Download App

Chapter 395: Chapter 6

Di pa sumisikat ang araw ay naghahanda na si Saskia para sa trabaho niya sa Artemis Equestrian Center. She spent a few minutes lathering her hair with Stallion Shampoo and Conditioner. "Hmmm… the shampoo that started it all."

Nagpadala ng pang-isang taon na yatang supply ng shampoo si Paz Dominique sa kanya. Pinsan kasi nito ang manufacturer ng shampoo na si Neiji Villaranza. She liked the scent of the shampoo. Maganda iyong simula para sa buong araw niyang pagtatrabaho. Di na lang niya iisipin na ang shampoo na iyon ang salarin kung bakit nagkakagulo ang mga kababaihan sa Pilipinas.

She loved the scent of the mist and the morning air as she walked to the stable. It was a perfect morning for riding. Iyon na lang ang pagkakataon niya para mag-relax. Maya maya pa ay dadating na ang mga estudyante niya. It would be for pleasure riding. Mahirap daw I-train ang mga iyon ayon kay Jaerrelin. Sa kanilang apat ay siya kasi ang pinakamatiyaga sa pagtuturo.

"Good morning, Ma'am Saskia," bati ng stable boy niya.

"Good morning, Robert. Wala ka bang pasok ngayon?" Part-timer lang niya ito at nag-aaral pa ng high school. Loyal sa tita niya ang pamilya nito at ang mismong riding school ang nagpapaaral dito sa kolehiyo.

"Mamaya pa pong hapon ang klase ko." Hinila nito ang isang kabayo palabas ng stable. "Heto na po si Louvin."

"Hello!" bati niya sa prized stallion ng riding school. It was a Kager mustang. Colt pa lang ito nang huli niyang makita. "Mamamasyal na kami, Robert. I will be back after half an hour." Dadating na rin ang mga instructor at estudyante noon.

Ilang ektarya lang ang Artemis Equestrian Center. It had a breathtaking view of the green mountains. It was ideal for horseback riding.

Pagdaan sa paddocks ay napansin niya na may nakaupo sa wooden fence. Sisitahin sana niya nang bumaba ito at tawagin siya. "Saskia! Saskia!"

Pinatigil niya sa pagtakbo si Louvin habang inaaninag ang may-ari ng boses. "Reichen, what are you doing here?"

Ngumiti ito kasabay ng dahan-dahang pagliwanag ng langit sa pagsikat ng araw. "Dinadalaw kita. Sabi mo sobrang busy ka para makipag-date sa akin. Kaya ako na mismo ang nagpunta dito para makita ka."

"Ganito kaaga? It is just five thirty in the morning!"

"Ito lang daw ang schedule mo na libre ka."

"Daw?" Nagsalubong ang kilay niya. "Who told you about it?"

Sino naman ang nagbenta dito ng schedule niya? It must be one of her friends who got caught by his smile. Iba talaga ang karisma nito.

"It doesn't matter. Ang importante nandito na ako."

Huminga siya nang malalim. Mukhang wala itong balak na umalis. "Reichen, I am off on my morning ride."

"Ako rin. Sasamahan na kita. Matagal na akong di nakakapasyal dito sa riding school. Nakaka-miss din na balikan ang kabataan ko."

"You don't have a horse," she reminded him.

"I have. Wait for me here." Tinakbo nito ang puno ng akasya sa tabi ng trail at kinuha ang kabayo na nakatali doon. Itim na itim ang kabayo kaya hindi niya napansin. Mukhang pinaghandaan nga nito ang pagpunta sa kanya. "I came here with my horse. He also needs a morning exercise."

Di na niya magawang kumontra. Di naman niya ito magawang ipagtabuyan. Malaya itong nakakapasok sa riding school dahil kilala na ito ng empleyado doon. Di kasing higpit ng Stallion Riding Club ang Artemis Equestrian Center. Lahat ng nais na mag-aral o dumalaw doon ay maaring pumasok.

It was so weird. Dapat ay ipinapatapon na nito sa labas ng riding club o kaya ay kanina pa niya ito iniwan. She didn't like company during her morning ride. Pero heto at hinahayaan niya itong sabayan siya sa pamamasyal niya.

"Most of the women I know doesn't want to wake up this early. Mas gusto nila na mag-party hanggang madaling-araw."

"I can't afford to sleep so late and I hate parties." Kapag may victory party siya sa mga competition ay umaalis agad siya. She needed enough sleep.

"Pareho tayo. Ah! I feel great during morning!" He breathed deeply. "Mas gusto ko ring mag-horseback riding sa umaga at di pa sumisikat ang araw. The morning air is so calming. Nakaka-relax."

