Download App
77.21% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 61: Chapter 60

Chapter 61: Chapter 60

My Demon [Ch. 60]

 

"Boss, nakalimang lap na ko. Pwede bang bukas naman yung another five?"

Familiar ang boses─ ang hinihingal na boses na yun.

Inalis ko ang braso ni Demon na nakapulupot sa'kin para makita kung kanino nanggaling ang boses na yun. Narinig ko pang nagreklamo si Demon ngunit hindi ko nalang pinansin.

Si Bakulaw─ este yung babaeng haggard na nabunggo ko noong nakapila kami sa ride ng Caterpillar.

Kung haggard siya noon, mas haggard siya ngayon. Pawis na pawis ang buong katawan niya. Ang lagkit-lagkit. Bakas din sa bilis ng paghinga niya ang labis na pagkahingal.

Tinawag niyang "Boss" si Demon, ibig sabihin . . .

"Aray! Bakit na naman ba?" reklamo ni Demon. Pinalo ko kasi siya sa braso.

"Ano na namang ginawa mo?" Pinandilatan ko siya ng mata. Posibleng tama ang hinala ko.

"That is what you called "Punishment". Pwede ring karma," kampanteng sagot niya. Parang wala lang sa kanya ang pagpapahirap na ginagawa niya.

Nang tingnan ko uli si Bakulaw─ este yung babae, yumuko siya. Iniiwasan niyang tingnan ako sa mata.

Nagulat ako nung biglang sumigaw yung babae. "AYOKO NA! PAGOD NA PAGOD NA KO! SORRY TALAGA! HINDI KO NA UULITIN, PANGAKO. PINAGSISISIHAN KO NA ANG GINAWA KO!" Nagsimula sa luha hanggang sa humagulgol at pumalahak ng iyak.

Umupo pa siya sa lupa at pinagpatuloy ang pagngawa. Napakapit ako sa braso ni Demon. Ang weird niya.

Tumingala ako para makita si Demon. Nakangisi lang siya habang nakatingin sa babae. Tuwang-tuwa pa siya sa nakikita niya.

"That filthy pig and freak conspired─ nagtulong silang dalawa para makabawi sa'yo, in a harm way. Crap them."

Nakakapanghina. May masama ba kong nagawa para may magbalak ng masama sa'kin?

Inalis ni Demon ang kamay kong nasa braso niya para hawakan ito. That made me calm.

"Siya ang nagprisintang tatakbuhin niya ang oval ng ten laps, habang si freak naman, magco-community service for one year."

Wala akong masabi sa mga ginawang aksyon ni Demon para sa'kin. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano ni Demon nalaman ang lahat. Detective, eh?

***

Nakita ko si Johan naglalakad mag-isa palabas ng school. Tinawag ko siya kasi gusto kong makasabay siya. Para na rin malaman ko kung ano ang problema niya. Malay natin, makatulong ako.

Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako.

Napangiti ako. "Johan, wait lang!" malakas na sabi ko sa kanya.

Tumakbo ako. May biglang nanghila ng backpack ko kaya muntikan na kong ma-out-of-balance.

"Hey, ano ba!" reklamo ko. Tumingin ako sa likuran ko.

Si Demon na naman. Hindi niya pa rin binibitawan ang backpack ko kaya hindi ako makaalis. Tumingin ako saglit sa direksyon ni Johan. Nakatingin din siya sa'kin na halatang hinihintay ako.

"Demon, bitawan mo nga yung bag ko!" utos ko sa kanya. Oh well, asa naman ako na makikinig siya.

"San ka pupunta?" tanong niya. Hinila niya ang backpack ko para mapalapit ako sa kanya.

"Kay Johan. Sasabay ako sa kanya."

"At bakit? Sino nagsabi sa'yong pwede kang sumabay sa ibang lalaki?"

"Bakit, wala namang masama ah."

"Anong wala? Meron! Bawal kang lumapit sa ibang lalaki kasi nililigawan na kita."

"Ganun ba yun?" inosenteng tanong ko.

"Uh-huh. Sa'kin ka lang dapat." Binitawan na niya ang bag ko para akbayan ako.

Tumingin ako ulit sa direksyon ni Johan. Kahit nasa kalayuan siya, nakikita ko pa rin ang ngiti niya though it doesn't reach his eyes. Nag-wave siya ng kamay tapos tuluyan ng umalis.

Pinanood ko lang ang likod niya hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. And then I suddenly realized one thing.

Humarap ako kay Demon at sinapak siya.

"Darn! Bakit ba ang brutal mo?!" He glowered at me.

"Kung makaasta ka feeling mo boyfriend na kita."

"Kunyare ka pa. Gusto mo rin naman."

"Blah blah blah! Bahala ka sa buhay mo!" Tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad.

Sinundan naman niya ako. "Kulot, nagba-blush ka."

