"Every now and then a man's mind is stretched by a new idea or sensation, and never shrinks back to its former dimensions."
-Oliver Wendell Holmes Sr., Autocrat of the Breakfast Table
DRACULO
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng bahay. Ang sinag ng araw na tumatama sa kwarto ko na nanggagaling sa labas ay nasa bandang kumot ko na, senyales na late na kong nakagising.
Kinapa-kapa ko pa ang higaan ko para kunin ang phone ko at nang matingnan ko kung anong oras na. Nasa bag ko pala yung phone ko at yung bag nasa study table.
Ang sakit ng katawan ko ah. Ano bang ginawa ko kagabi?
At dahil sa sakit ng katawan ko ay tinamad akong bumangon kaya mula sa kama ay sinubukan ko na lang abutin yung bag ko gamit ang paa. Pero ang hirap pa din pala.Pati ang salamin ko nakalimutan kong tanggalin dahil sa pagod. Wala na kong nagawa kundi bumangon kahit na ang sakit ng katawan ko.
Sumilip ako sa may bintana para makita kung ano nga ba ang kaganapan sa labas at bakit ang ingay-ingay nila.
Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung mga inaanak nila Lolo at Lola sa labas. Teka! Malayo pa ang pasko ah!
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta ng sala para tingnan sa kalendaryo kung anong buwan na ba? Baka kasi nakatulog ako ng ilang buwan at hindi ko man lang namalayan na magpapasko na pala.
August pa lang ngayon. Anong ginagawa ng mga yun dito?
Taon-taon bumibisita ang mga inaanak nila Lolo at Lola para mamasko, pero mukhang napaaga 'ata ang pasko sa planeta nila kaya nagpunta na sila rito. Hihingi ba sila ng abuloy?
Pumunta muna ako ng banyo para maghilamos at mahimasmasan. Nagtoothbrush na rin ako bago lumabas.
Ayoko sanang lumabas kaso baka masermonan ako nila Lola kapag nadatnan nila akong nakahilata pa, ayoko ring mapagalitan kaya wala akong choice kundi lumabas at harapin sila.
Nadatnan ko ang ilang mga kabataang nasa edad ko lamang na nagtatawanan habang nakikipagkwentuhan kay Lola. Namataan ko rin si Lolo na kausap ang isang babae, lalapitan ko na sana siya nang biglang...
"Oswiiin!" dali-daling lumapit saakin ang isang Mestizang babae na nakasuot ng Floral fitted crop top na naka-tuck in sa kanyang white shorts na kaganina lamang ay kausap ni Lolo. Agad akong niyakap nito.
Halos hindi na ko makagalaw nang idikit niya saakin ang katawan niya. Nakaramdam pa ang kanang braso ko ng isang malambot na bagay.
"Pumo-pogi ka ah!" at mas lalo niya pang idinikit ang kanyang katawan sa katawan ko.
"S-sandali" pagpupumiglas ko ngunit hindi pa rin talaga ako makagalaw.
Pwede bang maghinay-hinay siya sa pagdikit sa'kin? She is already violating my distant seclusion.
Nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Muntik na kong mamatay dun ah! Napahawak pa ko sa dibdib ko dahil sa pigil-pigil na paghinga kanina.
"Oh Naaalala mo pa ba siya?" tanong sakin ni Lolo na nakangiti pa at mukhang nang-aasar.
Tiningnan ko naman ang babaeng muntik nang makapatay saakin. Nakangiti siya at nakabrace pa. Umiling ako bilang sagot.
"Wala pang boypren 'yan." kinindatan pa ko ni Lolo nang sabihin niya yun. The hell I care?
"Wala pang gir-pren 'yang si Artemio." bumulong si Lolo sa babaeng katabi ko, umurong ako sa kaliwa para madistansyahan siya.
What the heck?
Binubugaw 'ata ako ni Lolo eh!
"Tahimik kasi. Nakuha nga ang kagwapuhan ko, hindi naman nakuha ang galawan ko."
"Pangit kasing tularan ang isang malanding kagaya mo." sumingit na si Lola sa usapan na kani-kanina lang ay kausap ang iba pa nilang inaanak.
"Nak-o, kung sigurong nakita mo ako noon nung kabataan ko, wala yang mga artista ngayon na naka-kojic sup."