"That's odd. For a partygoer like you?" Di ito nauubusan ng party sa riding club. And she was sure that he was outgoing with his girlfriends and endless dates.

"It is what the girls like. Di ako pwedeng tumanggi."

"Are you always like that? Ginagawa mo ang lahat ng gusto ng isang babae?"

"Di ba lahat naman ng babae gusto nilang gawin ng lalaki ang gusto nila? I just want to make those girls happy."

"In exchange of what?" she asked. Imposibleng walang kapalit ang lahat ng pabor na ibinibigay nito.

"Just a simple smile. Di naman siguro mahal ang isang ngiti."

Umingos siya. Di siya naniniwala. Sinong baliw na lalaki ang magpapakahirap na pasayahin ang isang babae para sa isang simpleng ngiti lang? It must be more than that. Di na lang niya itatanong dito kung ano.

"How about this date? I didn't ask for it. Hindi ba dapat makipag-date ka na lang sa ibang babae na gustong makasama ka?"

"Ten years ago, I promised that I will go out on a date with you once you are old enough. Twenty-five ka na, di ba? Matagal na tayo dapat nag-date. This is long overdue. A promise is a promise."

"Hindi ko na nga natatandaan na nangako ka sa akin." Di niya inaasahan na matatandaan pa nito na nangako ito sa kanya. That was ten years ago.

"Di ako nakakalimot sa pangako ko. And besides, I will still insist on a date. Kahit na mainis ka pa sa akin, gusto pa rin kitang makasama."

Malungkot siyang ngumiti. "I am afraid I am not a good company."

"No. This is enough. At least kinakausap mo ako. Sabi sa akin nila Jazzie, di ka daw nakikipag-usap sa mga lalaki."

Bumagsak ang balikat niya. Mga kaibigan pa niya ang nagbenta sa kanya dito. "Don't get the wrong impression. Di dahil kinakausap kita, gusto kitang kasama at natutuwa na akong makasama ka. I don't like the fact that you came here and bothered me. Ayoko ng pinipilit akong makipag-date."

"You can always throw me out if you don't like my company."

"Sibilisado pa rin akong tao." Isa pa, di naman siya nito binabastos. He may be a playboy but he was not a maniac.

"Mag-breakfast naman tayong dalawa. May alam akong short cut papunta sa Stallion Riding Club. They serve great breakfast at Rider's Verandah."

Matalim niya itong sinulyapan. "Inaabuso mo ang pagiging sibilisado ko?"

Ngumisi ito. "Nagtatanong lang naman ako."

"Babalik na ako sa stable. Baka dumating na ang mga estudyante ko."

"Sobrang ikli naman ng date natin. Pwede ba akong bumalik bukas?"

Hinila niya ang renda ni Louvin at tumigil ito. "Ito na ang huling pagkakataon na magde-date tayo. Kung date nga itong matatawag. I don't have time to waste. Marami akong responsibilidad dito sa riding school."

"Alright! Wala na akong sinabi. But if you change your mind…"

"Reichen! Reichen!" tilian ng mga babaeng estudyante ni Jazzie na nasa labas ng stable. Marahil hinihintay ng mga ito ang kabayong gagamitin.

"H-Hi!" bati ni Reichen at kumaway.

Lumapit ang isa dito. "Ako ba ang pinuntahan mo dito, Reichen? Perhaps you want to see my progress. Kapag magaling na ako, mag-date tayo sa Stallion Riding Club, ha? Tour me around."

Alanganing ngumiti si Reichen. "S-Sige."

"Teka, mas magaling ako sa kanya. You can ask Miss Jazzie if you want," anang isa pa at itinulak ang babae. "Ako ang unang isama mo."

Itinulak ito ng una. "I met him first. Mas close kami kaysa sa iyo."

Tumindi ang tensiyon kaya dali-daling bumaba ng kabayo si Reichen at pumagitna. "Girls, that's enough. You don't have to fight."

"Ide-date niya kayong lahat," aniya at maasim na ngumiti.

Nagulat si Reichen. "Saskia, that's not it. Hindi naman…"

"You don't have to explain anything really." Mas pabor nga sa kanya kung ibang babae ang kasama nito. "Good day, Mr. Alleje," aniya at pinatakbo palayo ang kabayo niya. Nang lumingon siya ay pinagkukulumpunan ito ng mga babae.

HE was really stupid. Sa palagay ba nito ay kaya nitong pasayahin ang lahat ng babae sa mundo? Gulo lang talaga ang dala nito. She should stay away from him.


CREATORS' THOUGHTS
Sofia_PHR Sofia_PHR

Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature? Order here:

Facebook: My Precious Treasures

Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr

Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C395
    Fail to post. Please try again
    • Writing Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login