Nagba-blush mo mukha mo! Nakatalikod kaya ako sa'yo.

"Aminin mo na kasi, may gusto ka rin sa'kin. Nagpapakipot pa eh."

Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasasabi niya. Patuloy lang ako sa paglalakad. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Dahil siguro sa nakasunod sa'kin si Demon which is ngayon lang niya ginawa: ang maging sunod-sunuran. LOL.

Paglabas namin ng school, nasa tabi ko na si Demon. Tatawid na sana ako ng kalsada kaso may kotseng dumaan. Mabuti nalang at mabilis akong nahawakan ni Demon sa wrist para pigilan, kung hindi naku! Nahagip na ko ng sasakyan.

"Di mo ba kayang ingatan ang sarili mo kahit isang araw lang?" panenermon niya. Hindi niya pa rin ako binibitawan.

Sasagot na sana ako nang bumaba ang salamin ng kotse (na nakahinto sa tapat namin). Lumantad ang pagmumukha ni Tito Romeo.

"Hanggang kalsada ba naman nag-aaway kayo?" bungad nito sa'min. Bumaba ang tingin nito sa wrist ko na hawak pa rin ni Demon.

Winasiwas ko ang kamay ko para bigyan si Demon ng sign na bitawan na niya ako, ngunit sa halip na sumunod ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.

"Wag ka ng mahiya, iha. Okay lang sa'kin. Okay na okay," ani Tito Romeo. Ngiting-ngiti pa siya.

Binuksan ni Tito Romeo ang pinto ng kotse tapos lumabas siya. Nag-usap lang kaming dalawa saglit, nalaman nalang namin na nasa labas na din ang driver habang nasa loob na si Demon. Naka-pwesto pa siya sa driver side.

Don't tell me na magda-drive siya?

"Keyr, bumaba ka dyan. Wala ka pang license," kalmadong utos ni Tito Romeo pero halatang nagtitimpi lang siya ng galit.

Ngumiti lang ng mapang-asar si Demon tapos pinaandar ang engine na lalong ikinataranta ni Tito Romeo. Pinaikot niya ang kotse so that nasa gilid namin siya.

"Utang na loob, Keyr. Bumaba ka na dyan." Halos nagmamakaawa na si Tito Romeo pero hindi natinag si Demon. Lalo pa nga siyang natutuwa na nakikitang nai-stress ang daddy niya eh.

"Ingatan mo yang kasama mo, Dad. Kapag ayan hindi mo iningatan mag-aaway talaga tayo," bilin niya. He shifted his gaze to mine as the side of his lips curled up.

"Keyr!" Tito Romeo called with a warning tone.

"I'll be careful, Dad. Bye!" Nginitian niya muna ng mapang-asar ang Daddy niya bago pinaharurot ang kotse.

He'll be careful daw pero ganun ang speed ng pagpapatakbo niya?

"Nakita mo na ugali ng batang yun?" Tito Romeo look so depressed. Nilabas niya ang phone niya and dialled someone's number.

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa paligid habang may kausap sa phone si Tito Romeo. Ang tsismosa ko naman kung makikinig pa ako.

"Nagmamadali ka bang umuwi ngayon?" tanong ni Tito Romeo sa'kin matapos niyang makipag-usap sa phone.

"Hindi naman po. Bakit po?"

"Pwede mo ba kong samahan kumain? Nagutom ako bigla sa kalokohan ng anak ko eh."

Natawa ako sa sinabi niya at tumango.

Kinabukasan, after class dumiretso kami sa bahay nila Demon. May tutorial pa kasi kami.

Habang nag-aaral kami ni Demon, panay ang tingin niya sa pintuan na naka-ajar. Kapag tumitingin naman ako dun, wala naman akong taong nakikita.

Ayan na naman, tumitingin na naman si Demon sa may pinto. Magkasalubong pa ang mga kilay niya.

"Demon, ano ba yun? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?"

Binalingan niya ako ng masamang tingin kaya binalik ko ang tingin ko sa librong binabasa ko. Nagtatanong lang naman eh. Hmp.

Inagaw ni Demon ang librong hawak ko at isinama sa ibang librong ginagamit namin. Pinagpatong-patong niya yun together with notebooks and ballpens.

"Dun na nga lang tayo sa kwarto ko," sabi niya. Tumayo siya bitbit ang mga gamit namin.

Sinundan ko siya. Paglabas namin ng Study Room, nahuli namin si Tito Romeo na nakadungaw. Hindi siya aware na lumabas na kami.

Tatanungin ko pa sana si Tito Romeo kung ano ang ginagawa niya at ano ang sinisilip niya sa loob ng study room kaso tinawag na ko ni Demon, "Tara na."

Habang naglalakad papunta sa kwarto ni Demon, nilingon ko saglit si Tito Romeo. Nakadungaw pa rin siya sa gilid ng pinto.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C61
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login