Download App
41.88% The Actor that I Hate to Love / Chapter 80: Someone from the Past

Chapter 80: Someone from the Past

Shanaia Aira's Point of View

NAGHANAP muna kami ni Gelo ng lugar na kung saan pwede kaming magpalit ng suot na damit. Nagtanggal lang ako ng make up at yung usual na itsura ko kapag nasa hotel kami ang ayos ko samantalang si Gelo naman ay yung disguise nya na hiphop na long hair.

Ngayong gabi na lang itong pagdi-disguise namin, bukas uwian na. Medyo mahirap pero carry na kasi ang kapalit naman nito, magkasama kaming dalawa. Mas mahirap kung magkahiwalay kami di ba? Kami pa naman ni Gelo, hindi sanay na wala ang isa't isa. Tawagin nyo na kaming clingy o tarsier pero yun kami eh, mula noon pa. Ako medyo nakakatiis ako basta't nakakausap ko lang sya pero siya, kausap na nya ako kulang pa yon sa kanya. Siya talaga yung literal na clingy sa aming dalawa.

" Baby gusto mo bang i-massage ko yang binti mo? Alam ko napagod ka sa pagtakbo natin kanina. Tsaka yang cut sa lips mo, halika dito, gagamutin ko." prisinta ni Gelo. Nasa hotel room na kami at nagpapahinga. O di ba, ang sweet nya?

Lumapit ako sa kanya dala yung massage oil tsaka yung ointment para sa sugat.

Hinila nya ako paupo sa lap nya, tapos sinimulan nyang pahiran ng ointment yung putok ng labi ko.

" Kapag nakikita ko tong cut sa lips mo, parang gusto kong saktan si Gwyneth kahit sa isip ko." medyo naiinis nyang wika habang hinahaplos ng marahan yung cut sa lips ko.

" Kalma lang bhi. Ano naman aber ang gagawin mo kay Gwyneth kapag nagkita kayo? Siguradong itatanong nya kung bakit sobrang concerned ka sa isang waitress. Hindi ko naman sinasabing hayaan mo na lang sya sa ginawa nya sa akin, pero naisip mo ba yung magiging outcome kung sakaling bigyan mo sya ng leksyon? " nakatingin lang sya sa akin. Tila nahulog sya sa malalim na pag-iisip.

Nagkibit-balikat lang siya at hindi na sumagot. Siguradong may iniisip na syang paraan para dito.

Matapos gamutin ang lips ko ay yung binti ko naman ang pinagtuonan nya ng pansin. Minasahe nya ito habang nakakandong ako sa kanya. Ay grabe ang sarap sa pakiramdam, parang nawala yung stress sa muscles ko.

Maya-maya lang ay biglang nanlaki ang mata ko sa gulat. Parang may gumagalaw sa pwetan ko hanggang sa parang may naupuan akong matigas!

Matigas?

Matigas na nga!

OMG!

The naughty Gelo Montero strikes again.

Bigla akong tumayo mula sa kandungan nya at mabilis na nilingon ang ibabang parte ng katawan nya. Sabi ko na nga ba eh. Wag lang na di ako madikit sa kanya, siguradong magrerebulusyon ang katipunero nya.

" Bhi?" bulalas kong sambit sabay tingin sa kanya. Nakangisi sya ng pilyo habang nakatingin din sa akin.

" Can't help it baby. You know that I can't resist it when it comes to you." turan nya na parang nagbabalita lang ng lagay ng panahon.

" Kasalanan ko pa ganon?"

" That's your effect on me. Come on, bigyan mo ito ng solusyon." he pulled me closer to him and I landed immediately on his lap.

He caress my cheek repeatedly down to my neck.

" I want to kiss you pero baka masaktan ka na naman dahil sa sugat dyan sa labi mo. " parang nahihirapan na wika nya.

" It's alright bhi. There's always tomorrow for that." he just nodded and kiss my cheek instead.

He hugged me and caress my back. It felt so good in his arms. It felt like home. And home is when I'm with him like this.

And of course, when Gelo started it, he will surely finish it and he will never ever leave you hanging until you are both satisfied and exhausted.