Mali 'ata ang desisyon ko na lumabas. Papasok na sana ako sa loob nang tawagin ako nung babae.
"Oswin." medyo mahina ang kanyang pagkakasabi pero sapat lang ang lakas nito para marinig ko.
Huminto ako at nilingon siya, napansin ko naman na lumapit ulit siya papunta sa direksyon ko.
"Di mo ba 'ko naaalala?" is there anyone else here who know this girl? Kasi ako hindi ko talaga kilala.
Isn't it obvious? Kung kilala kita or naaalala kita or whatever, I would've waste my effort just to entertain you here. Pero hindi. So it's a No, of course.
Umiling ako bilang sagot.
"Tahimik mo pa rin. Seems like nothing's changed." marahan siyang tumawa, kitang-kita yung brace sa ngipin niya. Is that the reason why she smiles a lot dahil alam niyang nakabrace siya? Or trip niya lang?
Nagpatuloy lang siya sa pakikipag-usap sa'kin but my ears are not listening. Sinusuri ko lang ang pagkatao niya. Ngayon ko lang din napansin ang kulay Black na Ford Range na nakapark sa tapat ng bakuran namin, 'yun siguro ang sinakyan nila papunta rito.
I look at her from head to toe, mukha siyang galing sa mayamang pamilya base sa pananalita niya. Her legs are also white, one of the prompting signs that she can afford to get a glam remedy. Malinis rin siyang tingnan and every small act she do has poise. Malaki rin ang. . .nevermind.
"Sino ka ba?" Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko na matagalan ang pag-stay sa harap ng isang babae.
Her face became speechless. "Ah-uhm. Scarlett. Scarlett Nochefranca. Y-your childhood friend pero di mo na 'ata naaalala" ngumiti ulit siya but it's somehow awkward.
Huminga ako ng malalim bago muling magsalita. "Ok." tumalikod na ko at pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko na hinintay ang response niya dahil wala rin naman akong balak na kausapin siya.
Dumiretso ako sa kusina para maghanda ng sariling umagahan. Malamang nauna nang kumain sila Lolo dahil alam nilang darating ang mga hinihintay nilang bisita.
Hilaw na sibuyas at Gatas lang ang inihanda ko. Sarap. Hindi rin ako sinanay sa karne kaya ayoko yung lasa nun.
I enjoy being alone. I enjoy having my life alone- except without my Lolo and Lola. Their happiness are my happiness too, kahit magunaw na ang mundo basta't kasama ko lang ang Lolo at Lola ko. I'm not into people's attention 'cause I'm already filled by their love.
Ini-on ko ang radyo sa sala para malibang ang utak ko kaso tumambad sa'kin ang isang lumang kanta na mga nasa 1950's to 60's pa ang taon. If I'm not mistaken, this song was was sung by Aubrey Hepburn during out her movie, Moon River. The song was originally composed by Henry Mancini- one of my favorite musician- the man behind the Pink Panther theme.
Moon River,
Wider than a mile
I'm crossing you in style someday
Oh dream maker, you heart breaker
Wherever you're going, Im going your way
Two drifters, off to see the world
There's such a lot of world to see
We're after the same rainbows end
Waiting 'round the bend
My huckleberry friend,
Moon River and me
The song was planned to be named as "Blue River" but it turned out to "Moon River", inspired by the waterways of a Southern City and wild bushes of berry trees.
Naalala ko tuloy ang katabing ilog ng nakatagong burol sa Green Area ng Graham High.
Aside from it's background, may ibig-sabihin rin kung bakit iyan ang itinutugtog sa araw na ito. . . Because It's Sunday! Araw ng simba, misa at iba pa.
I execrate the word "Sunday", to be honest. People who are hypocrites go to church every sunday, they will worship the God of Bupkis- the one who's not even exist. People tend to be easily deceive by illusory things, they just want to percept the exterior that's why it became the user to use them as a blinded thrall.
Sinasamba nila ang isang rebulto! My goodness. Is there anymore stupid and insane than this?
This day will going to be worse than I expected. I turned off the radio as I finished my breakfast. Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang bag ko sa aking study table. I checked out my phone and. . .what the hell?
82 missed calls from 09**-546- 86**
Sino ba 'tong tumawag?
I immediately open the missed call number and wait it to answer my call. Hindi naman 'to tatawag kung hindi mahalaga. Who the hell would make a call in 82 times?
