Download App
12.5% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 25: Sorry, Sheloah

Chapter 25: Sorry, Sheloah

>Sheloah's POV<

"Hoy, hoy, hoy! Ano'ng nangyayari rito," tanong ni Isobel at tinabihan niya ako.

"They're bullying her," sagot ni Tyler sa tanong niya at may nag react agad.

"Bullying? Bullying ka diyan," sabat ng isa naming classmate pero tumingin si Isobel agad sa kanya.

"Ba't mo siya sinampal," pasigaw na tanong ni Isobel sa kanya at nilapitan niya siya. Nakita kasi ni Isobel na namumula ang mukha ko kaya nilapitan niya ang nanampal sa akin.

"Ang yabang niya, eh! Akala mo kung sino," pasigaw na sagot ng classmate ko sa tanong ni Isobel at nasaktan ako maslalo sa sinabi niya.

Hindi ko naman sinasadya na maging insensitive, eh. I didn't mean to pero kahit humingi ako ng tawad sa kanila, hindi naman nila ako papatawarin agad, 'di ba?

"Sus! Oh, sagutin niyo nga tanong ko! Bakit kayo buhay ngayon na may zombie apocalypse, ha," tanong ni Isobel sa kanya at hindi makasagot mga classamtes ko.

Tiningnan ako ni Veon with concern in his eyes. "Okay ka lang, Sheloah," tanong niya sa akin at tiningnan ko siya and I forced myself to give him a smile.

"Oo! Okay lang ako," sagot ko sa tanong niya pero tiningnan niya lang ako ng seryoso.

Alam niya na hidni ako okay. Napatingin agad kami kay Isobel dahil bigla siyang nagsalita.

"Buhay kayo ngayon dito kahit may zombie apocalypse dahil kay Sheloah," sigaw ni Isobel at napatingin kami sa kanya. "Kung hindi dahil sa plano niya noong nandoon tayo sa classroom, hindi tayo makakatakas! Isa na tayo sa mga zombies na naglalakad sa labas," dagdag sabi pa ni Isobel at napatingin yung classmates namin sa sahig. Yung iba naming classmates napatahimik at hindi na sila makapagsalita.

Huminga ng malalim si Isobel at inirapan niya mga classmates ko. "Parang wala kayong pasasalamat! Akala niyo kayo lang ang walang parents? Pati ako wala, no! Mahirap man tanggapin pero… ganito ang buhay, eh! Move forward na lang at gawin na lang ang kayang gawin! Kung ayaw niyo, edi… pwes! Pakamatay ka na! Nasa baba lang ang mga zombies," dagdag sabi pa ni Isobel at nilapitan ko siya.

Hinawakan ko yung balikat niya. "Babes… kalma lang," sabi ko sa kanya at tiningnan niya ako.

"Ikaw! Hindi ko gets kung bakit ang haba ng pasensya mo," sabi niya lang sa akin at nginitian ko siya tapos niyakap ko siya.

"Salamat sa pagtatanggol, pero kalma ka lang, please," sabi ko sa kanya at tumahimik siya.

Sa totoo lang sa buhay ko, wala ako masyadong kaibigan. Ang mga kaibigan ko lang panay lalaki tulad ni Josh, Tyler at Veon at ang tanging kaibigan ko lang sa girls ay si Isobel.

Yung mga girls kasi na nakikilala ko palagi akong sinisiraan kaya mas gusto ko mag isa ako palagi. It's better to be alone than to be with the wrong person or people.

Nagbago ang perception ko no'ng nakilala ko sina Tyler, Josh, Veon at Isobel. Dahil sa kanila, nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan.

Huminga rin ng malalim si Veon at tiningnan niya yung mga classmates ko. "Hindi niyo ba napansin? Kung wala si Sheloah, kasama na tayo sa mga zombies sa baba," sabi niya sa classmates ko at hindi sila makasagot sa sinabi niya.

"Totoo ang sinabi ni Isobel. Ganito ang buhay. Move forward lang. Mahirap talagang tanggapin na wala na ang parents. Alam ko ang nararamdaman niyo," sabi ni Veon at tiningnan siya ang mga classmates namin.

