Download App
66.66% Whisper of a Seraph / Chapter 2: His Bizarre Sphere

Chapter 2: His Bizarre Sphere

The world is not imperfect or slowly evolving along a path to perfection. No, it is perfect every moment, every sin already carries grace in it.

-Hermann Hesse, Siddhartha

DRACULO

"Charles Darwin developed the theory of Biological Evolution, and stated that all species of organisms, kahit na ang pinakamaliit sa pinakamaliit ay nabubuo dahil sa isang ebolusyon."

"As the naturalist published the book 'On the Origin of species'; transmutation, reproduction, cosmic evolution and his other theories we're predated na siyang nag-oppose sa unang theory of biological evolution that was proposed by Jean Lamarck." Professor Durian continued as he discusses his boring lesson.

Wala ako sa mood ngayon para makinig, kaya ang resulta ng topic ni Prof ay pasok sa kaliwang tenga labas sa kabila. Anong ginagawa ko? Ayun, iginuguhit ang boring na pagmumukha ng aming Prof na patuloy lang sa pagdadada.

Kahit ang Pre-school pupil alam ang tinuturo niya. Old belief that was created by insane scientists and creationists.

"Sino sainyo ang naniniwalang ang tao ay nanggaling sa unggoy?" rinig kong tanong ni Sir habang hinihintay ang response ng bawat isa saamin. Napasulyap ako ng isang segundo at napailing na lamang. What the hell is he trying to imply here?

Nagtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase ko at tumayo na nang hindi man lang hinihintay ang go signal ni Sir. "Sir, ba't di niyo tanungin si Dracula? Hindi naman siya naniniwala sa Diyos eh." and then the whole bursted in laugh. Para silang mga sealion na pumapalakpak pa.

I'm not stupid para patulan sila. Aksayado lang sa laway. Maybe I'll just keep my patience and wait for some time for me to get rid of this hell.

"Awooo! Ako si Dracula! Hindi ako naniniwala sa Diyos! Naniniwala ako kay Satanas! Awooo! Matakot kayo sa'kin." A fat and ugly named as Teddy butt in while acting like a ghost or what.

Kamukha na nga niya si Momo sa laki ng eyebags niya. Look who's talking? Mas mukha pa nga siyang demonyo saakin eh. Tawa naman ng tawa ang iba na tila ba wala nang bukas. Alright, make fun of yourself Pig.

"Okay, okay. That's enough." saway ni Prof na agad namang nagpatigil sa nagaganap na kasiyahan ng mga kaklase ko.

"As you can see. Here, In this illustration. This is according to the theory of Darwin. Human Evolution, the emergence of anatomically modern humans, before we arrived at this primate figure (pointing at the man's image), there are distinct families which we are scientifically involve." lumabas sa isang malaking White screen ang isang image ng Specimens.

"And as I prepared my lesson last night, nag-search na rin ako ng ilang detalye na pwedeng makadagdag if ever na may magtanong sainyo about sa Human Evolution." giving me a short glance while pointing his point. "Before those distinct families were categorized, hindi lang unggoy ang pinakapinagmulan ng tao. Sino sainyo ang nakakaalam ng Pedigree of Man?" Professor Durian strike us with another question.

As expected, wala ni isa sa mga kaklase ko ang nagtaas ng kamay. I took all the braveness I have para magtaas, who cares? They can't blame me kung wala silang alam.

Pinababa na ni Prof ang kamay ko. "Who else?" raising up his right hand para gayahin siya nung iba pang nakakaalam pero wala pa rin.

"Si Dracula na lang magturo Sir!" Hawk shut the silence while boredom and pique was painted on his face. Here they comes again. Bakit ba ako na lang ang pinagtritripan nila palagi? Am I that winsome? Chill. I know.

"Pedigree of Man is Illustrated as a Tree of Life conceptualize by Ernst Haeckel. He vision the Evolution as a Progressive proccess. From Primitive- Protozoa to Mammals- Mammalia, defining us from forming as a single- celled eukaryotes. Which was true kasi all living things are made up of cell, basic science right? As the Tree goes from here (Pointing the lowest part of the tree image), makikita niyo na nag-iivolve ang Primitive animals to Invertebrate Animals- kung statistical ang pagbabasehan mas marami ang Invertebrate animals- Porifera, Mollusca, Anthropoda- Ano pa ba? After forming into Invertebrate, it takes thousands to million of years to become Vertebrate- dyan na papasok ang Reptiles, Amphibians, Birds and other animal of subphylum Vertebrata and then after forming into vertebrate it will evolve into another sequence at dun mabubuo ang tao."

Did I mention na wala nang nakikinig kay Prof? Plus me tho I can manage to understand what he's saying there pero malakas ang sumpa. Aside from his boring lesson, majority of my classmates are now in terribly state of being vanish. Poor kiddos.