"Hello"
"Your number called me several times" sabi ko.
"You bastard! Yesterday was our rehearsal for Contemporary arts! Bakit hindi ka pumunta? Di ka ba nagbabasa ng gc natin ha?!" a voice of a guy greeted me with a shout.
"Nope. Who's this?" walang ganang sambit ko.
"F*ck you. This is Knox ." oh, kaya pala kaboses niya.
"Ok." Napahikab pa ko dahil sa sinabi niya.
"Is this Urgent?" tanong ko.
"Of course! May practice ulit tayo bukas! Don't even dare to escape or else"
"Or else what?"
"I will cut your chords! Pinapasabi ni Damien na tapusin mo na raw yung Computer Software at pag hindi mo nat--" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya dahil puro pagbabanta lang naman ang sasabihin niya.
I thought the business is urgent but seems like kid is having a tantrums.
Nahiga ako sa kama ko at nagbrowse sa facebook.
15 messages
1 notification
I checked the messages and there I visit our GC in Contemporary Arts.
Contemporary Arts💯🎨
Yesterday 8: 34 am
Blossom Yuzon: Where are you na@Ivory Nuesca?
Knox Arcilla: Nasaan na kayo?
Noreen Viernes: @Ivory Nuesca @Draculo Labaho
Yesterday 9:02 am
Ivory Nuesca: Nasaan kayo?
Damien Demorn: Gymnasium
Yesterday 9: 27 am
Damien Demorn: We have a practice @Draculo Labaho
Yesterday 9: 46 am
Damien Demorn: @Draculo Labaho
Yesterday 9: 53 am
Blossom Yuzon: @Draculo Labaho
Yesterday 10: 04 am
Ivory Nuesca: @Draculo Labaho May balak ka bang makipractice?
Yesterday 10:17 am
Knox Arcilla: @Draculo Labaho! Sagutin mo tawag ko!
Yesterday 10:24 am
Knox Arcilla: F*ck you @Draculo Labaho
I checked the other messeages and there I saw the message of Phibian.
Wednesday 7:52 pm
Phibian Amorsolo: Good Evening Artemio. Don't forget our Video Presentation Tomorrow.
I also checked the message of an unfamiliar but seems familiar name.
Tuesday 5:12 pm
Klenda Delizo: Love, I'm here at school canteen wanna meet me?
Wednesday 8:13 pm
Klenda Delizo: Hey Love! Saan ang date natin sa Thursday?
What the hell. Love? Ew.
After checking those annoying messages, napagpasyahan ko na matutulog na lang ako. Wala rin naman akong gagawin ngayon araw na 'to, tapos ko na rin ang mga gagawin sa school.
Kaso mukhang mauudlot 'ata ang plano ko dahil nakarinig ako ng makailang bakas ng pumasok na paa sa loob ng bahay. Rinig na rinig ko rin ang boses ni Lola na nakikipagtawanan pa. Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko para mas lalong marinig kung ano ang kaganapan sa sala.
"Gumaganda bahay niyo Ninang" sabi ng isang lalake na isa sa mga kausap lamang ni Lola kanina sa labas.
"Hindi na nga 'ko ga'nong nakakapaglinis kasi pati sa sabado eh umaalis si Artemio. Ang Ninong niyo naman eh araw-araw ding pumupunta sa kabilang bukid para mag-ani. Wala tuloy akong nakakasamang mag-linis dito."
Kinuha ko ang earphones ko at bumalik sa kama para mahiga.
Nagpatugtog ako at sinagad ko ang volume para wala na talagang marinig ang aking tenga. Bukod sa Pasko at Bagong Taon, ito rin ang pinaka-ayaw ko sa bawat taon- Ang bumisita ang mga inaanak nila Lolo at Lola.
Bakit?
Una. Wala akong magagawa kundi makipag-usap sakanila at 'yun ang pinaka-ayaw kong gawin sa buhay ko. Aksayado sa oras at aksayado rin sa laway.
Pangalawa. May mga inaanak silang babae at babae ang pinaka-ayaw kong nilalang sa buong mundo (except for my Lola and my Mother)
Pangatlo. Ulitin niyo yung dalawang nauna.
"Bakit hindi ka pa nagbibihis!" bigla akong napatalon sa kinahihigaan ko nang bigla akong hampasin ni Lola ng walis tambo.
