Bakit mo ba ginagawa 'to? Oh eh ano kung‒"

Tinapik niya ang balikat ko kaya ako napatigil. "Tara? Medyo mahina na ang ulan."

Hindi na niya ako inantay at lumabas na siya. Maya-maya sinundan ko na siya at magkasukob na uli kami iisang payong. Nakasimangot ako habang naglalakad kami. Hindi ko kasi siya maintindihan at siya itong may sabi na gustong mag-usap, siya naman ang natakas. Medyo hindi pa kami nakakalayo sa 7/11 ng nagsalita si Keith, "Game na? Anong iniisip mo? Ready na akong sagutin lahat ng tanong mo."

Nabigla ako sa sinabi niya at napatingin ako sa kanya. May ngiti na nakapinta sa kanyang mga labi. Hindi ko sigurado kung galit o pagkadismaya ang aking naramdaman. Isang taon niya akong pinag-antay tapos ngayon niya lang sasabihin na ready na siyang magpaliwanag. Ano siya? Baliw? Anong pakulo na naman ba niya ito? Pagkatapos niyang humingi ng patawad noong bago mag-Christmas Ball, ano naman ito? Akala ko ba ay yun na ang dahilan kung bakit niya ako sinaktan? Dahil nagmahal siya ng iba. Ano yun? Hindi totoo?

Gustong ko tumakbo at lumayo sa kanya na parang hindi nangyari ang lahat ng ito. Kahit mabasa man ako sa ulan, wala na akong pakialam. Pero bago ko pa man magawa yun, hinawakan ni Keith ang siko ko na parang nabasa niya ang isip ko. Napalingon lang ako sa kanya. Seryoso na ang mukha niya at tila ang mga mata niya ay nangungusap. It was mixed with sadness and a hint of apology.

Binitawan niya ang aking siko at saka uli kami naglakad. I have to hear this. I know. I do. Hindi ko maipaliwanag pero noong nakita ko ang mata niya, nakaramdam ako ng takot at mas lalo akong kinabahan. Pero kakaibang kalma ang bumalot sa aking katawan at isipan. Biglang nawala lahat ng mga halo halong tanong sa isip ko at parang naging rasyonal na uli ako.

"Bakit ka biglang nagtransfer?" ang una kong tanong sa kanya.

Hindi ganoon kadali mag-usap habang naglalakad lalo pa't naulan. Hindi maiwasan ang pagtigil at mas lalo ng nakakabagal sa paglalakad kaya dati halos late na lagi kami nakakauwing tatlo.

Tuloy pa din kami sa paglalakad bago ako sinagot ni Keith. "Nagkasakit si Mama at biglang humina ang business ni Papa."

Bigla akong napatigil sa paglalakad. Ngayon ko lang narinig lahat ng ito. Wala akong ideya na nangyari yun. Medyo namabunan ako ng konti pero bumalik kaagad si Keith. Tumabi muna kami sa daan para hindi kami nakaharang sa daanan. Hindi ko alam kung ano ang itsura ng mukha, siguro nasa paiyak at nagugulahan na dahil ngumiti lang ng konti si Keith.

"Dahil hindi na kaya ni Papa bayaran ang tuition ko kaya nagtransfer kaagad ako sa public school kahit ayaw ni Papa. Alam ko naman na mahal ang tuition at gastusin ng ate ko sa college," paliwanag niya bago pa ako makapagtanong.

"Pero‒" simula ko ng biglang sumagi sa isip ko yung medyas at hot choco kanina at ang biglaang pag transfer niya uli sa school namin. Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mukhang nabasa niya sa mukha ko ang iniisip ko. Masyado niya akong kilala.

"'Wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Ayos na si Mama pati ang business ni Papa kaya ibinalik niya kaagad ako sa Gregorian," sagot niya sa mga tanong kong hindi ko na kailangan sabihin.

Gusto ko pa sana siyang tanungin tungkol sa mga detalye pero sinabi lang niya na maglakad na uli kami at baka hindi kami makauwi kung lagi na lang akong titigil. Tahimik lang ako habang pina-process ko pa ang mga sinabi niya sa akin.

"Kaya ka ba nakipagbreak sa akin?" tanong ko sa kanya kahit natatakot akong marinig ang sagot niya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C32
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login