The next morning is our flight back home. Nauna lang ako ng ilang oras sa kanya sa condo. Sila ay dadaan pa sa kanilang talent agency para sa ilang bagay na may kinalaman dun sa natapos nilang movie.

Nagluto ako para sa lunch namin pero pasado ala una na ay wala pa rin sya. Wala rin naman syang text kaya kumain na lang ako na mag-isa dahil gutom na ako, siguro may meeting na naman sila kaya wala pa sya hanggang ngayon.

Hay talaga naman!

Matapos kumain ay nagpahinga lang ako saglit pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa couch sa living room. Naramdaman ko na lang na may humahalik sa buong mukha ko, napabangon ako sabay sapak sa salarin sa pag-aakalang nananaginip lang ako.

" Aray ko baby! Ang sadista mo naman." sabi ni Gelo na nakasangga pa yung dalawang braso nya bilang protekta sa sarili nya sakaling umatake ulit ako. Saka lang ako tuluyang nagising.

" Sorry bhi." sabi ko sabay haplos sa dibdib nya na tinamaan ng atake ko. Ngunit saglit lang yon, nandidilat ang mga mata ko na hinarap sya. " Bakit ngayon ka lang ha? Saan ka galing?"

" Nagkaroon ng celebration sa talent agency, Christmas party, tapos inayos na namin yung schedule ng dubbing at promotion nung movie para pagbalik namin after ng Christmas break diretso trabaho na. Kinausap ko na rin kanina si Gwyneth about the incident. She said sorry. She told me she won't do it again, nabigla lang daw sya. Hindi ako naniniwala pero atleast nag-sorry sya. "

" Okay. Gusto mo bang kumain? Nagluto ako."

" Mamayang dinner na lang, busog pa ako. Mag-impake na lang tayo para sa flight natin bukas. " pagyaya nya sa akin.

" Sige. "

Kaunti lang naman ang dadalhin namin kaya mabilis lang kaming natapos mag pack. Pwede naman kasing bumili dun ng damit, wala namang problema.

9am ang schedule ng flight namin sa US kaya 5am pa lang bumiyahe na kami ni Gelo papuntang airport. Nag taxi lang kami papunta dun. Nagsuot ng aviators si Gelo para hindi sya makilala ng mga tao. Mahirap na, baka pagkaguluhan pa sya at ma-late pa kami sa flight namin.

Dumating kami ni Gelo sa US exactly lunch time. Dumiretso kami sa bahay namin dahil wala namang nakakaalam ng eksaktong araw ng pagsunod namin sa kanila.

Gulat na mukha ni ate Shane ang bumungad sa amin ng pagbuksan nya kami ng pinto.

" Oh my G! Nandito na kayo!" tili nya.

" Hindi teh, wala kami dito, nandun kami." papilosopong turan ko. Inirapan nya ako pero bumeso naman sya sa amin ni Gelo.

" Tara pasok na kayo sa loob." untag nya.

" Sa loob?" biro ko.

" Ay hinde, sa labas. Tara pumasok kayo sa labas. " ganting pang-aasar nya.

" Hay nako, nagsama na naman yung dalawang pilosopo. Tara na nga baby! Sila tito Adrian besty." tanong ni Gelo kay ate.

" Nandyan, nagto-tonghits. May bisita kasi tayo, tamang - tama nandito na rin kayo." sagot ni ate Shane.

" Sino teh ang bisita natin?" tanong ko habang papasok ng bahay.

" Sina lolo Franz, nagbabakasyon din." sagot ni ate.

" Really? Sino-sino sila? " excited kong tanong. Na-miss ko na kasi sila lolo Franz.

" Lola Paz, tita Laine and tito Nhel. "

" Halika bhi, ipapakilala kita sa kanila. " excited kong hinila si Gelo papasok ng living room.

Napatingin silang lahat sa amin nung bumungad kami ni Gelo sa living room.

" O mga anak bakit hindi kayo nagsabi na susunod na kayo ngayon, sana nasundo namin kayo sa airport. " sabi ni daddy.

