"GOOD morning!" bati ni Beiron kay Khamya nang maabutan siyang tinitingnan ang linya ng mga Arabian horses nito sa kuwadra.
"Good…" Naputol ang pagbati niya nang mariin siya nitong halikan. She was getting used to his affection. Basta may pagkakataon ay lagi siya nitong hinahalikan.
Humalakhak ito. "That's what a good morning really means."
Hinampas niya ito ng clipboard sa dibdib. "Nakakahiya sa mga tao."
"May makakakita talaga sa atin puro camera dito. Let them watch." Hinapit nito ang baywang niya. "Sasamahan mo ba akong mag-horseback riding?"
"No. I am just checking Nasir." Iyon ang Arabian horse na pag-aari ni Beiron na gagamitin niya para sa cloning experiment niya.
"Ang aga naman ng trabaho mo."
Kinuha nito ang clipboard sa kanya. "Beiron!"
"Sasama ka sa aking mag-horseback riding at mag-breakfast. Makukuha mo sa akin ang clipboard kapag oras na ng trabaho mo."
"You are not a part of my itinerary, Mr. Rafiq."
"To hell with the itinerary! Basta gusto kitang makasama! Iyan ngang si Reid ang abusado. Pinagtatrabaho ka kahit dapat nagpapahinga ka."
"Alright! Sasama ako sa iyo!"
Dahil di pa rin siya sanay sumakay sa kabayo nang mag-isa ay inangkas siya nito sa Arabian horse nitong si Mustafa. Mula sa main stable ay idinala siya nito sa Lakeview Deck kung saan tanaw na tanaw ang lake. Malapit lang iyon sa villa nito.
She breathed in the cool air. "Wow! This place is really perfect. Kapag nandito ako, parang gusto ko na lang kalimutan ang trabaho ko. Dapat nga yata bumalik ka na sa Al Ishaq. Baka sabihin ni Sir Reid nag-I-slack off na ako sa trabaho. Hindi ka pa ba babalik sa Al Ishaq?"
Hinapit nito ang baywang niya mula sa likuran. "Ayoko. Wala akong tiwala sa mga lalaki dito. Baka agawin ka pa nila sa akin."
"Wala ka bang tiwala sa akin?"
She nozzled her neck. "Mayroon. I just don't want to take chances. Saka baka pagbalik ko dito bigla ka na lang umalis."
Natawa siya at tiningala ito. "Saan naman ako pupunta?"
"Sabi ni Tamara, may offer daw sa iyo sa Australia."
It was a project to revive an extinct animal. Gagamit ng cloning para buhayin ang Tasmanian tiger. It was a promising project. And it was an honor to be chosen as a part of the team. "Well, I turned it down."
"If you will ask me, maganda ang project na iyon."
"Yes, maybe we can revive the animal itself." Simple lang ang proseso. Kailangan lang nila ng adult cell na iko-combine sa cell na walang nucleus. Once it divides normally, saka naman iyon ililipat sa surrogate mother. "Pero paano kapag ipinanganak na ang hayop na iyon? Anong magulang ang magtuturo sa kanya ng natural behavior? Makakakilos pa ba ng normal ang hayop na iyon kung wala siyang magulang? Importante din ang natural habitat nila. Kung hindi maipe-preserve ang lugar kung saan sila titira, mamamatay rin sila."
"So it is not just about simple reproduction on your part?"
"Wala iyang ipinagkaiba sa tao. Kung ipapanganak ang isang bata tapos wala siyang magulang at maayos na tahanan, anong mangyayari sa kanya?"
"Napag-uusapan na ang anak. Bakit di na natin simulan ngayon?"
Akmang hahalikan siya nito nang iiwas niya ang mukha. "Huwag muna ngayon kasi magtatrabaho pa ako."
"Ah!" ungol nito at minasahe ang batok. Di nito alam kung matatawa o maiinis sa kanya. "Akala ko naman pwede na."
"Saka na natin iyan pag-usapan kapag natuloy na ang engagement party."
"Sige. Mag-dinner tayo mamaya at pag-usapan natin iyan."
Pagdating sa main stable ay naghihintay na sa kanila ni Emrei. Mukhang seryoso ito. "Kuya, naaksidente si Rostam sa kabayo," balita nito. Si Rostam ang prinsipe ng Al Ishaq at tagapagmana sa trono. Malapit itong kaibigan ni Beiron. "He is critical. The king wants to see you.You have to go back to Al Ishaq now."
Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature? Order here:
Facebook: My Precious Treasures
Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr