Download App
20.28% Trying Again (Tagalog) / Chapter 14: Fourteen Roses (1)

Chapter 14: Fourteen Roses (1)

Dalawang araw na lang bago mag-Christmas Ball. Ilang araw na din ang nakalipas simula noong araw na hinalikan ko si Keith. Actually, tinakbuhan ko siya pagkatapos kong gawin yun. Hindi na din ako masyado naattend ng meetings unless hindi pwede si Dan. Pinakausapan ko siya at mukhang naintindihan naman niya ako kaya hayahay na naman ang buhay ko. Hindi naman palagi kagaya ngayon, nasa mall kaming tatlo nina Aya at Mia.

"Risa, wag ka na masyadong malungkot dyan," pangungumbinsi sa akin ni Aya, "Nangyari na yun at tsaka malay mo, bumalik ulit siya sayo dahil sa halik mo."

Nahampas ko nga siya ng isa sa kanyang balikat, "Ewan ko sayo. Lahat ng kalokohan mo!"

"Ano ka ba? Pinasasaya lang naman kita," sagot sa akin ni Aya.

Pumagitna naman sa aming dalawa si Mia, "Hay naku, tigilan niyo na nga yan at tara ng tumingin ng isusuot natin sa ball."

Talaga tong si Mia, porket inaya na siya ni Dan para sa ball super excited na. Actually matagal ng crush nitong si Mia si Dan kaya laking tuwa na lang niya nung siya na ang oficial date ni Dan sa ball. Sa totoo, hindi ko alam kung may gusto na nga talaga si Dan kay Mia.

After a few hours nakapili na kami ng damit at sa wakas kakain na din kami sa all time favorite kainan ang Mcdo. Pagka-order namin, kumain kami at nagdaldalan pa. Natanong pa ako kung sino ang date ko para sa ball. Hindi naman required na may date para umattend ng ball pero diba nakakahiya umattend ng walang date.

"Wala," sagot ko sa kanila, "Wala man nagtatanong at for sure wala ng magbabalak pang magtanong. Pupunta na lang ako ng walang date."

"Pwede ba yun? Nababaliw ka na Risa, hindi pwedeng wala kang date lalo kang magmumukhang desperado para kay Keith nan," sabi ni Aya habang nilalantakan yung fries niya.

"Aya, may mas lalala pa ba dun sa ginawa ko? May mas mukha pang desperado dun?"

"Yun na nga yun Risa eh," sabi niya ng mariin.

"Anong yun na nga yun?" tanong ko sa kanya na medyo naguguluhan.

"Basta dapat may date ka sa ball."

"Bahala ka na nga Aya," sabi ko na lang at sabay lingon sa labas. Parang si ano ata yun. Sasabihin ko na sa kanila kaso nagsalita si Mia, "Teka Risa, ano nga bang kailangang bilihin na regalo?"

"Regalo?" napatingin tuloy ako kay Mia at medyo naguluhan sa tanong niya.

"Yung para sa ball. May sinabi si Dan kahapon ah."

"Ahh. Yun ba? Kailangan magdala ng regalo ng pang-unisex. Kahit ano pwede."

"Para naman saan yun?" singit na tanong ni Aya.

"Secret," ngumiti ako ng nakakoloko, "Basta bumili na lang tayo mamaya."

"Ang daya!" "Sabihin mo na kasi!" sabay pa nilang sabi sa akin. Nginitian ko lang sila at umiling ako. Well, yun ang isa sa mga privilege ng pagiging part ng committee.

Natapos na din kami kumain at papunta na kami sa department store ng nakasalubong namin yung nakita ko sa may labas ng Mcdo, saka ko lang naalala na nakalimutan ko palang sabihin sa kanila.

"Risa!" bati niya sa akin habang papalapit sa aming tatlo.

"Jared," sabi ko ng mahina at ngumiti ng pilit.

"Kamusta?" tanong niya sa akin, "Hindi na kita masyado nakikita sa lessons ah at hindi ka na din nagtetext."

"Ayos lang. Ikaw ba? Masyado kasi ako naging busy eh. Alam mo na, exams at naging part ako ng committee kaya napalipat yung sched ko sa lessons."

"Hindi ko alam na hilig mo palang sumali sa mga committee."

"Hindi naman. Napilit lang ako. Bakit ka nga pala napunta dito?"

"Sasamahan ko sanang mamili yung kapatid ko. Kayo ba?"