" Gusto po namin kayong I-surprise pero kami po yata ang nasurpresa dahil nandito po sina lolo Franz. Lo na-miss ko po kayo, ito nga po pala si Gelo ang fiance ko. " pakilala ko kay Gelo sa natitirang matriarko ng pamilya Guerrero, si lolo Franz. Nagmano kami ni Gelo sa kanya.

" Ikinagagalak kitang makilala hijo. Welcome to our family. " sabi ni lolo kay Gelo.Nagkamay din sila.

" Bhi si lola Paz, tapos yung nandun sa dulo katabi ni mommy, si tita Laine tsaka yung husband nya si tito Nhel." lumapit kami sa mga binanggit ko tapos nagmano kami sa kanila.

" Hindi ba siya yung artista na si Gelo Montero?" tanong ni tita Laine.

" Opo tita. Ako nga po. " sagot ni Gelo.

" Ay ang swerte mo naman baby Aira, artista ang fiance mo. Kaya lang sana huwag kayong matulad sa ibang taga-showbiz, pinaghihiwalay ng intriga. " turan ni tita.

" Mukhang hindi naman magpapa-apekto yang dalawang yan. Lagi kong pinagdadasal na huwag silang magaya kay Shane at Andrew. " sabi naman ni mommy.

" Ma'am handa na po ang lunch. " anunsyo ng kasambahay namin.

Masaya kaming nagsalo-salo sa tanghalian sa aming long table. Hindi namin ito madalas ginagamit dito maliban kung ganitong naririto ang buong angkan ni mommy.

Bahay ito ng mga magulang ni mommy. Nanirahan kasi sila dito sa US noong nabubuhay pa sila. Si lolo Fabian, ang lolo ko ang nag-iisa at nakababatang kapatid ni lolo Franz, kung saan may bahay si lolo Franz, nasa tabi lagi si lolo Fabian pwera lang sa Sto. Cristo kasi sa side iyon ni lola Paz, ang asawa ni lolo Franz. Pero umuuwi din kami dati doon nung mga bata kami para magbakasyon.

Ilang beses ko ng naisama noon si Gelo dito sa US para magbakasyon. Ito lang yung unang pagkakataon na makilala nya ang mga kamag-anak ko. Nasa kabilang bakod naman ang bahay nila lolo Franz.

Mukhang okay naman siya sa mga kamag-anak ko. Maayos nila itong pinakiharapan na tila miyembro na talaga ito ng pamilya.

Hapon ng maisipan naming mamasyal ni Gelo sa parke malapit sa aming bahay. Mangilan-ngilan lang ang tao dahil medyo maaga pa.

Sa di kalayuan ay may napansin ako na isang tuta na nananakbo. Base sa mahabang leash na nasa kanyang leeg, mukhang nakawala ito sa pagkakahawak ng may-ari sa kanya.

" Bhi ang cute!" bulalas ko.

" Ay oo naman, matagal na akong cute." sagot ni Gelo na ngising-ngisi pa.

" Sira hindi ikaw, yung puppy. Ayun oh!" turo ko dun sa puppy na kulay light brown.

" Golden retriever yan. Halika puntahan natin." hinila ako ni Gelo papunta dun sa puppy na huminto na sa pagtakbo.

Kinuha ko yung leash nya nang may biglang nagsalita sa likuran namin.

" That puppy is mine. " pamilyar yung boses pero hindi ko maalala kung saan ko narinig. Unti-unti akong humarap upang magulantang lamang.

" Aira?" gulat na gulat din sya. Hindi ako nakapag-salita agad, tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Ang laki na ng pinagbago nya. Magsasalita na sana ako nang mapatingin ako sa asawa ko.

Kuyom ang palad at tila galit na nakatingin din sa taong nasa harap namin.

Jusko po. Sa lahat ng nanligaw sa akin, dito lang sya talaga sa nilalang na ito na-threatened .

Ano kaya ang gagawin nya ngayong nakaharap nya itong muli?

Brace yourself Aira. Ang haba talaga ng hair mo!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C80
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login