Download App
72.72% When The Fate Plays / Chapter 48: 48th Chapter

Chapter 48: 48th Chapter

Paolo's Point of View

Bakit sa lahat ng tao sa mundo, kami pang dalawa ang napaglaruan ng ganito? Why?

Tinawagan ko si Lolo kanina dahil sa ramdam kong siya ang dahilan kung bakit nandito si Eadaion. At tama nga ako.

She walked away. Napakamot ako ng batok ng hindi ko na siya makita dahil siguro sa hiya. Napangisi ako. Ang cute niya! Pulang-pula ang kaniyang pisngi.

Pumunta na lamang ako sa kwarto namin nila Lance. Kapag minamalas ka nga naman. Nakahiga sa kutson si Kean habang hawak-hawak ang kaniyang phone. Kasamahan namin siya sa kwarto, unfortunately. Kaya't mas gusto ko ngang nasa labas dahil lagi lang siya nandito sa kwarto.

Tiningnan niya ako pero ibinalik niya ulit ang tingin niya sa kaniyang phone.

Palabas na sana ako dahil hindi ko kayang manatili rito pero natigilan ako dahil kay Kian. "I'm sorry," sambit nito. Napalingon ako sa sinabi niyang 'yon pero hindi siya nakatingin. Nasa phone niya pa rin ang mata niya.

"I heard a voice of a traitor. Tss."

Nagmura siya. "Kaya nga nag-sosorry na 'di ba?"

"Hindi iyan sapat. Alam mo 'yan. You've done this before. Inulit mong muli. Hindi ka na nagsawang sirain ang buhay ko," sambit ko.

I left the room. Ayoko talaga ng atmosphere doon.

Napagdesisyunan kong buksan ang phone ko kahit na alam kong puro pangungulit lang ni ate Pauline ang bubungad sa akin. I need to call Eloisa but.

Lolo is calling...

Napabuntong-hininga ako.

"Hindi ka talaga natitinag, Paolo!" anito. "You're giving me no choice, apo."

"Don't act like a heartless old man, Lolo. Alam kong naibigay na sa iyo ng nihire mong spy ang mga litrato ng ganong kabilis. Naisend na ba sa 'yo? Lo, hear me first. I freaking love that girl! Iba ang pagmamahal ko sa kaniya, mas malalim kesa sa pagmamahal ko noon kay Jade. Are you getting my point? Kung hindi ko nagawang ipaglaban ng patayan ang pagmamahal ko kay Jade. Ngayon ipaglalaban ko ang pagmamahal ko para kay Eloisa. Can you just accept us? Make us happy for the mean time. Habang hindi pa umeeksena si Dad. Ayokong pati ikaw, Lolo ay kamuhian ko at alam kong ayaw mo ring kamuhian ka ng paborito mong gagong apo."

Umalingaw-ngawang halakhak ni Lolo. I heard a giggle too. Napakunot ako.

"Talo ka, Lolo. Paano ba 'yan." si ate Pauline. Tss. Pinagkakaisahan nila ako.

"Kakaiba ka, Paolo. You're way more good than your dad."

"What does that mean?" tanong ko.

"That's a yes, bruh! Gosh! Ganda pala ni Eloisa ano? Huwag kang mag-alala. Hindi kayo magkadugo. Hindi mo naman ama ang ama niya. Mayroon lang isang taong nagdudugtong sa inyo. Si Ace. Pero. Hindi siya hadlang. Ayon ang sabi ni Lolo, be happy! That's your lives. Not dad's." napangiti ako sa sinabi ni ate. She's not against. Thank God!

"Shut up, Pauline! Napaka-ingay mo."

"So, hindi mo kami paghihiwalayin, Lolo?"

"Ano bang choice ko? Saksi ang mata ko sa paunti-unting pagmamahalan niyo." aniya na nagpagulo sa utak ko. "Alam ko umpisa pa lang, apo." aniya.

Tangina.

"Kung ganon, bakit inilagay mo pa sa eksena si Ida!"

"Wala akong magagawa doon. Hindi ako ang nakipagkasundo sa pamilya ni Eadaoin. Ang dad mo."

"Ewan. Bahala na. Hahanap ako ng paraan para hindi matuloy ang engagement party namin. Uuna na ako Lolo."