Medyo inaantok na rin ako pero biglang may nag "TING!" sa utak ko dahilan para maitaas ko ang aking kamay.

"Yes, Labaho?" Professor Durian paused for a second as I interrupt his worldly discussion.

"May I go out?" I claim as an excuse.

Ilang segundo rin siyang nakipagtitigan saakin para makita kung nagsisinungaling ba ako o hindi.

"Why?" seryosong tanong ni Prof.

Tumayo na ako para umpisahan ang dramang gagawin ko. "Masakit tiyan ko."

Agad namang nagsilingunan sa'kin yung mga kaklase ko and gave me a 'taeng-tae-ka-na-ba' look. Well, I don't care. It's my way anyway to get out of this boredome, bahala kayo sa mga buhay niyo.

Akmang napapahaplos pa ko sa tiyan ko para magmukhang makatotohanan ang drama. Samantalang nakatitig lang sa'kin ang Prof namin.

"Shet, ang baho! Dracula! Ikaw ba yun? Toxic ka talaga sa lipunan!" Knox exclaimed as he try to cover up his nose while pretending that I bursted an annoying air.

Ginalingan ko pa ang pag-arte habang nagkukunwari na namimilipit na ang tiyan ko sakit. Sige lang, tatanggapin ko muna yang panlalait niyo.

"Mukhang lumabas na 'ata yung tae niya" and then everyone split to laugh, again.

"You may go." after I received the go signal, I immediately went outside of the classroom and led my way to heaven.

Yes, you made a right hunch. I will skip this class. No, it's not what you think. Hindi ako macucutting classes dahil lang sa boredom na 'to, it's because basta parang ganun na rin.

Paano ko nadala ang bag ko nang hindi napapansin ng kahit sino? Simple, itinali ko ang sling ng bagpack ko sa paa ko. Quite obvious tactic pero may talent ako sa tagu-taguan. Just mix it with a little drama and then wallah! Magic depends on how you play the tricks.

Iniwan ko silang lahat nang wala man lang kamalay-malay na nakaalis na ko. Dumiretso muna ako sa school canteen bago tunguhin ang destinasyon ko. Bumili ako ng isang sandwich at isang fresh milk (dahil bawal sa'kin ang softdrinks amd juice). Ngumiti pa saakin yung tindera na nasa edad ko lamang pero hindi ko na siya pinansin. Mukha siyang Alien.

Isa sa pinaka-eksklusibo at pinakamodernong High School sa Tagaytay ang Graham High kaya naman pati mismo ang Lolo at Lola ko eh dito ako piniling pag-aralin. It was originally established in United States; meron sa Ohio, North Carolina, Virginia at iba pa na di ko na alam kung saan.

If you are thinking where the name of the school comes from? It's not the literal Graham that you think. The origin of the name comes from an Inventor- Alexander Graham Bell- the inventor of the first practical telephone during 19th century. Why Graham? Pwede namang Bell 'diba? 'Yan ang hindi ko alam. Maybe they chose to consider the toothsome side of the Inventor's name.

I tried to take a bite on my sandwich when someone stole it from my hand. Wait what?

"Hello Draculo! Did you miss me?" a flirty creature appeared on my face while biting on my sandwich. No way! That was my sandwich! What a Beautiful day.

She kept on smiling while I gave her a dull look. How can she manage to enjoy a thing that is not belong to her? Whatever.

Hindi ko na lang siya pinansin at akmang lalagpasan na lamang siya nang bigla niyang higitin ang kamay ko. Okay, what's for now?

"Dito ka muna! Namiss kaya kita!"

Who the hell are you?

Sino ba 'tong babaeng 'to? Ni hindi ko nga alam na nag-eexist siya sa mundo eh? Yayakapin niya pa sana ako kaso biglang nag-automatic yung kamay ko na harangin siya.

"Why? Momma wants to hug you!" napapout pa siya dahil sa ginawa ko.

"May pupuntahan pa ko." inalis ko ang kamay ko na hawak-hawak niya at inayos ang salamin ko. I hate physical contacts.

"Saan ka ba pupunta? Sama na lang ako sayo total hindi ka naman busy at hindi rin naman ako busy, right? Magiging masaya 'to!"

"Busy ako. Bye." iniwan ko na siya dun total hindi ko naman siya kilala eh. Basta-basta na lang siyang sumusulpot sa paligid ko nang hindi ko namamalayan, kinain niya pa yung sandwich ko buti nga hindi ko siya ginantihan eh.

Hindi talaga ako gumaganti in a physical way.

Hindi na ko babalik sa canteen para lang bumili ng sandwich, baka mamaya may babaeng susulpot nanaman sa harapan ko para gimbalain ang tahimik kong buhay.

