Shanaia Aira's Point of View
NAGULAT ako ng lingunin ko ang nagsalita sa tabi ko.Kung kelan pa naman wala si Gelo saka naman kami nagkita uli ng makulit na ito.Pero dahil hindi naman ako pinalaking rude ng mga magulang ko, hindi ko syempre kayang iignora ang presensiya nya kahit pa gaano sya kakulit.
" Oh hi Kevin,good to see you here too.Who are you with? " nakangiti kong tanong sa kanya.Ito yung anak ng kasama ni kuya Andrew sa munisipyo,yung umakyat ng ligaw na binasted ko rin agad.Sobrang kulit kahit binasted ko na, madalas pa rin akong tawagan at nagpapadala ng kung ano~ano sa akin through kuya.
" Kasama ko yung friend ko.Can we join you here? " he asked.
" Yeah,sure.By the way this is Charlotte and Venice,my bestfriends."
pakilala ko sa dalawa kong kasama at nakipag~shake hands naman sila sa kanya.
" Wala yata yung bantay mo? "
" Sino si Gelo? He's in Batangas,dun sila nag New Year ng family nya." sagot ko na alam ko na agad kung sino ang tinutukoy nya.
" Buti hindi kayo magkasama kundi hindi sana kita nakita ngayon.Sobra kung makabakod sayo yung isang yon, baka maging old maid ka pag nagkataon. " he chuckles as he said those words.
He really knows how protective Gelo is. Ilang beses na kasi syang nakita ni Gelo na pinuntahan ako sa school. And knowing Gelo, malala ang topak nung isang yon at malamang nga maging old maid ako pagdating ng araw dahil sa sobrang higpit nya.
" Ganon lang talaga yon si Gelo pero mabait yon kahit sobrang strict. " pagtatanggol ko sa bestfriend ko.
" Really? Baka he just want you for himself kaya ganon sya. " seryoso syang nakatingin sa akin.
Nagulat ako sa sinabi nya. Ganon ba ang tingin nya kay Gelo? Maging ang dalawang kaibigan ko ay hindi makapaniwala sa narinig nila. They have known Gelo for years at hindi ganun ang pagkakakilala nila dito.
" Hindi ko nakikita kay Gelo yung katulad ng sinasabi mo, ano naman ang basis mo para magsalita ka ng ganun? " tanong ko.
" I'm a guy, I should have known, at nakikita ko yun kung paano ka nya tignan.Kayong mga babae hindi nyo napapansin yun pero kaming mga lalaki madali naming malaman kahit sa paraan lang ng pagtingin ng isang guy sa inyo." sagot nya pero hindi ako makapaniwala na may kakaibang feelings nga sa akin ang best friend ko.Madalas lang akong pagtripan nun,yun ang alam ko.
I heaved a sigh.Sasagot na sana ako nung lumapit ang kasama ni Kevin at ipakilala nya kami.Buti na lang dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dun sa sinabi nya.
" Girls this is my friend Clyde.Bro this are Aira,Charlotte and Venice." pakilala nya sa amin dun sa friend nya.He's so cute, at ang Venice parang gustong himatayin nung kamayan sya nito.Nangangamoy love team ah.
" Oh hi girls.Nice to meet you." nakangiting sambit nya na medyo lumabas pa ang dimples nya.
So far nag~enjoy naman kami ng husto sa company ni Kevin at Clyde.Makulit si Kevin at joker naman si Clyde.Pansin ko lang panay ang dikit ni Clyde kay Venice nung namamasyal na kami sa mall.Sabi ko na eh,nangangamoy love team.
Nung pauwi na kami hinatid pa nila kami sa parking lot kung saan naghihintay si Mang Simon, at bago sila sumakay ng sarili nilang sasakyan,nagpalitan pa kami ng mga cellphone numbers namin.I think may nabuo ng friendship sa pagitan naming lima at napagkasunduan pa na mag hang out sila sa bahay namin tomorrow.
Kinagabihan, naisip ko na naman si Gelo. Sa totoo lang nami~miss ko na sya.Kailan kaya uuwi yun? hindi ko naman matawagan dahil wala ngang signal dun.
Naalala ko yung sinabi ni Kevin kanina. Totoo kaya yung sinabi nya na may gusto sa akin ang best friend ko? Kung totoo man yun, paano na ang friendship namin? Kaya nga hindi ko maamin sa sarili ko nun na may feelings ako kay Gelo dahil natatakot ako na masira ang friendship namin. Hanggang ngayon nga iniingatan kong wag syang makahalata na may feelings ako sa kanya.
Minsan nariringgan ko sya ng kung ano~ano pero ini~ignore ko lang kasi madalas naman akong pag~tripan nung mokong na yun. Tsaka may special someone yun na ginawan pa nya ng kanta nung nasa States kami.Posible bang ako yun? Ayoko nga mag~assume.Pero paano nga kung tama si Kevin? What if, the feeling is mutual?
Ay kaloka naman. Ayokong bigyan ng pansin yun. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin kung sakali ngang mutual ang feelings namin ni Gelo. Ayoko. Una, best friend ko sya, ayokong masira yung friendship namin. Once na naging kami tapos nagkahiwalay kami, hindi na maibabalik sa dati yung friendship. Tapos mahirap din dahil artista sya, puputaktihin kami ng intriga then ang ending namin hiwalayan din.
Haay Shanaia Aira, wag ka ngang assuming dyan. Kung ano-ano iniisip mo, hindi ka naman sure. Sus, waley lang yan.
