My Demon [Ch. 03]
Pagbalik ko sa room, tinaasan ako ng isang kilay ni Ma'am. "Bakit ang tagal mo?" May authority sa boses nya.
Sasabihin ko ba na dahil sa demonyo kaya ako natagalan?
Hindi ako nakasagot. Nakatayo lang ako sa unahan at nararamdaman kong pinanonood ako ng mga classmates ko. Okay lang yan. Close ko naman silang lahat eh. Hihi.
"Oh sya, mukhang umurong na ang dila mo," sabi nya. "Bumalik ka na sa upuan mo at magsisimula na ang ating pagsusulit."
Nagpasalamat ako kay Ma'am tapos bumalik na sa upuan ko. Filipino naman ngayon kaya sa likuran ni Johan ang pwesto ko.
"Okay ka lang? Bakit parang hinihingal ka?" Tanong nya pagkaupo na pagkaupo ko. Ahihihi. Concern ba sya? Gusto kong sagutin sya na, hindi lang ako hinihingal. Natatakot pa pero nginitian ko lang sya.
"Oo nga! Baklang 'to!" Bigla nalang may humila pababa ng buhok ko sa likuran ko. Sino pa ba? Edi si Angelo.
Hindi ko naabutan ang discussion pero masaya ako kasi nasagutan ko ang quiz na binigay sa'min ni ma'am. Nag-a-advance lesson kasi ako para always ready.
Nang lunch break na, nilapitan kami ulit ni Johan.
"Pwedeng sumabay sa lunch?" Tanong nya pa tapos ngumiti. Ack! Ang pogi nya talaga! Rawr!
"Oo naman yes." Si Angelo na ang sumagot. Ineenjoy ko pa kasi ang view sa mukha ni Johan eh.
"Tara na," narinig kong sabi ni Angelo at hinawakan ako sa kamay. Inalis ko naman yun at pinandilatan sya.
"Ano, hindi daw sya sasabay," sabi ko kay Johan at tinignan si Angelo. "Diba, Angel?" I gave him a "sumang-ayon-ka" look.
"Ah, oo. Kila Jasmine pala ko sasabay. Sige na, babush! Eat well!" Sunod-sunod na sabi nya.
Tinanguan ako ni Johan na parang sinasabing, "Let's go". Ngumiti ako ng pagkatamis tamis at sumunod maglakad sakanya.
Nakakailang hakbang palang ako, may humila na sa'kin sa braso ko. "Pasalamat ka, binigyan ako ng turon ni Mamu!" Natawa nalang ako sa sinabi ni Angelo at binelatan sya.
"Ako nalang bibili ng foods natin. Ano bang gusto mo?" Para kong natauhan sa sinabi ni Johan.
Wala sa sarili akong umupo sa upuan sa table na napili naming pagpwestuhan.
Trenta pesos lang ang pera ko. Mala-ginto pa naman ang mga paninda dito sa canteen. Huhu! Tubig lang ata ang mabibili ko sa pera ko. Nakalimutan ko pa naman ang pagkain ko sa bag. Ba yan! Kung minamalas ka nga naman oh!
Ano ba kasing naisip ko para ipagtabuyan si Angelo? Wala tuloy akong savior. Wala rin akong cellphone para i-text ang baklang yun. Pa'no na yan?
"Soyu," Johan's voice snapped me back.
"Ay sorry. Ano . . . uh . . . tubig nalang?"
"Huh? Mabubusog ka ba nun?"
"Hindi, may pagkain naman kasi ako sa bag. Nakalimutan ko lang."
"I see," he said habang tumatango. "Sige, bibili na ko."
Tumango nalang ako at pinatong sa lamesa ang braso ko. Pinaglaruan ko yung mga daliri ko. Napansin kong hindi pa umaalis si Johan kaya inangat ko ang ulo ko para tignan sya. Nakatingin din sya sa'kin at nakangiti.
Nailang naman ako kaya tumingin ulit ako sa mga daliri ko. "Bakit? May . . . may dumi ba ko sa mukha?" tanong ko nang hindi sya tinitignan. Nakatingin lang ako sa mga daliri ko.
"Wala," sagot nya. "Ang cute mo talaga." Nagulat nalang ako nang pinisil nya ang pisngi ko.