Malawak ang Graham High kaya ilang department pa ang kailangan kong lagpasan bago makapunta saaking destinasyon.

Ang dulo at pinakalikod ng school na tinatawag nilang 'Green Area' ay pinagbabawal nang puntahan dahil sa isang aksidente noong huling dalawang taon. Pati ang Main Hallway na nagsisilbing daan papunta roon ay ipinasara ng Head of State ng School Committee.

Last 2 years pa raw ang nangyaring aksidente kaya bakit raw hindi na nila muling buksan ang Hallway, maraming estudyante na rin ang nagrereklamo dahil isa iyon sa pinakamagandang location sa school kung saan pwede kang mag-review ng tahimik, gumawa ng kababalaghan kasama ang jowa/syota mo, magmoment sa buhay mo at kung anong kadramahan pa.

Good thing na ipinasara nila ang Main Hallway kaya wala nang nangangahas na pumunta rito. In my situation, I know the alternative route on how can I go in that place without being caught by someone.

Bago ka makarating ng Green Area, madadaanan mo ang Senior High School Department na nahahati sa dalawa dahil sa Main Hallway na nagsilbing Divider nito, pero ang daan na papasukin ko ay hindi na dadaan sa Divider ng Senior High School Department at ang magmimistulang misteryosong daan papunta roon? Secret na muna.

Sabi nila, para makita mo raw kung may sumusunod ba sayo ay tumingin ka sa likuran, kaliwa at kanan mo. Uh-ah, mali 'yun. Mas lalo lang maghihinala ang mga taong makakasalubong mo kung panay ang lingon mo dahil bibigyan mo sila ng impresyon na may gagawin kang kababalaghan. Tho, wala naman akong gagawing kababalaghan at hinding-hindi ko gagawin ang kababalaghang nasa utak niyo.

Medyo madilim pa sa daang dinaanan ko pero nabigyang liwanag naman ito ng phone na dala ko. Mahigit isang minuto rin bago ko marating ang Green Area.

Nang marating ko ang aking destinasyon, dumiretso ako sa dating punong tambayan ko. Ito ang pinakatahimik na parte ng Green Area dahil ito ang nakatagong burol na malapit lang sa isang ilog. Iisa lang ang punong nakatanim rito- Akasya- na nagbibigay ng sariwa at malinis na hangin.

Kung tatanungin niyo ako kung dito ba nangyari ang aksidente noong nakalipas na dalawang taon, nagkakamali kayo. Ni wala ngang gumagala dito eh, subukan lang ng mga yan.

Naupo ako sa silong ng puno, inilabas ko na rin ang earphone ko at nagpatugtog ako ng isa sa mga tugtugin ng isa sa mga paborito kong Pianist, Falling Falling by Congfei Wei (Acoustic Version).

Tiningnan ko na rin kung anong oras na, 10:57 am pa lang pala. Vacant ang 11:00- 12:00 ko kaya makakapagpahinga pa siguro ako.

Sinimulan ko nang ipikit ang mga mata ko nang bigla kong naalala kung ano ang dapat kong gawin sa oras na yun.

Syete! Mag-aayos pa pala ako ng libro sa School Library. Hindi ko rin alam kung bakit ako ang in-appoint ng Coordinator ng Grade 12 na maging isa sa mga estudyanteng mag-aayos ng libro weekly sa library.

I don't understand why they still need to assign some students just to fix those tome. The Academy can afford to pay some civilians to work as janitor or janitress here. Whatever, the rules given by superiors are non-negotiable. Wala rin lang magagawa ang pagrereklamo ko rito.

Inalis ko na ang earphone ko at isinuplit ito sa loob ng bag ko. Ibinulsa ko naman ang phone ko. Kung sanang mas maaga kong naalala ang gagawin ko sa araw na ito, hindi na sana ako nag-abala pang pumunta rito.

*****

"You are 30 seconds late." Mapait na salubong sa'kin ni Ms. Abril habang patuloy lamang siya sa mano-manong pagrerecord sa record book niya.

"Sorry Ma'am." what's with the 30 seconds? Kailangan ba at exactly 10: 59 and 59 seconds nandito na ako kaagad?

" Narinig kita.". Akmang ilalagay ko na sana sa counter ang bag ko nang marinig ko siyang magsalita. Napalingon naman ako kay Ma'am na patuloy pa rin sakanyang ginagawang pagrerecord.

Alin ang narinig? Yung Sorry ba or what?

"Imbes na magreklamo ka dyan, ilagay mo sa designated category ang mga bagong libro." dagdag pa ni Ma'am. Ano pa bang bago? Palagi niya akong sinisita kahit na hindi naman ako nagsasalita, para niyang nababasa ang isip ko at naririnig ang hindi lumalabas sa bibig ko...alisin na yung 'parang'.

