Download App

Chapter 5: Chapter 4

ELLA

"Aray!"

Sapo sapo ko ang ilong ko na natamaan dahil sa paghinto ni kuya.

"Ba't ka huminto kuya! Ang sakit tuloy!"

Nanatili lang siyang nakatayo sa harap ko kaya naman dumaan ako sa kaliwa niya habang hinihimas ang ilong ko.

'Anyare dito?'

"Huy! Kuya! Ba't nakatunganga ka jan?"

Mukhang natauhan naman na si kuya at nagmadali na namang maglakad.

Huminto siya sa isang 7 11 at naupo.

Sumunod naman ako sa kay kuya at inalalayan si ate para makaupo.

"Anong gagawin natin dito?"

Hindi sumagot si kuya sa tanong ko pero tumitig siya sakin.

'Geh. Nice talking.'

Ilang minuto kaming nagtitigan ng bigla siyang kumurap kurap at umiling.

May binulong si kuya pero mukhang sa sarili niya lang ito sinasabi.

'Anyare sa kanya?'

Yumuko siya at umiling muli.

'Baliw pa ata kasama ko.'

Bigla siyang tumayo at tumitig sakin.

"San ka nakatira?"

"Bakit mo tinatanong?" Tanong ko kay kuya.

"Para maihatid na."

"Ah no need malapit lang naman bahay namin dito. Eh ikaw Ate san ka nga pala nakatira?" Tanong ko kay ate na naka sandal sa akin.

"S-sa F-Fiesta Village a-ako nakat-tira" Utal utal na sagot ni ate habang nakatingin kay kuya.

'Ba't ang layo ng narating ni ate? Isang kilometrong layo din yon ah.'

"A-anlayo. Ako nalang maghahatid sa kanya." Pagprepresinta ko dahil maaabala si kuya.

"No. I'll be the one to accompany her."

Englishero pala si kuya. Sigurado ba siya?

"Are you sure?"

"Yes. I'll call my driver to pick us up."

Napanatag naman ang loob ko nung malaman na hindi sila magco commute.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

Ba't parang familiar yung mukha ni kuya?

Napatitig naman ako sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Miss. Sasama ka ba samin o uuwi kana?"

'Nakita ko na siya dati eh. Hindi ko lang alam kung saan.'

"Miss. Sasama ka ba?"

'Ay ewan! Bahala na nga.'

"MISS!"

"Ay Mikhaella! Ano ba?! Bakit ka naninigaw jan?!"

"You're not paying attention to what I am saying!"

"Then at least you should have tapped me on the shoulders and not yell at my face!"

"Aish. So it's my fault now?! Well I'm sorry if I'm disturbing your day dreaming."

"Wha- I'm not day dreaming!"

"Yes you are!"

"No I'm not!"

"Ye--"

"Yung babae hinimatay!" Sigaw nung cashier.

Paglingon namin ni kuya ay nakita kong nakahandusay na si ate.

"Sh*t kunin mo yung gamit niya."

Nilapitan ni kuya yung babae at binuhat. Medyo napangiwi pa siya pero kinaya niya.

Agad agad kong kinuha yung gamit nung babae at sumunod kay Kuyang Patpatin.

Pagkalabas namin ng 7 11 ay may bumungad na itim na sasakyan samin.

Lumabas ang isang lalaki na nakasuot ng pormal na damit at nagbow kay Kuyang Patpatin.

"Open the door!" Sigaw niya dun sa lalaki.

Agad agad naman itong binuksan nung lalaki at ipinasok yung babae sa kotse.

Sasakay na din sana si Kuyang Patpatin ng mapansin niya ko.

Tss. Ngayon niya lang ako napansin.

Napangiwi ako sa inisip ko.

"Aray! Ano ba?!" Daing ko dito kay Patpatin.

Eh pano ba naman?! Hila hila niya ako. Tas ang higpit pa nung hawak niya sa pulso ko.

Sumakay kami sa kotse at dali dali itong pinaandar.

"Teka. San tayo pupunta?!" Natatarantang sigaw ko dahil di ko alam kung san kami pupunta.

"In my house!"

Ano?!

"Baliw ka ba?! Hinimatay na lahat lahat yung babae tapos sa bahay mo dadalhin?! Siraulo! Sa Hospital dapat!" Bulyaw ko kay Kuyang Patpatin.

"Malayo ang hospital dito sa lugar na to! Rush Hour na! May personal doctor ako sa bahay. Malapit lang ang bahay ko dito. So just please shut up and calm yourself." Mahabang sagot niya sakin.

Okay. Napahiya ako dun ah. Sabi ko nga tatahimik na ko.

Ilang minuto lang ay pumasok kami sa isang Village. A prestigious Village I mean.

Class D St.

Class C St.

Class B St.

Class A St.

Class A+ St.

Class S St.

Class R St.

What da hek?! Ano to?! Dinaanan namin ang bawat kanto. At base sa mga nabasa kong signs ay by Class ang bawat kanto nila dito.

'Siguro kung dito kami nakatira, nasa tabi ng guardhouse ang bahay namin.'

Umiling iling ako dahil sa naisip ko nang biglang huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng isang napakalaking gate.

As in sobrang laki!

Otomatiko itong bumukas at umandar muli ang sasakyan namin.

And from there,

We entered Heaven.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login