OHW. EWM. GEW!
Napahawak nalang ako sa pisngi ko na pinisil nya atsaka nilibot ang tingin para makita sya. Nasa counter na sya at kumukuha ng tray.
I sighed deeply while watching his moves. Who anybody else out there ang hindi ma-a-attract sa ganyang klaseng nilalang? Napakabait, gentleman at napakagwapo. He has everything that every girl could wish to have.
Kung mangangarap ako na magka-boyfriend, sya na yun at wala ng iba.
He's like an angel sent from above. Hihi!
Bago pa ko magka-stiff neck at bago pa nya ko mahuli na sinusundan sya ng tingin, umayos na ko ng upo.
Yumuko ako at pinagmasdan ang kwintas na niregalo sa'kin ni Papa. Silver chain at may butterfly pendant na may naka-engrave na "Soyunique".
Pinatong ko ang baba ko sa table kasi wala akong magawa. Nilibot ko ang tingin ko hanggang sa masagip ng mga mata ko ang demonyo sa lupa.
Nasa pwesto sya malapit sa glass wall na sa tingin ko ay pang-VIP dahil couch ang kinauupuan nila at wala silang katabing ibang tables. Solo lang nilang dalawa. Yes, dalawa silang kumakain. Lalaki ang kasama nya at gwapo din. Hindi pala, sobrang gwapo din.
Kilala ko yun eh! Sya si Ployj, ang lalaking kinahuhumalingan ng mga classmates kong babae. Isama mo na rin si Angelo. Sya yung sinasabi nilang "Mr. Prince Charming without tounge". Hindi daw kasi yan palasalitang tao.
Halata nga eh. Kasi wala ni isa sa kanilang dalawa ang nagsasalita. Kain lang sila ng kain. Is he always in a sullen mode? But wait, magkaibigan ba sila? Kung oo, yung demonyong kasama nya ang isa pa sa kinababaliwan ng iba kong classmates. Tawag nga nila dun, "Mr. Bad boy love". Ano nga bang pangalan nun? Layre ata eh. Ay, Liar ata. Ah ewan!
Basta bad boy daw yun at parang nakakatakot daw lapitan which is napatunayan ko kanina lang na veeery true. But then, love pa rin daw nila. Like, eww! Maghahanap nalang sila ng guy, yung demonyo pa.
Mabuti pa ko, "Mr. Angel sent from above" ang crush ko. Hihi!
Maya-maya, may tatlong babae ang lumapit sa pwesto nilang dalawa.
Hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila basta nagtutulakan yung tatlong babae. Then, pinahawak nung isang babaeng kulot ang dulo ng hair kay a.k.a Mr. Prince Charming without tounge yung cellphone nya. Tinanggap naman nya yun. Obviously, pinikturan nya yung tatlong babae kasama yung demonyo na hindi manlang tumingin sa camera. Nakatingin lang sya sa pagkain nya.
Nagtulakan na naman ang tatlong babae. Kinikilig ata. Tapos pinahawak naman nila ang cellphone sa demonyo then lumapit sila kay Mr. Prince Charming without tounge na kasalukuyang umiinom ng iced tea.
Kitang-kita kong ngumiti at nag-pose na ang tatlong babae. Tumingin sa kanila yung demonyo. Hindi ko masyadong makita ang buong mukha nya kasi naka-side view sya pero sure ako na naka-bored look sya. Yung isang kamay nya, may hawak ng cellphone ng babae. Yung isa, nakahawak sa tinidor nya.
"Game, Keyr!" Malakas na sabi nung isang babae. Todo pose na kasi sila pero hindi pa sila kinukuhaan ng picture nung Keyr daw. Keyr pala. Ang layo sa Liar. Haha!
Nag-gasp ang mga tao kasama ako nang ibato ni Keyr yung cellphone nung babae. Yung owner naman ng cellphone, nanigas sa kinatatayuan nya habang yung dalawang lalaki ay walang pakialam. Parang walang nangyari lalo na dun sa Keyr na yun.
Grabe sya! Ang ganda nung cellphone nung babae tapos kung makabato sya . . . palibhasa kasi maraming pera. Ako nga, walang cellphone tapos sya nambabato nalang?! Worst, hindi pa sakanya ang bagay na yun.