Nung una kong makita ang abilidad ni Ma'am Abril medyo namangha ako, kaso simula nung in-appoint ako dito sa Library at weekly ko siyang nakakasalamuha- hindi na ko natutuwa sa pangyayari. Minsan nga, naiisip ko na baka pati ang mga sikreto ko alam niya eh kaya doble ang pag-iingat na ginagawa ko, mahirap na, baka gawin niyang alas laban sakin ang mga 'yun.

Katapat lamang ng Counter ang mga Bagong Deliver na Books at hindi ko inaasahan na magiging matrabaho ang araw na ito. Dalawang malalaking kahon na nakahilera ang sumalubong sa'kin. Mas mabigat pa 'ata 'to saakin eh!

Dahil hindi ko mabuhat kahit ang isang kahon, itinulak ko na lang ito malapit sa mga book shelf. Ika-categorize ko pa pala ang mga ito. I let a big sigh for taking these risks.

The Library is consist of 6 floors, also considered it as an IT repository total we're already on the 21st century at hindi na uso ang puro Libro lang, technology will also furnish the students' learning enthusiasm.

Inilabas ko na ang mga librong nasa kahon. Bawat libro ay sinusuri at pinag-iisa-isa ko base sa kategorya. Puro Fictional Stories ang kategorya ng mga libro, kagaya ng hilig ng mga kabataan ngayon.

May mga ilang libro rin na may sense naman na naka-categorize sa Language, Social Science, at Technology. Pero may dalawang libro ang nakaagaw ng pansin ko, When Life nearly Died by Michael Benton at Wonderful Life by Stephen Gould.

I can't believe it, dito ko lang pala makikita ang mga librong 'to. According to Benton's book, mass extinction is one of the dirty secrets of evolution, I was about of being spoiled dahil hindi ko pa nababasa ang librong 'yun while the latter is more on Paleonthology and History of Nature, considering it as a dub telling me to grab it immediately.

Paano ko kaya 'to mapupuslit sa bag ko?

Nagpaalam na ko kay Ma'am Abril about sa mga numbers ng mga libro para ma-arrange ko na sila.

"12 pieces of 800, 8 pieces of 300, 10 pieces of 0, 11 pieces of 400, 7 pieces of 100, 5 pieces of 700 and 2 pieces of 200." pagpapaalam ko, napansin ko namang hindi pa tapos si Ma'am sa ginagawa niyang pagrerecord kaya hinintay ko pa siya ng mahigit tatlong minuto. Pwede naman kasi siyang gumamit ng Electronic Card Record, nagpapakahirap pa siya.

Nang maibigay na niya ang designated numbers, inayos ko na rin ang pagkaka-arrange para hindi na ko mahirapan. Speaking of kahirapan, mahihirapan pa pala ako kasi nasa ika-anim na palapag ang Literature.

First stop ko ay dito mismo sa 1st floor dahil dito ang designated shelves ng General. Medyo hirap pa kong akyatin ang mga nasa ituktok para lang mailagay dun ang ibang libro, buti na lang at nasa 'kin ang kaligtasan ngayon. Ang next stop ko ay 2nd floor.

Napagdesisyunan kong mag-elevator na lang para mapabilis ang trabaho ko pero sa kasamaan at kamalasang palad, out of order ang elevator. Ang saya lang.

Wala akong nagawa kundi gumamit ng hagdan. Matapos ang pag-aarange at paglalagay ng mga libro sa bookshelves, hingal na hingal akong bumalik sa counter para kunin ang bag ko. Sa wakas, makakaalis na rin ako.

Ramdam ko ang tagaktak ng pawis ko mula leeg hanggang dibdib, basang-basa na 'ata ako sa pawis.

Hanggang ngayon eh nagrerecord pa rin si Ms. Abril. Simula nang dumating ako dito sa Graham High, si Ma'am Abril na raw ang Librarian noon pa man. Buong buhay na 'ata niya, libro na lang ang karamay niya.

Magsasalita na sana ako para makapagpaalam nang bigla niya kong unahan magsalita. "Ibalik mo yung dalawang libro.".

Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yun. The heck?

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi man lang niya ko nagawang tingnan o lingunin, focus lang siya sa ginagawa niya pero syete tumatayo balahibo ko.

"Ibalik mo yan matapos ang limang araw." dagdag niya. Whew! Kinabahan ako dun ah! Akala ko ipapabalik niya sa'kin yung libro ngayon tapos maaakusahan akong magnanakaw. Actually, my intention was not to steal those two, I just borrowed it. Magkaiba ang Nanghiram sa Nagnakaw, better take note of that.