"Bye, bruh! Sa birthday ko, huh!" ani ate Pauline. Nagpaalam na rin si Lolo.

Birthday na nga pala ni ate sa Tuesday.

Hindi ko alam. But it made me happy that Lolo and ate Pauline is not against us. They're looking at the bright side. Hindi kami magkadugo. Walang problema iyon. Pero sabi nga ni Lolo. May isang taong nagdudugtong sa amin biglang hindi isang babae lang o lalaki. Si Ace. Siya ang nagdudugtong sa amin biglang step siblings. And I don't like it. I want her to be my wife not my step sister.

I snapped out that thought. I looked at the positive side.

Nakangiti kong tinawagan si Eloisa.

~*~

Eloisa's Point of View.

Nakatakip ako ng mukhang umalis sa hotel dahil nakuha namin ang atensyon ng lahat. He's calling my name but I am just too embarrased! Nakakahiya!

When I entered the restaurant, only my circle of friends are there. Wala iyong iba naming kasamahan dito sa Boracay baka humiwalay sila ng pagkakainan ng tanghalian. Kaya't nang igala ko ang aking mata karamihan ng nakain dito ay perfect strangers.

Napaka-init pa rin ng pisngi ko. Nakakahiya talaga! Sa palagay ko ilang minuto kaming naghali--- Damn!

It's a buffet restaurant.

Itinaas ni Andy ang kamay niya. Kumaway naman ang iba ko pang kaibigan.

Si Kean lang kaibigan ko sa America. Having lot of friends, I never imagined it. Pero hindi ko alam na ganito pala kasaya. Nakangiti akong pumunta sa kanila.

"Tagal mo ha! Pangalawang plato na ni Julian 'to." ani Japs habang natawang tinuturo ang plato ni Julian. Paubos na ang laman nito.

Umirap ito. "Gutom langs." sambit ni Julian.

Umupo ako sa isang vaccant seat. Dalawa ang walang nakaupo na magkatabi. Katabi ko si Japs at katabi naman niya si Andrea. Katapat ko si Eliz, I smiled at her. While katapat naman ni Japs si Julian. At si Andy ang katapat ni Lilian.

"Saan ka na padpad? Nakita mo na ba siya?" tanong ni Andrea.

Tumango ako. "Nakita ko na siya. Iniwanan ko siya sa hotel dahil..." damn, naalala ko na naman ang kahiya-hiyang pangyayaring iyon. "---naalala kong nagiintay kayo." pagsisinungaling ko.

"Talaga ba?" suspicious question of Japs. She knows me so well.

Mapait akong ngumiti at tumango.

Kinuha ko ang empty plate at sinabing pupunta ako sa buffet upang makakuha ng kakainin.

Hindi ako kumuha ng marami.

"Konti naman niyan." ani Julian ng makita ang plato ko.

"Huwag mo naman kasing igaya si Eloisa sa iyo, Julian. Duh." pang-aasar ni Japs.

"Alam mo Japshane. Hindi ka na tumigil sa pang-iinis sa akin! Kairita."

Umupo ako.

"Kalma gals, medyo busog pa kasi ako." sambit ko sa kanila.

"Ano bang kinain mo't busog ka ng medyo? Masarap ba?" humalakhak ito at kinuha ang kaniyang phone. Iniharap niya sa akin ang kaniyang phone. "Ito ba? Gosh! My classmate send it to me using Messenger! Ibablockmail ka daw niya gamit ito. Pero thanks to me. Ako ang nangblockmail sa kaniya. Mas malala ata yung sa kaniya kung sa kali." humalakhak ito. Julian's have so many connections.

Napakunot ako. "Hindi a-ah!" why did I effing stuttered? What the hell? Damn! Basta si Julian ang nagsabi ng ganon alam ko ng iba ang pinapahiwatig niya. Madumi ang isip non, e! "Anyway, thanks." sambit ko.

Pinanliitan ako ng mata ni Andrea.

Iniharap ko ulit ang tingin kay Julian. Itinaas ni Julian ang kilay niya habang nakatingin sa aking likod. Natigilan rin sa pagkain si Eliz at Lilian na katabi nito.

"Anong problem, Julia?" tanong ko.