Paano siya nakapasok dito???
Malamang dumaan siya sa pinto. Hayst.
"Aray po." mahinang sambit ko, napahawak pa ako sa binti ko na siyang tinamaan ng walis tambo. Inalis ko na rin ang earphones ko para mas marinig ko si Lola ng malinaw.
"Magbihis ka na. May pupuntahan tayo." umamba pa si Lola na hahampasin ako pero umalis rin lang siya.
Ngayon ko lang na-realize na nakabukas pala yung pinto ng kwarto ko, nakita tuloy ng mga inaanak nila ang kahihiyan na nagawa ko. Alright.
"Draculo! Ikaw na 'yan?" isang lalake ang napadaan sa tapat ng kwarto habang may hawak na baso ng tubig. Napaturo pa siya sa'kin na parang di makapaniwala.
And who the hell is this?
Tiningnan ko lamang siya mula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang matino base sa pananamit niya kaso ang baduy lang tingnan nung Pink Floral polo shirt niya na naka-tuck in sa Black shorts niya, nakasuot pa siya ng leather sandals na hindi naman tumerno sa suot niya.
Of course, sino pa bang Draculo ang kausap mo? I'm the only Draculo in this House.
Pinaningkitan ko lang siya ng mata.
Sino ba 'to?
Ngayon lang ako nakakita ng ganyang pagmumukha.
Tumawa siya at agad na lumapit sa'kin. "Hey! Kamusta na?" hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
Nag-automatic naman ang kamay ko na alisin ang kamay niya.
"Don't touch me." hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin iyon dahil sa hindi komportableng pakiramdam.
"Hahaha! Sabi na eh! Ikaw nga talaga 'yan! Akala-" napamewang siya dahilan para matapon ang tubig na nasa baso at mapahinto siya sa pagsasalita.
Tiningnan ko lamang ang natapon na tubig tsaka ko ibinalik ang tingin ko sakanya.
"Sino ka ba?" napakrus ako ng braso.
"Gebrand! Your Man!" akmang ipinalawig niya pa ang kanyang mga braso na nagsasabing 'Come-to-daddy'.
Gebrand? Seems familiar. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya.
Napahawak ako sa baba ko habang kinikilatis siyang mabuti. Mukha siyang hindi katiwa-tiwalang tao.
"Okay." I let a deep sigh.
"Wala bang group hug dyan? Ang tagal nating hindi nagkita ah!"
"No."
"Wala ka pa ring pinagbago. Suplado mo pa rin."
Sa totoo lang, medyo nakakairita na rin ang taong ito. Hindi pa ba siya nakakahalata?
"Get out." seryosong tugon ko.
"H-huh?" nawala naman ang ngiti na nakapinta sa mukha niya.
"Get out." pag-ulit ko.
Bingi ka ba? Or sadyang hindi lang makaintindi?
Napakamot naman siya sa kanyang ulo at walang nagawa kundi umalis ng kwarto ko. Nang makalabas siya ay ini-lock ko na ang pinto. Iba na ang nakakasigurado na wala nang papasok dito dahil ayoko na ng may nanggugulo sa'kin.
Inihanda ko na rin ang mga gagamitin ko at ang isusuot ko. Saan naman kaya kami pupunta at binalak pa nila akong isama sa kadramahan nila.
Matapos kong maihanda ang mga gagamitin at isusuot ko, naligo na 'ko at nagbihis.
Gray V-neck shirt at white shorts na tinernuhan ng White Rubber shoes ang una kong nakita kaya 'yun na lang ang isinuot ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin pero ang labo. Ni hindi ko makita ang mukha ko- oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan na isuot ang salamin ko, lumiwanag ang lahat nang maisuot ko na ito.
Ibinulsa ko ang earphones at phone na lagi kong kasama. Kung saan man ako dadalhin ng mga taong nandirito, ang mga bagay na ito na ang bahala sa pagtakas sakin.
Paglabas ko ng kwarto ay nasa sala ang mga inaanak nila Lolo at Lola na nanonood pa ng T.V namin. Titig na titig lang sila sa Cartoon na pinapanood nila habang ako naman ay lumabas na ng bahay.
Ayokong tumagal sa loob habang kasama ang mga 'yun. Isinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog. Nagmuni-muni rin ako sa bakuran namin.