Tango lamang ang naisagot ko habang isinusuot ang bagpack ko. Sana pala hiniram ko na lang ng maayos yung mga libro. Mabuti na lang at mapang-unawa si Ma'am Abril, kung sigurong ibang tao 'yan at may ganyang kakayahang magbasa ng utak ng tao malamang napagbintangan na kong magnanakaw.

Hindi na ko nagpasalamat pa dahil maliit na bagay lang naman 'yun, hindi rin ako sincere kung magpapasalamat pa ko. Nilingon ko pa si Ma'am bago ako tuluyang umalis kaso busy pa rin siya sa pagrerecord kaya umalis na ko nang hindi nagpapaalam. Baka kasi maka-istorbo pa ko kung magpapaalam ako.

Umalis na ko sa Library at tinungo ang School Canteen para bumili ng Lunch. Mahigit isang oras rin akong nag-ayos kanina sa Library kaya kailangan kong magpachill muna.

Nadaanan ko pa ang ilang mga esyudyanteng nakatambay sa gilid ng Open Quadrangle Area. Isinuot ko ang earphone ko at ini-play ang naudlot na Music trip ko kanina.

Kaunti lang ang tao nung dumating ako sa school canteen. Wala ding nakapila sa counter kaya hindi ako maaabala sa pagbili.

"Egg sandwich." sabi ko sa tindera na kanina lamang ay abala sa pag-i-scroll sa phone niya. Kinuha ko sa bag ko ang aking pitaka at kumuha ng pambayad.

"I receive 100 pesos, your change is 75 pesos Sir." iniabot niya sa'kin ang sukli ko kasabay nung egg sandwich, binigyan niya pa ko ng ngiti kaso hindi na ko ngumiti pabalik kasi tinatamad yung bibig ko.

Matapos kong makuha ang sukli at ang sandwich ko, dumiretso ako sa isang vacant na table. Huminga ako ng malalim at inilabas ang fresh milk na hindi ko rin nainom kanina. Tiningnan ko rin kung anong oras na, 12:53 pm. Napatagal 'ata yung pagsasaayos ko ng libro sa library at mag-aala una na.

Ang next class ko ay Social Science- 1:30-2:30. Debate ang gagawin namin ngayon, at ang magpapainit ng debate sa araw na ito ay patungkol sa 'Stem Cell'. I prefer handworks rather than claiming a fact or an opinion that can merely judge by out and close minded people.

Mag-aaksaya ka pa ng laway mo para lang hikayatin sila na sumang-ayon sa konsepto mo. What a worldly abstract.

Well, Stem Cell is somehow related sa Biology or should I say na talagang related siya but using it as a notion of emergent affirmation to make me speak is worthless. If I were them, I wouldn't waste my time just to please them with my factual statement.

I was about to search something on my phone when someone interrupted me. "May nakaupo ba dito?" rinig kong tanong ng isang babae.

Tiningnan ko ang babaeng iyon at tiningnan rin ang buong canteen, wala na ngang vacant table. Umiling ako bilang sagot, inilapag naman na nung babae ang tray na may lamang lunch at naupo.

If ever na mapunta ako sa Pro or Anti, kailangan ko pa ring magsearch about sa Stem Cell, it will be a good game for both sides if they have the ace...yep! I'm referring to myself.

Of course, why Stem Cell?

The Academy is on the purpose of pursuing the best and smartest students, pagkakaroon ng competitive students ang aim ng Graham High that's why they broaden the knowledge of each students in terms of Science and its other fields.

Hindi rin nito sinusunod ang curriculum na meron sa DepEd just like the senior high, we are classified not by the Tracks and Strands but by numbers that our records shown.

In terms of standards, mataas ang standards ng Graham High. If you are aiming to be one of its scholars, your average must lie between 93% to 100% at kung hindi naman, ang Math and Science Subject mo ay dapat naglalaro sa 95 and above average. Either dyan sa dalawang 'yan.

Mahal ang tuition fee, bills and events proper na daig pa ang kumukuha ng Masters degree sa isang University kaya kung nandito ka sa school na 'to, it's either matalino ka or mayaman ka. Luckily, I'm in the former one.

Social Science ang subject pero kailangang bigyan ng emphasize ang 'Science'.

Nang makapagbasa ako ng ilang background about sa Stem Cell ay ibinulsa ko na ang phone ko at inayos ang bag ko. Maybe, that's enough para sa debate mamaya or should I say that's too much para istorbohin ako ngayong araw na 'to.

Isinuot ko na ang bag ko para umalis nang mapansin ko kung ano ang ginagawa nung katable kong babae. She was writing something in an Ancient Egyptian Style of Writing. Don't get me wrong, but we're in the Philippines at we're in a school where spirit of Science dwell in.