KINABUKASAN, bago umalis sila dad nagpaalam ako na may darating akong mga kaibigan, pumayag naman sila. Alam nila na naiinip na ako dahil wala pa si Gelo. After lunch, dumating sa bahay sina Venice at Charlotte ng magkasabay.Nag~text na daw sila Kevin na papunta na rin sila.
Hindi nagtagal ay dumating na rin yung dalawang makulit.May dala pang pizza at isang malaking grocery bag ng junk foods.
" Ang dami nyo naman dalang foods, anong trip nyo? " puna ko sa kanila.
" Movie marathon tayo, may dalang dvd's si Clyde baka gusto nyo." sagot ni Kevin.
" Bah ok yan ah, patingin nga Clyde ng mga dala mo? " untag ni Charlotte kay Clyde.
Nilabas naman ni Clyde yung mga dala nyang dvd's mula sa backpack nya.
" Wow okay to ah puro comedy! Tara dali nuod na tayo." excited na sambit ni Venice.
Dinala ko sila sa entertainment room namin kung saan may malaking flat screen tv. May mga upuan na parang sa sinehan ang pagkakaayos.Pinasadya talaga ni mommy na ganun para sa panonood namin ng mga movie ni ate Shane.
Kaya naman nag~enjoy sila sa panonood, nakailang movie rin kami nung maisipan nilang magpaalam na para umuwi.
Hinatid ni Kevin si Charlotte at si Venice naman ay hinatid ni Clyde.Pansin ko lang na parang type ni Kevin si Charlotte, panay kasi ang pangungulit nya dito nung nanonood kami at mukhang okay naman sya kay Charlotte. Gwapo naman kasi si Kevin at mabait, yun nga lang makulit talaga.Buti naman kaysa ako yung kinukulit nya. Alam naman nya na wala syang maaasahan sa akin, mas magandang friends na lang kami.
Simula nun, halos araw~araw na kaming magkakasama sa mga lakaran. Sinusulit namin yung ilang araw pa na walang pasok sa school.Nalaman namin na magka~klase pala yung dalawa sa University na malapit din sa school namin,kaya pala mabilis lang akong napupuntahan ni Kevin nuon.
Two days bago matapos ang bakasyon, nagulat ako ng pumunta si Kevin ng mag~isa sa bahay. May dala pa sya na chocolates at isang box ng pizza.
" Oh Kevin why are you here? Don't tell me na... ".
" No! it's not what you think it is."
" Then what? "
He heaved a sigh first then look me in the eyes.Parang nahihiya pa sya na magsalita.
" Alam ko na naging persistent ako sayo nun kahit na binasted mo na ako.Akala ko nga Aira hindi na ako makaka~move on sayo pero nung makita ko si Charlotte, iba eh parang ang bilis ng mga pangyayari." hindi mapakaling turan nya.
" So Kevin, you're here kasi iniisip mo na magagalit ako sayo dahil yung feelings mo para sa akin nabaling mo na kay Charlotte? Ganun ba? " nahihiya syang tumingin sa akin at marahang tumango.
" Hahaha.. Alam mo para kang sira dyan, bakit naman ako magagalit sayo? Di ba nga nung binasted kita sabi ko maging magkaibigan na lang tayo,na humanap ka na lang ng iba dahil hindi pa ako ready.So bakit nagi~guilty ka ngayon? We're friends already and I'm happy for you.If you like Charlotte then go,don't worry about me, wala sa akin yon." nakangiti kong turan.
" Thank you Aira, ayoko lang kasi na isipin mo na hindi ako naging sincere sa panliligaw ko sayo nun.Pero siguro dahil nga natanggap ko naman na wala akong maaasahan sayo kundi friendship lang madali kong nai~divert yung feelings ko sa iba at hindi ko naman akalain na ikaw pa ang magiging tulay para makilala ko siya.Ang pangit lang kasi di ba kung titignan."
" Haay Kevin! Alam mo nakakatuwa ka. Bihira yung ganyang guy na isinasaalang~alang pa yung feelings ng dati nilang nililigawan.Kung sa iba yan wala na silang pakialam, galit na kasi binasted.Baka nga sabihin pa "care ko sayo binasted mo na ako maglaway ka sa akin ngayon". O di ba may mga lalakeng ganon? " natawa na sya sa huling sinabi ko.
Naging maayos naman ang pag~uusap namin ni Kevin.Natutuwa ako na nagpaalam pa talaga sya sa akin na liligawan nya si Charlotte.I find it nice naman kasi nirerespeto nya ang damdamin ko bilang dati nyang nililigawan.At napatunayan ko na he is a good man, maswerte si Charlotte kung sakaling maging sila.
Nag~kwentuhan pa kami ng matagal na si Charlotte lang syempre ang topic.Inalam nya kung kailan ang birthday ni Lot at pati na rin yung mga favorites nito.
Napag~usapan din namin yung incident na nangyari sa aming tatlong magkakaibigan three years ago kung saan na~principals office pa kami. Tuwang~tuwa si Kevin sa kwento ko kasi naman with matching action pa ako habang nagku~kwento.
Tawa kami ng tawa hanggang sa may marinig kaming tumikhim sa may pinto.
" Ehem! Kaya naman pala hindi mo sinasagot ang tawag ko, eh nag~eenjoy ka na dyan ng husto! " hindi maipinta ang mukha ng nagsalita.
Putspa! Ayan na pala sya.
Patay kang bata ka Aira!
Light lang po ang story na to.. walang gaanong nakakaiyak na eksena. Umiikot po ito sa frienship pero may kilig feels, showbiz and all that. I will try my best na mapaganda po ito for your reading pleasure.Thank you po sa mga nagbabasa. Pwede po ba na paki rate nyo rin po. Salamat.