Habang patuloy ang photoshoot dumating naman na si Mr. Tang.
"Haysss... Why are you here ba kuya?"
Mr. Tang bonked her sister Desa "at bakit hindi ako pwede dito? Baka nakakalimutan mong ako ang President ng kumpanya!"
"Hayyyysss! Pag di ka tumigil kuya susumbong kita kay mommy!"
"Huh! Bumisita lang ako dito napaka big deal sayo. Lintek na bata to!"
"Whatever! By the way, your students are doing great. Grabe, ang ganda ni Barbie! Para talaga syang totoong Barbie doll! Bawat kuha sa kaniya ni Vien pak na pak! Wala atang pangit na angulo sa batang yon."
Nagkatinginan sila Mr. Tang at Drei na para bang proud "aba syempre, mana sakin."
"What? What did you just say?"
At na dulas na nga si Mr. Tang sa sinabing iyon pero buti nalang nakisawsaw si Drei "ah, ano... Ang ibig sabihin po ni Sir eh mana sa kaniya kasi syempre sya po na ang ditector ng AGA. Kaya natural lang po na elegant ang mga students namin gaya ni Sir. Di ba po?"
"O-- Of course! Dapat ganun nga kapag pogi yung director ganun fin ang students."
"Haysss... Baliw ka na kuya! But you want to see them? Patapos na din sila sa shoot."
Tumingin si Mr. Tang kay Drei at nag nod ito sa kaniya.
"Okay then, I want to see my child..." Medyo mahina ang boses ni Mr. Tang kaya di masyadong narinig ni Desa pero napatingin sa kaniya ito kaya naman siniko sya ni Drei.
"Sir!!!" Pabulong na sambit ni Drei.
"Le-- Let's go I want to see my students."
"Tsk! Bilisan mo nyo na nga kuya."
"Oo na!"
At ng mag punta nga sila Mr. Tang kung saan yung photoshoot na mangha sya sa nakita nya.
"She looks like her mom... My beautiful baby is now a lady."
"Ang ganda nya po no? Kita rin naman po kay Ms. Barbie na nakuha nya ang ilong at mata nyo."
Hindi masyadong malakas ang usapan nila Mr. Tang at Drei habang pinapanood nila yung photoshoot. Samanatala, si Desa naman ay busy dun sa photographer dahil sinasabihan nya ito kung saan ang magandang angulo at tintignan nya din ang mga recent photos nila Barbie habang wala sya kanina.
"Teka, bakit di mo sinabi kay Desa na wag pag suotin ng revealing clothes si Barbie?"
"Sir, paano pong revealing eh v-neck lang po ang suot nyang shirt ang simple nga po pero dahil si Ms. Barbie ang nag suot mukhang elegante. Kahit yung boys po grabe ang lakas ng chemistry nila kah Miss. Feeling ko papatok talaga silang apat."
"Heh! Kung ano-ano pinagsasabi ko yung suot ang sinasabi ko! Bakit parang ang iksi nung palda ni Barbie? Tapos yung shirt nya v-neck nga pero yunh cut masyadong mahaba!"
"Sir, summer outfit po kasi alangan naman pong mag jacket si Miss?"
"Sumasagot ka pa?"
"Eh Sir, hindi naman po ako stylist nila. Pero Sir, kanina ang ganda po ng suot ni Miss. Naka floral dress po sya at di po revealing ang cute nya po pinicturan ko nga po sya eh." Kinuha nya yung phone sa bulsa nya at pinakita kay Mr. Tang.
"Yeah. She so cute lutang na lutang yung kulay nya sa dress nyang suot."
"Di ba po? Ang puti ba naman ni Ms. Barbie kaya bagay po talaga sa kaniya mga dark color eh lalo syang pumuti."
Napatigil naman sa pag scroll si Mr. Tang at napatingin ng masama kay Drei.
"Yan Sir, yan po ang favorite kong picture ni Miss ang ganda kasi ng smile nya diyan ang candid."
"Sandali nga..."
"Po? Bakit Sir?"
"Bakit ka may picture ni Barbie?"
"P-- Po? Eh kasi po papakita ko po sa inyo."
"Sigurado ka yun lang yon?"
"Sir naman, parang nakababatang kapatid na ang tingin ko kay Miss."
"So, what do you think of me your father?"
"Daddy?"
"Eh kung sampalin kita?"
"Daddy naman... I mean Sir... Hahaha..."
"Heh!"
"Mr. Director!" Sambit ni Barbie na kasama rin sila Kenny, Baron at Thew.
Nagulat naman si Mr. Tang sa biglang pag sulpot nila Barbie.
"Salamat po sa opportunity." Sabi ni Baron.
"Oh, no need to thank me."
