Download App
20% Flash Fiction of ateElle / Chapter 2: Runaway Bride

Chapter 2: Runaway Bride

"Father, Magpapakasal na po kami, as in ngayon na."

Kumunot ang noo nito at parang may hinahanap.

Kinuha ko ang mga kamay ni Josh at ngumiti sa kanya. Ganon din ang ginawa niya at lumingon ulit kami sa pari.

"Ano na father! Magpapakasal kami. Alam ng mga magulang namin to at nasa legal age na kami." iritang sabi ko sa paring nagtataka ang mukha.

Sinabi ko yun baka kasi sa sobrang baby face namin ni Josh masabihan kaming mga batang gusto magkasal.

"Excuse me lang father ha." rinig kong sabi ni Crystal.

Hinarap niya ako at umiiyak ito.

"Tama na please, tama na Sky." iyak ito ng iyak.

Kapatid siya ni Josh tapos best friend ko siya. Alam ko namang mahal niya kaming dalawa kaya siya umiiyak.

"Sssh tahan na. Magpapakasal lang naman kami." tapos ngumiti ako.

Lumingon ulit ako kay father pero pansin kung wala na si Josh sa tabi ko.

"Josh?" Sambit ko sa pangalan niya.

Nilibot ng mga mata ko ang simbahan at nandoon siya sa may pintuan. Ngumingiti at umiiyak.

"Babe, asan ka pupunta? Magpapakasal pa tayo."

Humagolhol sa iyak si Crystal at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

"Sky! Tama na! Wala na si Josh... wala na."

umiyak ito ng umiyak na akala mo may namatay.

"Anong wala na e magpapakasal nga kami." Kalmado kung sagot.

"Sky please, makinig ka. Oo kasal niyo sana ngayon pero sky gumising ka! Patay na si Josh." niyugyog niya ako na tila ginigising.

"ANO BANG PINAGSASABI MO." galit kong tugon sa kanya.

Nilingon ko si Josh at ngayo'y naliligo na sa sariling dugo at umiiyak.

No, this can't be. Tumakbo ito papalayo kaya hinabol ko. Kahit mahirap dahil sa gown ko. Hinabol ko si Josh. Hindi pwedeng patay siya e hinahabol ko nga siya.

"Sky! TUMIGIL KA SA PAGTAKBO!"

Hindi ko na pinakinggan si Crystal at hinabol ko na si Josh.

Biglang nagdilim at tumulo ang mga luha.

May mga taong nagsilabasan at nag bulong-bulungan.

"Sky!" lumapit si crystal at inihiga ako sa kandungan niya.

"TUMAWAG KAYO NG TULONG... Sky paparating na ang tulong. okay?"

Ngumiti ako at naluha. Bumalik lahat ng sakit na hindi ko na gustong balikan. Nangyari nakita ko kung paano binaril at binanggaan ng kotse ang aking mahal.

Josh, ako'y papunta narin diyan sa hantungan. Mahal ko ako'y hintayin mo, ipagpatuloy natin ating pagmamahalan.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login