Download App
32.91% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 26: Chapter 25

Chapter 26: Chapter 25

My Demon [Ch.25]

 

Matapos kong magpalit ng PE uniform, binuksan ko na ang pinto ng cubicle na ginamit ko. Nagulat ako kasi nakatayo sa harapan ko si Angelo.

"Ang tagal mo namang gaga ka!" Aguy! Na-gaga pa ko. "Magbibihis lang inabot ka pa ng ilang oras."

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko sabay tingin sa paligid.

Hindi na bago sa mukha ng mga classmates kong babae na nasa shower room ng girls si Angelo. Sabagay, ilang beses na rin naman itong nakikidayo ng cr sa girls. Hindi naman sya gumagamit ng cubicle, nagsasalamin lang. Mas malaki at mas maganda daw kasi ang salamin sa girls kaysa sa boys.

Napansin ko kay Angelo na hindi pa sya nakakapagpalit ng uniform at nakasampay pa sa braso nya ang PE uniform namin.

"Dito ako magbibihis kaya lumayas ka na dyan at ako ang papalit."

"Ha?" bulalas ko. "Bawal ka dito kahit ganyan ka pa."

"Ito naman. Bawal-bawal ka dyan! Naka-lock kasi ang shower room nilang mga boys. May gumagamit daw na ayaw magpagamit."

Napa-huh nalang uli ako. Inirapan ako ni Angelo at hinila paalis sa cubicle para makapasok sya.

"Antayin mo ko, ah," bilin nya bago ako sinara ang pinto ng cubicle.

May gumagamit na ayaw magpagamit?

 

"Hey, Soyu, baby!" Si Cristhia, isa sa mga classmates kong babae na kaaway ni Angelo. Ewan ko ba sa dalawang yan kung bakit palaging magkaaway. Noong nakaraang taon pa sila magkaaway pero hanggang ngayon hindi pa nagkakabati.

Maharot daw kasi syang babae ayon kay Angelo kaya tinatarayan nya yun. By the way, baby ang tawag nyan sa'kin kasi sobra daw syang naku-cute-an sa'kin to the point na ginagawa na nya kong baby sister. Pero okay lang naman. Sanay na ko kasi may iba pang "baby sister" ang treatment sa'kin. Mukha ba talaga akong bata?

"Tara, lagyan kita ng baby powder sa likod." See?

"Sige." Hindi ako umayaw kasi gusto ko rin ng ganitong treatment. Nakaka-overwhelm kaya na inaalagaan ka.

Puwesto kami sa malayo sa pinto para daw di ma-expose ang likod ko. Matapos nya kong lagyan ng baby  powder, sinapinan din nya ng likod ko ng towel na talagang dinala daw nya para sa'kin. Sweet!

Nag-thank you ako sakanya. Pinisil nya lang ang pisngi ko atsaka lumabas ng shower room kasama ng mga friends nya. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas na sila.

Napataas ang kilay ko nang mapansin ang kumpulan ng mga lalaki sa tapat ng shower room nila na tila ba nag-aantay.

Isinantabi ko muna ang bilin ni Angelo na hintayin sya, lumabas din ako.

"Soyu!" Boses ni Johan, kaya hinanap sya ng mga mata ko.

Ayun! Nakita ko na sya. Nakasandal sya sa wall paharap sa pinto ng shower room nila. He smiled and waved at me.

Napangiti din ako at nilapitan sya. May mga nabunggo pa ko kasi ang sikip. Lahat ba naman ng classmates ko nakatayo din doon at nag-aantay, isama mo pa ang taga-ibang section na mukhang kakatapos lang mag-PE. Karamihan sakanila ay mga nakasimangot na at asar na asar.

Ngunit iba si Johan. Calm and cool pa rin sya, kaya hindi nagmumukhang haggard di gaya ng iba.

"Bakit ayaw pang buksan? Magtawag na kaya ng school staffs para mabuksan na yan."

Umiling lang si Johan. "Dun tayo." Tinuro nya ang pwesto na medyo malayo dito sa kinalulugaran namin. "Masikip dito. Baka pagpawisan ka."

Naramdaman ko ang palad nya sa likod ko na para bang inaalalayan akong maglakad. Ayee! Bakit ba ganito si Johan?

Sakto nang madaanan namin ang pinto ng shower room, nanggulat si Angelo. "Hoy, Soyu! Sabi ko diba hintayin mo ko?" Nag-shift ang tingin nya kay Johan kaya nawala ang mala-halimaw nyang aura. "Kaya pala. Hmp."

Tumingala ako kay Johan kasi baka medyo na-gets nya ang sinabi ni Angelo. Mukhang hindi naman kasi nakangiti lang sya nang walang halong meaning o kung ano pa yan.

Lumapit sa'kin si Angelo at pinulupot ang braso nya sa'kin saka kami sabay-sabay na nagpunta sa edge ng mga bleachers ng gym.

Nakita pa kami nila Andrea and her company na nakaupo malapit lang sa kinatatayuan namin. Agad silang tumayo at nilapitan kami.

Nag-kwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Nakakatuwa kasi ang friendly ni Johan. Marunong pa syang makisakay sa mga jokes at magaling syang makipag-communicate. Nakakagaan tuloy sya ng loob. Di gaya ni Demon na kapag kinausap mo kung hindi puro panglalait ang lumalabas sa bibig, pananakot naman. Madalas pa nga hindi sya makausap at mas lalong madalas syang hindi makausap ng matino.

Eh, teka nga! Bakit na naman ba nakapasok sa usapan yang Demon na yan?

"Kasi di mo makalimutan ang sinabi nya sa'yo kahapon," sabi ng kunsensya ko.