"But still kung hindi po dahil sa pag payag nyo wala po kami dito." Sabi ni Thew.
"Oh... Not a big deal you guys are awesome kaya dapat lang na ilabas nyo yan."
"Yes, he's right bagay na bagay kayo sa ganitong industry. All of you did a great job." Sambit ni Desa.
The four students bowed their heads at sabay-sabay nag pa salamat kila Mr. Tang at Desa.
"No worries guys, ano ba kayo?! Basta kapag may ibang kumuha uli sa inyo ako agad sabihan nyo." Sabi ni Desa.
"At bakit ikaw? They're my students from my Academy." Sagot agad ni Mr. Tang.
"I know, but from now on ako na ang manager nila."
"Wait what?"
"Di ba guys? "
"Ah... Eh pwede naman po ang bait at maalaga po kayo samin." Sabi ni Barbie at sumangayon naman sila Thew at Baron.
"See, they liked me kuya."
"Kuya? Mag kapatid po kayo?" Anila.
"Ah, unfortunately yes he is my brother. Di kami mag kamukha no?"
"Desa!!!"
"Kuya?"
At natawa naman yung tatlo nila Barbie maliban kay Kenny na kanina pa walang imik.
"."
Natapos na ang photoshoot pero bago magsi uwi yung apat nilibre muna sila ni Mr. Tang sa isang mamahaling restaurant.
"Salamat po sa pagkain." Anila at kumain na nga sila ng pananghalian.
"How's the food?" Tanong ni Mr. Tang.
"Um. Masarap po." Sabi ni Baron.
"Just eat lang guys si kuya ang mag babayad nyan." Sabi ni Desa.
"Hehe... Salamat po."
Napansin naman ni Mr. Tang na inililipat ni Barbie yung carrots sa plato ni Kenny at kung ano pang nasa food nito na kakaiba.
Bilang meat lover si Barbie ang pinakaayaw nya talaga ay ang mga vegies.
"Tsk! Ayan ka na naman kainin mo." Sambit ni Kenny sa mahinang boses.
"Ayoko!"
"Sinabi ko naman kasi sayo na umuwi na tayo ipagluluto nalang kita. Ayaw mo pa!"
"Shhh... Kumain ka na nga lang diyan!"
"Isusumbong kita kay daddy sasabihin ko na di ka na naman kumakain ng gulay."
"Edi wow!"
"Edi wow ka diyan!"
Naririnig naman ni Thew yung usapan nung dalawa bilang pinag gigitnaan kasi nila ni Kenny itong si Barbie sa upuan.
"If you don't like the vegies you can put it into my plate."
"Oh, its okay. Nailipat ko na kasi sa plato ni Kenny lahat. Maybe next time? Hehe..."
Thew smiled "yeah... anytime."
"Cough! The other dishes are here kain lang kayo kids." Sambit ni Mr. Tang na kanina pa nakatingin kila Barbie kaya naman ineterupt nya ang mga ito.
"Oh, hindi ka rin nakain ng vegies Barbie?" Sabi ni Desa.
"Ah, opo eh... Sorry po."
"No its okay, may ayaw ka bang dish sa inorder? Do you want something?"
"No, its okay na po happy na po ko basta may meat."
"Yeah... Napansin ko nga para ka kasing si kuya di rin yan mahilig sa gulay meat lover din."
Napatingin naman si Barbie kay Mr. Tang kaya naman nahiya bigla ang director at umiwas ng tingin.
"Hindi rin po kayo mahilig sa gulay, Mr. Director?"
Napatingin naman si Mr. Tang kay Drei pero umiwas ito ng tingin sa kaniya at kumain lang ng kumain na para bang dedma lang.
"Ye-- Yes hindi ko kasi kaya yung lasa. What about you? Bakit ayaw mo ng gulay?"
"Ah, ganun din po ewan ko po ba parang iba na yung feeling pag nginunguya na po di ko bet po talaga."
Mr. Tang smiled at nakita yun ni Desa at pakiramdam nya may kakaiba sa mga ngiti ng kaniyang kuya.
***
Umaga ng Biyernes masayang masaya si Desa dahil may good news sya para sa kuya nya. Kaya naman habang kumakain ng breakfast ang family nya pumunta na agad sya sa kwarto ng kuya nya.
"Where are you going? Finish your food!"
"I'm done na Mom. May sasabihin lang po ako kay kuya."
At dali-dali na nga syang nag kakatok sa pintuan mg kuya nya.
"What?"
Pagka bukas na pagka bukas ng pintuan pumasok na si Desa sa room ng kuya nya.
"Desa!!!"
"Just sit down first."
"What the heck are tou doing here? Malalate na ko!"
"Hello, Director ka ng school okay lang na malate ka isa pa nasa baba sila Mom."
"What? Kailan pa dumating si Mom?"