Anong gagawin niya dyan? Kung sanang nasa isang Detective School siya baka pwede pa. Whatever, it's not my business anyway.

Tumayo na ko at umalis.

*****

"Extracting Stem Cells would be more dangerous! One of its sources comes from embryo and Embryo is considered as a future life. Once na mag-extract sila ng mga stem cells from an embryo it may cause to vulnerable of casual. In short, pumapatay sila ng isang bata kada kukuha sila ng stem cells!" Phibian said as she try to convince our jurice, Professor Castro.

Si Phibian Amorsolo- Ang Top 1 wanna be ng Class 12- Aristotle -ang leader ng Anti samantalang si Damien Demorn naman-Ang current top of all top ng Class 12-Aristotle at ang current top ng Class 12- ang leader ng Pro. Nasa likod lamang ako at pinanonood ang palitan nila ng mga salita.

"But Stem Cells serves as a cure in terms of serious brain cases. Scientists are looking forward in this controversy, they discovered it as a cure for cancer! So why think na nakakapatay ang bagay na ito kung ito na ang magiging sagot sa pangmalawakang tanong ng hindi matuldukang sakit!".

"No. You are not getting my point! Damien!"

"I got your point."

Naiirita na ang tenga ko sa tindi ng tensyon sa klase. Nasa Anti side ako but if you're gonna ask me if what side I would like to in favor with? It would probably be Pro.

"Yes, Stem Cells are vulnerable for some casuals but don't you think na sa gantong paraan rin masosolusyunan ang tuluyang pagdami ng populasyon? We are looking for the Win-win situation here and we are catching the two birds in one strike!" Damien pointed.

Natumbok mo rin. Well, I guess...it's a one for their group.

"Do you want us to consider it as an abortion?" seryosong tanong ni Phibian.

"You named it. Not us. Well, extracting Stem Cells are not in the purpose of violating the Republic Acts." Damien gave a smirk while staring at Phibian.

"But it may be considered as an abortion! Papatay sila ng isang future life para lang magamot ang isang unremarkable case. What an insane concept! Is this a joke?"

Yeah yeah. You have the ace pero kulang ang pagdefense mo. What a shame na siya pa ang naging leader namin. Kapansin-pansin rin ang unti-unting pagkapikon ng leader namin dahil kay Damien.

Bigla namang umingay ang kabilang grupo na nangantyaw sa grupo namin. Our fate ends here, thanks to Phibian.

As the moderator paused the both teams, bumalik na ang lahat sa kani-kanilang upuan. Pati si Mr. Castro nararamdaman na ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Naabutan na tayo ng time but I'm impressed sa pinakita niyo ngayon." Mr. Castro open as he genuinely gave his smile.

I'm not impressed to be formal. Ni wala pa nga sa Climax ang point ni Damien eh. Para lang silang mag-jowa na nagtalo dahil sa isang candy. What's with the amuse?

"Tomorrow, we will be discussing the Laws and Constitution of the Philippines. I want all of you to have an advance reading and after the discussion. Debate."

"About?" Damien asked.

"I want an Impromptu. I will give you the topic after the discussion."

Mr. Castro left us without a farewell. Among the other professors here in the Academy, siya ang pinakagusto ko tho lahat sila strict and terror pero he always gave us a minute of enjoyment.

Our next class is Entrepreneurship. Another boring hour. Kukunin ko na sana ang bag ko nang bigla akong lapitan ng isa sa mga kaklase ko.

"Artemio..." narinig kong pagtawag sa'kin ni Phibian.

Ayoko sana siyang lingunin kasi tinatamad yung ulo ko pero wala na...nakalingon na ko eh. Hindi ko alam na hanggang 12 inches lang pala ang pagitan namin.

Pwede bang lumayo-layo siya?

"Nagawa mo ba yung Video presentation about sa Inflation Rate?" tanong niya habang hinahawi ang kanyang buhok sa kanyang tenga.

Tumango ako bilang sagot.

"Great! Saan mo siya sinave? Pwede ko na bang kunin?" ngumiti siya at akmang napapalakpak pa ng isang beses.

"Phone."

Inalabas ko ang aking phone at ibinigay sakanya.

"Thank you." kinuha niya sa kamay ko yung phone, bigla namang tumaas yung balahibo ko nang hindi sinasadyang dumikit yung daliri niya sa kamay ko.

Syete! Ano yun!

Inilabas niya naman yung kanya. Sinusubukan niya pang i-unlock yung lockscreen ko kaso hindi niya mabuksan.

"Uhm. Pa'no 'to?" iniharap niya saakin yung phone ko na nakalockscreen.

