MJ's POV
Sunday afternoon.
Natapos ko na yung mga last minute requirements ko sa school and heto ako ngayon nakahiga sa kama, walang magawa. Hindi rin tumatawag si Louie, malamang busy yun sa paggawa ng mga requirements niya kaya matutulog na lang siguro ako.
Hindi pa man din ako nakakaidlip ay tumunog yung cellphone ko. Pagtingin ko kung sino yung tumatawag, si Louie kaya sinagot ko agad.
"Hello Love." Sagot ko
"Hello din love. Ano gawa mo?" Tanong niya
"Nakahiga lang, tapos ko ng gawin yung mga requirements natin eh. Ikaw ba?" Tanong ko sakanya. Tumawa naman siya konti kaya napangiti rin ako.
"Natapos ko nang gawin yun nung isang araw pa. Akala mo di ko pa nagawa noh? Siyempre alam ko na maaga mo ginagawa yung mga requirements natin para hindi ka mastress at siyempre para hindi mo sabihin na tamad akong boyfriend, eh tinapos ko na agad yun. Galing ko no" Sabi niya. Napailing naman ako habang nakangiti.
"Sira ka talaga. Oh napatawag ka?"
"Namiss ko lang marinig yung boses mo Love kaya ako tumawag sayo."
"Ay sus, oh ayan narinig mo na hahahaa" Hindi ko napigilang di mapatawa kasi langya talaga tong lalaki na to kahit kailan
"Kinikilig ka noh? Hahahaha!" Panunukso niya saakin.
"Ibababa ko na yung cellphone ko!" Kunwaring pikon ako para naman di niya mahalata na kinikilig ako noh! Hahahaha
"Oy, joke lang ito naman! Tumawag talaga ako para marinig lang ang boses mo kasi po hindi kumpleto ang araw ko pag di ko naririnig yung boses mo po. Okay na po ba yung sagot ko, Love?" Malambing na sabi niya. Humiga ulit ako at niyakap ang stuffed toy na bigay niya last christmas.
"Ikaw talaga!" mahinang sabi ko. Pinipigilan ko lang yung kilig ko.
"Masama ang magpigil, love" I know this guy, kahit wala siya sa harapan ko, nakangiting aso to saakin!
"What do you mean?" Patay malisyang tanong ko
"Na pinipigilan mo lang yung kilig mo."
"No I'm not."
"Yes you are."
"No"
"Yes"
"No"
"I love you.."
"No ----"
Hindi agad nagsink in saakin yung sinabi niya.
"WAAAAAAAAHHHHHHH!!! WALANG HIYA KA TALAGANG LALAKI KA!" Wala na. Di ko na napigilan yung kilig ko! Bruhong lalaking to!
"See, told you! Hahahahaa!" Tawa siya ng tawa.
"Sige lang, you always bully me! Huhuhuhu!" Kunwaring iyak ko.
"Oy hindi ah! That's how I show my love to you noh!"
"Love?" Tawag ko sakanya
"Yes, Love?" Ayiie.. Kinikilig pa rin talaga ako pag tinatawag niya akong 'Love'.
"What's your favourite song? I mean, you've been in the band for 6 years now, pero hindi ko pa alam kung anong favourite song mo." Tanong ko sakanya.
"Hmm, actually madami love. Pero nang dumating ka sa buhay ko, mas nangibabaw 'tong kantang ito. Kantahan kita love gusto mo?" Sabi niya.
"Sige." Sabi ko sakanya. Maya-maya pa'y nagsimula na siyang kumanta.
"It took one look
and forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you
There I was
thought I had everything figured out
goes to show just how much I know
bout the way life plays out
I take one step away
and I find myself coming back to you
my one and only
one and only you"
Napapikit ako dahil sa kanta niya. It was so soulful, sakto lang yung emotions niya sa kanta, at ang ganda talaga ng boses ng lalaking to!
"Now I know
that I know not a thing at all
except the fact that I am yours
and that you are mine
Oh,
if you told me that it wouldn't be easy
and Oh,
I'm not one to complain
I take one step away
and I find myself coming back to you
my one and only
one and only
I take one step away
and i find myself coming back
to you....."
He paused a while then he continued..
"my one and only, one and only you .."
"Ang ganda talaga ng boses mo love. It made me fall so hard for you. " Sabi ko sakanya. That's the truth.
There's no use kung magsisinungaling pa ko. According sa napanood ko na pelikulang Finally Found Someone nila Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, the best thing you could ever give to someone, is honesty.
"Ayyiie. Edi kakantahan na lang pala kita always para mas mahulog ka saakin. Hahahaha"
"I won't mind at all, love."
Tumawa siya sa direktang sagot ko, kaya napatawa na rin ako.
"Love?" He said.
"Yes?"
"I love you..." Again, hindi ko na alam kung pang-ilang beses na akong ngumiti ngayong hapon dahil sa lalaking ito.
"Uy, sabi ko I love you!" Medyo pikon na sabi niya.
"Hahaha. I love you too!" And with that, hindi na ako nakapag-siesta dahil sa lalaking to.
Lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako.
Lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang tulungan akong bumangon ulit.
At...
Lalaking hindi naghanap ng mali o kakulangan saakin sa iba..