"Nagsisisi tayo sa bandang huli. Mahirap 'yon, 'di ba? Unexpected kasi na ganito, eh. Pero ano ang magagawa natin? Wala, 'di ba? Ayos lang magmukmok pero… 'wag naman ilabas ang galit sa taong walang ginawa sa inyo," dagdag sabi pa ni Veon at nilapitan siya ng isang classmate namin.

"Akala ko ba naiintindihan mo ang nararamdaman namin," tanong niya kay Veon at tumango siya.

"Oo… naiintindihan ko," sagot niya sa tanong ng classmate namin at naging curious expression niya.

"Naiintindihan, pero paano—" Hindi pinatapos ni Veon yung sinabi ng classmate namin.

"Nawala ang parents ko. Sa harapan ko pa mismo, naging zombie sila," Kwento ni Veon at nag close fist siya dahil nasasaktan siya sa naaalala niyang memory na ngayon lang nangyari.

He took a deep breath, inhale, exhale, at tiningnan niya ng seryoso yung classmates namin. "Ako pa mismo… ang pumatay sa kanila," he said finally at nagulat classmates namin.

"Shit," react ni Isobel at tinakpan niya yung mukha niya gamit ng kamay niya. Nagulat si Isobel sa kwento ni Veon. Halata kay Isobel na malungkot siya dahil sa experience ni Veon.

Madaming tumahimik at ang daming nakikinig kay Veon dahil sa pagbabahagi niya ng kanyang karanasan.

Hindi ko akalain na sinasabi ito ni Veon. Comfortable siyang sabihin sa iba. He's not usually like this. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Siguro, ginagawa niya ito para ma-inspire yung classmates namin na mag move forward at 'wag magmukmok.

Nilapitan ko si Veon at hinawakan ko yung likod niya. Kahit nagshe-share siya, nag aalala ako ng onti kasi masakit para sa kanya i-share ang experience niya. Ayaw ko siyang makita na malungkot. Gusto ko siya makitang ngumiti.

"Mahirap 'yon. Close kayo ng parents mo tapos nakita mo sila naging zombies sa harapan mo? 'Di mo pa sinasabi masyado na grateful ka sa mga binibigay sa inyo. 'Di mo pa sinasabi masyado na mahal mo sila at bigla sila mawawala sa harapan mo. Biglaan pa na kailangan mo silang patayin para hindi nila madamay ang ibang taong kilala mo. Hindi ba masakit 'yon," sabi pa ni Veon. Halata sa pagmumukha nila na pumapasok lahat ng sinasabi ni Veon.

"Uy…" sabi ko kay Veon at tiningnan ko siya with concern. "Tama na. Ayaw kita makitang malungkot," sabi ko sa kanya at tiningnan niya ako ng nakangiti.

"Ayos lang. Gusto ko matuto classmates natin, na kaya natin ito at walang sisihan," sabi pa ni Veon at binalik niya tingin niya sa mga classmates namin.

"'Wag na tayong mag away, pakiusap," sabi pa niya sa kanila at tiningnan niya nang seryoso yung classmates namin.

"Lahat tayo may pinag dadaanan. Kailangan natin ito malampasan at kailangan nating matuto para magamit natin ang pinag aralan natin para sa kinabukasan. Kung wala na ang parents natin ngayon, edi, dapat kumilos tayo para mabuhay tayo. 'Yon naman ang gusto nila sa simula palang na pinanganak tayo, 'di ba? Na maging successful," dagdag sabi pa ni Veon at nakita ko na determined ang itsura ng mga classmates namin.

"'Wag niyo isisi lahat kay Sheloah. Iniisip niya kayo lagi, alam niyo ba 'yon," sabi pa ni Veon at tiningnan nila ako with apologetic eyes.

"Sorry, Sheloah," narinig kong sabi ng iba kong classmates.

"Ayos lang. Sorry din dahil ang insensitive ko kanina," sagot ko sa kanila at nginitian nila ako ng onti at tumango sila.


CREATORS' THOUGHTS
MysticAmy MysticAmy

Sorry sa late release. Super busy. Salamat sa pagbabasa!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C25
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login