Download App

Chapter 34

My Demon [Ch. 34]

 

"Angelo!" May tumawag ng pangalan ko kaya lumingon ako. Si Cristhia. How I hate this girl! Ilang ulit ko nang sinabi sakanya na call me "Angel" instead of Angelo pero hindi siya nakikinig. Palagi niya kong tinatawag sa pangalang Angelo which really annoys me.

Angelo name doesn't suit me, Angel does. Kung pwede lang kalbuhin ang bruhildang 'to ginawa ko na, but on the other side, tinulungan niya si Soyu na tatanawin kong utang na loob habang-buhay. Kung hindi kasi dahil sakanya, baka kung ano na ang nangyari sa sistar ko. Naku, naalala ko na naman ang apat na babaeng yun! Nagbo-boil na naman tuloy ang bloodish red ko. Baka mapag-initan ko si Cristhia ng wala sa oras.

"It's Angel, Christian," I corrected her.

"Christian your face! Hindi ako lalake, 'no!"

"Whatever!" Inirapan ko siya at tinalikuran. Hindi pa rin gumagalaw si Keyr sa kinatatayuan niya. Posong gala! Ang bango niya! Amoy gwapo. Hmmmm!

"Aaah!" Napasigaw ako nang hilahin niya ang buhok ko. Palakang 'to! Humarap ako sakanya at sininghalan, "YOU OUTCH ME!"

"And so? Pinapatawag kayo sa Guidance Office. Nandoon na yung limang lalake na pinatulog ni Fuentalez."

Sasagot pa sana ako kaso napansin kong naglalakad na si Keyr, kaya wala na kong ibang nagawa kundi ang sumunod.

"Lagot ka," sabi ni Cristhia maharot malapit sa tenga ko.

Tinulak ko nga. "Wag ka ngang dumikit sa'kin! You're so dirty!"

***

"Opo, ma'am. Yang mga yan po ang nauna. Pinagtanggol lang po ako ni Keyr. Nagbabasa kami sa field ni Soyunique Sarmiento kanina tapos bigla nalang silang lumapit. They made sure muna na si Soyu talaga si Soyu bago nila kami pinagtripan. They even snatched Soyu's necklace. Pinaiyak nila ang best friend ko na wala namang ginagawang masama sa kanila," I told.

Halos nagdedebate na kami dito pero si Keyr nakatulala lang sa kawalan. Ni hindi niya nga pinagtatanggol ang sarili niya. Siya kasi ang nadidiin dito dahil sa ginawa niya sa lima, pero ayun nga, hindi niya dinidepensa ang sarili niya. Mabuti nalang at nandito ang beauty ko na nagdedepensa sakanya.

"Magkakaklase ba kayo? Magkakilala?" tanong ni Mrs. De Guzman, ang Guidance Officer.

"Hindi po kami magkakaklase at magkakilala. Ganun din po kay Soyu, at ayun ang nakakainis. Mga strangers sila pero sila pa ang may ganang mang-bully hindi porket schoolmates nila kami at maganda ako."

"Napag-utusan lang kami!" katwiran ng isa. Aruguy! Nadulas! Nagsikuhan silang lima at pabulong na nagsisisihan.

Tiningnan ko saglit si Keyr, nakatingin na siya sa lima at halatang nag-aantay ng susunod na sasabihin ng mga ito.

"Sinong nag-utos sa inyo?"

Nagpalitan ng tingin ang lima at wari'y nagtuturuan kung sino ang sasagot.

"Kapag hindi kayo sumagot maki-kick out kayo," warning ni Mrs. De Guzman. Tumango-tango ako. Baka hindi lang sila ma-kick out, baka ipa-black listed pa sila ng katabi ko na may-ari nitong Fuentalez High at mahirapan silang makahanap ng school na pwedeng lipatan.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa rin ang sumasagot sa kanila.

"Sasagot kayo o dadagdagan ko yang mga pasa niyo?" Pero nang si Keyr na ang nagbanta, walang anu-ano'y sumagot sila ng sabay.

"Yung crush namin─ ang grupo ni Chesca."

"Chesca and company, the cliquey mean girls?" paninigurado ko.

Tumango-tango sila. Mga hampaslupang mahaharot! Humanda talaga sakin ang apat na yun!  Basta, humanda sila sa bagsik ng kagandahan ko!

"Hindi naman namin alam na girlfriend ni Keyr ang pinapa-bully nila sa'min."

"Oo nga. Kung alam lang namin edi tumanggi kami."

"Excuse me, hindi sila mag-jowa!"

