Eloisa's Point of View
Pagkarating ko sa aming mansyon napansin ko kaagad ang laki ng ipinagbago nito, parang hindi ito yung dating kong kinalakihan. Mas malaki na 'to at mas modern na yung design. Yung dating fishpond mas lumaki. Yung garden mas lalong gumanda.
Nag-doorbell ako ng dalawang beses at ang lumabas sa mansyon para pagbuksan ako ay si Lola Stella. Ang mayordoma ng bahay. Hindi pa ako pinapanganak si Eloisa ay siya na ang tagapangalaga ng bahay.
"Samantha, anak! Ikaw na ba iyan?" Nakasuot siya ng kaniyang unipormeng may shade ng navy blue at puti, dahil sa edad nito ay mayroon na siyang suot na salamin at naghahalong puti naman at itim ang kulay ng buhok niya.
"Opo, La," nagyakapan kami, suddenly, the sadness drowning me faded, pakiramdam ko ay yakap ko na rin ang pinakamamahal kong Lola, that made me feel nice and happy. Iyong lungkot na kumain sa akin noong nasa US ako biglang naglahong parang bula, I do not regret coming back my home.
Pumasok kaming dalawa sa mansyon, habang naglalakad papasok ng bahay ay nag-chitchat kami ng bahagya, sobrang saya ng pakiramdam ko na kahit 2 years akong hindi nakauwi sa Pilipinas ay naalala pa rin ako nito, I have to stay in US for that complete 2 years upang bantayan ang si Lola Yngrid sa ospital, naalala ko rin na noong nandito pa ako tuwing papasok ay ipaghahanda ako ni Lola Stella bago pumasok, everytime papasok si Papa sa office at pupunta naman si Mama sa restaurant na pag-aari niya, si Lola Stella ang kadalasang kasamahan ako with my older brother.
Tinawag niya si Mama at Papa, gulat silang dumating galing sa itaas na palapag.
"Samantha!" tumakbo si Mama at niyakap ako niyakap rin ako ni Papa.
Nagkwentuhan sila and later on sunod namang bumaba si Kuya, si Kuya Ericson, tanghali na kasi talaga ito kung gumising at bumaba kahit nung nandito pa ako. Nagulat ako dahil sa ginawa ni Kuya, ito yung laging niyang ginagawa akin, pinupulupot ni Kuya ang braso sa akin leeg at saka inispin ang fist sa ulo ko. Gawi niya na ito kahit noong mga bata pa kami.
"Laki mo na sleepy head," napairap ako nang marinig ang mga salitang "sleepy" at "head". I just hate the fact that I used to be a tulog mantika.
"Kuya! Hindi na nga ako antukin, and actually, ikaw pa rin ang sleepy head!" pagtatanggol ko sa sarili, ngunit may tawa pa rin itong kadikit.
Nakangiti rin namang nanonood sa amin si Mama at Papa.
Biglang sumagi sa isipan ko si ate Cass. "Asan nga po pala si ate? Is she here?"
Sasagot pa lang sana sila Kuya ngunit may lumikha ng pagtakbo gamit ang heels, as expected it is my older sister, si ate Cass.
"Sam! Welcome back!" masayang sabi ni Ate, lumapit ito sa akin, hinalikan niya ako sa pisngi saka niyakap ng mahigpit. "I missed you!"
"Namiss rin kita, ate!" nakangiting sagot ko. Kahit na malayong-malayo ang ugali namin sa isa't isa pati na rin sa mga gusto at hindi gusto, close pa rin kaming dalawa because we are siblings, and siblings should love each other.
Kumawala si ate Cass sa pagkakayakap sa akin pero nakaakbay pa rin. "I need to meet someone, Sam. Mom, dad and kuya, promise, babawi po ako kay Samantha. Let's bond na lang later, mwah!" Nagbeso ito sa akin bago magmano kina Mama. Halatang may date ito, suot niya kasi ay isang dress na kulay pula at flats na kulay white. Ayos na ayos rin ang kaniyang buhok, make up at tindig.
"She really loves that guy," sabi ni Ericson habang nakatingin kay ate Cass na nag-bid ng goodbye mula sa pinto.
I looked aty brother. "Sino, kuya?"
"Boyfriend niya."
"How about you, kuya, do you have a special someone?" I think hindi inakala ni kuya na maaaring hukayin ko ang buhay pag-ibig nito, napangiti ako nang may makitang maliliit ng butil ng tubig sa temple ni kuya. He's nervous. No wonder every man's weakness is their girlfriend.
Namumula yung mukha nito at lumunok muna bago sumagot nang nauutal-utal na- "Oo."
"I haven't seen a shy type na lalaki kuya, you're the first one, bigla tuloy akong nacurious sa forever mo, is she beautiful? Matalino? Mabait? Magaling magluto like Mama? Or as tough as Papa?" sunod-sunod na tanong ko kay kuya, mukha na siguro akong pusang naghihintay na bigyan ng pagkain, I also feel like my eyes are sparkling like a star, waiting for the answers I am waiting for.