"Gusto mo pa ring mapag-isa hanggang ngayon." isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa likuran.
Napalingon ako sa taong nagsalita at akmang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tinanggal ko ang isa sa earphones na nakasuot sa tenga ko.
"Alam mo, kataka-taka talaga na hindi mo kami maalala." naglakad palapit saakin si Scarlette at tinabihan ako sa pagtayo.
Tinitingnan ko lamang siya habang nakatanaw siya sa malayo.
"Sabi ni Ninong wala ka pa daw Girlfriend. Totoo ba 'yun?" lumingon siya sa'kin at tinitigan ako sa mata.
Naningkit lamang ang mga mata ko.
"Di na 'ko magtataka. Sa tahimik mong 'yan at halos di mo na ko kausapin, di na ko magtataka kung wala ka pang girlfriend hanggang ngayon." napangiti pa siya nang sabihin niya ang mga iyon.
"Kung magkakaroon ka man. . . napakaswerte ng babaeng makakabinggwit ng puso mo."
Inalis ko ang tingin ko sakanya. She has a point pero wala akong balak na tumugon sa mga sinasabi niya. Wala rin akong balak magkaroon ng Girlfriend at kung magkakaroon man, bababa muna ang isang anghel(yung may pakpak) sa kalangitan bago mangyari yun pero engk! Angels don't exist, they're just an image made by people to gain some attention.
I prefer aliens rather than angels.
"A-ayoko magka-girlfriend."
"That's good."
Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Ngumiti ulit siya nang lingunin ako.
"Kakagaling lang namin last week sa Japan. Nung nalaman ko na pauwi na kami, ikaw ang unang pumasok sa isip ko."
So childhood friend ko nga talaga siya?
"I wonder kung ilang babae na kaya ang naligawan mo or kung focus ka lang sa pag-aaral mo."
The heck?
I'd rather die in making such Thesis than flirting with girls.
"Pero base sa actions mo, pag-aaral ang inaatupag mo."
Definitely.
"Can you. . .tell me. . .how close. . . We are since then?" nag-aalinlangan akong magsalita ng napakahaba but because of curiosity di ko napigilan ang magtanong.
"More than you imagine this time."
Bestfriends? What?
"What? How?"
"Hahayaan kitang malaman kung gaano tayo ka-close noon. Sapat na sa'kin yung makita kita ulit." ngumiti ulit siya but I didn't bother to smile back dahil ayokong ngumiti.
"Oh nandyan lang pala kayong dalawa." rinig kong sabi ni Lolo mula sa likuran namin. Pareho kaming napalingon ni Scarlett sa nagsalita.
Nakabihis na rin sila Lolo at Lola. Nasa labas na rin ang iba pa nilang inaanak.
"Ano? Kayo na ba? Mag-gerpren-boypren na ba kayo?" tanong ni Lolo na agad namang napa-aray dahil siniko ni Lola.
"Kalandian mo nanamang matanda ka. Hayaan mo ang mga bata."
"Nagtatanong lang naman eh. Anong masama doon?" napakamot pa si Lolo sa ulo niya. Natatawa ako sa kanila, ang cute nilang tingnan pero di ko magawang tumawa kasi tinatamad yung bibig ko.
"Tara na po?" tanong ni Scarlett.
"Tara na Ija." tugon naman ni Lola.
*****
Kung alam ko lang na dito kami pupunta, tumanggi at nagprotesta na sana ako. Wala akong alam sa plano nila ni hindi ko nga sila narinig na nag-usap usap patungkol dito.
Ipunta niyo na ko sa lahat huwag lang sa Simbahan. Mas gugustuhin ko pang mapunta sa Arctic ocean kasama ang mga sealion kaysa mapunta rito.
Traitors!
"Ang sinumang bulag ay dapat makakita, ang sinumang bingi ay makaririnig, ang sinumang pilay ay makakalakad at nangyari nga. Ang bulag ay nakakita, Ang bingi ay nakarinig at ang mga pilay ay nakapaglakad." sabi ng pari na sinamahan pa ng hand gestures.
"Si Hesus ay napakamakapangyarihan. Nagagamot niya ang mga taong may sakit at may kapansanan. Nakagagawa rin siya ng mirakulo ngunit! Ngunit may mga tao pa ring tumuligsa at hindi sumang-ayon sakanya."