Nagsimula ng magbulong-bulungan ang mga tao. Napakasama ng lalaking yun! Sya na ang hari ng mga bully! Walang pinipili. Mapalalaki man o mapababae.
Natauhan ako sa mahinang tunog ng tray na lumapag sa table. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Johan na naka-frown habang kumikilos paupo sa upuan across mine.
As I stared down, my brow automatically rose. Bakit ang dami nyang binili? Ganyan ba sya katakaw?
Kumuha sya ng tubig mula sa tray at nilagay sa tapat ko.
"Thank you," I muttured.
"Not yet done," he stated then retrieved some plates with I-don't-know-what-kind-of-food-it-is basta ang alam ko, masasarap at sobrang mahal nun. Magkakautang pa ata ako nito.
"Johan," tawag ko sa pangalan nya.
"Yes?" Tanong nya habang inaayos ang mga pagkain sa tapat ko.
"Pwedeng bukas na kita bayaran?" Dudukot nalang ako sa alikansya ko mamayang gabi para ipangbayad sakanya.
He chuckled that made my heart melt. Charot!
"Libre ko na yan. Ang cute mo kasi eh." He smiled that made my heart melt even more. Charot ulit! Hihi!
Nag-thank you ako sa kanya then nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain, sinusulyapan ko si Johan. Para syang appetizer na lalong nagpapagana sa'kin kumain.
Isang pinggan lang yung sakanya pero sa'kin ang dami. What does he hella think of me? A pig? Hoho! Joke lang.
I wanna ask him what kind of food I am eating at but I chose not to. Baka isipin nya ang inosente ko naman which is true. Mukha kasing pang-restaurant na pagkain ang nilalamon ko ngayon at hindi ordinaryong pagkain na hinahain sa bahay.
Tinignan ko ang pagkain na sumunod na plate. Mukha syang chicken nadgets tapos may repolyo na nasa gilid. Design lang ba yan o pwede ring kainin?
In the end, kinain ko rin pati yung carrots na naka-shape na bulaklak.
"Gusto mo pa?" Tanong ni Johan. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala sya tapos kumain at pinapanood nalang nya ko ngayon. Er, nakakahiya.
"Di na. Busog na busog na ko eh. Salamat, ah?"
Ngumiti lang sya. Uminom na ko ng tubig at pagkababa ko ng baso sa lamesa, automatic na nagpunta ang paningin ko sa spot kung nasaan ang King of Bully na si Keyr na mukhang demonyo.
Umiinom din sya ng juice na kulay pula. Strawberry ata ang flavor o baka cherry. Tch. Paki ko ba sa kung anong nilalaklak nya?
Hindi ko alam kung bakit pero nalaman ko nalang na pinapanood ko na sya habang umiinom ng kung ano mang juice na yun. Nagtaas baba pa ang adam's apple nya.
Pagbaba nya ng glass nya, pinunasan nya ang bibig nya gamit ang table napkin.
I glanced down at our table para malaman kung may table napkin din pero wala. Meron lang tissue na nakalagay sa stainless thingy na nasa center ng table. Ang daya!
Tumingin ulit ako kay Keyr, tumitingin-tingin sya sa paligid (naka-bored look pa rin) hanggang sa magtagpo ang mga tingin namin.
Naramdaman kong nanlaki ang mga mata ko pero di ko magawang umiwas ng tingin. Waah! May spell ba sya na nag-uutos sa mga mata ko na sa kanya lang dapat tumingin?
He smirked, touched the side of his lips (na alam kong doon sa parteng yun ko sya nasuntok) then I saw he clenched his fist which is nakapatong sa table.
"Soyu? Bakit parang namumutla ka?" Rinig kong tanong ni Johan pero hindi ko sya tinignan. Pero kahit ganun, ramdam ko ang pag-aalala sa boses nya. Gusto kong kiligin pero nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko.
"Soyu?" Pagtawag ulit ni Johan sa'kin at naramdaman ko ang mainit nyang palad sa kamay ko.
Pasama ng pasama ang tingin sa'kin ng demonyo sa lupa kaya hindi ko na kinaya. Tumayo agad ako at nagsisigaw ng, "Waaah! May demonyo!" habang tumatakbo palabas ng cafeteria.