Binalingan ako ng napakasamang tingin ni Keyr. Why? I'm just stating the fact lang naman ah! And besides, na-confirm ko na may gusto nga talaga itong si Keyr kay Soyu. But the thing is, may gusto si Soyu kay Johan. Love Triangle! This is so interesting!

The door suddenly banged open. Lumitaw ang taong nagpawala ng masamang aura sa mukha ni Keyr. Sino pa ba?

Soyunique's Point Of View

 

"Soyu, sa'yo 'to, diba?"

Inalis ko ang palad kong nakatakip sa aking mukha nang marinig ang boses ni Johan. Nasa field pa rin ako at hindi ko alam kung nasaang parte na ng Fuentalez High si Angel. Hinabol niya kasi yung limang lalaki na matapos kaming pagtripan ay kinuha ang kwintas ko.

"Teka, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya at lalo akong nilapitan. "This one's belong to you, isn't it?" Pinakita niya sa'kin ang kwintas na hawak niya.

Sa sobrang tuwa ko, niyakap ko siya. "Thank you, Johan! Akala ko hindi na talaga yan mababalik sa'kin."

Niyakap niya rin ako pabalik habang hinahaplos-haplos ang buhok ko.

Naiyak ako nang may kumuha sa kwintas ko. Ito nalang kasi ang naiwang alaala sa'kin ng papa ko bago siya mawala. Sinabi pa sa'kin ni Mama pinagpaguran pa daw ni Papa ang perang pinangbili ng kwintas para sa'kin kaya dapat ko daw ingatan. Hindi ko lang ito basta iniingatan, this is my personal treasure also.

Nung lumayo ako sinuot sa'kin ni Johan ang kwintas ko, pagkatapos pinunasan ang luha ko gamit ang panyo niya.

"Okay ka na?" He smiled. Napangiti rin ako at tumango.

"Salamat talaga, Johan. Importante talaga sa'kin 'to."

"I guess hindi ka dapat sa'kin nagpapasalamat."

"H-huh?" Nagtaka ako sa sinabi niya.

"I'm not the one who took that necklace of yours from the guys who snatched that."

"Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti siya at umupo sa tabi ko bago nagpaliwanag. "Naglalakad kasi ako papunta sana sa gym nang mapansin kong may nagkakagulo sa quadrangle. Five versus Keyr. Hindi ko na sana papansinin pa pero nakita ko na nandoon din si Angelo.

Lumapit ako at tatanungin sana siya kung bakit hindi kayo magksama pero hindi pa ko tuluyang nakakalapit sakanya, napansin ko ang kwintas na may S charm sa ground. Sobrang familiar ng kwintas na yun kasi palagi kong nakikita na suot mo.

Agad kitang naalala at walang ibang naisip kundi ang ibalik sa'yo yan." He shifted his gaze from mine down to my necklace then went back to me again.

"Si Keyr ang dahilan kung bakit nasa sa'yo yan ngayon. You must've thank him not me."

Hindi ako agad nakakibo. Ang daming pumapasok sa isip ko na hindi ko alam kung ano ang una kong pagtutuunan ng pansin.

"Ano pa ang hinihintay mo? Go and thank him," nakangiting aniya.

Sinamahan ako ni Johan papunta sa quadrangle pero walang Keyr Demoneir ang nandoon. Nagtanong-tanong kami at napag-alaman na nasa Guidance Office sila.

Hindi ko alam pero ang saya saya ng pakiramdam ko ngayon. May nagawa na naman si Demon na talagang nagpapasaya sa'kin at nakaka-overwhelm.

"Mauna na ko sa classroom. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa teacher natin kung bakit kayo malelate ni Angelo," wika ni Johan nang nakatayo na kami sa pintuan ng Guidance Office.

Tumango ako at sinagot siya ng ngiti. Pag-alis niya, huminga ako ng malalim. Bakit ba hindi ko maitago ang napakalawak kong ngiti?

Hyper kong binuksan ang pinto at hindi pinansin ang ibang taong nasa loob ng office.

"Demooon!" malakas na tawag ko sa kanya. Napatayo siya bigla at bakas sa mukha niya ang pagkasurpresa, pero agad din namang nawala yun.

Tumakbo ako papunta sa kanya at sinunggaban siya ng mahigpit na yakap.

"Thank you, Demon! Thank you, thank you! Kahit palagi mo kong sinusungitan palagi mo rin akong sini-save. Salamat talaga."

Narinig ko ang mahina niyang tawa at niyakap ako pabalik, ng mas mahigpit.

"Ma'am, PDA po sila. I-detent niyo nga po." Natawa kami sa sinabi ni Angel pero hindi ko nalang pinansin. Ang sarap talagang yakapin ng isang Keyr Demoneir Fuentalez! Hihi!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C35
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login