"Early in the morning pero di yun ang gusto kong sabihin sayo."
"Then what?"
"Kasi nga yung students mo gustong kuhaning commercial model ng isang sikat na clothing brand then may nag email pa sakin na gusto rin nila i-guest yung apat lalo na si Barbie sa isang variety show."
"Wait, what? I don't understant what are saying."
"Haysss... Ganun ka na ba katanda kuya para di gumamit ng social media? Malamang naging instant celebrity sila dahil dun post ko."
"What? Di ba ang sabi mo you just need them for a photoshoot if your new project."
"Kaya nga! Kuya naman, para namang di mo ko kilal syempre marami na kong followers sa mga social media ko kaya yung mga naka gusto dun sa product lalo na dun sa apat shinare nila sa mga social media nila."
"Then?"
"Then... Sikat na yung apat! Imagine kuya ilang araw palabyung advertisement nag post lang ako ng ilang pic nila tas boom! But I think dahil yun sa bts eh."
"Bts? Kpop Idol?"
"Haysss... Ewan ko sayo! Behind the scene! Kainis naman kuya!"
"Heh!"
"Pero hindi pa ako nag post ng bts ng photoshoot I think one of our staff post it kaya rin siguro nag boom yung pictorial nung apat."
"Teka lang you mean instant celebrity na sila?"
"Um. At sure simula ngayon dadami na ang followers nila sa social media maraminna din mag papapicture sa kanila. Sabi ko sayo eh ako na ang manager nila."
"Tsk! Hindi ka nag iisip Desa."
"Ha?"
"We need to go."
"San pupunta? May work pa ko."
"Tsk! We didn't send any security to the kids baka mamaya kuyng mapano na sila m. Like what you've said instant celebrity na sila."
"So?"
"Anong so? They're from my Academy so that means they're all my responsibilities."
"I know, but can you calm down? This isn't like a gera kuya. I know they're instant celebreties but duh! Ano bang inisiip mo kukuyugin sila sa bagay nila? Of course not! Iba na ang era ngayon kuya. Isa pa well secured ang Academy. Inaalala mo ba talaga yung apat o si Barbie lang?"
"Wha-- What? Of course all of them!"
"Tsss! I know you kuya. Alam ko kapag may tinatago ka sakin aminin mo crush mo si Barbie? Kuya naman ang bata pa niya siguro yung nanay pwede pa."
"Did you know her mother?"
"Huh! Wow! At intetesado ka talaga? Baliw ka na nga kuya! Anong gusto mo maging kabet? Sisirain mo pa yung pamilya nung bata."
Mr. Tang bonked her "what are you trying to say? Ha?!"
"Hmm? Akala ko kasi gusto mo ng maging kabet.
"Eh kung ihulog kita sa bangin? Gusto mo?!m Sira ulo ka!"
"Eh kasi naman nung kumain tayo sa restaurant kasama yung apat iba yung ngiti mo kay Barbie. Pero kuya naman parang tatay ka na nung bata papatusin mo pa?"
Mr. Tang bonked her again "wala akong sinabing papatol ako sa mas bata sakin. Sira!"
"So ano pala yon? Bakit kung maka ngiti ka kay Barbie parang ang saya- saya mo. Yung tipong ngiti ng isang proud parents sa anak nila tsaka..."
Napahinto si Desa sa pagsasalita nya dahil naalala nya na may pagkakatulad ang kuya nya kay Barbie.
"Wait... Don't tell me kuya... A-- Anak mo si..."
"Anak? Who's anak you are talking to?"
Nagulat naman yung mag kapatid dahil bigla ngang sumingit ang kanilang ina na si Donya Celeste.
"Mo-- Mom." Sabay sambit nung dalawa na gulat na gulat.
"Dumating na po pala kayo from vacation. Bakit di po kayo nag sabi?"
"Huh! Jeron, my dear son... Are you blind?! Alam mo ng dumating ako ni hindi ka man lang nag pakita? Ako pa talaga ang pupunta sa kwarto mo?!" Pagalit sa sambit ni Donya Celeste.
"So-- Sorry po Mom'ma."
"Mom'ma... Calm down he didn't know naman talaga na dumating ka na ako lang ang nag sabi. Were talking pa kasi about business kaya di pa sya na baba. Right kuya? Were talking business?"
Tinaas ni Desa ang right eyebrow nya na para bang isa yung signal.
"Ye-- Yes were talking about business."
"That's right! Wala ng iba kung hindi business."
"Then, what about the anak thing? Yung narinig ko kanina?"
Nagkatinginan yung mag kuya "a--anak? Mom, baka iba po ang narinig nyo cause kuya and I were just talking about business here."
"Well then, bumaba na kayo!"
"Opo Mom'ma."