Speaking about that, masyado akong nabigla dahil sa sinabi ni Demon kahapon. As in hinding-hindi ko talaga inaasahan na makakapagsalita ng ganun ang ganoong klaseng nilalang. Ayoko namang gawing big deal kasi for sure nangloloko lang sya though rinig na rinig ko ang sincerity sa boses nya pero . . . argh! Ewan! Basta ang alam ko tuliro ako habang tinuturuan ko sya.

Nagkamali pa nga ako sa El Fili na sya namang kinorek nya. I smiled seeing him correcting my mistake. It was a proof that he was taking our lessons seriously.

"Tulala yung isa dyan!" Irah's voice dragged me back to reality.

"Hindi, ah! May tinitingnan lang ako doon." Tinuro ko ang mga lalaking nag-aabang pa rin gamit ang nguso ko.

"Asus!"

Hindi ko nalang sila pinansin at sumimangot na agad din namang napalitan ng pagtataka dahil nagkaroon ng commotion doon sa mga lalaking nagkukumpulan. Parang nagkaroon ng Red Sea na nahati sa dalawa dahil lang sa may dumaan.

May dumaan! Ang pinakasiga sa lahat. Nanlaki ang mga mata ko saglit pagkatapos napangisi. Kahit kelan talaga sya!

Sya lang pala ang may dahilan kung bakit hindi makapagbihis ang mga boys kanina, kung bakit sa shower room ng girls nakigamit si Angelo, at sya lang rin pala ang taong napakaarte: gusto solo nya ang buong shower room.

Nagulat pa ko eh ganyan na talaga ang ugali nya.

Kaya naman pala imbes na tumawag ng staffs para pabuksan ang shower room, nag-antay nalang sila. I mentally shook my head in disbelief. Palibhasa anak ng school owner.

Like the usual, naglalakad na naman sya na parang pagmamay-ari nya ang mundo habang nakatingin ng diresto. Diretso saakin.

 

Nakarinig na naman ako ng tilian at naramdaman kong dumami ang mga taong nasa bandang likuran namin. Base sa mga pabango at boses nila, mga babae sila.

"Sabi na masisilayan natin sya eh. Katatapos lang kasi ng PE nila," rinig kong sabi mula sa likuran.

"Wet look. Lalo na naman syang nagiging gwapo! GOSH!"

Gravity. Medyo malayo pa alam na agad nilang basa ang buhok ni Demon? Wenks. Malamang basa buhok nyan. Kagagaling lang ng shower room eh.

"Ayee! Nakatingin na naman si Fuentalez sakanya," kantiyaw ni Nicole habang binubunggo-bunggo ang siko ko at sinundan ng asaran. Na naman.

"Oy mga chaka kayo, tigilan nyo yan!" pagsaway ni Angelo. Nginitian ko sya. Ang bait talaga ng bespren ko! Palagi akong sini-save. "Andito si Johan. Ayee! Hanglandi-landi."

Binabawi ko na ho ang sinabi ko. Huhu! Bakit ba palagi nalang ako yung niaasar nila?

"Bakit ako?" maang na tanong ni Johan at tumingin sa'kin.

Para kong namula. Sana di nya ma-gets ang pinupunto ni Angelo na crush ko sya.

"W-wala. Wag kang makikinig dyan kay Angelo."

"Ows? Kinikilig ka lang---" Hindi na natapos ni Angelo ang sasabihin nya. Tumigil ho kasi ang siga sa tapat namin.

Nakapabilog kami at kung paano nya tignan isa-isa ang mga kasama ko ay parang nagsasabing, "Ayaw nyo kong padaanin?!"

ARGH! Ang sarap nyang upakan, swear!

Nag-give way naman sila. Ako lang ang hindi at si Johan na katabi ko. Nasa gilid naman kasi kami kaya hindi nakaharang sa dadaanan nya.

Tumigil sya sa mismong harapan ko at nakikipagtitigan sa'kin.

"Ang lawak lawak ng daan dito ka pa talaga naki-epal, eno?!" sabi ko nang hindi pinapansin ang naririnig kong bulungan sa paligid.

"Anong sinabi mo?!" aniya ng may katamtamang lakas ngunit nakakapangilabot. Humakbang pa sya palapit kaya napaatras ko.

Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib nya at tinulak sya palayo kasabay ng pagsabing," Dun ka nga!"

"Later, sa backgate. Kapag hindi ka talaga pumunta, patay ka sa'kin!" Tinapunan nya muna ng tingin si Johan bago ako nilagpasan.

Umikot ako para makita syang naglalakad palayo. Hinablot ko ang bolang kanina pa hawak ni Carla at akmang babatuhin ang ulo nya. "Kailangan talaga may kasamang pananakot, ha?!"

Sana pala hindi ko nalang ginawa yun.

Tumigil sya sa paglalakad at dahan-dahang umikot paharap sa'kin. Muli syang naglakad palapit sa'kin nang may ngising naka-reshistro sa mga mata nya.

Napaatras naman ako at nabitawan ang bolang hawak ko. To the rescue si Angelo pati na rin yung apat; Andrea, Nicole, Carla at Irah. Todo hawak sila sa mga braso ko in a protective way. As if naman na kaya naming labanan ang lalaking yan?

Nang makalapit na si Demon, napaatras kami.

"OA naman nito. Di pa nga kita binabato dyan eh!" pangangatwiran ko na hindi maitago ang kaba.

"Ayun nga yung nakakaasar eh!" himutok nya. LOL. "Hindi mo pa ko binabato, tinamaan na ko sa'yo."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C26
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login