Napalingon ako kay na Aya at Mia. Nakatingin silang dalawa sa amin na may nakakalokang ngiti sa kanilang labi. Ano kaya ang nasa isip ng dalawang to? Napakamalisyosa nila. Lagot sila sa akin mamaya.

"Nagtingin kami ng damit para sa Christmas Ball namin," sagot ni Mia habang pinakita niya yung paperbag ng damit niya.

"May gagawin ka ba sa 21?" tanong agad ni Aya.

"Ah, eh," sagot niya napautal-utal, "Wala. Bakit?"

Oh my gulay! Alam ko na ang binabalak nilang dalawa. Siniko ko agad si Aya at napatigil siya. Nginitian ko lang si Jared. "Wa-"

Naputol yung sasabihin ko dahil nagsalita kaagad si Mia, "Kung pwede ka daw ba maging date ni Risa sa Christmas Ball namin sa 21?"

Ayun! Nasabi na ni Mia. Napatakip ako ng dalawang kamay ko sa mukha dahil sa hiya. Ayoko ng marinig agad ang sagot niya o kung anong sasabihin niya baka kasi kung ano pa ang isipin niya. Humanda talaga sa akin yung dalawa.

"Sure! Walang problema sa akin. Anong bang suot? At tsaka anong oras?"

"Semi-formal lang naman. Mga 5 dapat nasa school na."

"Okay. So wala na akong kailangan dalahin?"

"Ahh," napatigil si Aya, nag-iisip ata.

"Regalo," sagot ko, "Napang-unisex."

"Kuya!" narinig namin sigaw mula sa likuran ni Jared. Si Denise pala.

"Oh Denise," sagot niya sa kapatid niya.

"Ang tagal mo naman Kuya. Kanina pa ako dito eh," reklamo ni Denise sa Kuya niya.

"Ahh, sige Jared, uuna na kami. May bibilhin pa kasi kami," paalam ko sa kanila, "Sige Denise."

Naglakad na kami palampas sa kanila ng nagsalita si Jared, "Sunduin na lang kita sa inyo ng mga 4:30 ah. Text mo na lang ako."

Pagkatapos kiligin nung dalawa kong kasama at umaray dahil napagbabatukan ko sila, bumili na kami ng regalo at umuwi na sa mga aming bahay.

Bumalik pa ulit ako sa mall nung Sunday, solo flight naman at namili ng regalo para sa mga kaibigan ko pati na rin kay Jared, pasasalamat sa pagpayag niya sa pagiging date ko sa ball. Actually, nagtext ako sa kanya nung gabing yun para magpasalamat. Nung nagreply siya, kinilig ata ako pero nawala din agad dahil napadpad ako sa facebook ni Keith.

***

Dumating din ang araw ng ball, maaga ako nagasing dahil masyadong excited ang Ate ko. Ginambala kasi ang tulog ko dahil mag-aayos na daw kami. Imagine, alasais pa lang ng umaga, mag-aayos kaagad. Syempre, no choice ako kundi bumangon at sumunod sa ate ko.

Inilabas ko naman yung isusuot kong dress at sandals pati na yung bag at mga regalo na dadalhin ko. Tumawag sa akin si Dan upang sabihin sa akin na kailangan, 4 na sa school na ako. Magrereklamo pa sana ako kaso naunahan niya ako kaya no choice ako kundi itext si Jared, Ui, Goodmorning :) Pwede mo ba agahan ang sundo sa akin mamaya? Pwede mga 3:45?

Nasend ko naman agad. Kaso parang nakakahiya yung text ko kaya sinundan ko agad ng, Kung okay lang naman? Pero kung hindi, kita na lang tayo sa school. Kailangan daw kasi maaga ang organizers sa school. Ty :)

Binaba ko na yung phone ko at nagpunta na ng salas para tumugtog ng piano. Ewan ko, feel ko lang tumugtog. Hanggang sa sinaway na ako ng ate ko, "Maligo ka na Risa. Tatanghaliin ka nan."

"Maaga pa ate," reklamo ko sa kanya pero nagpunta din naman ako ng banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo, chineck ko na yung phone ko, 1 message received: Ocge Risa. Andyan na ako ng 3:30 para sure :) Kitakits mamaya :)

Napangiti naman ako na napansin ng ate ko, "Sino nga pala ang date mo Risa?"


CREATORS' THOUGHTS
wickedwinter wickedwinter

I forgot to upload yesterday. I'm so sorry. Life got the best of me. I can't even find the time to write my other story, Ugly Little Feelings. To make up for it, I'm going to upload the two next ones soon. Thanks for reading!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login