"Sa tingin n'yo, bakit may mga tao pa ring tumutuligsa kay Hesus kung siya naman ay mabuting tao, kung siya naman ay nakapagpapagaling ng may sakit, kung siya naman ay nakagagawa ng mirakulo?"
Umingay naman ang loob ng simbahan dahil sa bulong na siyang sagot ng mga nakikinig.
"Dahil ito ay ayon sa Ama. Upang ang pagbabayad-sala ay mangyari. Sa tingin niyo ba, kung wala ang mga taong tumuligsa kay Hesus ay matutuloy ang kanyang pagkapako sa krus? Maaaring Oo at maaari ring hindi. Ngunit ang mga taong tumuligsa at tumutuligsa ay magiging instrumento upang matuloy ang perpektong plano."
Alright. I guess the message is suits for me. You can't blame me, there's no even scientific explanation how Jesus woke after death. Bible was translated and revised by how many countries and languages, paano tayo nakasisigurado na exact nga ang mga pangayayari sa bible?
I'm against with the belief of majority. Also, take a look at this scenario given and preached by those dumb priests; "Hindi mapupunta sa langit ang mga batang hindi nabinyagan" that's ridiculous! How about those kids that tasted the way of abortion? Did it make any sense?
See? False Doctrine made by Hypocrites and Imagination.
Funny how people play with themselves.
Another one, how come that Mary got into pregnant if she was still a virgin? Yeah yeah... I heard the story of it. Insert Quotation Mark Diyos daw ang gumawa ng anak sa sinapupunan niya. What the hell? Did they considered it that Mary was raped by an unseen creature? I guess not.
Did their organs do the process of fertilization? Or yung process ng pag-inject sa isang babae para mabuntis? Lemme process the process of those process hahaha.
I'm so done with this. Tamad akong makinig and this time...I want to be the King of all Kings of Lazy Listener.
Natauhan na lamang ako nang makita ko ang mga kasama ko na nagsitayuan. Nakigaya na lang ako.
Dahil walo kaming magkakasama ngayon, sakop namin ang isang upuan. Sa gawing kanan ko ay magkatabi na nakaupo sina Lolo at Lola, samantalang sa kaliwa ko naman ay si Scarlett na sinundan ni Gebrand at ng tatlo pang inaanak nila Lola at Lolo.
Nagsimula silang umawit ng "Ama namin", itinaas nila ang kanilang mga kamay at hinawakan ang kamay ng bawat isa. Hinawakan ni Lola ang kanang kamay ko at sa bandang kaliwa naman ay nakahawak rin si Scarlett.
I need to find a way to get out of this. Mamamatay ako ng maaga pag hindi ako nakaalis dito.
"Pasmado na ang kamay mo apo." narinig kong bulong ni Lola sa'kin.
Pinagpapawisan na rin ako, kailangan ko na talagang makaalis dito. Napalunok pa ko dahil dun. Tiningnan ko rin si Scarlett na nakapikit habang nakahawak sa kaliwang kamay ko.
I hate this scene.
I hate this day.
How I wish na biglang masisira ang bubong ng simbahan at magpapakita ang isang UFO habang bumababa ang mga aliens para kunin ako. But that's impossible.
Sa susunod na yayayain nila akong lumabas, tatanggi na ko.
Wanna know kung bakit hindi ako naniniwala kay Hesus?
Kung talagang siya ang tagapagligtas, bakit marami pa ring taong nahihirapan? Kung talagang siya ang nagbayad ng mga kasalanan, why there are still people who commit sins? Kung talagang nag-eexist siya, bakit may mga kagaya ko na doubters pa rin? Kung talagang nabuhay siya matapos ang tatlong araw na pagkapako sa krus, bakit ang patay ngayon ay hindi pa nabubuhay?
Dahil hindi siya totoo.
Gawa-gawa lang siya ng mga taong gustong mapasailalim ang iba sa kanilang kapangyarihan.
Just like how the spaniards manipulate the Filipinos in old days. Ginamit nila ang kanilang pagiging kristiyano para malinlang ang mga datu at raja, naniwala naman sila kaya dumaan ang pilipinas sa tatlong siglong pagka-alila.
See?
Cycle.
I don't care if other people throw words on me, I stand where I am dahil alam kong 'yun ang totoo.