He sighed before opening his mouth. "Ikaw, may boyfriend ka na? Who's that guy on your social media accounts? Ano nga ulit 'yon, Kevan? Konrad? Kevin?" nanliit bigla ang mata ko.
Ano nga bang ineexpect ko? If my brother doesn't want ask a question he will throw some questions over.
"It's Kian, and kuya he's just a friend, and I know how strict you are kuya and even Mama and Papa, and believe it or not I am tougher than the boys I know! Ang hihina nila sa basketball," pagmamayabang ko sabay subo ng pagkain, ngumunguya ako as if I am free to do anything, I am back on being me, no image to look good.
"Talaga lang ha? Sorry ka, mas mahusay pa rin ako sa'yo magbasketball, kaya mo bang mag-three points na naka pikit? Hindi 'di ba? And bakit nga ba ako magtatanong kung may boyfriend ka, e mas lalaki ka pa sa lalaki! Barakong-barako," medyo nangingisi niyang sabi. I rolled my eyes once again, inaasar na naman ako ni kuya, great!
Biglang umugong ang nakabibinging tawa nila Mama at Papa.
"We are happy that even though hindi na kayo gaanong nagkakasama, you still get along with each other, Samantha."
"Mama, can I have a one request?" out of nowhere kong sabi.
"Ano iyon?" Napatigil silang lahat sa pagkain.
"It's making me feel like the fake me everytime you all call me Samantha, I know you loved that name, Mama, but, I want to be me, and that meant, gusto ko po sanang hilingin na Eloisa na lang ang itawag niyo sa akin, if that's... fine?" Nag-aalangan kong sabi, noon pa lang ayaw ko na sapangalan kong iyon, I want something simple.
"Walang problema sa amin iyon, anak, I know hindi mo ginustong maging hindi ikaw, we are sorry."
Biglang tumawa si kuya. "Eloisa? Sam, Eloisa? Saan mo nakuha yung pangalang 'yon? Ambaho!" isa pang ugali ng kapatid lo ang hindi mafilter ang salita, kung kilala ang kausap, barumbado, pero ang totoo, napakaarte magsalita kapag formal institutions na ang kaharap.
"It's not stinky, it's from my first name Eloi, and Sa in my Samantha, gets? And please, hindi ko naman pinakialaman name mong Ericson, Sony ah," nagpatuloy na lang ako sa pagkain, kung gaano ko kahate ang Samantha, sobrang gusto ko naman ang Eloisa, the idea came from my bestfriend, Kian, noong mabasa kasi nito ang buong pangalan ko, hinulaan niyang Eloisa ang nickname ko, when I heard it, nagustuhan ko na, so I started using it as my nickname, empowering her full name Eloi Samantha.
Napakunot lang si kuya sa pagsabi ko ng "sony" sa dulo.
Habang nag-aayos ng gamit sa maleta, kumatok sa aking kwarto si kuya. Nag-aya itong mag-mall para naman hindi ako mabored sa bahay and he want us to bond, he told me he missed me, his younger sister.
"Sure, kuya!"
"Good! Maliligo lang ako, matagal akong maligo, at para naman hindi ka mabagot, punta ka sa garden tapos magswimming ka sa fishpond kasama mga isda," kahit na alam kong nagbibiro lang si kuya tiningnan ko pa rin ito ng masama, nagpeace sign naman ito. "Ligo na ako!"
Lumabas ako at pumunta sa fishpond, hindi para tumalon doon at magswimming kasama ang mga isda kundi upang umupo at damhin ang hangin. Pagkatapos noon hindi pa ako nakuntento sa ganda ng garden ng mansyon, nagpaalam ako kay Lola Stella na pupunta munang parke ng Village kung sakaling hanapin ni kuya n daig pa babae kung maligo at sabihin na lamang na roon nagpunta. It is 8 blocks away from our home, walking distance, favorite place ko ito upang magrelax dahil tahimik lamang at rinig na rinig ang huni ng mga ibon at nagsasayawang puno.
I was amazed by its beauty, the same beauty I left 2 years ago, magaganda pa rin ang puno at mga halaman lalo na ang mga naggagandahang bulaklak, tumitingkad ang mga kulay nito at kay sarap ng ihip ng hangin.
Lumipas ang ilang minuto, I am still there felting the essence of the wind. Ipinikit ko ang aking mata upang mas maramdaman ang nangheheleng hangin.
Bigla akong napangiti sa isang memory rito sa parke na ito. I was just 8 years old back then, but I can't forget it, may umamin kasi sa aking batang lalaki na gusto daw ako. Nagtapat ito sa akin ng kaniyang nararamdaman.
I started recollecting the memory.
Pagkamulat ng mata ko ay may batang nakatapat sa akin, naiinis ako dahil hinaharangan nito ang gusto kong tingnan na fountain, gusto ko itong itulak para makita ko na ang fountain pero naalala kong bad ang mang-away ng kapwa bata.
