>Sheloah's POV<
"Hindi ako makapaniwala1 Hindi gano'n si Kreiss," sabi ko at napatingin ako sa paa ko. "He's a gentle guy. A painter, a dreamer," dagdag sabi ko pa at tumawa siya ng onti.
"Mysterious. Sa totoo lang, I don't trust him very much," sabi niya at tiningnan niya ako.
"Why not? He kidnapped me, oo… pero hindi naman niya ako sinaktan," sabi ko pero bigla siya nagsalita.
"Pero bago ka niya kinidnap, tinamaan ka niya sa ulo," sabat niya at inirapan ko siya.
"He treated me afterwards," I added and he shook his head.
"Tapos ni-lock ka niya sa kwarto. Hindi mo siguro alam kasi kasama mo si Shannara. Tumalon ka from the window," sabi naman niya and for a while I grew silent. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
Veon doesn't really trust Kreiss.
"Kreiss isn't a bad person as you think," I started again and he folded his arms in front of me, as if he's waiting for an explanation.
Gusto niya kasi na i-convince ko siya para maniwala siya na mabait si Kreiss and in which I believe is true.
"Talaga? Explain," tanong at sabi niya and I started off.
"Nakilala ko na pala si Kreiss dati. He had his entrance exam for college. Tapos ako raw ang nag inspire sa kanya na kunin ang gusto niya dahil gusto ng family niya hindi siya mag painting lessons but he took lessons because of me. He loves painting so much so is singing, too," sabi ko and Veon was listening to what I'm saying.
"Ngayon ko lang siya nakilala at minsan nakakainis siya pero he watched after me. Sabi niya sa akin he didn't mean to kidnap me. He even fed me and provided me room. Tapos napapatawa pa niya ako," dagdag sabi ko at hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.
"Tapos ka na," tanong niya at halata sa pagmumukha niya na seryoso siya.
I nodded slowly. Tumawa siya ng onti and he looked at me a bit seriously. Hindi ko alam kung ano ang iiniisip niya. Hindi ko alam kung intimidating siya ngayon o kaya hindi siya naniniwala sa sinabi ko kaya siya tumawa.
"Napapasaya ka niya," tanong niya tapos tumango ako.
Where does he want to go with all of these questions?
"Hindi ko parin siya mapagkakatiwalaan," sabi ni Veon at bigla ko naman siya sinimangutan.
"Bakit naman at kahit sinabi ko ang mga rason kung bakit, hindi ka parin naniniwala," tanong ko tapos nagulaat ako dahil hinawakan niya ang kamay ko.
"Kasi kinuha ka niya sa akin at ayaw ko na mawala ka, Sheloah. Ayaw kong may masamang nangyayari sa'yo," sagot niya at tinitigan ko lang siya.
Nagulat kami dahil biglang yumugyog ang puno kung nasaan kami nakaupo ni Veon. Agad niya akong hinawakan ng mahigpit para hindi ako mahulog.
Tumingin ako sa baba. "Nahanap na tayo ng zombie," sabi ko at tumayo si Veon at tinulungan niya rin akong tumalon.
"Tigil na tayo sa pag uusap at gawin na natin ang plano," sabi niya at nagulat ako dahil biglaan na lang siya tumalon at hinila pa niya ako pababa but we landed safely on his back.
Nasaktan siya dahil sa biglaang pagbagsak namin pero agad siyang tumayo dahil hindi ito panahon para makapagpahinga.
Nilabas ko ang katana ko at tumingin ako sa zombie na nasa harapan namin. "Saang rota," tanong ko at hinawakan ni Veon ang kamay ko.
"'Wag kang umatake," sabi niya at tumingin rin siya sa zombie at agad siyang lumingon at hinila niya ako at pareho kaming tumakbo.
"Tumakas lang tayo para sundan niya tayo. Gawin natin ito habang okay pa ang plano," dagdag sabi pa ni Veon at pareho na kaming tumatakbo at hinahabol na kami ng zombie.
Habang tumatakbo kami, bumibilis ang aming takbo dahil bumibilis na rin ang speed ng zombie. Malapit na kaming mapagod at binigay ni Veon sa akin ang baril niya.
"Ano ang gagawin ko rito," tanong ko habang tumatakbo kami.
"Barilin mo ang zombie sa paa. Titigil siya ng saglit. Kailangan ko i-lead ang daan habang tumatakbo tayo. Hindi mo masyado alam ang lugar na ito. Dito ako nanggaling kanina," sagot ni Veon sa tanong ko at sinundan ko na lang siya.
Habang tumatakbo kami, lumingon ako para barilin ang zombie sa paa niya. Sumigaw siya at medyo bumagal ang kanyang tako pero hindi parin siya tumigil sa kakatakbo.