Science can explain everything and every little thing, at kung may isang bagay man na hindi pa na-eexplain ng Science, malamang ay dumadaan pa ito sa proseso ng pagdiskubre.
Nang mapagtanto kong magsisi-upuan na ang lahat ay ginawa ko na itong tsansa para makaalis.
"Lola." mahinang tawag ko kay Lola.
"Bakit? Kanina ka pa hindi mapakali?"
"Natatae po ako."
Napansin ko naman na nagsilingunan ang mga tao na nakaupo sa harap namin, maging si Scarlett ay napangiti nang tingnan ko siya.
"Hindi mo na ba kayang pigilan? Sampung minuto na lang ito." akmang napatingin pa si Lola sa kanyang relo na nasa kanyang kanang kamay.
Umiling ako bilang sagot.
Tumango naman si Lola bago magsalita. "Sige. Mag-iingat ka dyan. Balik ka dito agad."
Tumango ako at tumayo sa aking kinauupuan. Tinahak ko ang daan palabas ng Simbahan.
Whew! Muntik na kong mamatay dun ah!
Matapos makalabas ng simbahan ay tumingin ako ng pwede kong pagtambayan para dun ko na lang hintayin sila Lola.
Nakakita ako ng isang sari-sari store na katabi lamang ng isang punong mangga, may upuan rin sa harapan nito. Sakto na siguro 'yun para tambayan ko.
Nang makalapit ako sa tindahan, may nakita akong karatula na nakasabit rito at sinasabi ang mga katagang 'Bawal tumambay ang hindi bibili'.
Teka, nakadala ba ko ng pera?
Kinapa ko ang bulsa ko at sa kabutihang palad ay nakakapa ako ng singkwenta pesos. Thank you Queen Luck.
Bumili ako ng isang bottled water at isang biscuit tsaka tumambay sa upuang nasa harapan nito.
Mabuti na lang nagawa kong tumakas. Hindi naman sila magtataka kung makikita nila ako dito dahil sinabi ko naman ang dahilan ko kahit na hindi accurate.
"Pogi, Hindi pa tapos ang misa ah." rinig kong sabi ng tindera na sumisilip na lang sa gareta dahil sa dami ng paninda niya. Napanlingon rin ako sakanya.
Ako ba yung kausap niya?
"Pogi! Hindi pa tapos ang misa." okay, ako nga yung kausap niya.
"N-nagpunta ho kasi ako ng CR." pagdadahilan ko.
"Ahh." mukha namang naniwala saakin yung tindera. Teka nga, bakit ba siya nagtatanong. What's her business with my life?
Kinain ko na lang ang biscuit na binili ko. Balak ko pa sanang umidlip kaso huwag na lang, baka matatapos na ang misa at hindi ko maabutan sila Lola sa paglabas nila.
"Pabili nga ho ng tubig." rinig kong sabi ng isang babaeng nakabelo ng puti at nakasuot rin ng White Long sleeve dress na tinernuhan ng puting rubber shoes.
"Ilan?"
"Isa lang ho."
Pinagmamasdan ko lang ang babaeng iyon. Ang puti ng mga binti niya, pero 'di ba siya naiinitan sa suot niya? Magtatanghaling tapat na tapos nakaganyan pa siya.
Nang maiabot ng babae ang bayad niya at makuha ang kanyang binili ay lumingon siya saakin. Natatakpan ng kanyang belo ang ilong at bibig nito dahilan para mata niya lang ang makita.
Nakipagtitigan pa siya saakin ng 3 segundo, matapos iyon ay umalis na siya.
Talaga bang nakipagtitigan siya saakin?
Pinagmasdan ko lang ang babaeng iyon hanggang sa mawala na siya sa paningin ko nang. . .
"Hey Draks! Sabi na eh!"
The heck?
Bigla na lamang sumulpot sa likuran ko ang lalakeng nagngangalang Gebrand, medyo nagulat pa ko sa pagtapik niya sa balikat ko. Ang lawak ng ngiti nito na medyo nakakaasar lang.
Nilingon ko pa ang babae ngunit wala na nga ito.
"Bakit? Sino hinahanap mo?" tanong niya saakin na habang pilit hinahanap kung sino ang tinitingnan ko.
Umiling ako bilang sagot.
"Kuya Ulric, hinahanap ka na nila Ninong." sumingit ang isang binatilyo na napahawak pa sakanyang tuhod at medyo hinihingal.