Tumayo ako para tanungin ang bata kung bakit nakaharang, para pa itong may tinatago sa kaniyang likuran, ang dalawang kamay kasi ay nasa likod, mas matangkad ako ng ilang inches sa bata.
"Ano ba? Bakit ka nakaharang sa harapan ko?" mataray na tanong ko. Nakacross-arm pa ako.
"G-Gusto k-kasi kita," nauutal na sagot nito, inilabas naman niya ang itintago niya kanina na isa palang kulay dugong rosas. Nakatingin naman ang bata sa sahig habang nakalahad ang dalawang kamay na ibinibigay ang isang rose.
"Aanhin ko 'yan? Kakainin?" tanong ko hindi ko kasi maintindihan bakit niya binibigay ito.
Inangat niya yung mukha nya at tumingin sa akin saka binigyan ako ng napaka cute na ngiti.
"We're going to leave soon, kasi, pupunta kaming Korea para don na m-manirahan, kaya gusto ko may remembrance akong regalo sa'yo," inilahad ulit nito ang bulaklak, kinuha ko ang bulaklak.
"Salamat sa regalo mo, pero bakit bulalaklak? Bakit hindi na lang pagkain, malalanta din naman 'to."
"Sabi kasi nila love raw ang meaning n'yan, ibig sabihin habang nandito pa ako, iyong pagmamahal ko sa'yo, nand'yan pa rin," umupo sa tabi ko ang bata. "Pede ba akong magrequest sayo?"
"Sige, ano ba 'yon?" Nakangiting tugon ko.
"Intayin mo 'ko ha."
Ngumiti siya ng malawak saka tumango. "Oo naman. Ako pala si Sam, ikaw, ano bang pangalan mo?"
"Ako si-" naputol ang sasabihin ng batang lalaki dahil biglang may sumigaw na isang katulong na paparating pa lang.
"Ikaw talagang bata ka, hinahanap ka na ng Mom and dad mo, andito ka lang pala!" Inaya na nito ang bata. Habang ang kaliwang kamay ay hawak ng kaniyang katulong na kasama, ipinang-paalam niya ang kanang kamay habang pilit na humaharap sa akin. Kumaway rin ako pabalik upang magpaalam.
Nang imulat ko ang aking mata, bigla akonhg nalungkot, naisip ko kung kamusta na ang batang iyon, nasa Korea pa rin kaya ito? Naalala pa kaya ako nito tulad ng pagkakatanda ko sa pangako niya? Alam kong it's just a stage of puppy love but I want to know how he is doing, ang batang lalaking iyon ang unang lalaking nagsabi sa aking gusto niya ako.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko may umupo sa aking tabi, pawis na pawis ito at hinihingal ng todo. Ilang segundo lang siyang umupo at tumayo rin kaagad.
"Miss, sabihin mo roon ako dumaan, ha. Thank you!" Agaran din itong nawala.
May babae namang sumulpot na tumatakbo rin at hingal na hingal.
Naglalaro ba silang habulan? Masyado naman ata silang matanda para roon, isip ko.
"Excuse me, miss, may nakita ka bang lalaki medyo matangkad, nakawhite t-shirt at black pants?" ang deskripsyon ng babae ay ang lalaking tumabi kanina sa akin. Hindi ko alam kung sasabihin ba ang totoo o hindi, kaso ay mas nangibabaw ang pagiging mabuti niyang tao.
"Oo, doon siya pumunta," tinuro ko ang pinuntahan ng lalaki.
"Salamat! Patay sa akin yung Eros na 'yon!" the angelic voice of the girl changed into a scary one, halatang galit siya. Bigla tuloy kinabahan akong dahil baka mamaya mapahamak iyong lalaki dahil sa ginawa ko.
Kahit ganon nangiti na lang ako dahil mukhang aso't pusa silang naghahabulan. Hindi ko lang mabasa kung ano pinagaawayan nila at bakit nga sila naghahabulan. Lovers Quarrel? I ain't sure.
"Hey. Sam? Why are you smiling? Mukha kang tanga," sabi ni kuya, hindi ko napansin nandito na pala at nakaupo na sa tabi ko
"Eloisa, kuya, Eloisa," biglang napatakip sa ilong ang kapatid ko.
"I swear ang baho talaga, if Cass is here, mababahuan din 'yon," nakatakip pa rin ito sa ilong at nag-aacting na nasusuka.
"I hate you!"
"I love you too, Sam! I mean, Eloisa," my brother did it again, his usual gestures, iyong puluton with spin ng fist sa ulo. Nakakairita na.
But I am still happy to hear that my brother called me "Eloisa", happy that finally, magiging normal na ang buhay ko, wala ng fake actions, wala ng mga matang nakapaligid. I missed being who really I am, a girl who is not a heiress but a girl who loves having a normal life.