Ayoko nang kunin kasi baka dumikit nanaman yung parte ng daliri niya sa kamay ko. Ini-swipe ko lang paitaas yung screen at nag-unlock na ito.

Nanatili lang siya sa pwesto niya habang ako, hinihintay siya na maipasa yung video presentation namin. Pinagpapawisan na ko dahil ang lapit niya sa'kin. Hindi rin naman ako maka-adjust dahil nakapaligid saakin yung mga upuan.

Wala na bang ibibilis 'to?

"Done." bigla akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang tapos na siya. Ngumiti pa siya sa'kin bago ibalik yung phone ko.

Maingat ako sa pag-abot nung phone ko. Ayokong madikit ang kahit isang maliit na parte ng kamay ko sa kamay niya. Ibinulsa ko na ang phone ko at nang makaalis na siya sa kanyang kinatatayuan ay naglakad na rin ako paalis ng room.

"Artemio. Sabay na tayo!" akmang isusuot ko na sana ang earphones ko nang marinig kong tinawag niya ulit ako.

Hinabol niya pa ko sa tapat ng pinto. Napansin ko ang dala-dala niyang mga files na medyo hirap pa siya sa pagbitbit. Ganun na ba siya ka-obsessed just to get a higher grades?

Wala akong balak na tulungan siya sa mga dala niya. This is only I can say to those people who suffers in hardship, sila ang pumili na maging mahirap ang proseso ng buhay nila. Pinili niyang magpaka-obsessed sa grades kaya wala akong balak na tulungan siya. Tinatamad rin ako.

"Kamusta nga pala ang pakiramdam mo?" Phibian started to open the conversation while we are walking along the corridors. Isang earphone lang ang nasa tenga ko kaya narinig ko ang pangangamusta niya.

I'm Great! Totally Fine! Drama lang naman ang ginawa ko kanina eh.

Pero engk! Hindi ko pwedeng sabihin yun kasi mabubuking ako. I also don't want to bother myself just to explain to her my situation.

"Ayos lang." tugon ko.

"Medyo ka-stress yung kanina ah. Nakakapikon rin si Damien. Pinapaikot niya lang naman yung sagot niya eh."

How about you? Hindi ba yun rin ang ginawa mo? Quits lang kayo. Shame on you, stress na agad ang tingin mo dun?

"Nakakatawa lang kung paano nalilinlang ni Damien yung mga Professors natin para lang makakuha ng mataas na grado. He's not even smart enough to be on that top position." napapailing pa si Phibian habang binaback-stab ang Top of all top.

It's not that I'm a bias, pero don't you think na deserving ka rin para dun sa rank na yun? Well, I guess, No. Quits lang kayo.

Bigla akong nakakita ng Lighthouse nang makita ang signboard ng Comfort Room. Queen Luck, thanks for saving me.

"Mauna ka na." sabi ko kay Phibian na magsasalita pa sana. Napahinto naman kami sa paglalakad nang magsalita ako.

"B-bakit?" tanong niya.

I raise my thumb right next to the direction of Comfort Room. "CR."

"Sama ka?" dagdag ko pa.

I found her face speechless nang sabihin ko yun. Don't get it? It's a reverse psychology para lumayo siya. Ilang segundo ko rin siyang tinitigan para sa response niya.

"Ah-okay. Sunod ka na lang ah." then she awkwardly gave a smile.

Tumalikod na ko para tunguhin ang palikuran. How many times do I have to be in this kind of situation? Kakapagod ring tumakas minsan.

*****

Inaalis ko ang padlock na nakalabit sa Bike ko. Uwian na at sa wakas ay tapos na rin ang mahabang araw na ito. Nang maalis ko na ang padlock sa bike ay sumakay na ko para umalis.

Sa Gate 2 dumadaan ang mga Motorcycles at Bike, samantalang sa Gate 3 naman ang mga Four-wheel Vehicle. Sa Gate 1 naman ang mga estudyante na kadalasan ay nagcocommute.

Bakit bisekleta?

I'm a Nature Lover. Ayokong makadagdag sa sakit ng lipunan. It would be more practical if they implement the Bike Policy here in the Philippines, pero wala- ako lang naman 'ata ang mag-eenjoy kapag naglaon. Tsaka wala rin akong pambili ng Motorsiklo kaya I prefer Bike.

Isang siyudad at isang bayan pa ang lalagpasan ko bago ko marating ang bayan namin- Bayan ng Pawisan. Sounds wet right? Probinsyang-probinsya ang dating.

Malapit lang naman eh. Around 30-45 minutes ang biyahe...kapag nagcommute ka. In my case, almost 1 hour lang kasi dumadaan naman ako sa shortcuts.