Kilala ko 'tong batang 'to ah.
"Oo Tol, hanap ka na raw nila Ninang." pagtapik ulit sa'kin ni Gebrand. Can he stop from tapping me? Nakakairita eh.
Tumayo na 'ko mula sa aking kinauupuan at sinundan ang dalawang istorbong nilalang.
Narating namin ang parking lot kung saan nakapark ang Ford Range na sasakyan nila. Namataan ko rin sila Scarlett na nakikipagkwentuhan pa kay Lola, samantalang nagpapakita naman ng magic tricks si Lolo sa Dalawa pang binatang inaanak nila.
"Nong!" sigaw ng binatilyong nauna na saamin ni Gebrand sa paglalakad. Napatingin naman si Lolo sa direksyon namin maging sila Lola at Scarlett.
"Artemio, saan ka ba nagpupuntang bata ka?" pagsalubong sa'kin ni Lolo.
"Tumae nga siya kanina." sabat naman ni Lola.
Napayuko na lang ako dahil dun. Pwede bang hinaan nila ang boses nila? Pigil-pigil naman sa pagtawa ang mga kasama namin.
"Next destination tayo?" pinutol ni Gebrand ang malapit ng mag-umpisang tensyon kila Lola at Lolo.
"Saan niyo gustong pumunta 'Nang?" nakangiting tanong ni Scarlett.
"Kayo ba, kung saan niyo gusto."
"Maganda ho mag-mall ngayon, sale ang SM Cavite."
"Kuya, sa Bacoor na lang kaya."
"Try natin sa Tanza! Di na ko nakakabisita dun eh."
"Ayoko." I muttered.
Sabay-sabay silang napalingon saakin matapos kong gimbalain ang discussion sa next destination nila.
"M-masakit na ho kasi ang tiyan ko." pagdadahilan ko, akmang napayuko pa 'ko dahil alam ko na kung ano nanaman ang iisipin nila.
"Ayos ka lang ba apo?" pag-aalala naman ni Lola.
Tumango ako bago magsalita ulit. "Mauna na lang ho ako sa bahay."
"Hatid ka na lang namin Tol, baka mapano ka pa."
*****
I don't know if this is good, but I'm glad knowing those kiddos are now far away from me. I managed to escape without snapping their bonds. Yes, mag-isa lang ako ngayon.
Pinipilit nila Lola na sasamahan na lang daw nila ako dito kaso tumanggi ako, alam ko namang importante rin sa mga inaanak nila ang time nila para makapagbonding sa isa't isa.
If you are thinking me as a Killjoy, Yes, In terms of other people. But in my case for today, I am considered as a Third Wheel for joining the Inaanak and Ninang Ninong Bond. Ako na ang mag-aadjust. See How hearken I am?
Sudoku at Cross word Puzzle lang ang ginagawa ko ngayon dahil sumakit na ang mata ko sa kababasa ng Librong hiniram ko kay Ma'am Abril.
Sa Tuesday ko na pala ibabalik yung dalawang librong hiniram ko. Isa pa lang ang natatapos ko dun ah, pwede bang humingi ng palugit?
I was about to check my Laptop when a sudden call interrupted me. What's for now? Ugh. I picked up my phone and answer the disturbing call.
"Draculoooo!" not today. Please.
"Nag-sale ang National Book Store ngayon! And I bought you a Book. Remember the book of Richard Dawkins? Nabili ko siya sa Halagang 395 pesows!" said by a vicious voice from the other side.
And what's my business with that?
Wait whut????
Did she just say Book of Richard Dawkins?
"Hey Draculo. Still there? Okay. Bukas na lang. Sorry for interrupting you again. Byeee." The black splint in my eyes got wider before I could say anything. Then she just ended the call.
Did I missed the moment? Or I was just. . .
Unfortunately and Hell Yes! I missed it!
Why so ponderous Draculo? You're freaking slow to grab it!
What a great hour to end my day.
Nahiga na 'ko sa kama ko at pinikit na lamang ang mga mata ko. I can't resist having a day like this.
This is getting worse!
A/N: The opinion made by the writer is to pursue the given character's qualities and not on the purpose of being bias regards with the differences of beliefs. Thank you for understanding.
This is just a work of fiction.
Enjoy Reading!
— New chapter is coming soon — Write a review