Download App
3.03% My Clumsy Girl / Chapter 2: Meet The Clumsy Girl

Chapter 2: Meet The Clumsy Girl

Leo's Pov

Umalis sina Mommy at Daddy kasama sina Lala, Lily at Liam. Masakit kasi ang ulo ko kanina kaya nagpaiwan ako. Nababato naman ako kasi wala akong magawa sa bahay. Si Lucas naman may practice sya ng basketball.

Nagpunta ako ng mall para sana bumili ng libro at para bumili na rin ng mga ireregalo ko sa mga bata sa Errol foundation. Next week na kasi ang anniversary ng parents ko at dun kami nagcecelebrate sa Errol foundation. Pinangalan yan sa Uncle Errol ko hindi sa akin hahaha.

Nakasanayan namin na dun magcelebrate at nakasanayan na din na hindi namin sila binibigyan ng regalo bagkus bumibili kami o gumagawa ng mga ireregalo sa mga bata sa foundation. Yun kasi ang gusto ni Mommy.

Mommy Lisa is a very nice person kaya nga hindi ako makapaniwala na dati syang nagawa ng field mission. Oo alam naming mga anak ang tungkol dun at kasali kami ni Lucas. Tinuturuan kasi kami nila mommy at daddy para matuto ng self defense and then nagustuhan namin sya kaya sumali kami ni Lucas sa pagiging agent.

Nung una ayaw pumayag ni Mommy pero ipinaliwanag naman ni daddy kay mommy ang dahilan ko which is para sa mga kapatid ko. Nagawa ako ng mission kapag may consent ni mommy. Madami na rin ako nagawang mission pero mga mild lang. Puro tech lang at lahat ng kinikita ko binibigay ko sa foundation.

Speaking of foundation, nalimutan ko na ang pagbili ng regalo. Nalibang kasi ako kakabasa sa libro sa bookstore. Sa sobrang dami kasi ng gusto kong basahin at natagalan ako sa pagpili. Bumili na rin ako ng mga libro para sa mga bata na nag aaral sa foundation.

Napadaan ako sa toystore nang may nakita akong mga robots. Naalala ko si Jun ang bata na foundation na medyo napalapit sa akin. Sanggol pa lang ito ng matagpuan ko sa park. Dinala ko sa  police station tapos sinabi ko na pwede nilang dalhin sa foundation namin kung walang magclaim na magulang.

"Miss pakikuha namaan ako ng 20pcs nitong robot tapos 20pcs nitong kotse. Hanggat maaari iba ibang kulay. Nagbabalot din kayo diba?" tanong ko.

"Opo naggigift wrap din po kami." sabi nung sales lady.

"Cge pakigift wrap na lang yan lahat pagtapos ko. Pipili pa ako ng iba." sabi ko. Tumango naman ang babae.

Pumili pa ako ng ibang laruan. Doll house at mga stuffed toys para sa mga babae. Medyo naparami ako ng bili kasi malaki ang kinita ko sa pag aagent.

Nagbayad naman ako sa cashier. Dinala ko muna ang mga libro at inayos sa kotse ko. Oo sa murang edad binigyan ako ni daddy Jk ng kotse. Madalang lang ako magdrive kasi ayaw pa ni mommy. Legal ba naman ako kasi i work as an agent.

Mukhang mapupuno ko ang kotse ko nandun na ang mga libro na binili ko tapos mga laruan, malamang punong puno ako nito. Babalikan ko na sana ang mga laruan baka kasi tapos na balutin kaso nagutom ako.

Pumasok ako sa Rainbow cafe and restaurants  Restaurant sya ni Agent Green na isa sa agents namin.

"Good afternoon sir Leo. Kakain po ba kayo?" sabi nung isang waiter. Kilala nila ako kasi halos lahat dito agents.

"Oo yung dati pa ring order ko na isang Lasagna at isang mango juice."  sabi ko at umupo ako sa bakanteng upuan. Saglit lang ang pag aantay ko ng pagkain.