Ang tinitirhan ko? Tago pero maganda at tahimik. Nasa gitna ng bukirin ang bahay namin pero kahit ganun ay may kuryente at Wifi naman kami. May mga lamp post din sa daang dinadaanan ko papunta saamin kaya kahit gabihin ako ay makikita ko pa rin ang daan.

Majority of us, gustong tumira sa isang mansion kung saan may pool, mamahaling kotse, babasaging dingding at bintana, de-aircon ang loob at may mamahaling kagamitan. But for me, I'd rather be in a kind of life where everything is simple- walang busina ng sasakyan, walang aksidente, walang ingay, walang tao, at walang stress.

My Home is the best place in the world kaya saan ka pa? Sa Bayan ng Pawisan na!

It is just exactly time for supper when I arrived at home. Naabutan ko si Lola na nagluluto ng Sinangag na Sibuyas. Ang bango.

"Lo, La, nandito na ho ako." pagsalubong ko nang makapasok na ko sa loob ng bahay. Inilagay ko ang sapatos ko sa tray na lalagyan ng mga sapatos at dumiretso ako sa sala kung saan naroon ang Lolo ko na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng Libro.

Lumapit ako at nagmano. Naupo na rin ako sa sala dahil sa pagod.

"Kamusta araw mo?" tanong ni Lolo.

Thumbs-up lang ang naisagot ko.

Sunod namang lumapit saamin si Lola, nagmano rin ako sakanya.

"Nandito ka na pala. Kamusta araw?"

Thumbs-up rin lang ang naisagot ko.

Mula pagkabata ay kila Lola at Lolo na ko nakatira, sakanila na rin ako lumaki. Matagal na kasing nawala ang mga magulang ko at hindi ko na alam kung nasaan sila, o kung buhay pa sila.

Sila Lolo at Lola na rin ang nagsilbing mga magulang ko kaya masaya na ko. Sapat na saakin ang maging pamilya sila.

Pero may mga pagkakataon na mararamdaman mong kulang ka. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na makita ulit ang nanay at tatay ko, magiging masaya rin ako. Kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit sakanila dahil hindi rin naman ako mabubuhay kung wala sila.

"Oh ano. May gerl-prend ka na ba?" napatingin ako kay Lolo na patuloy lang sa pagbabasa ng librong binabasa niya.

Girlfriend? Ni hindi ko pinangarap. Allergic nga ko sa mga babae eh pa'no pa kaya kapag may girlfriend ako edi wala na- burol na ang kinahitnatnan ko nun.

"Uy ikaw! 'wag ka ngang ganyan! Kay landi mo talagang matanda ka." saway naman sakanya ni Lola na Inihahanda ang mga kubyertos sa silid-kainan.

Huminga lang ako ng malalim. Tumayo ako sa aking kinauupuan at dumiretso ng kwarto ko habang dala-dala ang bag ko.

Isinara ko ang pinto at nahiga sa kama. 6: 48 pm na pala, medyo inaantok na rin ako. Bumangon ako saglit at nagbihis ng pambahay.

Habang nagbibihis ako ay biglang nagring ang phone ko. Agad ko itong kinuha sa bag.

Unknown Number

Who the hell is this?

Gabing-gabi na ah, bakit may nambubulaaw pa?

"Low." sinagot ko na ang tawag.

"Wazuuup Draculo! Good evening!" a cheerful voice with a flirty tone greeted me.

"Sino 'to?"

"Don't you remember? Ang dali mo namang makalimot! So ano? Saan tayo bukas? Free ako..."

I can't remember na may babae akong pinangakuan ng date or whatever. Sino ba 'to?

"Sino 'to." pag-ulit ko.

"Klenda! May goodness Love. Magmemory plus gold ka nga. So ano? Gusto mo bang magmotel bukas?"

Bigla akong napa-ubo dahil sa sinabi niya. The hell she's doing? Tumatak naman sa isip ko yung word na 'motel'. I can imagine what dumb couples do there.

"Ayoko." hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad ko nang ibinaba ang tawag. I don't like to use this term but that woman is so. . .cheap.

Inilapag ko ang phone ko saaking study table. Ini-on ko na rin ang ceiling fan kasi medyo pinagpawisan ako dun.

I really hate the feeling when it comes to Girls. Pinagpapawisan ako at tumataas ang balahibo ko kapag kaunting physical contacts lang. Weird right? Ganun talaga eh.

Bumalik ulit ako sa kama ko at nahiga. Grabe ang araw na ito. Expect some more tomorrow, Draculo.

A/N: The music composed by Congfei Wei, Falling Falling is originally played in Piano pero wala pang Acoustic Version yan. How I wish na meron na kasi sobrang ganda n'yan!

This is a work of fiction.

Source of images: (Charles Darwin's Theory and Tree of Life by Haeckel) en.wikipedia.org.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login