"Oh, Eloi! Can I join? Wala na kasing vaccant tables pati upuan obviously. Ito na lang ang nakita kong bakante. So, maaari ba?" anito. That voice. Napairap ako.

"Gosh! I lost my appetite." ani Julian at ibinaba ang kutsara at tinidor.

Umupo sa tabi ko ang bruhang si Eadaion. Napakabait ng tadhana. Grabe!

Ano pa bang choice ko? Umupo na siya mag-isa niya. Tss. "Yah, sure." mapait kong sabi.

Mabagal kong nginuya ang kinakain ko. Parang ayoko na ring kumain.

"By the way, tutal ay aquintances tayo Julian, Japs at Andy. I am inviting you sa engagement party namin ni Paolo." aniya na nagpatigil sa akin. What the heck?

"Anong pinagsasabi mo?" inis na tanong ni Andy.

Nakatingin lang sa phone niya na mukhang nagpipigil ng inis si Julian. Habang si Japs halatang nag-aalburuto na.

Hindi nila alam iyon. At ayokong malaman nila! Pero napakapanira ng Eadaion Lorenz na ito. Nag-iinit ang aking dugo.

"Hindi niyo alam? Ako ang fiancé ni Paolo---oh! You really aren't aware? My bad!" ibinagsak ni Julian ang kaniyang dalawang kamay sa sinabing ito ni Ida.

I can sense war and anger.

"Pinipigilan ko ang ganda ko pero you're tempting me of your lies, bitch!" ani Julian kay Ida.

Ramdam na ramdam ang inis ni Julian. Pinagtitinginan na kami dahil sa lakas ng sinabi niya. Hawak-hawak ni Lilian na kapatid niya ang braso nito para pigilan ang kaniyang galit. Alam niya ng magdudulot ang galit noon ng kapatid niya ng gulo

"For your fucking information, I am just stating the fact! Wake up, Mr. Julian Apostel." wrong move, Ida. Tsk. Tsk. He hate calling him Julian. Paano pa kaya ang mayroon pang Mister?

"What did you just said?"

"Mister Julian Apostel?" she said emphasizing the word Mister.

Tumayo ako at itinatayo si Ida. "Stop it, Ida! Umalis ka na nga." sambit ko.

She stood up and removed my hand on her shoulder. "Why? Dahil ba ayaw mong malaman nila na fiancé ako ni Paolo? Na wala ng kayo ni Paolo? Gosh, Eloisa! Napakasinungaling m---" hindi ko na napigilan ang sarili kongà sampalin siya. Tumabingi ang ulo niya dahil sa ginawa kong iyon.

"Hindi ko na kaya! Nakakairita kang bruha ka!" ani Julian at hinigit ang buhok ni Ida from his seat. Napasandal ito sa lamesa habang sinasabunutan ni Julian ang buhok niya.

"Ouch it hurts!" sigaw ni Ida habang iniinda ang sakit ng pananabunot ni Julian.

"You deserve to lost all your hair!" sigaw ni Julian.

Nang magkaroon ng pagkakataon si Ida ay kinuha niya ang buhok ni Julian. Kahit na maikli ito at panglalaking gupit ay nasabunutan pa rin niya pa rin ito.

Pinipigilan ko ang pananabunot ni Julian kay Ida at ni Ida kay Julian gamit ang aking kamay. Inaalis ko ang kamay nila sa isa't isang buhok .

"Stop it! The both of you!" sigaw ko ngunit hindi pa rin sila natinag.

Dahil na rin nakuha namin ang atensyon ng tao atigil na lang sila nang guard na ang gumawa noon.

"Huwag po kayong mag-eskandalo dito. Maari po bang lumabas na kayo?" anito na halatang may inis.

Malalim ang paghinga nilang dalawa. Nagmartsa papalabas si Ida habang kami ay inalalayan si Julian papalabas.

Inayos ni Julian ang kaniyang buhok sa maarteng paraan.

"Kaloka! Nahaggard beauty ko sa bruhang iyon!" natawa kami sa sinabi ni Julian. "Anyway, what was that? Fiancé niya daw si Paolo? Wow! Napaka-kapal na. Napaka-feelingera pa." aniya.

I think, I have to tell it to them. They're my friends.

"It's true." sambit ko.