"Eto na po sir Leo ang order nyo." sabi ng waiter.

"Pwede ba Leo na lang. Pare parehas lang naman tayo. At isa pa sina mom at dad lang ang amo nyo." sabi ko.

"Kayo naman po ang nakatakdang magmana nun eh. Kaya boss ko na rin kayo." sabi pa nya.

"Jayson, saka mo na ako tawaging ganun kung ako na mismo ang namamahala dun." sabi ko pa sa waiter. Tumango sya. Tinawag ko sya sa pangalan kasi bawal silang tawagin sa agent name nila dahil secret yun.

Umalis si Jayson at bumalik sa pwesto nya. Habang nakain ako napansin ko ang isang babae na panay sorry kay Jayson. Natabig ata ang juice nya kaya pinupunasan ito ni Jason.

Bumalik ako sa pagkain ko at habang kinakalikot ko ang cellphone ko. Natigilan ako kasi nakarinig ako ng isang tunog ng pagbagsak. Nilingon ko ito at nakita ko na yung babae kanina na nakatapon ng juice ay nabagsak naman ang cellphone nito. Nakita ko na pinulot nya iyon.

"Hala! May lamat na tuloy. Kainis naman." malungkot na sabi ng babae.

"Bakit naman kasi ang clumsy kong babae. Nakakainis talaga." sabi pa nung babae sa sarili nya.

Napangiti ako at napatitig sa kanya. She's beautiful but clumsy. Tumingin ulit ako sa cellphone ko. Napapangiti ako pagnaririnig ko na kinakausap nung babae ang sarili nya.

Tumayo ang babaeng clumsy at lumabas ng restaurant. Tinawag ko na rin si Jayson para bayaran ang kinain ko. Pagkatapos bumalik na ako ng toy store para kunin ang mga binili ko.

Hindi pa tapos ang paggigift wrap ng mga binili ko kaya nag ikot ikot muna ako sa toy store. Tumingin ako ng mga latest games. Babalik ako next time bara bilhan ng games si Liam sa nintendo switch nya.

Napansin ko ang isang babae na inaabot ang ibat ibang klase ng barbie. Medyo maliit ang babae kaya hindi maabot ang nasa itaas ng istante. Lumapit ako at kinuha ko ang barbie at binigay sa kanya.

"Salamat. Pwede bang pakuha na din yung 2 pa na nasa taas." sabi nya. Inabot ko naman ito.

"Yan lang ba?" tanong ko.

"Oo salamat ng marami. Sige alis na ako." paalam nya.

Pinagmasdan ko ito habang naglalakad lakad sa store ng tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si kambal ang natawag.

"Hello kambal nasaan ka? Bakit wala ka dito sa bahay? Akala ko ba masakit ang ulo mo kaya nagmadali ako ng pag uwi." tanong ni Lala.

"Nandito lang ako sa mall at hinihintay na mabalot yung mga regalo ko sa mga bata. Pauwi na rin ako. May papabili ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Bili mo ako ng donut. Uwi ka na ha. Love you!" sabi ni Lala.

"Okay. Love you too." sabi ko pagkatapos pinatay ko ang cellphone ko. Napangiti naman ako ng makita ko yung babae na papunta sa cashier na natapilok. Hindi naman ito sumubsob.

Lumapit ako sa mga nag gigiftwrap at kinuha ko ang mga binili ko tapos lumabas na ng store. Naiiling ako habang naiisip ko na ilang beses ba ako napangiti ng dahil sa babae na yun. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya kasi natutuwa ako sa mga kinikilos nya tapos pagagalitan ang sarili dahil ang clumsy nya.

Aayusin ko na muna ang pinamili ko bago bumili ng donut ni Lala. Somehow gumaang ang pakiramdam ko at nawala ang sakit ng ulo ko dahil sa clumsy girl na yun. Makauwi na nga at nagiging weird na ako.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login