Download App
86.66% Charlotte [The Missing Princess] / Chapter 13: I Don't Want You To Go

Chapter 13: I Don't Want You To Go

PASADO ALAS SAIS ng gabi nang katukin ni Klara ang study room ni Isaiah. Bumukas iyon at niluwa noon si Isaiah. Bigla siya kinabahan nang makita ito dahil baka hindi ito pumayag sa gusto ni Alyana. Huminga muna siya nang malalim bago siya nagsalita. Gusto niya alamin kung bakit nagkukulong lang ito sa study room nito after bumisita sa puntod ng yumao nitong asawa.

She wants to be a companion to Isaiah only if he allow. May mga times pa rin na hindi nniya maintindihan ang ugali nito pero mabait naman ito sa kanya.

"Pwede ka ba namin ayain ni Alyana na manood ng fireworks display sa plaza ngayon?" tanong niya sa binata.

Hinintay niya sumagot ito ngunit sa isipan niya nanalangin siya na sana pumayag itong sumama.

"Sige." Maikli nitong sagot sa kanya.

Napangiti siya saka dali daling tinungo ang kwarto kung nasaan si Alyana. Pagpasok niya roon, nakita niya naglalaro ang bata sa ibabaw ng kama niya.

"Yana, pumayag si daddy mo." Masaya niyang balita sa bata.

"Talaga po? Yehey!"

Lumapit ito sa kanya at inaya siyang magpalit na nang damit sa kwarto nito. Magmula nang tumira siya doon, hindi na natutulog si Alyana sa sarili nitong kwarto. Palagi itong inaabutan ng antok sa kwarto niya at hinahayaan na lamang niya iyon. Nasanay na siyang nagigising sa yakap at halik nito tuwing umaga. Matapos niya palitan ng damit ang bata, agad silang bumaba at lumabas kung saan naroroon na si Isaiah.

"Daddy!" Patakbong lumapit dito si Alyana at yumakap.

Giniya sila nito pasakay sa sasakyan at pinasibad na iyon paalis. Thirty minutes drive ang layo ng plaza mula sa bahay ng mga Marquez. Habang nasa byahe tahimik lamang Si Isaiah samantalang sila ni Alyana panay ang pag-uusap. Kanina nang katukin niya ito sa study room nito, nababakas sa mga mata nito ang labis na lungkot. Gano'n ba ito palagi sa tuwing sasapit ang kamatayan ng yumao nitong asawa? Can't he celebrate his own daughter's birthday after visiting his late wife's tomb? Mga tanong na nais hanapan ni Klara ng mga kasagutan.

"Look, mama, nagsisimula na po siya." Sambit ni Alyana at dumungaw ito sa bintana ng sasakyan. Napatingin siya at namangha sa iba't ibang kulay ng fireworks sa kalangitan.

"Shall we still go there? Madami na tao doon for sure." Ani sa kanya ni Isaiah. "But I know a place where you both can watch it clear." Dagdag pa nito saka nag-u-turn ito at ilang metro lamang ay kumanan na ito sa isang street. Doon ito huminto at inaya sila palabas. It's a cliff where you can see the whole town and the firework display much clearer.

Kinalong ni Isaiah si Alyana habang siya naman ay tumayo tabi nito. Kitang kita ang kasiyahan sa mukha ng bata sa bawat makita nitong makulay na fireworks sa kalangitan. Maging siya'y lalong tumindi ang pagkamangha sa nakikita. Napukaw lamang nang ginawang pag-gagap ni Isaiah sa kamay niya ang kanyang atensyon. Napatingin siya dito at nakita niyang katulad ni Alyana, sa kalangitan din ito nakatingin.

Nilipat niya ang tingin sa magkahugpo nilang kamay. The warmth feeling of his hand touches her heart. Hindi dapat gano'n ang nararamdaman niya. Dapat pinipigilan niya ang sarili na huwag lalong mahulog dito.

Bumaba mula sa pagkakalong nito si Alyana at matamang naupo sa damuhan hindi kalayuan sa kanilang dalawa. Naiwan sila doon na matamang nakatingin lang dito. Mabuti na lang naisipan niyang pagsuotin ng pajama at jacket ang bata para maka-iwas sa kagat ng mga insekto. Magkahugpo pa din ang kamay nila at tila walang balak si Isaiah na bitiwan iyon.

"This is the first I watch a fireworks display since Alyana came out. All my life, I've been working to prove that I can raised my child without the help of Maine's parents." Muli siyang napatingin sa lalaki at doon niya napagtanto na nakatingin din ito sa kanya. "But all of my efforts wasn't enough for them. Gusto pa din nila kuhain sa akin ang custody ni Alyana dahil nalaman nila ang tungkol sa 'yo."

"Kailangan ko na ba bumalik sa pamilya ko para hindi na nila kunin sa 'yo si Alyana?" tanong niya dito. Kumalas siya mula sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Maybe its time to go back if he ask her to. Pero paano si Alyana? Ayaw niyang iwan ang bata dahil sobra na itong napalapit sa kanya. "Just give me time to explain to your daughter about me leaving your household soon." Pakiusap niya dito.

"No. You don't have to do that. Ayoko din na umalis ka." Bumilis ang tibok ng puso niya. "Nang araw na nakausap ko ang mama mo, sinabi ko lang sa kanya na sayo pa din ang desisyon kung babalik ka ba sa kanila. Hindi ko sinabi sa 'yo dahil natakot ako sa magiging desisyon mo."

"I want to stay but if that will give you problem, I'd rather go back to my own town."

"Stay with us. Like what I said, I don't want you to go,"

"How about Maine's parents?"

"I'll deal with them. Don't worry about it. Alyana needs a mother figure as she grow."


CREATORS' THOUGHTS
CaireneLouise CaireneLouise

Iyon na ba ang simula? Perhaps love? Stay tuned for the next chapters.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login