Download App
89.39% My Clumsy Girl / Chapter 59: Savior

Chapter 59: Savior

Leo's Pov

Nagising ako na may umiiyak sa tabi ko. Ganito palagi si Blessy ng mga nakaraang linggo. Halos wala akong tulog mabantayan lang si Blessy. 7 months na ang tiyan nya ngayon. Palagi na ring sumasakit ang tiyan nito.

"Love, masakit ba? Gusto mo na ba tawagin ko si tita Rose." tanong ko sa kanya.

"Medyo masakit ang tiyan ko Leo. Tulungan mo muna akong makatayo, gusto ko kasing umihi." sabi ni Blessy.

Tinulungan ko syang tumayo at inalalayan ko sya papuntang banyo. Habang naihi sya ay napansin ko sa underwear nya na may dugo. Pagkatapos nyang umihi ay inalalayan ko sya na umupo sa kama. Tinawagan ko si tita Rose dahil nag iispotting na naman si Blessy.

"Hello Leo napatawag ka." sagot ni tita Rose sa kabilang linya.

"Tita nasa bahay ka pa ba? Pwede mo bang puntahan kami sa bahay at i check up si Blessy? Nag iispotting na naman po kasi sya eh." sabi ko.

"Sige tamang tama nasa bahay pa ako. Hintayin nyo ako dyan at magbibihis lang ako." sabi ni tita.

Binaba ko na ang tawag at humarap kay Blessy. Napansin ko na panay ngiwi na nya. Mukhang masakit na masakit na ang tiyan nya.

"Love gusto mo bang kumain muna? Gusto mo ba ng gatas?" tanong ko.

"Sige gatas na lang." sagot ni Blessy.

Kumuha ako sa mini ref ko mg gatas. Naglagay na ako sa kwarto ko gawa ni Blessy. Hindi ko din ito maiwan kahit sandali. Hindi naging madali ang pagbubuntis ni Blessy at marami kaming pinagdaanang hirap.

"Sumasakit ba ang tiyan mo Blessy?" tanong ni tita Rose na kakapasok pa lang ng kwarto.

"Opo, medyo mas masakit na sya ngayon hindi tulad ng dati." sabi ni Blessy.

"Sige ihiga mo muna si Blessy at ichecheck ko sya." sabi ni tita Rose. Sinunod ko ito agad. Hiniga ko si Blessy at naupo sa tabi nya.

"Tita kamusta na po ang mag iina ko." tanong ko.

"Tatapatin na kita Leo, delikado na ang mag iina mo kaya kailangang madala na natin agad sa ospital. Paaanakin ko na sya at hindi pwede ang normal delivery. Dalawa na lang ang naririnig kong tibok ng puso sa mga baby mo. Bilisan natin at dalhin na natin sila sa ospital." sabi ni tota Rose.

Binuhat ko agad si Blessy at itinakbo sa sasakyan. Tamang tamanat paalis si Lucas at sa kanya kamo sumakay. Nakasunod naman sila daddy at mommy sa amin.

"Leo, ang sakit sakit na!" umiiyak na sabi ni Blessy.

"Konting tiis pa love, binibilisan na ni Lucas ang pagdadrive." sabi ko.

"Natatakot ako Leo." sabi ni Blessy.

"Nandito lang ako. Magdarasal tayo, hihingi tayo ng tulong sa Diyos." sabi ko kay Blessy.

Niyakap ko sya at panay  panay ang halik ko sa noo nya para kahit papaano maibsan ang takot nya. Nakarating kami sa ospital at dinala agad si Blessy sa delivery room. Naiwan kami ni Lucas sa labas ng delivery room. Maya maya ay isa isa na silang nagsidatingan.

"Anong nangyari anak at napatakbo tayo dito sa ospital?" tanong ni mommy.

"Paaanakin na po ni tita Rose si Blessy." sabi ko.

"Hindi ba delikado yun? Teka bakit ka umiiyak?" tanong naman ni daddy. Napansin pala ni daddy, hindi ko kasi mapigilan ang umiyak.

"Hindi ko po alam kung delikado. Ang sabi ni tita ay kailangan na daw pong ilabas ang mga anak ko. Mommy...." sabi ko. Niyakap naman ako ni mommy ng mahigpit.

"Bakit kuya?" tanong ni mommy.

"Dalawang heartbeat na lang daw ang naririnig ni tita Rose. Natatakot ako mommy, baka napahamak na ang isa sa mga anak ko." sabi ko.

"Manalig lang tayo. Hindi tayo pababayaan ng Diyos." sabi naman ni daddy.

Dumating sila Lily at Liam kasama sina tito V at tito Jimin. Hindi ko na masagot ang mga tanong nila dahil sa pagkatulala ko. Pero naririnig kong sina daddy at mommy ang sumasagot sa kanila. Maya maya ay lumapit sa akin sina tito Jimin at tito V. Niyakap ako ng mahigpit ni tito V tapos si tito Jimin naman ay hinahaplos ang buhok ko.

"Magpakatatag ka Leo, kailangan mong lakasan ang loob mo para sa asawa mo. Mas mahirap ang dinadanas nya ngayon. Yung sakit lang buwan buwan na tinitiis nya ay napakalaking sakripisyo na. Kung sakaling kunin man yung isang anak nyo ng Diyos ay tanggapin nyo ito ng maluwag. Wag kang panghinaan ng loob kasi nandyan pa ang dalawang baby mo na aasa sa inyo." sabi ni tito V.