"What?" sabay-sabay nilang sambit.

"That Ida is Paolo's fiancé. And that we're not with each other anymore."

Sinabi ko sa kanila ang lahat. Iyong deal namin ni Paolo. Our real relationship, break up and a chance for someone else.

Kinunutan ako ng noo ni Andy.

She's upset. "I'm upset, really. Kaibigan mo kami pero hindi mo sinabi sa amin ang totoo." aniya. "Pero syempre, maiintindihan ka namin. I am sure you have your reason right?" napangiti ako sa pag-iiba ng tono ng boses niya.

I nodded. Saktong tumunog ang phone ko dahil sa tumawag.

"Si Paolo." I mouthed on them. Tumalikod ako at sinagot ang tawag.

"Hi! Punta ka sa beach. Intayin natin ang sunset." aniya.

Tiningnan ko ang orasan sa aking phone.

2:07 pa lang pero pumayag na rin ako.

"O sige. Pupunta na ako diyan." sambit ko sa kaniya at oatay ng tawag.

Nagpaalam ako sa kanila at umalis na.

~*~

Nakangiti kong tinahak ang daan papuntang beach.

I saw him. Sitting on the sand. Nakaboardshorts pa rin siya habang suot ang kanina niya pa ring suot sa white t-shirt.

Umupo ako sa tabi niya.

May ngiti sa labi niya akong nilingon. "Andito ka na pala."

Nakangiti ako habang nakaupo kami sa buhangin ng dalampasigan. Being with him is the happiest moment of my life.

Kahit na naka-shorts ako at t-shirt lamang hindi ko iniinda ang buhanging aking inuupuan.

Dumadaplis ang tubig sa aming paa. Lumalakas na ang hangin kaya't tumutunog na ang hampas ng alon.

"Thank you." ani Paolo. Napalingon ako sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa kawalan.

"Para saan?"

"For coming to my life, Eloi." nilingon niya ako. We're looking at each other's eyes. "Without you--- by my side right now. I can't imagine it. I can't imagine myself alone, without you." anito.

Hindi ko alam noon kung ano ba o sino ang aking first love, ngayon sa tingin ko'y alam ko ng kung sino. It's him. Hindi si Kean maski ang batang lalaki 10 years ago. Dahil si Paolo ito. Siya ang unang lalaking kumuha ng puso ko ng ganito. Taong sa tingin ko'y ikamamatay ko kapag iniwan ako. Thats why it's first. A special first---came before all others.

Napangiti ako nang halikan niya ako sa pisngi. Tumayo siya at nag-umpisa ng tumakbo. I frowned.

"Habulin mo ako, baby!" sigaw niya. Palagay ko namumula ang pisngi ko! Nakakahiya! May mga tao pa rin sa paligid. Ngunit, ewan. Sinundan ko siya.

Lumulubog ang paa ko sa buhangin kaya naglalakad lang ako at hindi tumatakbo.

"Run, baby! Run!" aniya habang natawa. Tumigil siya sa hindi kalayuan. Namula ang pisngi ko ng makita ang kabuuan niya. He. Is. So. Damn. Hot! Depinang-depina ang kaniyang abs pati na rin ang v-line niya. "Babe! You can touch my abs by coming here! Huwag mo lang titigan!" napairap ako. Seriously, Paolo Scott?

Is he always going to call me babe? Kahit wala naman ng kami? We broke up 6 days ago. That's why I don't want him to call me babe. But there's something inside me that wants it. Ang tawagin niya ako gamit ang korning salitang iyon.

I ran but lost my balance kaya't natumba ako. Hindi ko rin kasi macontrol ang pag-apak sa basang buhangin.

"Hey!" sigaw ni Paolo at luhod sa aking harap. Hinawakan niya paa ko at tiningnan ito. "Are you alright?" tanong niya sa akin.

Napangiti ako. This is not my plan but, "I got you," winisikan ko ng tubig ang mukha niya.

Napapikit siya. Nang imulat nya ito. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nagslow-motion ang aking mundo.

"Matagal mo na akong nakuha, Eloisa," aniya.

Nanginig ako sa sinabi niyang iyon. Tulad ng lagi niyang ginagawa. Nagwala na ang lahat ng pedeng magwala sa aking sistema.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C48
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login