"Sya nga naman. Kami ni tito V nyo ay naranasan na namin mawalan ng anak. Tinanggap namin ito ng maluwag kasi alam namin na magiging masaya sya sa piling ng Poong Maykapal. Lumuha man kami dala ng panghihinayang at pagdadalamhati pero alam namin na sya ang guardian angel namin. Mas masakit sa mga ina ang mawalan ng anak lalo pa at dinala nya ito sa sinapupunan nya. Kaya lakasan mo ang loob mo dahil kailangan ni Blessy ng sasandalan nya." sabi naman ni tito Jimin.

Lumipas ang mahigit 4 na oras ay saka lumabas si tita Rose. Tumayo agad kami at sinalubong sya.

"Kamusta po ang mag iina ko tita?" tanong ko.

"Maayos na ang kalagayan ni Blessy at ang dalawang anak mong lalaki. Kaso ikinalulungkot kong ibalita sa inyo na patay na ang isang bata. Tama ang hinala ko na hindi nabuo ng maayos ang isa mong baby. Kulang kulang ang mga parte ng katawan ng baby. Kalahati lang ang nabuo sa kanya. Isang paa, kamay, mata, tenga as in kalahati talaga." sabi ni tita Rose.

"Oh my God!" sabay na sigaw nina mommy at Lily.

"Yun ba ang kinamatay ng bata?" tanong ni tito Jimin.

"Hindi. Well bukod sa mahina talaga ang tibok nito nuon pa lang ay malamang hindi din sya magtatagal. Pero ang ikinamatay nya ay ang pumulupot sa leeg nya ang pusod nya." sabi pa ni tita.

"Mukhang sa pagkakakwento mo ay mahihihirapan na syang mamuhay ng normal." sabi ni daddy.

Umiyak ako ng umiyak. Nalulungkot ako kasi feeling ko kulang pa ang pag aalaga ko sa kanila. Nanghihinayang ako kasi kahit konting panahon man lang ay hindi namin ito makakasama.

"Alam nyo parang iniligtas nya pa ang mga kapatid nya at ang mama nya." sabi ni tita Rose.

"Paano mo nasabi?" tanong ni daddy.

"Kasi sa hina ng katawan nya at puso nito ay dapat napaaga ang pagkamatay nya. Kapag nagkataon ay ilalabas namin ng maaga ang mga bata sa tiyan ni Blessy. Kulang man ang mga parte nila ay kailangan ilabas kasi malalason sila at pati si Blessy ay manganganib ang buhay. Pero milagrong umabot sya ng pitong buwan. Kahapon lang ay tumitibok pa ang puso nito. Pero alam nyo na minsan, siguro nung pang limang buwan na ang tiyan ni Blessy ay napansin ko nang tumitigil ang tibok ng puso nito. Kaya alam ko na malamang ay hindi na sya magtagal pa. Salamat sa kanya at pinaabot nya ang pitong buwan para sagipin ang dalawa pa nyang kapatid." paliwanag ni tita Rose.

Napatakbo ako at nagpunta sa chapel. Napaluhod ako sa harap ng altar. Umiyak ako ng umiyak.

"Panginoon, kayo na po ang bahala sa anak ko." sabi ko sa isip ko.

"Anak kung nasaan ka man naroon ay mahal na mahal ka namin ng mama mo at mga kapatid mo. Hindi man namin ikaw makakasama pero palagi ka naming aalalahanin. Anak salamat sa pagliligtas mo sa mama mo at mga kapatid mo. Sana kung nasaan ka man ngayon ay maging masaya ka. Gabayan mo kami ng mga kapatid mo ha." bulong ko sa sarili ko.

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng umiyak. Mamaya ay kailangan ko nang magpakatatag para sa mga natitira ko pang mga baby at kay Blessy. Biglang may humaplos ng buhok ko habang nakaluhod ako.

"Nailabas mo na ba ang nararamdaman mo? Hinahanap ka na ng tita mo para makita mo ang panganay mong anak na namatay. Kaugali mo pala ang anak mong panganay. Gagawin lahat para sa mga nakakabatang kapatid nya." natatawang sabi ni daddy. Napangiti ako kay daddy. Alam kong pinalalakas nya ang loob ko.

"Mana lang kami sayo dad. Salamat dad. Tara na po. Gusto ko nang makita ang tagapagligtas namin." sabi ko.

Bumalik kami sa delivery room at pumasok ako. Nakita kong maayos na si Blessy at natutulog pa daw ito. Inaayusan naman ang dalawa kong anak na mga umiiyak. Nilapitan ko ang panganay ko na nakabalot sa tuwalya. Napaiyak ako. Kinarga ko ito at hinahikan ko ito ng paulit ulit.

"Salamat anak, salamat." paulit ulit ko itong sinasabi.

Tinanong ko si tita Rose kung pwedeng ilabas hanggang sa pinto para makita nila mommy. Pumayag naman si tita. Pagkalabas ko ay nakita kong lumuluha na silang lahat. Kinarga ito ni mommy at panay halik nya din dito. Paulit ulit nya ding sinasabi na mahal ka namin apo. Halos lahat sila ay hinalikan ang panganay kong anak. Pagkatapos ay pumasok ako ulit at tumabi kami kay Blessy habang karga karga ko ang anak namin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C59
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login